Sie sind auf Seite 1von 4

BALAGTASAN ...

ALING WIKA ANG DAPAT NA MAS PAHALAGAHAN AT GAMITIN SA PAARALAN: WIKANG FILIPINO O WIKANG ENGLISH?
ni Joel Costa Malabanan

Lakandiwa: Magandang hapon po ang aming pagbati
Okasyon pong itoy sadyang natatangi
Isang balagtasang kakaibang uri
Dito sa Perpetual, ngayoy mangyayari

It will be the first time in our history
Two people will debate with rhymes and poetry
And the main objective, for each of us to see
The power of language and its hidden beauty

Kung kaya ang paksa na pag-uusapan
Ay matagal na ring pinagtatalunan
Aling wika ba ang dapat pahalagahan
Ang wikang hiram ba o ang kinagisnan?

I m Jonathan Calda, designated as judge
Im tasked to supervise, and later to decide
And since, I wish not to prolong your agony
Listen and contemplate, debate through poetry!

Makata 1: Azl Cedric Lopez, ang aking pangalan
Tagapagtanggol po ng wikang kinagisnan
Sa debate akoy walang aatrasan
Knocked out ang sinumang sa akiy lalaban
Makata 2: I am Reggie Ucang, a third year student
My crusade is to prove that English is the best
No one can stop me, nor intimidate me
Anytime, anywhere, I am always ready!

Makata 1: Bayaan nyong ako na ang siyang mauna
Ang tanong ko sa yoy Pilipino ka ba?
Sayang ang tulad mong matalino sana
Subalit sa malas, ay utak banyaga

Sapagkat kung ikay isang Pilipino
Di sana, kung gayon, ikay kakampi ko
Hindi tulad ngayong dala mong anino
Ay asal at diwang maka-Amerikano!

Makata 2: By heart and by thoughts, Im a Filipino
And I love this country just like the way you do
But nationalism, is not language alone
We should be practical, for our life to go on

As we enter the stage of globalization
English will be our tool for communication
We need not study, our own native language
Schools should choose English, in the search for
knowledge!
Makata 1: Isang kahibangan ang iyong tinuran
Mismong wika natin ay kalilimutan?
Kung lahat ng Pinoy ang utak ay ganyan
Mas lalong kawawa itong ating bayan!
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Dapat na igisa sa kanyang mantika
Kung Pilipino ka sa isip at gawa
Patunayan mo rin maging sa salita!

Makata 2: In Chemistry, Physics, Bilogy and Math
Filipino language is surely not enough
For comprehension and to avoid confusion
English will only be the only solution!
Modern technologies are printed in English
Translations will take time for us to accomplish
And if in deed, youd like this country to prosper
Educators should try to teach English better!
Makata 1: Sa Matematika at kahit sa Agham
Terminolohiyay maaring tumbasan
Lahat nang salitay pwedeng matapatan
Kung pagsisikapang ngayoy masimulan
Itong Komisyon sa Wikang Filipino
Dapat magsimula nitong pagbabago
Pwedeng mag-imbento ng mga salita
Gagamitin hanggang makasanayan na!
Makata 2: Your idea is good, but it may not be sound
And to tell you frankly, I find it so absurd
Ask an Ilonggo, or a Cebuano
They do not understand, Wikang Filipino
We cant rely on the Filipino language
Confusing dialects is our disadvantage
For practicality and to achieve unity
English langage should be our first priority!
Makata 1: Wikang Filipino ang tanging pag-asa
Upang tayong lahat ngayoy magkaisa
Makamtan ng bansa, tunay na paglaya
At di sa dayuhay palaging umasa
Nagkawatak-watak tayong Pilipino
English ang ginamit at siyang instrumento
Ang diwang kolonyal, tanim ng dayuhan
Inaani natin ngayoy kahirapan!
Makata 2: If our people were poor, then blame the government
For they have done nothing for our improvement
But the English language, cannot be the culprit
In fact, it is a must, people should master it

Our avenue to progress is the English language
Unlike other Asians, it is our advantage
Fluency in English of our migrant workers
Is fully appreciated by foreign employers!
Makata 1: Baluktot na naman ang iyong katwiran
Na magpaalipin sa mga dayuhan
Sa tono ng iyong pangungusap ngayon
Nais mong matulad kay Flor Contemplacion
Aanhin ang English kung ikay alipin
Sa araw-araw ay may among susundin
Pagka-Pilipinoy wag mong pababain
Lahing kayumanggi ay iangat natin!
Makata 2: I am not downgrading the race where I belong
You cant just understand what Ive said all along
No country will move on with the tide of progress
Mastery of English should really be stressed!
Makata 1: E di tulad natin ay ang asong ulol
Nais ay ngumiyaw sa halip na tumahol
Huwag nating payagang lalo pang masakal
Nitong kinagisnang isipang kolonyal!
Makata 2: Of course Im not a dog, also, I am not a cat
A false analogy, is what youre driving at
Makata 1: Bakit mapapalso, gayong tama naman
Abnormal ang ating naging kalagayan!
Makata 2: Everything is normal, and the problem is you
Youre trying to deviate from the real issue!
Lakandiwa: Hintay, saglit lamang, aking puputulin
Lagbalab ng apoy nitong paksa natin
Ngayon silang dalawa ay pagpapalitin
Si Azl naman ang ating pag-Inglesin
But then the two of them will carry the same stand
Reggie will still try to support her demand
The irony of all, is that they will argue
Using the language that they intend to outdo.
Pakinggan nga muna, natin si Reggie
Kahit Tagalog na, sa English pa rin siya
How about giving her, another loud applause
As she tries to unfold, the main part of our show!
Makata 2: Di naman kolonyal ang maging praktikal
Bagkos ay pag-iawas sa pagiging hangal
English ay kailangan ng kahit sinuman
Katotohanan iyang di kayang tanggihan
Ang English ay isang wikang universal
Siyang sandigan ng mga pag-aaral
Walang bansang kayang umunlad mag-isa
Kung sa wikang English ay hindi aasa!

Makata 1: I dare to disagree, that is a fallacy
For those who would listen, please hear now my plea
The Japanese proved to us with its economy
Using their own language, achieved prosperity
And then we have China, Thailand and Malaysia
Using their native tongue, they dominate Asia
We Filipinos, should appreciate our own
To liberate our souls from any subversion!
Makata 2: Kasinungalingan ang iyong tinuran
Nang dahil sa US, umunlad ang Japan
Kahit gamit nila ang sariling wika
Silay tinulungan din ng Amerika
At kahit ang Chinay wag mong ipagyabang
Komunismoy kanilang tinatalikuran
Mga Intsik ngayon ay nais mag-Ingles
At kapitalismo ang siyang ninanais!
Makata 1: Capitalism is the root cause of evil
Countries are exploited even against their will
And the English language that I am using now
Discriminates people who do not know how
Fluency in English is not a measurement
Of persons intellect or countrys achievement
For us, Filipinos, it is a manifest
Of how we glorify colonial interest
I accept that we need to learn more of English
But we should be master of our own language first
Cause there is no reason, for our race to exist
Kung ang wika natin namay maaalis!
Makata 2: Aminin na kasi, na sadyang talunan
Ang lahat sa mundo, English ang kailangan
Kahit sa internet, sining at musika
Sa English ay walang higit pang dakila
But then I must admit, we need not to forget
Yes, we should also use, the language we know best
Kung ang Wikang English ay pag-aaralan
Wikang Filipino ay huwag kaligtaan!
Lakandiwa: Narinig nyo naman ang huling tinuran
Wikang Filipinoy huwag kalilimutan
Itaguyod lagi ang sariling atin
Pag-ibig sa bayan, laging paniagin
Thus, we should be master of our language first
At the same time we try to learn more of English
And perhaps in the end, our country will prosper
Through unity and hard work, our life will be better
At sa hapong ito ay napatunayan
Na ang wikay sadyang makapangyarihan
Kapwa, Perpetualite, aming kahilingan
Na kami pong tatlo ay mapalakpakan!

Das könnte Ihnen auch gefallen