Sie sind auf Seite 1von 3

Pagpapatuloy ng kasaysayang Midyebal

Sa pagpapatuloy ng Gitnang Panahon o ng Panahong Midyebal ay umusbong pa ang


ibang mga institusyon na gumuhit sa kasaysayan nang yugtong iyon, particular
nasa Europa. Ilan ditto ay ang piyudalismo, isang natatanging sistemang sosyoekonomiko; ang uring kabalyero; at ang sistemang gilde.
Piyudalismo: Isang natatanging Sistemang Sosyo-Ekonomiko
Ang piyudalismo ay isang sistemang pulitikal, panlipunan, at pang-ekonomiko
nalumitaw sa may kanluran ng Europa sa Panahong Midyebal. Ito ay nag-ugat sa
pagbasak ng mga pamahalaan at paglusob ng mga barbaro. Sa pagkamatay ni
Charlemagne ay nagkaroon ng butas sa liderato. Nagkawatak-watak ang kanyang
imperyo at ang mga haring pumalit ay pawing mahihina. Sinamantala ito ng mga
mayayaman at mga uring nobilisad, na siyang humawak ng kapangyarihan sa
maraming lugar. Bagamt mga hari pa rin ang namumuno sa ibat ibang lugar, ang
mga nobilidad o maharlikang tao ang siyang tunay na may hawak ng
kapangyarihan. Ito ay sa dahilang kailangan sila ng tao para sa proteksyon.
Fiefs- mga lupain na binigay ng mga nobilidad na maaaring pamahalaan.
Ang Lipunang Piyudal
Ang sistemang piyudal ay binubuo ng tatlong pangkat ng mga tao: ang mga pari,
ang mga maharlikang sundalo; at ang mga serf, o alipin. Ang mga pari, lalo na ang
mga Obispo, ay kaaniwan nang galling sa mga angkan ng mayayaman at nobilidad
dahil bahagi sila ng Simbahang Katoliko, may malaki silang papel at kapangyahiran
sa panahong iyon.
Ang mga maharlikang sundalo naman ay umusbong dahil sa kawalan o kahinaan
ng puwersa ng hari. Sa umpisa, ito ay ang mga kalalakihan na may sapat na lakas
ng loob, tapang, at liksi ng pangangatawan upang lumaban. Nang lumaon,
nagkaroon nang mga magigiting na sundalo, na tinatawag na kabalyaro o knights,
na tunay na sinanay sa pakikidigma, at sumusunod sa isang particular na koda o
batas ng karangalan.
Binubuo naman ng mga serf o alipin ang masa o karaniwang tao sa panahong iyon.
Ang mga alipin ang dugo at pawis ng lipunang piyudalismo.
Ang Pagiging Kabalyero
Ang mga kabalyero o knights ay siyang pinakamataas na uri ng mandirigma sa
Panahong Midyebal. Nanunumpa ng katapatan ang mga kabalyero sa isang koda ng
karangalan. Itinututring ang isang kabalyero bilang isang mahusay at maginoong
mandirigma, na may wastong kasanayan sa paggamit ng mga sandatang tulad ng
lance at espada. Ang pangunahing kalamangan ng isang kabalyero sa ibang uri ng
mandirigma ay ang pagiging bihasa sa paggamit ng kabayo sa pakikipaglaban.
Mga Hakbang sa Pagiging Kabalyero:
Kapg pitong taon na ito, ang bata ay magiging page, na sasanayin sa mga
karaniwang sandata. Pagsapit ng ika-15 taon ng bata, ang page ay magiging
squire, na ibibigay sa kalinga ng isang particular na kabalyero na magbibigay rito
ng ibayong pagsasanay at karanasan. Sa gulang na 21 taon ay maaari nang maging

kabalyero ang isang squire. Bago ang seremonya, kinakailangan siyang maglamay
o magpuyat sa isang kapilya upang magmuni-muni sa kanyang responsibilidad. Sa
seremonya naman, ang hari o panginoon ay magtataas ng isang espada at itatapik
ito nang marahan sa balikat ng isang squire, habang nakaluhod ito sa hari.
Matapos ito, ang squire ay ganap nang kabalyero. Ang kabalyero ay karaniwang
nababalutan ng armor o pambalot-katawan na gawa sa metal o kayay sa matibay
na balat at mayroon din siyang helmet upang maprotektahan ang kanyang ulo.
Ang Simbahan at ang Piyudalismo
Malaki ang nagging papel ng simbahan sa sistemang piyudalismo. Ang mga fief, na
mga lupain ngang ipinamigay ng hari, ay karaniwang napapalibutan ng mga batong
pader, na may malaking kastilo sa gitna. Ang bawat kastilyo ay mayroong kapilya,
kung saan naroroon ang isang pari.. Ang pari ay nagsisilbing sumbungan ng mga
tao ukol sa pagmamalabis ng mga basalyo, na maaari naman nitong iparating sa
hari.
Mga Krusada: Digmaang Panrelihiyon
Dahil sa pag-aagawan sa kapangyarihan ng maraming sector, grupo, at
mananampalataya noong Panahong Midyebal ay nagkaroon ng maraming sigalot at
mga paglalaban. Isa sa mga serye ng mga pangyayari noon na nagging
makasaysayan ay ang mga krusada, na mga digmaang isinagawa ng Simbahang
Katoliko laban sa mga di-katoliko at mga heretiko, na inaprubahan ng ma papa ng
Roma. Sa pangkalahatan, ang mga layunin ng krusada ay ang mga sumusunod:
Pagkontrol sa Jerusalem at sa Banal na Lupain (Holy Land)
Pagtatanggol sa Imperyong Byzatine laban sa mga lumulusob na grupong
Muslim
Pangangailangang ipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko
Paghahangad ng lupa at yaman ng mga indibidwal na mandirigmanng sumali
sa krusada at ng mga negosyante
Mga pangunahing krusada:
Mga Unang Krusada (1096-1099)
Ikalawang Krusada (1147-1149)
Ikatlong Krusada (1189- 1192)
Ikaapat na Krusada (1202-1204)
Ang Krusada ng mga Bata (10212)
Resulta ng mga Krusada:

Pagkamatay ng maraming mga tao, Muslim man o Kristiyano;


Paghina ng impluwensiya ng simbahan at ng mga papa;
Pagsasama ng mga Kristiyano sa kanluran at silangan, sa kabila ng
pagkakaiba ng doktrina;
Pagyabong ng sining at literaturang Europa ukol sa mga bagay na may
kinalaman sa Krusada; at
Paghina ng sistemang piyudalismo.

Paglaganap ng mga Bayan at Lungsod

Sa paghina ng sistemang piyudalismo, maraming pesante at alipin ang


nagkaroon ng pagkataong magsagawa ng kanilang sariling negosyo. Ang mga ito
at kanilang mga anak ang nagging uring mangangalakal at negosyante nang
panahong iyon, ang uring magpapausbong sa mga bayan at gilde. Umunlad sa
Europa ang mga produkto at nagdala ng mga produktong Europa tungo sa
silangan, at nagbabagsak naman ng mga produktong mula sa silangan, tulad ng
bulak, panimpla, at seda papunta sa Europa. Nagkaroon na rin ng mga taong
tinatawag na mga craftsmen, o yaong may husay sa paggawa ng isang
particular na produkto, halimbaway sapatos o damit, at mga artisan, na mga
manggagawang may particular na kakayahan, tulad ng karpintero at
modista.Unti-unti na rin g lumalaki ang populasyon, na nangangailangan ng mas
malawak na organisasyon at pamamahala kumpara sa mga fies, at dahil ditto ay
nagsama-sama ang mga tao sa isang lugar.
Mga Bayan: Sentro ng Kalakakan sa Panahong Midyebal
Sa pagtagal ng panahon, ang mga negosyante, mangangalakal, at artisan ng
ika-12 siglo ay lalong nagging produktibo, at nangailangan ng bagong pamilihan
na pagbabagsakan ng kanilang produkto.
Mga Fair. Ang mga fair ay nagsilbing mga festival kung saan ang mga
negosyante mula sa ibat ibang bahagi ng Europa at maging ng Asya ay
dumating upang magtinda o bumili ng mga produkto. Ang ibang mga fair ay
isinagawa para particular na produkto, tulad ng kabayo at damit.Ang karamihan
sa mga fair ay isinagawa sa Champagne sa Pransiya , Geneva sa Switzerland,
Milan sa Italya, Frankfurt sa Alemanya, at London sa Inglatera. Dahil sa mga fair
ay isinasagawa lamang sa mga takdang panahon, hindi nito natugunan ang
pangangailangan sa tulo-tuloy na negosyo. Dumating ang panahon na ang mga
pamilihan o fair ay ginawa nang permanente sa isang lugar.
Ang paglitaw ng mga Gilde
Sa pagabong ng kanilang mga negosyo at trbaho, napag-isipan ng mga
mangangalakal at mga artisan ang pangangailangang protektahan ang kanilang
mga negosyo at interes. Nagresulta ito sa kanilang pagbuo ng mga gilde (guild),
na mga grupo o asosasyon ng binuo ng mga negosyante at mga artisan.
Gilde ng mga Negosyante. Ito ay binubuo ng mga negosyante at mangangalakal
sa isang particular na lugar. Sa paglakbay ngg mga mangangalakal at
negosyante sa mga pamilihan ay nanganngailangan sila ng proteksyon laban sa
mga panganib, batas na laban sa negosyo, at pakikialam ng pamahalaan.
Gildeng Craft. Dahil sa tagumpay ng mga gilde ng mga negosyante, nagtayo
na rin ang mga craftsmen at artisan ng kanilang sariling mga gilde upang
protektahan naman ang kanilang interes bilang mga manggagawa at mga
artisan, Ang gildeng craft ay binubuo ng mga taong kabilang sa iisang
gawain o craft, tulad ng gilde ng mga magtitinapay.

Das könnte Ihnen auch gefallen