Sie sind auf Seite 1von 1

Alitaptap Sa Dagat

Sa maghapon, pagal na katawan ay hinihimlay Mula sa magdamag na pakikipaglamay Sa gitna ng madilim at malamig na laot na ikinabubuhay Upang mabigyan ng buhay ang pamilyang sa aplayay naghihintay. Sa pagsapit ng takip-silim, panibagong lakas ay muling ihahanda Tulad ng lambat at sagwan na sama-samang lulan ng bangka, Muli ay papalaot upang manghuli ng maraming isda Na siyang ihahain ni inay sa masayang hapag ng pag-asa. Sa gabi ay natatanaw ang kanilang mga bangka mula aplaya Liwanag na nagmumula sa kanilang mga gasera, Waring mga alitaptap na nagbibigay liwanag at pag-asa Sa gitna ng madilim at malamig na laot ng buhay na dinaranas nila.

Das könnte Ihnen auch gefallen