Sie sind auf Seite 1von 1

Spoken Word Poetry

By:Hazel Ann G. Adoptante

Tuldok
Dito mo sinumulan ang lahat
Ginamit mo sa pagbuo ng linya
Na nag-uugnay sa ating dalawa

Tuldok
Sa isang maliit na guhit
Na nauwi sa mga kurba ng letra,
Letrang bumuo ng mga pangungusap
Na tila isang relasyon na mahirap ngunit nakakaaliw

Tuldok
Tinapos mo na.
Tinuldukan mo.
Wala na.
Dahil sa isang tuldok ay natapos ang pangungusap na pinaghirapan buoin
Pangungusap na nais pa dugtungan ngunit hindi na maaari

Ngunit teka, may naalala ako


Tuldok.
Tuldok.
Tuldok.
Elipsis!
Ang akala kong tapos na ay may kasunod pa pala.

Das könnte Ihnen auch gefallen