Sie sind auf Seite 1von 8

Ika 9 na presidente ng Pilipinas

Programa sa Reporma sa Lupa -Lahat ng may-ari ng lupa na natatamnan ng bigas at mais ay inutusang hatiin ang labis nilang lupain. Ito ay ibibigay sa mga magsasakang walang lupa na kanilang babayaran sa pamahalaan sa loob ng labinlimang (15) taon. Proyektong Imprastruktura -Maraming mga patubig, daan at tulay ang naipatayo noong administrasyong Marcos. Kabilang dito ang Maharlika Highway, Marcos Highway at San Juanico Bridge. Dahil dito, tinawag siya bilang "The Architect of the New Society .

Green Revolution -Itinaguyod ni Pang. Marcos ang pagsasaliksik sa mga bagong paraan para sa pagpaparami ng pagkain . Ipinag-utos niya ang paggamit ng miracle rice na kayang magbunga ng mahigit 100 kaban ng palay sa bawat ektarya ng lupa. Paglinang sa Kulturang Pilipino -Sa pangunguna ni Gng. Imelda Marcos, naitayo ang Cultural Center of the Philippines at Folk Arts Theater . Layunin ng mga proyektong ito na makilala sa buong mundo ang sining ng mga Pilipino.

Noong taong 1981 ay nagpasyang bumalik si Ninoy ng Pilipinas galing Estados Unidos ,kahit marami sa mga kaibigan niya ang tutol dito. Noong Agosto 21,1983 ay pinaslang si Ninoy habang papalabas palang siya ng eroplano sa Manila International Airport.Nagdulot iyon ng malaking galit sa mga pinoy at maraming kilos protesta ang sianagawa ng mga tao. Humina ang administrasyong Marcos at humina rin ang karamdaman ni Marcos dahil sa sakit niya na Lupus.

Dahil sa patuloy na pagdududa ng mamamayan ay isinagawa ni Marcos ang payo ng mga opisyal na taga Washington, Ang Snap Election o biglaang halalan. Ang kalaban ni Marcos noon ay si Corazon Aquino. Nang mangyari ang eleksyon ng ika 21 ng Agosto,taong 1986 ay naging pinakakontrobersyal na pangyayari na iyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Sa huli ay nanalo si Cory dahil 29 na computer technician ang nag walk-out bilang protesta sa sapilitang pagmanipula ng mga boto para lumabas na si Marcos ang nanalo.

Dahil sa pandaraya ni Marcos sa eleksyon ay nagbalak ang mga ilang sundalo sa pamumuno ni Juan Ponce Enrile na pabagsakin ang pamahalaang Marcos. Ngunit nalaman ni Marcos ang balak nila at agad inutos na ipadakip ang mga pinuno nito. Humingi ng tulong sa Enrile kay AFP chief of staff na si Lt.Gen. Fidel Ramos. Agad pumayag at nagbitiw sa puwesto sa Ramos at sumporta sa mga rebeldeng sundalo. Humingi din ng tulong si Enrile sa Arsobispo ng maynila na si Jaime Cardinal para sa suporta.

Noong madaling araw ng Pebrero 24, Nagkaroon ng matinding bakbakan ang mga loyalista at mga rebelde. Mahigit kumulang na 3,000 marines ang kumobkob sa silangang bahagi ng kampo Aguinaldo. Noong araw din iyon ay inatasan sa Sangley point sa Cavite ang mga helikopter na pinamumunuan ni Major General Antonio Sotelo na pumunta sa kampo krame. Lihim na bumaligtad ang nasabing grupo at kaysa atakihin ang ang kampo krame ay lumapag sila doon.

Kinausap ni Marcos ang senador ng Estados Unidos na si Paul Laxant para humingi ng payo mula White house. Pinayuhan siya ni Laxant ng cut and cut cleanly na ikinalungkot ni Marcos. Bandang hapon ay kinausap naman ni Marcos si Enrile para sa kanyang ligtas na paglisan at ng kanyang pamilya. Pumunta si Marcos at ng pamilya sa Clark Airbase sa Zambales ng bandang ikasiyam ng gabi para sa kanilang paglisan patungo Hawaii. Maraming tao ang nagsiyahan at pinasok ng mga demonstrador ang Palasyo ng Malakanyang at marami ang nagsilibot sa loob ng isang lugar na kung saan binago ang kasaysayan ng Pilipinas.

Das könnte Ihnen auch gefallen