Sie sind auf Seite 1von 6

KABANATA 10

ANG BAYAN       

Halos sa tabi ng lawa, sa gitna ng kabukiran at palayan ay


matatapuan ang bayang ng San Diego.1 Ito ay nagluluwas ng asukal,
bigas, kape at mga prutas na ipinagbibili sa mababang halaga sa Insik
na nagsasamantala sa kahangalan o sa masasamang bisyong mga
magsasaka.2
Sa isang maliwanag na umaga ay umaakyat ang mga bata
hanggang sa kaitaasan ng kampanaryo ng simbahan na nababalutan ng

1
MGA PALIWANAG

Walang bayang sa Pilipinas na may ganito ang pangalan. Kung ganoon,


saan kinuha ni Rizal ang pangalang San Diego?

Ang pinakamalapit na kasagutan ay hinango ni Rizal ang


piktisyosong pangalan ng bayan na kagaganapan ng kaniyang nobela mula
sa Bastion ng San Diego na matatagpuan sa Timog Kanlurang bahagi ng
pader ng Intramuros at kinalalagyan ng mga kanyon na gamit sa
pagdepensa sa lunsod. Ang bastion ng San Diego ay nakaharap sa
Bagumbayan at saksi sa ginanap na pagbitay sa tatlong paring martir
(GOMBURZA) noong Pebrero 17, 1872, dahilan hinala na sila ang utak sa
likod ng naganap na Pag-aalsa sa Cavite noong Enero 20, 1872. Ang
paggamit ni Rizal ng pangalang San Diego sa bayan na inikutan ng
kasaysayan sa nobela, (lalo na ang bahagi ng isang pakunwaring pag-aalsa
na ginawa ng prayleng si Padre Salvi) ang siyang pinaka-susi upang
maunawaan na ang Noli Me Tangere ay isang inbestigatibong nobela na
nahahawig sa naganap na Pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Ang
pinakamalaking kabalintunaan na naganap kay Rizal ay ang bastion ng San
Diego ay siya ring naging saksi sa kaniyang pagbitay noong Disyembre 30,
1896 dahilan sa paghihinala na siya ang utak nang naganap na
Himagsikang Pilipino na sumiklab noong mga huling araw ng Agosto 1896.

122
mga lumot at mga halamang sumipot lamang ng pana-panahon, ay
napapahanga sila dahil sa mga kagandahan ng tanawing inaabot ng
kanilang paningin.3 

Sa gitna ng bunton na iyon ng mga bubungang pawid, tisa, zinc at


kabonegro,4 na pinaghihiwalay ng mga halamanan at bakuran, ay
nakikita ng bawat isa ang kanilang bahay - ang kanilang munting
pugad.  Ang bawat bagay ay nagiging kanilang palatandaan:  isang puno,
sampalok na maliliit ang dahon, ang niyog na puno ng bunga na tila si
Astarte5 na mapagbigay-buhay o isang Diana ng  Efeso na may
maraming suso, isang umiimbay na kawayan, isang punong-bunga,
isang krus.  Sa lugar na kinaroroonan ng ilog na para isang malaking
ahas na kristal na natutulog sa alpombrang berde; sa mga ilang lugar ay
2
Ipinapakita ni Rizal ang relasyong pangkalakalan ng mga Pilipino at Tsino
sa kaniyang kapanahunan, ang kabuhayan ng bayan/pueblo ay kontroldado
at pinagsasamantalahanng mga dayuhan. Ibinebenta ng mga magsasaka
ang kanilang mga ani ng mura sa mga Tsino dahil sa kawalan ng muwang o
para sa kanilang mga masamang bisyo. Halos wala pa ring nagbago
pagkatapos ng mahigit ng 120 taon nang isulat ni Rizal ang nobela.
3

Ginamit dito ang kahalagahan ng elebasyon sa paglalarawan ng isang


pamayanan. Maging ang detalye ng mga halaman na gumagapang sa pader
ng simbahan ay hindi nakalibre sa kaniyang masusing pagdedetalye ng
kaligiran ng kaniyang nobela.
4
Kabonegro (Borasus gomutus) – isang uri ng palmera na pinagkukunan ng
hiblang itim na napakatibay at hindi nabubulok. Ang mga punong ito ay
malimit na natatagpuan sa tabing ilog. Kapag matanda na ang puno, ang
balat ay nagiging kulubot, nagbibitak sa dakong itaas, at mamamalas ang
uri ng hiblang itim. Ang hibla ay ginagamit sa paggawa ng lubid para sa mga
angkla at panali sa bapor.
5
Astarte – diyosa ng Griyego at Romano – pinakamataas na babaeng diyos
ng mga taga Phoenicia. Ang kaniyang katanyagan bilang diyosa sa mga
mamamayan ng Phoenicia ay katulad ng katanyagan ni Birheng Maria sa
kasalukuyang panahon.

123
kumukulot ang kanyang agos dahilan sa ilang batong nakakalat sa
tinatakbuhang buhangin. Sa dako roon ng bambang ay kumikipot dahil
sa dalawang matataas na pampang na kinakapitan ng ilang punong
nakabaluktot at ang mga ugat ay nakalabas. Sa dako rito ay may isang
mababaw na talabibis6 na dito ang ilog ay lumuluwang at humihina ang
agos.  Sa dako roon, sa malayo-layong lugar ay may isang munting
bahay na nakatayo sa pampang na tila hinahamon ang kataasan, hangin
at kailaliman, at dahil sa kanyang payat na haligi ay maiisip na siya’y
isang malaking ibon na nag-aabang ng ahas na maaring tukain. Mga
putol na sanga o mga punongkahoy na may talukab pa, na gumagalaw-
galaw at pagiwang-giwang, ang siyang nag-uugnay sa dalawang
pampang, at kung sila man ay sakaling masamang tulay, ay mahusay
namang aparato ng gymnastics na nagagamit sa pagsasanay sa
paninimbang, kaya hindi dapat bale-walain:  ang mga batang naliligo sa
ilog ay nagkakatuwaan, dahil sa babaing may sunong na bakol na
nahihirapang manulay o dahil sa tumatawid na matandang nanginginig
at nabibitiwan ang tungkod na nahuhulog sa tubig.7
  Ngunit ang bagay na nakakatawag ng pansin ay isang tila isang
tangos na kagubatan na napapalibutan ng mga sinasakang lupain. 
Doon ay may mga malalaking punong na dantaon na ang tanda na; may
mga guwang, hindi namamatay, kundi kung tinatamaan lamang ng
kidlat ang kanilang mayabong na tuktok at sila ay pinag-aapoy; ang
apoy ay hindi nagdadamay ng iba at namamatay doon din;8 doon ay may
malalaking bato na dinadamitan ng panahon at ng kalikasan ng lumot
na parang velvet na unti-unting kumakapal ang alikabok sa mga
guwang, pinipitpit ng ulan at tinataniman ng ibon ng binhi.  Ang
malusog ng mga pananim sa maiinit na bahagi ng mundo ay malayang
simisibol doon:  mga dawag at halamang yumayabong sa ilalim ng mga
puno, mga baging at halamang gumagapang na lumilipat sa mga puno:
nakasabit sa mga sanga, kumakapit sa mga ugat, sa lupa, at paran g
hindi pa nasisiyahan sa gayon ang flora ng Pilipinas, makakakita ka ng
mga dapo na tumutubo kahit sa ibabaw ng mga puno; ang lumot at
kabuti ay nabubuhay sa mga putok na talukap, at ang dahon ng mga
6
Lugar sa ilog na ang agos ng tubig ay paikot-ikot at nagpapahina ng agos
na dumadaloy.
7
“ang mga batang naliligo sa ilog ay nagkakatuwaan, dahil sa babaing may
sunong na bakol na nahihirapang manulay o dahil sa tumatawid na
matandang nanginginig at nabibitiwan ang tungkod na nahuhulog sa tubig.”
Isang pagpapakita ni Rizal ng kapilyuhan ng mga batang Pilipino.
8
Ang isa sa katangian ng mga matatandang puno sa Pilipinas na dumaan
sa napakaraming mga pagsubok ng kalikasan, ngunit nagpapatuloy pa rin
ang buhay at nag-aambag ng kapakinabangan sa kapaligiran. Sa mga
nakalipas na panahon, ang mga matatandang puno sa Pilipinas ay
nakakalaban at nagwawagi sa paninira ng elemento ng kalikasan. Subalit sa
kasalukuyan ang mga punong ito ay walang kalaban-laban sa mapanirang
kamay ng mapagsamantalang mga tao na hindi marunong tumanaw ng
utang na loob sa mapagbiyayang mga puno ng Pilipinas.

124
dapo, mga halamang nakikipanuluyan ay nakikiyakap sa mga dahon ng
punong nag-aampon.9
           Ang kagubatan ay iginagalang ng mga tagabayan dahilan sa
maraming taglay nitong mga alamat, ngunit ang mga kuwento na lalong
kapani-paniwala, ay siyang lalong hindi pinaniniwalaan at ang alamat
na hindi nila ganap na nalalaman ay inaaring katotohanan:10 Nang ang
bayan ay isa pa lamang na pamayanan na binubuo ng mga dukhang
kubo at sa mga ay maraming damong tumutubo, sa panahong
pumapasok pa doon sa pagsapit ng gabi ang mga usa at baboy-ramo,
isang araw ay dumating doon ang isang matandang Kastila na malalim
ang mga mata at matatas sa wikang Tagalog.11 

Pagkatapos na mabisita at malibot ang lupang iyon ay


ipinagtanong kung sino ang nagmamay-ari ng gubat na binukalan ng
mainit na tubig.  May ilang humarap at nagsabing kanila ang lupang
iyon, at binili sa kanila ng matanda, sa pamamagitan ng pamalit na
damit, hiyas at kaunting salapi.12  Makaraan iyon ay misteryosong
nawala ang matanda nang walang nakakalam. Inakala nang mga tao na
siya ay enkantado,13  nang maamoy ng mga pastol ang alingasaw ng
mabahong amoy na nagmumula sa dako ng gubat na iyon:  sinundan
9
Nagawa ni Rizal na ganap na mailarawan sa mga mambabasa ang
kakapalan ng mga puno at halaman sa loob ng kagubatan ng Pilipinas.
Sinumang nakapasok na sa kagubatan o maging kahit sa kasukalan ng
Pilipinas ay makikita ang lahat ng paglalarawan ni Rizal na binanggit sa
talatang ito.
10
Ang mga Pilipino ay higit na naniniwala sa mga higit na lalong hindi
kapani-paniwalang alamat, kaysa sa mga tunay na kasaysayan – higit na
pinaniniwalaan ang mga milagro at mga kuwento ukol sa mga santo, ngunit
walang interest sa mga kasaysayang lokal. Sa mga salitang ito ni Rizal ay
hinihikayat niya ang mga taong bayan na maging kritikal sa mga kuwento
na kanilang naririnig at huwag mahulog sa bulag o hindi pinag-isipang
paghanga.
11

Sa bahaging ito ng kabanata ukol sa mga unang panahon ng bayan ng San


Diego ay ipinapakita ni Rizal ang kahalagahan kasaysayang lokal –
pagkatapos na ang topograpiya ng bayan ng San Diego ay nagbigay siya ng
kaligirang pangkasaysayan hindi lamang para magkaroon ng kaunawaan
ang kaniyang mga mambabasa sa kapaligiran, kundi maging sa ebolusyon
ng isang tipikal na bayan (pueblo/municipalidad) sa Pilipinas na
napasailalim ng pamamahala ng mga Espanyol. Masasabing si Rizal mismo
sa kaniyang sarili ay isa sa mga tagapanguna sa pagsasaliksik/pag-aaral
ukol sa kasaysayang lokal. Isa sa mga isinulat ni Rizal ay ang ukol sa
Kasaysayan ng bayan ng Calamba na kaniyang sinilangang bayan.
12
Mapapansin ang kamurahan ng lupa sa bayan ng San Diego.
13
Bakit pinaniniwalaan ng mga tao na ang matanda ay engkantado? - ang
lugar na iyon ay ang nasa bisinidad ng bundok Makiling na laganap ang
paniniwala ng mga tao sa alamat ni Maria Makiling.

125
ang pinanggagalingan ng mabahong amoy at natagpuan ang matanda na
nakabigti sa isang punong-balite14 at nabubulok na.15  Noong buhay ang
matanda ay kinatatakutan na dahil sa kanyang boses na tila mula sa
yungib, mga matang malalim at tawang walang tunog; datapwat ngayong
siya ay patay na nakabigti ay naging dahilan sa hindi pagkakatulog ng
mga babae.  Itinapon sa ilog ng ilan sa mga babaing nasabi ang mga
alahas at sinunog ang mga damit, at magmula nang ilibing ang bangkay
sa paanan ng balite ay wala nang nangahas na pumunta sa pook na
iyon.  Mayroong isang pastol na naghanap ng kanyang mga hayop ay
nagsabing siya ay nakakita roon ng ilaw; pinaroonan ng mga binata at
nangakarinig ng daing.  Ang isang kahabag-habag na binata dahilan sa
nais na siya ay mahalin ng babaing minamahal, ay nangahas siya ay
titigil doon nang magdamag at pupuluputan ng yantok ang katawan
puno,16 ang binatang ito ay namatay sa lagnat, na dumapo sa kanya
kinabukasan, matapos ang pustahang iyon. Mayroon pang ibang mga
kasaysayan at alamat tungkol sa pook na iyon.
           Makalipas ang ilang buwan ay dumating ang isang binatang
mistisong Kastila, na nagpakilalang ang anak ng namatay, nanirahan sa
pook na iyon at hinarap ang pagtatanim, lalo na ang pagtatanim ng
indigo.  Si Don Saturnino ay isang tahimik na binata at mainitin ang ulo,
kung minsan ay napakalupit, subalit labis na masipag at walang hinto
sa paggawa:17  pinalibutan ng pader ang libingan ng kanyang ama, na
paminsan-minsang niyang dinadalaw.  Nang tumanda na siya ay nag-
asawa sa isang dalagang taga-Maynila at nagkaanak ng isang lalaking

14
Balite – ang puno na kinikilala ng mga sinaunang Pilipino at binibigyan ng
labis na pagpapahalaga at takot dahilan sa paniniwala na ito ay
pinaninirahan ng mga espirtu at sentro ng kanilang pamahiin.
15
Ang matanda ay si Don Pedro Eibarramedia – walang tiyak na dahilan ang
kamatayan nito sa gubat ngunit mapapansin na ito ay natagpuan na
nakabigti. Ano kaya ang higit na dahilan ng kamatayan, nagpakamatay o
pinaslang?
16
Isang paniniwala noon na mawawala ang enkanto sa puno ng balite,
kapag ito ay mapupuluputan ng yantok.
17
Mapapansin na si Don Saturnino ay nanirahan sa San Diego at hinarap
ang pagsasaka – isa sa mga naging kahinaan ng mga Espanyol sa mga
unang panahon ng kanilang kolonyalismo sa Pilipinas ay ang hindi nila
paninirahan sa mga lalawigan. Nawili ang mga Espanyol na manirahan sa
Maynila at hinarap ang pagnenegosyo sa Kalakalang Galyon at minsanan
lamang dumalaw sa kanilang mga nasasakupang lugar para lamang sa
taunang paniningil ng tribute. Ang pagpapabayang ito ng mga Espanyol at
hindi pagharap sa pagsasaka ay naging dahilan sa pagiging paurong ng
pagsasaka sa Pilipinas kumpara sa pamantayan ng kanluran. Ang ginawang
paninirahan at pagharap sa pagsasaka ni Don Saturnino ay nagbigay daan
sa pagpapabilis ng kaunlaran sa kabuhayan ng mga tao sa pook rural –
dahilan sa nagdala si Don Saturnino ng mga bagong pananim at
pamamaraan ng pagsasaka sa San Diego.

126
binigyan ng pangalang Rafael, na siyang ama ni Crisostomo. Mula pa sa
pagkabata. si Don Rafael ay kinagiliwan na ng mga tagabukid; ang
pamamaraan ng pagsasaka na dinala roon at pinalusog ng kanyang ama
ay sumagana; dumating doon ang iba pang maninirahan, dumating doon
ang maraming Insik;18 ang nayon ay naging bayan-bayanan at
nagkaroon ng isang kurang Pilipino; pagkatapos ay naging bayan at ng
namatay ang kurang Pilipino, ay pumalit si Padre Damaso.19
Sa mga panahong iyon ang libingan at mga lupang malapit doon
ay hindi pinupuntahan.  Kung minsan ay nangangahas na lumibot sa
lugar na iyon ang mga bata, na may mga dalang panungkit na pamalo at
bato upang mamitas ng bayabas, papaya, duhat, atbp., ngunit madalas
na samantalang sila ay namimitas, o pinanonood ang lubid na nakasabit
sa sanga, ay may lumalagpak na isa o dalawang bato, na hindi malaman
kung saan buhat; sa gayon ay sabay sa sigawang ang matanda! ang
matanda! at ipinagtatapon ang mga napitas na prutas at mga pamalo,
nagtatalunan mula sa puno, nagtatakbuhan sa mga talampas at mga
dawagan, at hindi humihinto kundi sa labas na ng gubat, na lahat ay
namumutla, ang ilan ay hingal na hingal, ang ilan ay umiiyak, at ilan
ang natatawa.20

18
Sa panahon pa man ng mga Espanyol ay makikita na ang papel ng mga
Intsik sa kabuhayan ng mga Pilipino - ang alam ng mga Intsik na ang
pagkapal ng populasyon ay may dalang kapakinabang pangkabuhayan para
sa kanila.
19
Ipinapakita ni Rizal ang papel ng mga kurang Pilipino (secular) ang siyang
nangangasiwa ng mga maliit na parokya at kung ito ay lumaki ang bilang
ay nalilipat sa mga prayle.
20
Bakit natatawa ang ilan? - Maaring sila ang nagpukol ng bato sa kanila
mga kasamahan na naging dahilan ng pagkatakot ng marami sa kanila.

127

Das könnte Ihnen auch gefallen