Sie sind auf Seite 1von 6

ALITAPTAP

Ni Charlene Clara P. Domignuez


Siyam na taon ang nakaraan sa bayan ng San Felipe, may batang babaeng nagngangalang Arlene. Si Arlene ay nagmula sa mahirap na pamilya. Ang nanay at tatay niya ay nagtatrabaho sa isang mayamang pamilya. Sapat lamang sa pang araw-araw na pangangailangan nila ang kinikita ng kanyang mga magulang. Pinag-aaral siya ng mga ito sa pribadong eskwelahan. Ginagawa ng kanyang mga magulang ang lahat makapag-aral lamang siya sa pribadong paaralan. Rumaraket ang mga ito para sa pandagdag na gastusin. Mabait at masipag na anak si Arlene. Madalas siyang tumutulong sa gawaing bahay. Kapag wala siyang ginagawa ay dinidiligan niya ang mga halaman, nagwawalis sa kanilang bakuran, at kung anu-ano pa. Sampung taong gulang pa lamang siya ngunit marami na siyang alam na gawin.

Si Arlene ay mayroong matalik na kaibigan. Ang lalaking ito ay si Josh. Nagtatrabaho ang mga magulang ni Arlene sa mayamang pamilya nila Josh. Isang taon lamang ang tanda ni Josh kay Arlene. Sa unang tingin mo kay Josh ay iisipin mong anak mayaman talaga siya sapagkat ang itsura niya ay may pagkamestiso, maayos at malinis manamit, at kahit hindi mo siya lapitan upang amuyin ay matitiyak mo sa kanyang itsurang siya ay mabango.

Ang matalik na magkaibigang si Josh at Arlene ay mahilig sa musika. Pangarap ng dalawang bata na kapag sila ay tumanda na ay makapagtaguyod sila ng isang banda at sisikat ito sa buong mundo. Habang tumutugtog si Josh ng kanyang gitara, si Arlene naman ay sinasabayan ito ng pag awit. Madalas nila itong ginagawa tuwing hapon sa bakuran nila Arlene. Minsan ay inaabutan sila ng dilim. Sa tuwing sila ay ginagabi na, sila ay masayang masaya sapagkat nakakahuli sila ng mga alitaptap at ikinukulong nila ang mga ito sa isang lalagyan. Masaya nilang pinagmamasdan ito. Para sa dalawang bata , ang mga alitaptap na iyon ay parang mga bituin na bumaba mula sa langit.

Isang araw, ng sinundo si Josh ng kanyang mga magulang mula sa eskwelahan, naaksidente sila sapagkat nawalan ng preno ang kotseng sinasakyan nila. Hindi tumagal ay sumabog ang kotse. Nalaman ito ni Arlene dahil kumalat ito sa buong bayan at nagging usap usapan. Natuliro ang batang si Arlene. Umiyak siya ng umiyak dahil sa sobrang kalungkutan na kanyang nadarama. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Nawala ang taong pinakamalapit sa kanya. Sa mga sumunod na araw ay madalas pa rin siyang umiiyak. Minsay hindi na siya nakakakain dahil hindi pa rin niya tanggap ang pangyayari. Pagkalipas ng ilang buwan ay onti- onti na niyang natatanggap ang pagkawala ng kaibigan.

Ilang taon na ang lumipas at si Arlene ay nasa sekondarya na ng pag-aaral. Sa pampublikong paaralan na lamang nag aaral si Arlene sapagkat wala ng trabaho ang kanyang mga magulang at ubos na ang ipon dahil nga namatay ang pamilyang pinagtatrabahuhan ng mga magulang niya. Sa araw-araw ay naiisip pa din ni Arlene ang kanyang matalik na kaibigan. Pakiramdam niya ay may kulang sa pagkatao niya. Nangungulila siya ng sobra sa pagkawala ni Josh. Tila kahit gustuhin niyang magkaroon ulit ng matalik na kaibigan ay hindi niya magawa dahil natatakot siyang mawalan pa ulit ng kaibigan at para sa kanya ay nag iisa pa din si Josh. Nagkaroon ng mga bagong kaibigan si Arlene sa ekswelahan ngunit hindi niya itinuturing ang mga ito tulad ng pagtrato niya kay Josh noon. Minsay nakikita ng kanyang mga kaibigan ang lungkot sa kanyang mga mata. Alam ng mga kaibigan niya ang nangyari sa kanyang nakaraan kaya naiintindihan ng mga ito kung bakit ganoon si Arlene. Sa tuwing gusto niyang maramdaman ang presensya ni Josh, pumupunta siya sa bakuran nila tuwing gabi. Nanghuhuli siya ng mga alitaptap upang pagmasdan ang mga ito. Iniisip niya kung buhay pa sana si Josh ay hindi sana siya mag isang nagmamasid sa mga ito.

Sa bilis ng panahon si Arlene ay ngayoy nasa kolehiyo na. Baguhan pa lamang siya sa unibersidad at wala pang kakilala. Mag isa lamang siyang kumakain sa eskwelahan tuwing tanghalian. Minsany

naiisip niya nandoon sana si Josh upang samahan siya at pasayahin siya. Sa eskwelahang iyon, obligado silang maging parte ng isang organisasyon. Sumali si Arlene sa isang organisasyong tungkol sa musika. Ipinasa niya ang application form sa pinuno ng organisasyon na si Joseph. Pinakanta siya ng pinuno at kaagad siyang tinanggap nito dahil sa ganda ng kanyang boses. Ang organisasyong iyon ay nakakatulong na mapaganda pa ang kanilang boses at mapahusay ang kanilang mga talento. Madalas na tinututukan ng atensyon ni Joseph si Arlene hangang sa naging malapit sila sa isat isa.

Tuwing tanghalian ay si Joseph na ang kasama ni Arlene. Dahil nauna ng isang taon si Joseph na nag-aral sa unibersidad kaysa kay Arlene, si Joseph ang tumutulong kay Arlene upang malaman kung anuano ang mayroon doon. Inililibot niya si Arlene sa ibat ibang lugar. Habang sila ay nagkwekwentuhan sa may bench, may ipinakita siyang pick ng gitara kay Arlene. Nagulat si Arlene sapagkat ang pick na iyon ay katulad na katulad ng pick ni Josh noong sila ay bata pa. Kaya pala naisipan ni Joseph na ipakita iyon sapagkat gusto niyang tiyakin kung si Arlene bang nakakausap niya at nakakasama niya ay ang kanyang kababata. Dahil nung una pa lamang niyang nakita ang application form ng babae ay naghinala siya. Ng magulat si Arlene, itinanong niya agad kung saan nakuha ni Joseph ang pick na iyon. Sinimulang ikwento ni Joseph ang nangyayari sa kanyang nakaraan.

Alam mo Arlene siyam na taon ang nakaraan nang maaksidente kami, nawalan ng preno ang kotseng sinasakyan namin. Bago sumabog ito ay nakalabas na ko ng kotse. May mag asawang umampon sa akin dahil awang awa sila sa akin noon. Iniba nila ang aking pangalan na Josh at ginawa nila itong Jospeh dahil para sa kanila bagong buhay na dapat ang aking harapin at bagong pagkatao na ang dapat mayroon ako. Gusto kitang hanapin noon ngunit di ko magawa dahil bata pa ako noon at hindi ko alam kung paano. Kung alam mo lang sana kung gaano ako nangulila sayo. Hindi makapaniwala si Arlene sa sinabi ng lalaki. Tila di siya makapagsalita at bigla na lamang naluha. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking iyon pala ay ang dating nagbibigay ny kasiyahan sa kanya. Niyakap nila ang isat isa. Naluha rin ang lalaki dahil sa wakas ay pinagtagpo pa rin sila ng tadhana. Simula ng araw na iyon ay sinusulit na nilang dalawa ang oras sa araw-araw na silay magkasama. Pumapasyal sila sa ibat ibang lugar. Hindi nagtagal ay naging magkasintahan sila. Dahil naisip nila na higit na pala sa pagkakaibigan ang nararamdaman nila para sa isat isa.

Itinuloy ni Arlene at ng kanyang kasintahan na si Joseph na nooy si Josh, ang kanilang mga pangarap nung silay mga bata pa. Itinaguyod nila ang isang bandang si Joseph ang gitarista at si Arlene ang bokalista.

Pinangalanan nila ang bandang ito na Alitaptap. Nakilala ang kanilang banda sa ibat ibang lugar at tinangkilik ng lahat ang kanilang mga kanta.

MAY AKDA

Ako si Charlene Clara PeaDominguez. Ang naging inspirasyon ko sa pagsulat ng kwentong ito ay ang ibat ibang storya na nabasa ko tungkol sa pag-ibig mula sa ibat ibang libro at ang mga kaibigan ko na nagbibigay ideya sa akin. Isinulat ko ito sapagkat sa tingin ko bihira mangyari ang ganitong istorya sa realidad. Natuwa ako sa resulta ng aking isinulat sapagkat hindi ko inakala na magiging maganda ito. Sa mga taong makakabasa nito, sanay matuwa kayo sa istoryang aking nagawa.

Das könnte Ihnen auch gefallen