Sie sind auf Seite 1von 4

Lorshiel Anne F.

Tusing
Ika-4 na taon Mrs. Belina

PANiMULA
Sa panahon ngayon , hindi maitatangging tunay na laganap ang paghithit ng sigarilyo sa Pilipinas. Kung ating mapapansin , halos lahat ng sulok ng ating bansa ay talamak ang pagbebenta at pagamit ng sigariyo , mapaartista man o propesyunal , doctor man o tambay sa kanto ay kabilang sa populasyong ito. Kahit ang mga mahihrap o mga taong gumagapang na lang para sa pagkain nila sa araw-araw ay maaari ring malakas manigarilyo. Dahil sa mga gawaing ito , hiindi na natin mapagkakaila na tularan sila ng mga kabataan . Ang paninigarilyo ng mga kabataan ay maituturing isa sa mga isyung hinahanapan ng solusyon. Taon-taon tumataas ang rate ng mga nalululong sa mga bisyong ito. Dagdag pa dito na parami ng parami at pabata ng pabata ang sumusunok manigarilyo. Patuloy parin itong ginagawa kahit na maraming solusyon at batas ang isinasagawa at isinasakatuparan para labanan o di kayay maibsan ang paglaganap ng gawaing ito. Ang isinulat kong pamanahong papel na ito ay nagbibigay atensyon sa mga karanasan ng mga kabataang Pilipino na naninigarilyo , kabilang na rito ang kanilang mga dahilan at pananaw ukol sa paninigarilyo pati na rin ang pagbabagong naidulot nito sa kanilang buhay. Napakaloob dito ang mga suhestyon at paglutas sa problemang ito .

LAYUNiN
Nais makamit sa pag-aaral na ito ang sumusunod na layunin ; paglalahad ng mga impormasyon tungkol sa mga kalagayan ng mga kabataang Pilipino kaugnay sa paninigarilyo ; pagtatalang mga dahilan at salik na nakaapekto sa mga desisyon nila para manigarilyo at mga epekto ng paninigarilyo sa kanila lalo na kung bata pa lamang ay nagsisimula na sila sa ganitong bisyo ; at pagbibigay ng solusyon upang makatulong sa mga nais tumigil sa kahibangang ito .

I.

Mga Kaugnay sa Babasahin


Kalagayan ng Paninigarilyo sa Pilipinas

A.

Nagkalat na sa ating komunidad na ngayon ang mga kabataang naninigarilyo . Nakalahad ditto ang ilang impormasyon tungkol sa mga kabataang naninigarilyo Sa Pilipinas .

14 na milyon na ang bilang ng mga kabataang naninigarilyo ngayong taon na nasa 13 hanggang 15 taong gulang ; tumaas ng 5 milyon mula sa higit na 9 na milyon lamang noong 2oo3 . 1o Pilipino ang namamatay kada oras dahil sa mga sakit na epekto ng paninigarilyo . Ang mga kabataan ay nagsisimula sa edad na pitong (7) taon . Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang . Sa mga sumusunod na bahagi ng pag-aaral na ito ay ipapakita ang ilang mga dahilan kung bakit hindi maiwasan sa ating lipunan ang bisyong ito .

B.

Dahilan kung Bakit Naninigarilyo ang mga Kabatan .

Sa bawat mga batang naninigarilyo ay mayroong sari-sariling kwento na maaring naging dahilan kung bakit nila nagawa ito . Kahit pare-pareho sila ng edad sa paninigarilyo , iba-iba parin ang dahilan. Ilan na rito ay ang : estado o kalagayang sa buhay ; nahawa sa magulang, sa kapatid at sa mga kamag-anak ; kakulanagan sa suporta ng magulang ; peer pressure ; mahina ang loob sa paglutas ng problema ; pampalipas ng oras ( stress reliever ) ; mura lang ito at makikita sa bawat sulok ng kalye. Hindi limitado ang mga dahilang ito sa paninigarilyo ng kabataan dahil ang mga desisyon nila ay subhektibo .

C.

Mga Nilalaman ng Sigarilyo na Nagdudulot ng Pahamak

Ang sigarilyo ay may ibat-ibang uri ng kemikal na ginagamit sa pangaraw-araw na buhay sa pamamagitan ng insecticide ( nicotine ) , ginagamit sa lason ( arsenic ) hanggang sa mga kilalang kemikal na sanhi mng kanser . Ang mga sumusunod ay pangunahing kemikal na sumisira ating kalusugan .

Nicotine

Ang nikotina ay isang alkaloid na matatagpuan sa nightshade plants partikular sa tabako plant na tinatawag ding Nicotiana tabacum. Ang nicotine ay mabilis na pumapasok sa katawan. Mula sa baga, dumadaan ito sa bloodstream at sa loob ng pito hanggang sampung segundo ay pumapasok sa utak. Ang reaction ng utak sa nicotine ang nagdudulot ng nicotine addiction. Mabilis din ang reaksyon ng puso sa nicotine. Nagdudulot ito ng pagtaas ng blood pressure at pagbilis ng pulso. Bumababa rin ang blood supply sanhi ng pagliit ng arteries. Bukod dito, nababawasan ang panustos ng oxygen sa cells dahil sa carbon monoxide ng sigarilyo. Dahil dito, ang nicotine ay ang tinuturong pangunahing sanhi ng cardiovascular disease at heart attack sa mga naninigarilyo. Ang nicotine ay may kaparehong addicting qualities ng heroin at cocaine. Kapag pumasok ito sa utak, binabago nito ang natural na pagproseso ng dopamine. Ang tuluyang paghinto sa paninigarilyo ay nagdudulot ng withdrawal symptoms katulad ng pagka-irita, pagkabahala, pagkabalisa, depresyon, at pagtaas ng timbang, dahilan upang marami ang magkaroon ng smoking relapse. Sa matinding kaso ng nicotine addiction, kinakailangan ng mga pharmacological at behavioral treatments. May ilang kaso naman na hindi na nangangailangan ng medical intervention. Tar

Ito ay isa sa mga nagdudulot ng kanser sa mga naninigarilyo . 95 % ng insidente ng lung cancer ay nag-uugat pagkalanghap ng tar . Kapag sumobra ang exposure sa kemikal na ito , naninigarilyo man o hindi ay mahkakaroon ng malaking posibilidad na magkaroon ng kanser sa baga. Carbon Monoxide

Pinapalitan nito ang oxygen na nakakasama sa kalusugan ng tao ; mauubusan ng supply ng oxygen sa katawan na magdudulot ng pagkahina ng mga ugat at tissue na kapag hindi nabigyan ng sapat na hangin ay mamamatay hanggang ang indibidwal ay mamatay rin . Ito ay nagdudulot ng pagsikip ng daluyan ng dugo na dahilan ng mga komplikasyon sa puso .

Das könnte Ihnen auch gefallen