Sie sind auf Seite 1von 4

PAARALANG KATOLIKO NG MALATE

KAGAWARAN NG MATAAS NA
K P
TAONG PAMPAARALAN 2014UNANG BUWANANG
PANLIPUNAN 7
C.N. ________
Pangalan: ____________________________________
Taon at Seksyon: ______________________________

PAARALAN
2015

PAGSUSULIT SA ARALING

Petsa: _________________
Guro: Bb. Herminia D. Orio

I.

PAGPILI:
Panuto: Basahin ang mga pahayag at tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang
titik ng tamang sagot.
_____ 1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya. Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong
ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspektong pisikal, historikal at kultural. Kumpara sa
ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitignan bilang magkaugnay?
A. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong historikal, kultural, agrikultural
at sa klima.
B. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal .
C. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho.
D. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito.
_____ 2. Paano mo ilalarawan at bibigyang interpretasyon ang kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
A. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho.
B. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon.
C. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
D. Insular ang malaking bahagi ng kontinente ng Asya.
_____ 3. Ito ang imaginary line na humahati sa mundo sa hilaga at timog hating-globo na matatagpuan sa
degree latitude.
A. equator
B. guhit latitude
C. guhit longitude
D. prime meridian
_____ 4. Ang pamamaraang ginamit kung ang mga anyong tubig na nagsisilbing hangganan ng Asya ang
ibinibigay upang matukoy ang kinaroroonan ng kontinenteng ito?
A. insular
B. bisinal
C. relatibo
D. absolute
_____ 5. Ito ay isang malikhaing paglalarawan sa mga katangian ng isang lugar at pinakatumpak na paraan ng
pagpapakita ng lokasyon ng mga bansa/lugar sa mundo.
A. almanac
B. globo
C. mapa
D. atlas
_____6. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na " Sinasalamin ng wika ang
kultura ng isang lahi "
A. Ang wika ay may iba't ibang layunin.
B. Iba't iba ang wika ng iba't ibang tao.
C. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao.
D. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi.
_____7. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba't ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at
topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima,
at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian
ng klima sa Timog- Silangang Asya?
A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag- ulan.
B. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi na nababalutan ng yelo.
C. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito .
D. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
_____8. Sa anong mapa makikita ang mga katangiang pisikal ng isang lugar? Sa mapang __________
A. pangklima
B. pisikal
C. pang-ekonomiya D. pulitikal
_____9. Ang Asya at Aprika ay iniuugnay ng Isthmus ng Suez na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Red Sea.
Araling Panlipunan 7
1

Ano ang hangganan ng dalawang kontinente?

A. Arctic Ocean
B. Bering Strait

C. Strait of Gibraltar

D. Suez Canal

____ 10. Napapaligiran ang Asya ng ibat ibang anyong tubig na napagkukunan ng mga likas na yaman tulad
ng pagkain, perlas at halamang dagat. Ilan sa mga ito ay ang ilog Mekong, Irrawaddy at Cagayan.
Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang mga ito?
A. Silangang Asya
B. Hilagang Asya
C. Timog Silangang Asya
D. Kanlurang Asya
____11. Ang Pilipinas ay isang bansang arkipelago. Ito ay nakararanas ng suliraning pang-administratibo
dulot ng pagiging kapuluan nito. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng mabagal na pag-unlad ng
Pilipinas?
A. pagiging magkakalayo ng mga pulo o lugar
C. di- parehong distribusyon ng populasyon
B. kakulangan sa mga likas na yaman ng bansa
D. pagdagsa ng mga dayuhan sa bansa
____ 12. Ang salitang Asya ay hango sa salitang Semitiko na asu na nangangahulugang _____________.
A. perlas ng silanganan B. pagsikat ng araw o silangan
C. paglubog ng araw D. gitnang silangan
____ 13. Alin sa mga sumusunod ang higit na nagiging bunga ng ibat ibang klima at topograpiya?
A. pagkakaroon ng ibat ibang wika at kultura
C. kahirapan sa mga naninirahan
B. paglitaw ng mga kakaibang hayop
D. pananatili sa iisang lugar
____ 14. Alin sa mga sumusunod na bansa ang may kaunting likas na yaman?
A. Jordan
B. Syria
C. Iraq
D. Iran
____ 15. Ipinapakita nito ang uri ng mga pangunahing pananim, mga produkto at industriya ng isang pook.
A. Mapang Klima
B. Mapang Pangkabuhayan C. Mapang Pisikal
D. Mapang Pulitikal
____ 16. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente na umaabot mula sa Arctic hanggang lampas ng ekwador.
Ano ang hangganan na naghahati sa Asya at Europa?
A. Caucasus Mountain
B. Mediterranean
C. Ural Mountain
D. Pacific Ocean
_____17. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapatunay sa pangungusap na ito?
A. Matatagpuan sa Asya ang lahat ng uri ng anyong-lupa at tubig ng daigdig.
B. Ang Asya ay binubuo ng 1/3 ng kabuuang kalupaan sa mundo.
C. Nasa Asya ang pinakamataas na bundok at ang pinakamababang lugar sa mundo.
D. Maraming bansa ang matatagpuan sa Asya.
_____ 18. Ano ang pinakamaliit na bansa sa Kanlurang Asya?
A. Israel
B. Iran
C. Turkey
D. Lebanon
_____19. Natatangi ang Asya sa iba pang kontinente ng daigdig. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay
sa pahayag na ito? Sa Asya ________________.
A. ang may pinakamalaking kontinente at populasyon sa daigdig
B. matatagpuan ang mga kalupaan at katubigan ng mundo
C. umusbong at umunlad ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig
D. ang pinagkalooban ng saganang yamang-likas
_____20. Ang rehiyon sa Asya na may pinakamaraming bilang ng mga bansa.
A. Kanlurang Asya B. Timog-Silangang Asya
C. Timog Asya
D. Hilagang Asya
II.

PAGGAMIT NG MAPA
A. Panuto: Gamit ang mapa, tukuyin ang tiyak na lokasyon (gamit ang latitude at longhitud) ng mga
sumusunod na bansa. Isulat sa kahon ang tamang sagot.
21. Iraq -

26. Italy

22. India -

27. Libya

23. New Zealand -

28. Sudan -

24. Argentina -

29. Thailand Araling Panlipunan 7

2

25. United States -

30. Iran -

B. Panuto: Isulat ang pangalan ng bansa gamit ang tiyak na lokasyon nito sa mapa. Isulat sa patlang
ang tamang sagot.
31. 32 H 35 S - ____________________
32. 17 H 65 K - _____________________
33. 65 H 27 S - ____________________ 34. 65 H - 19 K - _____________________
35. 35 T 64 K - ____________________
C. Panuto: Punan ang tsart sa pamamagitan ng pagtukoy ng Lokasyong Insular at Bisinal ng
sumusunod na bansa.
Bansa

Insular

Bisinal

Kyrgyzstan

36

37.

Mexico

38.

39.

Bolivia

40.

III.

PAGLALAHAD NG PANANAW
Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. at sagutin ang sumusunod na tanong sa hindi bababa sa
tatlong pangungusap.

41.-43. Katangi-tangi ang Asya. Ano ang patunay na may katotohanan ang pahayag?
__________________________________________________________________________________________

44.-46. Asyano rin ang mga Pilipino. Bilang Pilipino, paano mo maipapakita ang iyong paghanga sa taglay na
katangiang pisikal ng Asya?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
47.-50. Iba-iba ang uri ng klima ng mga bansang Asyano. Bakit nakaaapekto ang klima ng isang bansa o
lugar sa buhay ng mga Asyano?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Araling Panlipunan 7
3

PAGHUSAYAN!!!

Araling Panlipunan 7
4

Das könnte Ihnen auch gefallen