Sie sind auf Seite 1von 5

TUGMANG BAYAN

1. Ako ay si Pilyo Ang baon ko ay repolyo Ang sakit ko ay polyo

2. Ako ay si Betis Ang baon ko ay atis Ang bahay ko ay Sta. Praxedas

3. MAS mabuti pa sa iyo si Muning Nalinis na ang kanyang mga Kuting Eh, ikaw tanghali na sa higaan Magkasing kupad kayo ni Kalaklan

4. Ikaw, siya, Ako Tayo ang bagong Pilipino Sa paaralan, Tayoy magtutungo Tayo ay mag-aaral Nang tayoy matuto At nang lumaking May angking talino

5. Akoy kabataang may isang mithiin Kalikasan natin ay muling buhayin Sipag at tiyaga siyang puhunanin Pagkat siyang susi sa pag-unlad natin.

6. Ang hindi marunong lumingon Sa pinanggalingan Hindi makakarating sa paroroonan.

7. Ang huni ng batubato Sa dulo ng mabolo Ang bata raw na magulo Ay sakit sa ulo

8. Ale! Ale ng mamayaong Pasukubin yaring sanggol Pagdating sa Malabon Ipagpalit ng bagoong

9. Ang huni ng pipit Sa dulo ng kalumpit Ang batang mabait Ay walng kagalit.

10.

Ang batang matulungin Masayahin at masunurin Ay laging may tuwa sa labi

Das könnte Ihnen auch gefallen