Sie sind auf Seite 1von 1

ALCU: Ang Lampin Natin

Adalric G. Cabal

Sa rehiyong tulad ng Rehiyon 3, kung sisipatin sa heograpikal na perspektiba, ay


pinaghihiwalay ng mga nagtataasang kabundukan at naglalawakang palayan; sa gayon,
nangangailangan ito ng mga institusyon o samahan na iigpaw sa mga bulubundukin at
tatawid sa palayan upang bigkisin ang mga bayan, kolehiyo at tao rito. Isang halimbawa
ng samahan na may ganitong layon ay ang ALCU (Association of Local Colleges and
Universities)nagsisilbing buklod sa mga kasapi nitong lokal na kolehiyo at unibersidad
tungo sa pagkakaisa.
Ang ALCU ay lampin dahil dito isinisilang ang pagkakaisa, pag-uunawaan at
pagdadamayan. Dito rin ito nililinang upang paglaon ay lumago at maging
kapakipakinabang. Gaya ng gamit ng lampin sa bata; binibihisan ng ALCU ang mga
kasapi nito ng iisang kulay, laki, haba at disenyo ng prinsipyo para sa iisang layunin.
Maaring magkakaiba nga ng sukat ang mga kasapi, ngunit hindi bat sa damit ay
mayroong ibat-ibang laki? Gayundin ang ginagawa ng ALCU, hindi ipinipilit ipagkasya
ang hindi naman lalapat o angkop sa kasapi nito. Kung kayat inaalam nito ang gusto o
tamang kulay, laki, haba at disenyo ng programang kinakailangan ng bawat kasapi. Hindi
ikinababahala ng ALCU ang pagkakaiba-ibang ito bagkus ay ikinagagalak pa nga;
sapagkat, may pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba.
Matapos isilang, matapos palaguin at matapos palaganapin ang pagkakaisa sa
ALCU, inaasahan na ang kulay, laki, haba at disenyo ng prinsipyo na ibinihis sa mga
kasapi ay gamitin hindi lamang para sa pansariling-interes kundi para rin sa ikabubuti ng
kanyang bayan at kababayan. May makakagapi pa ba sa grupong tinali ng iisang mithi?
Wala na nga. Wala. Sapagkat hindi mapapasubalian ang magagawa ng kolektibong
pagkilosna may kipkip na iisang layunin at adhikain. Kapag ang mga itoy nakamit na
natin huwag sanang limutin ang lampin natin.

Das könnte Ihnen auch gefallen