Sie sind auf Seite 1von 5

BALANGKAS NG PAGSUSURI

I.

A. Pamagat

:
Luha ng Buwaya
Amado V. Hernandez

B. Sanggunian:
II.

BUOD:
Luha ng Buwaya
Amado V. Hernandez
Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga
inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang
kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston
muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Dona Leona
Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet.
Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang
mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man.
Sila'y lagging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka.
Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka
dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon
siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa.
Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang
magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro
na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga
mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung
tawagin ay 'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di
nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang
karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila'y gumawa ng paraan upang matanggal si
Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na
siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema
sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande.
Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa
nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.

III.

PAGSUSURI
A. Uring Pampanitikan:
Nobela
B. Istilo ng Paglalahad:
Simula-Gitna-Wakas
C. Teoryang Pampanitikan:
Teoryang Markismo
Paliwanag:
Si Ka Amado ay kilalang sumusuporta sa kilusang Komunismo at makikita sa kanyang mga nobela. Maraming
ideolohiya ng kilalang Ama ng Komunismo na si Karl Marx ang naging mahalagang elemento ng Luha ng Buwaya.

Yay sa kanila dapat sabihin, Alkalde, balik ni Tasyo. Kami poy nakalugmok na ang tanging gustoy
makabangon.
Ang nasa itaas ay isang sipi mula sa nobela, pahina 207. Base sa sipi na ito, mapapatunayan natin ang kagustuhan
ng mga iskuwater at magsasaka na makaalis sa hikahos ng buhay na idinulot sa kanila ng pang-gigipit at
panlalamang ng mag-asawang Grande.
Ipinapakita sa akda ang gitgitan sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap. Sa pagitan ng Pamilyang Grande at
ng mga magsasaka sa Sampilong. Ipinapakita din ditto ang pagbabago ng ugali ng mga magsasaka dahil sa tulong
ni Badong na isang punong-guro ay natuto ng lumaban ang mga magsasaka sa kanilang karapatan laban sa
pamilyang sakim sa kayamanan. Hanggang sa huli ay nakamit nila ang kalayaan at tagumpay na matagal na nilang
ninais na makamtan.
D. Mga Tayutay:
1) Luha ng Buwaya
2) Ang Luha ng Buwaya ay isang halimbawa ng tayutay personipikasyon sapagkat
isinasalin nito ang talino, gawi, at katangian ng tao sa bagay na walang talino. Maari
ding gamitin ito sa idyomatikong pagpapahayag.
Ang ibig ipakahulugan ng Luha ng Buwaya ay ang pagtatangis ng isang taong sakim sa
pera. Sa akdang Luha ng Buwaya ay isinalaysay nito ang lubosang pagsisisi at
pagtangis ng Pamilyang Grande ng mawala na ang lahat sa kanila ang atensyon,
dignidad at kayamanan na dati ay abot kamay lamang nila ngayoy hanggang tingin na
lamang. Dahil sa kanilang pagiging malupit, sakim, at matapobre ngayoy wala na silang
mukha pang ihaharap sa mga taga-Sampilong.
E. Sariling Reaksyon:
1) Mga Pansin at Puna
a. Mga Tauhan
Bandong Cruz
Siya ay isang gurong hinirang upang maging panibagong principal o punong- guro ng isang
paaralan sa Sampilong. Siya ay anak ng isang magsasaka at maagang naulila, kayat siyay
kinupkop ng kanyang tiya. Siya ay matuwid, matulungin, responsable, at mapagkakatiwalaan
kayat palagay sa kanya ang mga mahihirap at ordinaryong tao sa Sampilong.
Don Severo at Doa Leona Grande
Sila ang mayamang mag-asawa na mapang-abuso sa kanilang mga trabahador at sa mga
nangungupahan sa kanilang mga lupain. Mayroon silang dalawang anak na nagngangalang Jun
at Ninet. Madalas silang magsimba ngunit silay lubhang sakim at gahaman. Maaaring
mahalintulad sa matakawa na buwaya.
Dislaw
Ang katiwala ng mga Grande na mayabang, may masamang ugali at kinamumuhian ng mga
magsasaka. Siya ang karibal ni Bandong sa magandang dalagang si Pina. Palagi siyang may
dala-dalang rebolber nabaril saan man magpunta.
Pina

Isang babae na nagaangkin ng kakaibang ganda. Ang dalagang iniibig pareho nina Bandong at
Dislaw. Siya ay anak ni Mang Pablo at Aling Sabel. May kapatid siyang lalaki na
nagngangalang Dinong. Tinangka siyang gahasain ni Dislaw pagkat di niya ito makuha sa
santong dasalan.
Andres
Isang lalaking naninirahan sa iskwater area na may lihim na pagkatao. Pinagbintangan siyang
magnanakaw ng ulo ng litson na iniabot lamang sa kanya. Siya ang asawa ni Sedes at mayroon
silang apat na anak. Lingid sa kaalaman ng iba na siya pala ang tagapagmana ng malaking
lupain ni Kabesang Resong, isang mayaman ngunit mabuting kabesa noon.
Tasyo
Siya ang hinirang na pinuno ng unyon. Madalas siyang makipag-away sa mga Grande at kay
Dislaw dahil nais niyang protektahan at ipaglaban ang kanilang karapatan at mabigyan ng
hustisya ang mga pang-aabuso sa kanilang mga mahihirap.
b. Galaw ng Pangyayari
A. Bisa sa Isip
- Ang akdang isinulat ni Amado V. Hernandez na Luha ng Buwaya ay
tunay na nakakapukaw ng isip at diwa. Hinihimok nito ang ating isipan
na maging bukas sa tunay na mga nangyayari sa ating paligid.
Ipinapakita din dito na lahat ng tao ay may kakayahang matuto at
magbago. Halimbawa nito ay ang walang kamuwang-muwang na isip ng
mga magsasaka doon sa Sampilon ay nadiligan nang karunungan sa
tulong ng isang ulirang guro na si Badong at dahil doon ay natutong
ipaglaban

ng

mga

magsasaka

ang

kanilang

karapatan

at

ang

pagkabunyag ng totoong nagmamay-ari ng lupain na si Andres.


B. Bisa sa Damdamin
- Ang kwento ay tunay na nakakagising ng damdamin. Lalong-lalo nat
maraming emosyon

nakapaloob sa akda. Nangingibabaw sa kwento

ang lumalagablab na damdamin ng mga magsasaka na ipaglaban ang


kanilang karapatan bilang isang tao. Karapatan na dapat silay tratohin
nang pantay-pantay.
C. Bisa sa Kaasalan
- Sa kwentong Luha ng Buwaya ating mapapansin ang ugali nila Don
Severo at Doa Leona Grande ay hindi kaaya-aya at di dapat tularan.
Ang kanilang pagiging mapagmataas, pagiging gahaman at sakim sa
pera at sa pagtapak nila sa moral o karapatan sa kapwa kung kayat
kalaonay sila ay na karma dahil sa kanilang kasamaan. Sa kabilang
banda, si Bandong Cruz ay isang napakamagandang halimbawa sa mga
guro. Sapagkat hindi lamang ang pagtuturo sa paaralan ang kanyang
ginagawa, siya ay bukas din sa mga hinanaing ng mga taong
naninirahan sa Sampilong at sa abot ng kanyang makakaya ay
tutulungan niya ito ng walang kapalit.

D. Bisa sa Lipunan
- Sa pagsusuri ng kwentong Luha ng Buwaya ating mapapansin ang
malaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Sa pagitan ng
union ng magsasaka at sa Pamilyang Grande. At ang mga pangyayari
ito ay patuloy pa rin na nangyayari sa ating lipunan at ang tanging
magagawa lamang ditto ay dapat ang bawat isay marunong
magpakumbaba at tumanaw ng respeto upang maiwasan ito. Iwasan
din ang pagmamayabang at panghuhusga sa kapwa dahil dapat nating
tandaan na ang pera at ang lahat ng mga makamundong bagay ay hindi
natin madadala sa langit kung tayoy kukunin na ng maykapal ang
tanging maiiwan lamang ay ang dignidad nation ang mga kabutihan na
ating ipinakita sa mundong ibabaw.

ST. PETERS COLLEGE OF ORMOC


COLLEGE UNIT
TEACHER EDUCATION DEPARTMENT

Filipino 22: Panunuring Pampanitikan


Balangkas ng Pagsusuri
(LUHA NG BUWAYA)

Ipinasa kay:

Gng. Myriam H. Dino

Ipinasa ni:

Isabel D. Guape
BSED-IV

Ika-14 ng Hulyo

Das könnte Ihnen auch gefallen