Sie sind auf Seite 1von 5

http://www.joserizal.ph/in01.

html

"There can be no tyrants where there are no slaves." "It is a useless life that is not consecrated to a great ideal. It is like a stone wasted on the field without becoming a part of any edifice."

Pambansang Kumperensiya: Batas Rizal Ang R.A. 1425 sa Loob ng 50 Taon


Malugod po namin kayong inaanyayahang dumalo sa Pambansang Kumperensya tungkol sa ika-50 taon ng Batas Rizal, na pinamagatang ANG R.A. 1425 SA LOOB NG 50 TAON. Ito po ay idaraos sa Hunyo 19, 20 at 21, 2006 sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Lungsod Quezon, sa pagtataguyod ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Kolehiyo ng Arte at Literatura, National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Knights of Rizal, Inc., Sa pangkalahatan, layunin nito na: 1. malagom ang implementasyon ng Batas Rizal sa sistemang pang-edukasyon simula 1956 tungo sa mabisang pagpapatupad pa nito; at mula ritoy makahalaw at makapagmungkahi ng mabisang pagtuturo ng buhay at mga sulatin, partikular ang dalawang nobelang Noli at Fili, sa anyong modyul at iba pang kaparaanan. 2. makapagdulot ng napapanahong kaalaman mula sa bagong pagtanaw at pananaliksik hinggil sa pambansang bayani; at 3. mapalakas ang ugnayan sa lebel na indibidwal at institusyonal sa hanay ng mga kalahok hinggil sa layunin ng kumperensya. Mayroon po itong registration fee na PhP 3,000 bawat delegado, para sa kit ng kumperensya (na naglalaman ng programa, abstrak ng papel at iba pang materyal), meryenda at pananghalian sa loob ng tatlong araw at sertipiko ng pagdalo. Bagaman magbabayad ang mga delegado para sa kanilang akomodasyon, gagawa po ng kaukulang arrangements ang mga tagapag-organisa ng kumperensya sa mga dormitoryong nasa loob ng UP Campus na maaari nilang tirahan. Ilan po dito ay ang UP Alumni Hostel, University Hotel at NISMED Dormitory. Isang opsyonal na lakbay-aral ang isasagawa sa mga makasaysayang lugar at museo ng Intramuros, Maynila sa ika-22 ng Hunyo, at sa mga samahang Rizalista

sa Bundok Banahaw, Dolores, Quezon sa ika-22 hanggang 23. Nagkakahalaga po ng PhP 250.00 ang sa Intramuros, kasama na po rito ang transportasyon, mga entrance fee sa museo at 2 meryenda; samantala, PhP 1,500 naman po ang sa Banahaw, kasama na rin po ang transportasyon, pagkain, tulugan at tagapagpadaloy. Para sa mga dadalo sa kumperensyang ito, mangyari lang pong tingnan ang kalakip na DepEd at CHED Memo at programa ng kumperensya. Para sa mga reserbasyon, ipadala po lamang sa lalong madaling panahon ang inyong reply slips via Telefax 929-0113 o sa mga email address na ito: nilocam@yahoo.com (Dr. Nilo Ocampo, Pangkalahatang Tagapangasiwa), potopotfs@yahoo.com (Dr. Ramon Guillermo), karloiniego@yahoo.com (Prop. Florentino Iniego, Jr.), at lanieabad@yahoo.com (Prop. Melania Abad). Maaari ninyo rin po kaming makontak via SMS sa celfone no: 09186379937 (Prop. Mary Jane Rodriguez) o 09177920799 (Dr. Nilo Ocampo). Maaari ring bisitahin ang website ng kumperensiya: www.batasrizal.blogspot.com para sa iba pang impormasyon. Inaasahan po namin ang inyong pakikibahagi sa gawaing ito. Magkita-kita po tayo sa Hunyo. Lubos na sumasainyo, Nilo S. Ocampo, Ph.D. Pangkalahatang Tagapangasiwa Pambansang Kumperensya sa RA 1425

DepEd Advisory No. 35, s. 2006


DepEd ADVISORY No. 35, s. 2006 In compliance with DECS Order No. 28, s. 2001 This advisory is issued for the information of DepEd Officials and personnel February 7, 2006 PAMBANSANG KUMPERENSIYA SA REPUBLIC ACT 1425 (BATAS RIZAL) Ang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP), Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL), Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (UPD) ay magdaraos ng Pambansang Kumperensiya ukol sa ika50 taon ng Republic Act 1425 (Batas Rizal) sa Hunyo 19-21, 2006 sa Pulungang Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, Lungsod Quezon. Ang sumusunod ay mga layunin ng pambansang kumperensiya: a. malagom ang implementasyon ng Batas Rizal sa sistemang pang-edukasyon simula 1956 tungo sa mabisang pagpapatupad nito; b. makahalaw at makapagmungkahi ng mabisang pagtuturo ng buhay at mga sulatin, partikular ang dalawang nobelang Noli at Fili, sa anyong modyul at iba pang kaparaanan, mula sa mga karanasan ng mga guro at espesyalista sa ibat ibang antas at larangan; c. makapagdulot ng napapanahong kaalaman mula sa bagong pagtanaw at pananaliksik hinggil sa pambansang bayani; d. mapalakas ang ugnayan sa lebel na indibidwal at institusyonal sa hanay ng mga kalahok hinggil sa layunin ng kumperensiya; at e. makapagharap ng mga resolusyon at/o plano ng pagkilos para sa pagpapahusay ng Batas Rizal. Inaanyayahang dumalo sa pambansang kumperensiya ang mga guro at administrador sa lahat ng antas ng pag-aaral sa buong kapuluan, na sangkot sa pagtuturo ng kursong Rizal, partikular sa departamento ng Filipino na nagtatalakay sa dalawang nobelang Noli at Fili, at sa Kasaysayan, Sibika, Agham Panlipunan at iba pang kaugnay na kurikulum. Ang rehistrasyon ay tatlong libong piso (PhP3,000.00) na ibabayad ng bawat delegado na ilalaan sa pangkain, mga babasahin at kit ng kumperensiya.

Ipadala ang anumang katanungan o ang inyong reserbasyon bago dumating ang Mayo 19, 2006 sa DFPP, KAL, UPD sa mga telepono bilang (02) 981-8500 lokal 2265/2267, (02)924-4899 at (02)9290113. Maaari ring kumontak sa email kina: Dr. Nilo S. Ocampo, Tagapangasiwa, nilocam@yahoo.com Dr. Ramon Guillermo, potopotfs@yahoo.com Prop. Florentino A. Iniego Jr., karloiniego@yahoo.com Prop. Melania Abad, lanieabad2003@yahoo.com

CHED Memo
Republic of the Philippines OFFICE OF THE PRESIDENT COMMISSION ON HIGHER EDUCATION MEMORANDUM MULA SA GUMAGANAP NA TAGAPANGULO PARA SA: Lahat ng Kinauukulan PAKSA: PAMBANSANG KUMPERENSIYA TUNGKOL SA IKA-50 TAON NG REPUBLIC ACT 1425 (BATAS RIZAL) NG DEPARTAMENTO NG FILIPINO AT PANITIKAN NG PILIPINAS, KOLEHIYO NG ARTE AT LITERATURA, UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, DILIMAN NA GAGANAPIN SA HUNYO 19-21, 2006, PULUNGANG RECTO, BULWAGANG RIZAL, KOLEHIYO NG ARTE AT LITERATURA, UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, DILIMAN, LUNGSOD QUEZON PETSA: Ika-3 ng Pebrero 2006 Alinsunod sa mga probisyon ng Akta Republika Bilang 7722, na kinikilalang Higher Education Act of 1994, ipinagbibigay-alam ng tanggapang ito ang nabanggit na gawain para sa pagsuporta at pagtangkilik ng lahat ng kinauukulan. Kalakip nito ang mga kaukulang dokumento para sa inyong kaalaman at naayong paggawa.

Para sa anumang katanungan o inyong reserbasyon kumontak sa telepono 981-8500 lokal 2265/2267, 924- 4899 o 929-0113. Maaari ring kumontak sa e-mail kay Dr. Nilo Ocampo, tagapangasiwa, nilocam@yahoo.com Malawakan ang pagpapalaganap ng memorandum na ito sa mga kinauukulan. (nilagdaan) CARLITO S. PUNO

5/F Upper DAP Bldg., San Miguel Avenue, Ortigas Center, Pasig City 1605 Philippines Website: www.ched.gov.ph Tel. Nos. 633-2713, 910-0823, 638-5835 Fax No. 635-5829

Das könnte Ihnen auch gefallen