Sie sind auf Seite 1von 2

Ang Bahaghari at ALMABA ay may iisang layunin at ito ay tulungan ang

magsasaka. Ngunit ang Bahagahari ay wala na at ang ALMABA naman ay nanatili na


lamang isang organisasyon na hindi na makakakilos dahil wala silang pondo. Ang
dalawang organisasyon ay iniisip ang kapakanan ng nila magsasaka. Pero bakit parang
wala na sila? Sa dahilan ba ng kawalan ng pondo.
Ang ALMABA na nananatili pa rin nandiyan ay hindi na matibay ang kanilang
pundasyon para makamit ang kanilang layunin. Tumutulong pa rin sila pero parang hindi
mo na makikita ang organisasyon bagkus parang isang tao na lang ang gumagalaw.
Pagtinanong mo ang mga magsasaka kung may organisasyon sila ay sasabihin nilang
wala. Hindi napalawak ng ALMABA ang pagkakaroon nila ng kasapi sa kanilang
organisasyon kundi nanatili pa rin ang dati nilang miyembro. Ngunit may nakikita naman
kaming isang gawain ng ALMABA. Sa bahay ni tatay Mading ay may lumapit na tao
para humingi ng tulong tungkol sa kanilang lupa. Nag-usap sila doon ng matagal at
nagkamayan. Makikita mo doon sa kamayan ang suporta ni tatay Mading at bilang
pangulo ng ALMABA ay gayundin siguro ang suporta ng mga miyembro nito. Ang
ALMABA naman talaga ay pinaglalaban ang pagmamay-ari ng lupa. Kaya nga si tatay
Mading ay tinutulungan at sinusuportahan si tatay Sisinando Yuga para mapasakanya na
ang kanyang lupang sinasakahan. Sa tanda na kasi ni tatay Sisinando at tagal na rin ng
pagsasaka sa lupang iyon ay hindi niya pa ito pag-aari. Hindi kagaya ng iba na kahit ka
bagu-bago ay meron ng lupa. Siguro’y ipagpapatuloy ito tatay Mading kahit
magkakaroon ng kawalan ng pondo sa kanilang organisasyon.
Sa Bahaghari na matagal ng wala ay hindi mo na talaga makikita ang
organisasyong ito. Parang nawala siya na parang bula. Hindi mo na mapapansin na may
ganitong organisasyon pala. Siguro dahil sa tagal na nitong hindi na aktibo. Hindi mo na
makikita na may nagpapatuloy ng layunin ng organisasyon. Nawala siya ng nawala na
rin ang organisasyon.
May 11, 2007 I woke up 7:00 in the morning. Then, ate breakfast and take a bath

Das könnte Ihnen auch gefallen