Sie sind auf Seite 1von 4

Rofer A.

Arches

Dr. Rabina

III-4 BSE Filipino

Disyembre 8, 2015

TEORYANG PANGGRAMATIKA

I. Introduksyon

Bawat larangan ay may sariling sanligan. Ang anumang sanligan ang magsisilbi
nitong matibay na pundasyong mapanghahawakan. Ang sanligan at pundasyong
ito ay nasa anyo ng mga teorya at simulain o iyong mga set ng kaisipang
nagtatangkang magpaliwanag ng isang pangyayari na nakapaloob sa isang tiyak
na disiplina o larangan.
Malaki ang ginagampanan ng mga teorya at simulain sapagkat ang mga ito ang
nagsisilbing batayan ng mga pamaraan sa gagawing pag-aaral at pagtuturo ng
wika upang tiyakin kung anu-ano ang dapat bigyang-pansin at pagpapahalaga.
Sa madaling sabi, ang mga simulain, prinsipyo o teoryang ito bilang sanligan ang
nagsisilbing batayan o tanglaw sa pagpaplanong gagawin o isasakatuparan. Ang
mga teoryat simulaing ito ang dahilan kung bakit nabibigyang-linaw ang mga
nagnanais na pumalaot larangan ng pag-aaral at pagkatuto ng wika. Nakapaloob
sa ibat ibang teorya, pananaw, at simulain ang paghahanap ng mga kasagutan
sa mga katanungang:Paano natututuhan / natatamo ang wika? Paano dapat
itinuturo ang wika? Ano ang dapat na maging tuon sa pagtuturo ng wika? Paano
magplano, maghanda, at maglapat ng ibat ibang dulog, teknik, at pamaraan sa
epektibong pagtuturo at pagkatuto ng wika?
Ang mga pundasyong teoretikal mula sa batayang teorya, prinsipyo, pananaw, at
simulain sa larangan ng wika ay masasabing esensiyal at integral sa iba pang
lawak ng pag-aaral. Mahalagang tandaan na anumang pagkatutong matatamo
ng isang mag-aaral ay magsisilbing tulay sa iba pang lawak tulad ng pamaraan
at estratehiya sa pagtuturo, pagtataya ng mga makrong kasanayan,
debelopment ng kurikulum, paghahanda at ebalwasyon ng kagamitang
pampagtuturo, pagsusulit, at pananaliksik. Samakatuwid, unang hakbang ang
kabatiran sa pag-aaral at pagkatuto ng wika patungo sa iba pang pag-aaral at
pagkatuto ng mga paksa sa loob at labas ng disiplina. Ito ang pundasyong
magpapatatag sa sa pagsuong sa larangang Filipino bilang daluyan ng kaalaman
at karunungan.
Bilang guro ng wika, mahalaga ang sasandigan mong paniniwala ukol sa
kalikasan ng wika at bata upang epektibo silang matuto ng wika tungo sa
kapakinabangang panlipunan. Ang mga teorya at simulain ang pagmumulan ng
paniniwala ng isang guro kaugnay ng adhikaing matuto at matamo ng bata ang
wika para sa kapakinabangang pansarili, pampamilya, at pampamayanan.
Sa pangkalahatan, may mga simulain sa pagtuturo at pagkatuto ng wika.

Teoryang Baryasyonista or Variationist

Lumalaganap ang teoryang ito dahil sa unti-unting pag-usbong ng mga iba't

ibang speech community na nagtataglay ng maraming baryasyon ng wika.


Nakapokus sa baryasyon ng wikang ginagamit ng mga taong sangkot sa isang
diskurso; kinapapalooban ito ng pagkakaiba sa tono, intonasyon, gamit ng salita

gayon din ang estrukturang panggramatika ng isang Teoryang Baryasyonista


Pinaniniwalaan ni Littlewood sa kanyang pagtalakay na nakikita ng nag-aaral ng

wika ang iba't ibang baryasasyon sa tagapagsalita.


Sa pag-aaral naman ng wika, ang mga Chomskyan ay naniniwala na nagiging
mahirap para sa nag-aaral ng wika ang maraming baryasyon o kaugnay ng

baryasyong ito ang ponolohiya ng wika.


Sa pag-aaral naman ng wika, ang mga Chomskyan ay naniniwala na nagiging
mahirap para sa nag-aaral ng wika ang maraming baryasyon o kaugnay ng

baryasyong ito ang ponolohiya ng wika.


Ang baryasyonista namang si Tarone ay malinaw na nakapokus sa proseso ng
pagtuklas. Ayon sa kanya, ang layunin ng pananaliksik ay ilarawan ang
gramatikal at ponolohikal na sistema na nakatuon sa pagsasagawa o
performance ng mag-aaral.

Teoryang Generative-Transformational Grammar

Tinatayang dekada 60, ang generative-transformational na sangay ng


lingguwistika ay umusbong sa pamamagitan ng impluwensya ni Noam
Chomsky.Para sa kanya ang wika ay hindi kagyat na makukuha sa
pamamagitan ng simpleng pagmamasid sa mga reinforcement at reaksyon, o
sa dami ng mga hilaw na datos na nakalap ng mga dalubwika sa paligid na
maaaring ituring bilang komunidad pangwika.
Interesado ang mga generative linguist hindi lamang sa paglalarawan ng wika
(ang pagtatamo ng antas ng kasapatan sa paglalarawan o descriptive
adequacy), kundi maging sa sapat na pagpapaliwanag (explanatory level of
adequacy) ng mga pag-aaral ukol sa tiyak na wika.
Para kay Chomsky, ang pagiging malaya ng anumang wika ang naging
batayan ng kanilang simulain sa pagpili ng angkop at sapat na paglalarawan
ng balarila ng bawat wika.
Ang unang sangay na naipunla noong pagsisimula ng ika-20 siglo.
Pinaninindigan ni Ferdinand de Saussure, kinikilala bilang Ama ng
Lingguwistika na siyang nagmuhon at nagpakilala ukol sa pagkakaiba sa
pagitan ng parole at langue.

Ano nga ba ang parole at langue?

de Saussure

Skinner

Chomsky

Parole

namamasid / kapansinpansin na gawi (observe)

Performance

Langue

di-lantad / di-namamasid
na kakayahang pangwika
(unobserved)

Competence

Naging maigting ang pagsalig ng naunang sangay ng mga estrukturalista sa


pag-aaral ng parole at naisantabi ang langue na naging sanhi upang ang
generative linguistics ay tumiwalag sa paniniwala ng mga estrukturalista ukol
sa gamit ng wika bilang panlabas na manipestasyon nito. Sa halip, inilarawan
ng mga generative linguist ang mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng
namamasid na aspekto ng wika at ng mga nakatagong antas ng kahulugan at
kaisipan na nagbibigay-daan sa muling paglikha ng mga kapansin-pansin na
linguistic performance.
Para sa mga cognitive psychologistang kahulugan, pag-unawa, at pag-alam
sa pinag-aaralang wika ay mahahalagang datos para sa sikolohikal na pagaaral. Sa halip na magtuon sa ugnayang stimulus-response, tinangka ng mga
cognitive psychologist na tuklasin ang sikolohikal na simulain sa pagbubuo,
pagsasaayos, at paggamit ng wika (psychological principles of organization
and functioning).
Sinisikap din ng mga cognitive psychologist na alamin ang mga nakapaloob
na motibasyon at malalim na estruktura ng kagawian ng tao sa pamamagitan
ng rasyunal na pagdulog (rational approach) isang dulog na malaya sa
paghihigpit ng empirikal na pag-aaral [tulad ng mga behaviorist]; bagkus ay
kinakasangkapan din sa pag-aaral ang lohika, katwiran, hinuha, at
panggagalugad o eksplorasyon upang maipaliwanag ang gawi ng tao na nagaaral ng tiyak na wika.
Ang pagpapalit o paglipat mula sa descriptive patungong explanatory ang
pinakamahalagang ambag ng sangay na ito.

Teoryang Fuctional Grammar

Lapit ang teorya sa pagtatamo at pagkatuto ng wika na nagsasaad na ang


gampanin o tungkulin na wika at mga elemento ay maging salig sa pang-unawa
ng prosesong pangglinggwistika at esktruktura. Ipinapanukala ng teoryang ito na
yamang ang wika ay isang saligang instrumento, makatwiran ipagpalagay na ang

istruktura ang pinakamagandang suriin at ang pag-unawa sa sanggunian sa


tungkuling kanilan ibinibigay.

Standard Theory

Iminumungkahi ng teoryang ito na ang gramatika ng wikang ginagamit ng tao ay


binubuo ng mga bilang ng mga komponent, o kaisahan ng mga panuntunan; ang
mga panuntunan sa bawat bloke ay alinsunod sa mga tiyak na simulain ng bawat
uri, at ang kalalabasan ng bawat komponent ay nagpapakahulugan sa isang
tiyak na lebel ng linggwistika.

SANGGUNIAN

Badayos, Paquito B. (2008). Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino:


Mga Teorya, Simulain at Istratehiya. Nirebisang Edisyon. Valenzuela City:
Mutya Publishing House.

Brown, H. Douglas. (2000). Principles of Language Learning and Teaching. 4th Edition.
NY: Pearson Education.

Teoryang Baryasyonista by Shenna Ann Lopez on Prezi.html

GrammaticalTheory - http://dingo.sbs.arizona.edu/~langendoen/GrammaticalTheory.pdf

Das könnte Ihnen auch gefallen