Sie sind auf Seite 1von 7

Highschool.

Ito ang isang yugto sa buhay nating mga kabataan kung saan nagsisimula tayong mamulat sa realidad na buhay. Sa panahong ito kadalasan napapansin ang unti-unti nating pagbabago sa ating pagkatao. Dito natin kadalasang unang naranasang magkaroon ng pagpapahalaga sa pag-aaral. Nariyan ang pagkakraming sa mga proyekto at mga takdang-aralin at pagsusunog ng kilay tuwing magkakaroon ng mga pagsusulit at mga lagumang pagsubok. Ngunit ang lahat ng paghihirap na ito ay tila nabubura sa isipan ng bawat isa sa atin dahil sa katumbas na kasiyahang ating nadarama. Ang mga kaibigang dumaramay at nagpapasaya satin, ang bawat tagumpay na ating nakakamit sa ating pagaaral at kahuli-hulihan ay ang mala-cloud 9 na pakiramdam sa oras na nakikita o nakakausap si crush na maaring mauwi sa isang puppy love. Kaya sinasabi ng karamihan na malaking kawalan sa buhay mo kung hindi mo madaaanan ang pagiging isang highschool student. Atin pong tunghayan ang isang munting palabas kung saan siguradong makakarelate tayo sa bawat eksena at ating abangan ang nabuong pag-iibigan dulot ng hiwaga ng isang popular na board game, ang chess. Ang dulang ito ay pinamagatang, CHECKMATE.

Narrator: Sa isang paaralan sa Lungsod ng Dimakita, ang Dimahanap High School, mayroong isang klase sa ikaapat na taon. Ang IV-Beloks. Namumukod-tangi ang klaseng ito dahil sa nakakarinding ingay na laging dulot nito lalong-lalo na kapag-walang gurong pumapasok sa kanila. B1 : (biglang pumasok sa pintuan) Oh yeah! Wala daw si Maam Natividad ngayon! May importanteng bagay daw na inaasikaso. Lahat: Yehey!!! Narrator: Tila wala nang mas hihigit pa sa kasiyahang nadarama ng IV-Beloks tuwing magkakaroon sila ng free time. Para silang mga batang ni minsan ay hindi nabibigyan ng oras sa paglalaro at pagliliwaliw. Narrator: May mga nagkukwentuhan (insert dialogue here~) Narrator: May mga gumagawa ng mga takdang-aralin at mga proyekto (insert dialogue here~) Narrator: May mga walang sawang kumukuha ng kani-kanilang sariling litrato (insert dialogue here~) Narrator: Mga mahihilig sa musika at pakiramdam nila ay nasa isang silang konsyerto kung kumanta. (insert dialogue here~) Narrator: May mga lumalabas at pumuntang canteen upang kumain (insert dialogue here~) Narrator: Nagmistulang clubhouse naman ang sild dahil sa ibat ibang larong makikita mo. Nariyan ang mga naglalaro ng Left 4 Dead (insert dialogue here~) Narrator: 4 Pics 1 Word

(insert dialogue here~ Narrator: At ang pinakapopular sa lahat ang larong chess. (insert dialogue here~) Narrator: Ngunit mayroon pa rin namang nanatiling tahimik sa isang sulok at piniling huwag makisali sa iba. (insert dialogue here~)

Gng. Padilla: (biglang papasok sa pintuan na galit na galit) IV-Beloks!!! (Natahimik ang lahat) Ano naman ba ito?! Ilang beses ko ba kayong sasawayin tuwing walang napasok na guro sa inyo, ha? Mind you people, you dont own the building! Mabuti sana kung tapos niyo na ang research niyo, pero hindi. Arent you aware na hindi kayo makakagraduate kung hindi tapos ang research ninyo? Use your free time wisely para sa research niyo or other requirements. Nagkakaintindihan ba tayo? Lahat: (lahat nakayuko)Opo, Gg. Padilla. (Umalis si Bb. San Andres at nagkaroon ng 10 segundong katahimikan) Ping: Hala, kayo kasi! Napagalitan na naman tuloy tayo. Ed: Anong kami lang? Ikaw rin kaya! Woay!!! :P (Lahat na ay nagsisihan at pagkatapos ay nagputuloy na sa kanya-kanyang gawain) (Hihina ang ingay sa paligid ngunit patuloy pa rin sa pagganap upang marinig ang pagsasalita nila.) Lance: Checkmate! (naghiyawan ang mga tao na nanonood sa paglalaro nila) Neil: Ano ba naman yan! Di mo man lang pinatagal ang laro natin Lance! Eh, halos tatlong minuto lang tayo naglaro. Ganyan ka ba talaga kagaling? Tsk! Lance: (ngumiti lamang sabay kamot sa batok) Eh. Hehehehe~ (Hihina ang ingay sa paligid ngunit patuloy pa rin sa pagganap. Boses lamang ni Nadine ang maririnig ngunit kunwari ay hindi ito naririnig ng ibang tao) Nadine: Hay. Ayan na naman sila. Walang sawang chess na naman ang nilalaro. At talagang nagtaka pa si Neil na natalo agad siya. Sa galing ba naman ni Lance. (Titingin sa taas ng nakangiti na tila nangangarap ng ilang segundo ) Sidney: (Lalapit kay Nadine kasama si Yvonne at titingnan ng ilang segundo) Hoy! Nadine: (nagulat) Ay pusang gala! Sidney?! Sidney: Ano naman ba yang iniisip mo. Si ano naman yan ano? Yung kinuwento mo ba yan sa akin na ano sa panaginip mo? Yung nag-ano daw kayo sa may ano tapos biglang dumating si ano tapos nagka-ano. Yun ba yun? (habang nag-uusap sila tinitingnan lang sila ng palipat-lipat ni Yvonne na nalilito at nagtataka ) O.o

Nadine: Eh, ano naman nga kung si ano nga yun? Wala namang masamang mag-daydream. Tsk! Panira ka talaga ng ano. Sidney: Sinasabi ko na nga ba si ano na naman yan. Ikaw nga bawas-bawasan mo nga yang pag-aano mo. Adik na to, oh. Nadine: Eh, basta. Uy! Mamayang uwian may-ikukwento akong ano tungkol ulit kay yeah. Kadugtong nung ano ko. Basta exciting talaga siya. Kasi si ano nag yeah ulit doon tapos basta mamaya na lang ha? Sidney: O sige. Basta mamaya. Kailangan ko yang malaman yang ano. Hahaha! (napansin si Yvonne) Uy! Nandito ka pala! Hala! Lagot! Nadine narinig niya! Nadine: Naku! Ikaw kasi Sidney ang daldal mo. Ayan tuloy may nakarinig. Basta Yvonne huwag mong sasabihin kahit kanino kung ano man ang narinig mo ha. Sidney: Oo nga. Sikreto lang yun, ha? B5: (nagpalipat-lipat ng tingin sa iba) Eh, talagang wala naman akong masasabi sa kanila kasi wala naman akong naintindihan sa pag-uusap niyo! Puro kayo ano, yeah! Tsk. Ewan ko sainyong dalawa. Tsk! (sabay alis) Sidney: (hinabol si Yvonne) Yvonne! Sandali! Sama ako! (lingon kay Nadine)Punta muna ako doon Nadine. Nadine:(tumango lang)(kinausap ang sarili) Hay. Muntikan na yun, ah. (tiningnan sina Lance) (Kila Lance~) Jonathan: Oh sinong susunod na lalaban kay Lance?! Maica: Ako naman! (sabay takbo papalapit sa kanila) Jonathan: (parang nagdududa)Te.,teka Maica, marunong ka ba talagang magchess? Maica: Ay hindi! Wala talaga akong alam sa chess. Trip ko lang talaga ang maglaro ng chess kahit hindi marunong. Gusto ko kasing matalo, eh. Alam mo yun? Ang saya kaya sa feeling pag-ganun? Gusto mong i-try?! (sabay irap) Jonathan: Oo na! Ang daming sinatsat, pwede lang namang oo lang ang sabihin. (sabay irap din) Lance: Kayo talaga, oh. Tama na yan. Game! (habang nakangiting inaayos ang mga chess pieces) (Ki Nadine) Nadine: (napasigaw nang walang tunog dahil sa kilig) Ngumiti siya! Waahhh!!! Ang gwapo-gwapo talaga niya. Haay~ ^u^ /// Sigurado akong nagpapansin na naman yung Maica na yun kay Lance. Ang lakas naman ng loob niya kahit suplado yun sa mga babae. Hmp! >:( -_Narrator: Maituturing na heartthrob si Lance sa paaralan nila. Bukod sa taglay na kagwapuhan nito na tinitiliian ng mga kababaihan, matalino ito at maraming mga talento tulad ng pag-awit, pagtugtog ng gitara, pag-babasketball at ang paglalaro ng chess. At isa rin si Nadine sa mga babaeng nabihag ni Lance. Nadine: (nag-de-day dream) Lance. Lance. Lance. Kailan mo ba talaga ako mapapansin? (song: kailan) (biglang napatingin si Nadine kina Lance dahil sa sigawan ng mga tao) Maica: Waaah! Ano ba yan!? Ang daya naman, eh! Ayoko na nga uuwi na lang ako. Tara na nga Helimar punta na lang tayo ng canteen. Bili na lang tayo ng Choco Chum. (sabay alis)

Jonathan: (pasigaw) Wushuuu!!! Talo lang kasi kaya nagwalk-out! (tawanaman ang lahat) Jonathan: Astig mo bro! Ikaw na! Ikaw na talaga ang King of Chess! Wala na talaga atang makakatalo sayo. (sabay suntok ng mahina sa braso ni Lance) (song: nasayo na ang lahat) (nakiayon naman ang iba at nakisuntok na rin ki Lance sabay gulo ng buhok habang nagtatawanan ang lahat) (Kila Nadine) Nadine: (Umiling-iling habang nakangiti) Hay! Ayan na naman tayo. Bakit ba kasi napapangiti mo ako sa tuwing ngingiti ka? Nahihibang na talaga ako. (tumigin sa relo) Ano ba yan ang bagal na man ng oras? Nakakaanntok ang sobarang pagkabagot ko dito. Hay. (sabay lagay ng earphones sa tenga at inubob ang ulo sa mesa ) (lalapit ang treasurer ng klase sa isang grupo ng nagkukwentuhan na mga babae at maniningil ng pera) Treasurer: Oy! Limang piso daw para sa handout natin sa Filipino. Kayle: Ano ka?! Nagbayad na kaya ako. Abuso ka, ah. Wy: Ano na kasi yan (T) uso naman kasi ang papel at ballpen para maglista ng mga pangalan. Treasurer: Di ko na yan kailangan! Nakalagay na kasi dito oh. (sabay turo ng ulo) O ano na yung bayad? Kayle: Kulit nga nito! Sinabing nagbayad na ako. Hindi mo ba natatandaan yung sa canteen kanina? Treasurer: Ay ganon ba? Oo nga no. Hehehe. Pasensya na, ah. (Sabay alis) (problemadong kinausap ang sarili) Kung ganon? Bakit kulang pa ito ng bente? Tsk. (sabay kamot sa ulo) Cathy: Nakalagay na pala sa utak ha? (sabay tawanan nilang lahat) (Kila Lance) Jonathan: Hoy kayo dyan! Sino sainyo ang gusto pang lumaban ki Lance?! (kasabay noon ang biglang pag-uunat ni Nadine ng kanyang kamay at lahat nagtinginan sa kanya) Nadine: (nagulat) O ba- bakit? Anong problema ninyo? Jonathan: (lumapit kay Nadine at hinawakan ang braso) Nagtaas ka kaya ng kamay Nadine. Nagtatanong ako kung sino pang gustong kumalaban kay Lance. Hahaha! (hinila niya si Nadine) Nadine: Hala?! A-a-anong pinagsasasabi ninyo? Nag-inat lang kaya ako. Saka hindi kaya ako marunong mag-chess. (hinigit ang kamay pabalik) Joseph: Teka, nakalaban na kita dati sa chess Nadine eh! Yung elimination sa Chess Club, tanda mo? (umiwas ng tingin si Nadine at parang nadidismaya >.<) Nadine: (binulong) Naku! Daldal talaga nito, oh.

Narrator: Sumali si Nadine sa elimination ng Chess Club dahil sa dalawang dahilan. Una, dahil kay Lance at ang pangalawa ang pagkahilig niya rin sa larong chess. Tinalo lahat ni Nadine ang mga nakalaban niya ngunit inunahan siya ng hiya dahil si Lance mismo ang Club President kaya siya nag-backout. Jonathan: Oh marunong ka naman pala eh! Sige na! (hinila niya papalapit si Nadine) (pilit na nagpupumiglas si Nadine at nang mabitawan siya ni Jonathan ay bigla itong na out balance at muntik nang mahulog. Ngunit hindi niya akalain na nasa likod lang pala niya si Lance at nasalo siya. Nagkatinginan sila ng ilang segundo.) Lance: Oh, dahan-dahan lang. Ayos ka lang ba? (sabay ngiti) Nadine: Ah, eh, o-o. Ayos lang ako. Sa-salamat. (ngumiti siya at ngumiti rin namang pabalik si Lance) Lance: Halika na. Laro tayo. (ngiti) (sumunod naman sa kanya si Nadine at sabay nang pumwesto) Jonathan: Hay, salamat naman at pumayag ka na. Please naman Nadine oh. Talunin mo na tong kumag na to. Masyado nang lumalaki ang ulo eh. (tumawa lamang si Lance) (habang inayos na nilang dalawa ang mga chess pieces pasulyap-sulyap si Nadine kay Lance at kapag iaangat ni Lance ang ulo niya ay agad itong iiwas ng tingin) Lance: Game! (nagsimula na silang maglaro at kitang-kita sa mukha at galaw ni Nadine ang halo-halong emosyon na nararamdaman niya) (pagkatapos ng 7 minuto~) Jonathan: Wow! 7 minutes?! Sa pagkakaalam ko hanggang 5 minutes lang bago natatalo ni Lance ang kalaban niya. Nice! Joseph: Mukhang nakikita ko na ang pagbagsak ng King of Chess Hahaha! (natawa lang silang lahat sa sinabi ng dalawa) Lance: Check Queen. Lahat: Awwwwwwwww. Lance: Going to surrender your Queen? >;-) (napatingin si Nadine kay Lance at nang nagtama ang mga mata nila, napatulala si Nadine ) Jonathan: Uy, Nadine. Ayos ka lang? (natauhan si Nadine at tumango) Nadine: Why would I surrender my Queen If I can do this? >;-) (ginalaw ang bishop papuntang King) Check King. Lahat: Whooooooaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!

Lance: Nice try. Sabagay importante ang queen dahil siya yung napatakbo ng buong game. (hinawakan ang baba at kinagat ang labi) (nakita yun ni Nadine at nawala na naman sa sarili) Nadine: (bulong) Naku! Nauubusan na ako ng piyesa. Focus, Nadine! Focus! Jonathan: Whoa Nadine. Hanga na kami sayo. 21 minutes? God. Ikaw palang ang tumatagal kay Lance. Mukhang magkakaroon rin ng Queen of Chess ah? Yiiieee. (sabay silang nagkatiinginan pero umiwas ng tingin pero napangiti si Lance) Lance: (Serious mode) Tapusin na natin to. (Kila Jonathan) Jonathan: Oh! Sino pang pupusta dyan?! Lance o Nadine! O ikaw sino? Nadine bente pesos? Okay sige. O sino pa! Sino pa?! (Kila Nadine) (tahimik pa rin ng ilang Segundo hanggang sa) Nadine: Checkmate. Lahat: OMG! NADINE!!! ANG GALING MO!!! (nag-ingayan ang lahat) B9: Salamat Nadine! Dumoble ang pera ko!(domz) B10: Oo nga! May pang-three hours na ako sa comshop. Thank you!!!(yip) B11: Akalain mo natalo mo si Lance? Congrats!!! ^_^(bino) Jonathan: Whoo Lance! Natalo ka ni Nadine! Hahaha! Natalo ka ng Queen mo--(siniko ni Lance si Jonathan at tiningnan ng makahulugang tingin) Jonathan: Oops. Sorry Lance! HAHAHA! Napakatorpe mo naman kasi! Akala ko ba King ka? Eh di dapat kailangan mo ng Queen! Umamin ka na kasi. Tagal-tagal mo ng hinintay tong chance na to oh. (nagtigilan ang lahat at nakatuon ang atensyon sa kanila) Lance: (pabulong)Aish! Humanda ka sa akin mamaya Jonathan. Lance: (lumapit kay Nadine at inoffer ang kamay para makatayo siya) Here. Nadine: S-sa-salamat. (Tumayo siya habang magkatinginan sila na Lance ngunit agad naman niya itong binawi) Ah, sige. Una na ako ha? (tumalikod na siya) Lance: (hinigit ang braso ni Nadine) Sandali. Nadine. Nadine: Huh? B-bakit?

Lance: What if malaman mo na matagal na akong may gusto sayo? (napalunok si Nadine)Paano kung.. sabihin ko sayo ngayon na.. gusto kita. (nanlaki ang mata ni Nadine at maya-maya ay dumating si Sidney) Sidney: Sus! Wag kang mag-alala Lance! Patay na patay rin yan sayo! Dati pa! Hahaha! Peace Nadine! Labyu! (lalong nanlaki ang mata ni Nadine at nagdeath glare kay Sidney) (nagyieee ang lahat at inasar-asar silang dalawa) Lance: Totoo ba yun, Nadine? (hinawakan niya ang kamay ni Nadine habang nakangiti) (dahan-dahan na tumango si Nadine at napangiti) Lance: (mas lalong lumawak ang ngiti ni Lance) (may kinuha siyang isang piyesa ng Queen mula sa bulsa niya at nilagay sa palad ni Nadine) Nadine Will you be my Queen? (Napangiti si Nadine at lumayo muna kay Lance. Medyo nawala ang ngiti sa labi ni Lance at nagtaka. Ngunit may kinuha lang pala si Nadine sa sahig at agad na lumapit kay Lance ng nakangiti pa rin) Nadine: Ill be a Queen. If youll be my King. (sabay lagay ng King na piyesa sa kamay ni Lance) (song: nasabi na) ***WAKAS*** (close curtain- setting sa simula.) Nagising si Nadine ng marinig ang bell. Nadine: hay. Panaginip lang pala. B1 : (biglang pumasok sa pintuan) Oh yeah! Wala daw si Maam Natividad ngayon! May importanteng bagay daw na inaasikaso. Lahat: Yehey!!! Narrator: Hephephep. Lahat: akala niyo uulitin naming ang dula no? nagkakamali kayo! BOW! (close curtain- arrange characters-iiintroduce ng narrator.)

Das könnte Ihnen auch gefallen