Sie sind auf Seite 1von 8

I.

Pamagat
Ang akda ay pinamagatang Pusong Walang Pag-ibig sa kadahilanang ipinapakita
sa nobela ang kawalan ng pagmamahal sa pamilya ng pangunahing tauhan na si Enrique.
Mas inuna niya ang pagsusugal at paglustay sa mana ng kaniyang asawa kaysa sa pagaalaga at pagpapa-aral sa kaniyang anak na si Nene. Maging ang pagsama niya sa bundok
upang kalabanin ang mga Kastila ay hindi niya napanindigan, ginawa niya lamang iyon
upang takasan ang responsibilidad sa kaniyang mag-ina at ang sinasabi niyang
pagmamahal sa bayan ay wala sa kaniyang puso. Sa halip na sumama sa rebolusyon ay
itinanan ang dati niyang nililigawan at iniwan ang kaniyang pamilyang nag-alala sa
kanya, nangangamba kung siyay buhay pa o namatay na sa pakikipaglaban sa mga
Kasttila.

II. Tungkol sa May-Akda


Si Roman G. Reyes ang unang realistang Filipino sa pagkatha ng nobela. Siya ay
kabilang sa mga manunulat na sina Severino Reyes, Valenciano Hernandez-Pea,
Hermogenes Ylagan at Francisco Laxamana.
Isinilang si Reyes sa Bigaa, Bulacan noong ika-28 ng Pebrero 1858, mga tatlumput
walong taon bago sumiklab ang himagsikan na kaniyang kinasangkutan. Isinulat niya ang
kaniyang karansan dito sa Pusong Walang Pag-ibig---isa sa walong nobelang naisulat
niya. Sa Bigaa, Bulacan siya ay guro, tagapayo, kawani sa munisipyo at tagasalin ng pari.
Sa Maynila, siya ay isang peryodista, sarsuwelista. Tagasalin at nobelista.

III. Tauhan
A. Mga Pangunahing Tauhan
Loleng - anak ni Matandang Tikong, mabuting ina ni Nene at mapagbigay na
asawa kay Ikeng.
Enrique - kilala sa tawag na Ikeng, iresponsableng asawa ni Loleng.
Elisa - kilala sa tawag na Nene, anak ni Ikeng at Loleng, kinagigiliwan ng
lahat sa pagiging magalang.
Tomas - matalik na kaibigan ni Ikeng.

Aling Buro - tiyahin ni Tenteng, nagsilbing taga-payo ni Loleng at tumulong sa


pagbibigay ng pera upang makaluwas sa Maynila upang hanapin si Nene.
B. Iba pang Tauhan
Matandang Tikong - ama ni Loleng na ipinagkasundo ng kasal ang anak kay
Ikeng dahil hindi alam kung kanino ipagkakatiwala ang anak kung siyay
mamatay.
Mang Simon at Aling Tolang - kinikilalang mga magulang ni Ikeng.
Isiang - dalagang taga-Tabing-bakod, anak ni Mang Tiago at Aling Juana,
binalak itanan ni Ikeng ngunit hndi natuloy dahil nahuli ng mga magulang.
Mang Tiago - nagbanta sa buhay ni Ikeng matapos malaman ang pagplanong
pagtanan sa kaniyang anak na si Isiang, kaya nagbalik sa Pulong-gubat upang
pakasalan si Loleng.
Beheng - dalagang taga-San Josep na anak ni Kabesang Bino. Itinanan ni Ikeng
matapos ang pagsama sa bundok upang kalabanin ang mga Kastila.
Kabesang Bino - nagdemanda kay Ikeng dahilan sa pagtanan sa kaniyang anak
na si Beheng, sa pangyayaring ito, nakulong ng apat na taon si Ikeng.
G. Ricardo at Aling Nitang - mag-asawang taga-Maynila, nagsilbing instrumento
upang magkitang muli ang mag-inang Loleng at Nene.
C. Mga Nabanggit na Tauhan
Lucas, Valentin, Tenteng, Inocente, Antonio - mga kalalakihan sa Pulong-Gubat.
Tone - napupusuan ni Loleng ngunit tila may ibang kasintahan.
Aling Chonching - napangasawa ni Tomas.
Mang Pedro - ama ni Tomas.
Aling Gunday - isa sa mga nililgawan ni Ikeng ngunit hindi siya nito gusto.
Impong Ura - tagapamagitan ni Isiang kay Ikeng.
Cirila o Lilay - katulong nila Mang Tikong at Loleng.
Maestrong Sebio - pinuno at nanguna sa himagsikan laban sa mga Kastila.
Aling Tinay at Mang Juan

Aling Pita
Aling Kuala

IV. Tagpuan
Sa unang bahagi, sinasalamin ang pamamanhikan, ang pag-akyat ng ligaw at
paghingi ng basbas sa mga magulang ng babae. Napupuno ng katahimikan ang unang
bahagi hanggang sa nagsimula ang rebolusyon.
Sa Kamaynilaan noon, puro digmaan, magulo, maingay. Maraming pag-aaklas at
mga samahang binubuo upang tuligsain ang mga mananakop. Palipat-lipat ng tirahan
ang mga tao upang makaiwas sa gulo, naging resulta ng pagkakahiwalay ng mga
pamilya at pagkawala ng mga ari-arian.
Ang kalakaran nang huling bahagi ng ika-19 na dantaon ay kakikitaan ng
pagsusuot ng kamisa na yari sa kalibo o pinya ng kababaian at ng pagtatapis sa
kanilang bawang, tanda ng kayumian at estilo sa pananamit. Nagunita rin ang
panahong kapwa lalaki at babae ay ngumangata ng buyo bilng pampalipas-oras.

V. Banghay ng mga Pangyayari


A. Simula
Ipinagkasundo ni Matandang Tikong si Loleng ng kasal kay Enrique, tagaTabing-bakod, dayo lamang sa kanilang lugar na Pulong-gubat. Nang dumating ang
araw ng pagtitipan, hindi sumipot si Enrique at bumalik sa kanilang lugar sa
kadahilanang hindi pa ito handa at nasa panahon pa ng kabinataan. Marami siyang
nililigawan sa kanilang bayan tulad nina Isiang, Beheng at Gunday. Sa sobrang
pagiging pilyo sa babae, binantaan siya ng ama ni Isiang dahil tinangkang magtanan
ng dalawa ngunit naabutan sila ng ina nitong si Aling Juana. Dahi sa takot ng mga
kinikilalang magulang ni Ikeng sa banta ni Mang Tiago, nagpasya silang pabalikin sa
Pulong-gubat si Ikeng upang ituloy ang ipinangakong kasal kay Loleng.
B. Saglit na Kasiglahan
Bumalik si Ikeng at muling tinanggap ni Mang Tikong sa kabila ng galit at
hinanakit na idinulot nito sa kaniya at sa kaniyang anak. Tumulong sa
pagpapaliwanag sa matanda si Mang Pedro, ama ng matalik na kaibigan ni Ikeng na

si Tomas. Natuloy ang kasal. Masayang masaya sa piling ng bawat isa ang bagong
mag-asawa.
C. Suliranin
Namatay na nagsisisi si Mang Tikong sa pagpapakasal ni Loleng kay Ikeng dahil
naging sugarol si Ikeng, pilit nilulustay ang mana na ibinigay niya sa kaniyang anak.
Hanggang sa dumating ang araw ng himagsikan, ipinag-utos na magtungo sa bundok
ang lahat ng kalalakihan upang kumuha ng baril bilang sandata sa paglaban sa mga
Kastila at isa si Ikeng sa sumama. Sa kaguluhang mayroon ang bayan nila Loleng,
nagpalipat-lipat sila ng lugar. Takbuhan doon, takbuhan dito hanggang sa
magkahiwalay sila ng kaniyang anak na si Nene. Lumagpas ang napakaraming
buwan at hindi niya pa rin nakikita ang kaniyang anak, ang pag-alala sa kaniyang
lumisang asawa ay hindi niya na alintana at ipinagpalagay na lamang na namatay na
ito sa pakikipaglaban.
D. Kasukdulan
Lumuwas ng Maynila si Loleng upang patuloy na hanapin ang kaniyang
nawawalang anak, sa tulong ng pera na pinabaon sa kaniya ni Aling Buro, nakarating
siya ng Maynila. Nakilala niya ang mag-asawang G. Ricardo at Aling Nitang na
pumayag na patuluyin muna siya sa kanilang tahanan. Napag-alaman ng mag-asawa
ang dahilan ng pagluwas ni Loleng at sinabing may batang kasing-edad ng hinahanap
niya ang kanilang nakilala. Sa kabutihang palad, si Nene ang batang iyon at muling
nagkita ang mag-ina. Kinupkop ng mag-asawa ang mag-ina at pinag-aral si Nene sa
isang kilalang paaralan habang naging katulong si Loleng sa kanilang tahanan.
E. Kakalasan
Nagtungo sa isang barberya si Ikeng at doon niya nakita ang dati niyang matalik
na kaibigan na si Tomas na siya noong nag-gugupit sa barberya. Nagkwentuhan ang
dating magkaibigan at sinabi ni Ikeng na hindi niya pa rin nakikita ang kaniyang
mag-ina matapos ang pagtungo nila sa bundok. Isinasalaysay niya ang mga nangyari
sa kanya, sinabi niyang hindi siya sumama sa rebolusyon bagkus ay itinanan niya ang
dating nililigawan at idinemanda ng ama nito at siyay nakulong ng apat na taon. Sa

kabutihang palad, alam ni Tomas kung saan naroon ang kaniyang mag-ina at
sinamahan niya ito patungo roon.
F. Wakas
Sa kanilang paglalakad patungo sa kinaroonan ni Loleng at Nene, ay isang
rumaragasang automobil ang dumaan at nang ito ay lumagpas sa kanila, nakita nilang
nakahandusay si Ikeng sa daan. Tumawag ng ambulansya at siyay dinala sa ospital,
patuloy ang pagsambit sa pangalan ng kaniyang asawa at anak. Nagmamadaling
pumunta si Tomas kay Loleng at ibinalita ang nangyari. Nagkita-kita ang mag-anak
sa ospital kung saan naghihingalo si Ikeng at walang sawang humihingi ng tawad sa
kaniyang mag-ina.

VI. Mga Simbolismong Ginamit


Loleng (Simbolo ng pagiging isang Pilipino sa panahon ng Kastila)
Ang kawalan ng kontrol ni Loleng sa kaniyang asawa ay nagpakita ng
pagiging talunan ng Pilipino sa kamay ng mga Kastila. Nagawa ng mga
mananakop na alipustahin tayo sa sarili nating lupa at naghari sa bayan
natin sa paraang pag-aalis satin ng karapatang mabuhay ng malaya at wala
sa ilalim ng ibang kolonya, gayong may kakayahan tayong lumaban.
Nene (Simbolo ng Pilipinong hindi umanib sa rebolusyon)
Ang pagiging inosente ni Nene sa nobela ay sumasalamin sa kawalan ng
kamalayan ng ating bansa na makipagdigma sa mga mananakop. Naging
tikom ang mga bibig, sara ang mga tainga at naging manhid sa mga
nangyayari. Tila nagmistulang bata sa panahon na ang lahat ay nagkakagulo,
nakikipaglaban sa kalayaan, naubos ang pagmamahal sa bayan at naging
sunud-sunuran sa mga nananakop.
Aling Buro (Simbolo ng Amerika)
Naging malapit ang bansang Amerika at Pilipinas, matapos tulungang
magapi ng Pilipinas ang mga Kastila sa pananakop nito. Katulad ni Aling
Buro, nagsilbi siyang tagapayo sa tabi ni Loleng at hindi tumalikod sa oras
ng pangangailangan nito. Naging mabuti siyang kaibigan at ina-inahan kay
Loleng hanggang sa matagpuan nito ang kaniyang nawawalang anak sa

Maynila.

VII. Teoryang Pampanitikan


Teoryang Sosyolohikal - Nangibabaw sa nobela ang pagkakaiba-iba ng katayuan
sa buhay ng mga tauhan. Maging ang kanilang kalagayan sa lipunan, ang pangaalipusta sa mga mahihirap, nang ibenta ni Mang Simon ang kanilang lupa sa
napakababang halaga na kanila na lamang inayunan sapagkat kailangang
kailangan nila ng pera ng mga panahong iyon para sa pagpapakasal ni Ikeng at
Loleng.
Teoryang Realismo - Ipinakita sa nobela ang pagiging makatotohanan ng mga
pangyayari sa panahon ng pananakop ng Kastila at Amerikano. Isinalaysay ang
mga paghihirap na dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop at ang
kanilang paghahari sa bayang kailanmay hindi naging kanila.
Teoryang Feminismo - Binigyang-diin sa akda ang pagiging matapang ni Loleng
na harapin ang buhay matapos amg mga pagsubok na dumating sa kanya, ang
hindi pagbalik ng kaniyang asawa at pagkawala ng kaniyang anak.
Teorang Historikal - Masasalamin sa akda ang pagkakaroon ng basehan ng
nobelista sa mga pangyayaring naganap noong binubuo pa ag kasaysayan ng
Pilipinas. Makikita ito kahit mga salitang ginamit ng autor upang maikwento ang
kaniyang nobela.
Teoryang Bayograpikal - Ayon sa pabalat ng libro, ang nobela ay base sa
karanasan ng autor at sinalin lamang sa nasabing akda. Ito ay tumutukoy sa mga
pangyayaring naganap sa buhay ng may-akda.

VIII. Pagsusuring Sosyo-Pulitikal


Mahihinuha sa akda ang malaking agwat na mayroon sa pagitan ng mayaman at
mahirap. Kung babalikan sa akda, nang ibenta ni Mang Simon sa isang mayaman ang
lupang kanilang sinasaka sa halagang P80 na nooy may halagang P150. Dala ng
pangangailangan, napilitan nila itong ibenta sa halagang hindi nila gusto at tinanggap
na lamang ang napakababang bayad sa lupa na halos pinagkukunan nila ng

kabuhayan.
Sa aspetong pulitikal, nang kilalaning pinuno si Mang Sebio ng himagsikan,
napapabalitang siya ang unang tumakas ng makaharap ang mga Kastila. Ito ay
sumasalamin sa kawalan ng kaayusan sa paghalal ng pinuno at pagmamanipula sa
mga tao upang sumunod na lang agad-agad sa kagustuhan ng namamahala kahit
labag ito sa kalooban ng nakararami.

IX. Mensahe/Aral ng Akda


Ipinapaabot ng autor sa mga mambabasa ang mga sumusunod:
Maging responsableng indibidwal. Ipinakita ang pagiging iresponsable ni
Ikeng sa unang bahagi ng akda. Nanligaw siya ng maraming babae, naging
sugarol nang siyay makasal, sumama sa rebolusyon hindi upang ipakita ang
pagmamahal sa bayan kundi ang tumakas sa responsibilidad na nakaatang sa
kanya. Naging mapait ang kinahinatnan ng buhay ni Ikeng matapos ang
pagiging iresponsableng ama at asawa niya sa kanila Loleng at Nene.
Wag mawalan ng pag-asa. Naging matapag at matibay ang loob ni Loleng
matapos ang napakasaklap na pangyayari sa kaniyang buhay. Hindi siya
nawalan ng pag-asa na makita ang kaniyang anak at hindi siya napagod
tumawag sa Poong Maykapal para sa ikaliligtas ng kaniyang anak.
Magkaroon ng mabuting puso para sa kapwa. Ito ay makikita sa
pagkatao ng mag-asawang G. Ricardo at Aling Nitang, gayun na rin kay
Aling Buro. Sila ay nagpakita ng kabutihan ng kanilang puso nang hindi sila
nag-atubiling tulungan si Loleng sa paghahanap sa kaniyang nawawalang
anak. Kayat, naging napakaganda rin ng sukli ng kanilang natulungan sa
kanila. Hindi man natumbasan iyon ng tulong na nagawa nila ngunit naging
sapat iyong dahilan upang mas makatulong pa sa iba.
Maging mabuting anak. Bagamat nagkamali si Matandang Tikong sa
pagpili kay Enrique na ipakasal sa kanyang anak na si Loleng, sinikap pa rin
ni Loleng na maging mabuting anak sa kaniyang ama sa pagsunod sa
kagustuhan nito. Sa kabutihang palad, ipinakita ni Nene ang pagiging isang
mabuting anak kay Loleng, sa pagiging magalang at masunurin nito sa

kaniyang mga magulang.


Nasa huli ang pagsisisi. Naging isang kaawa-awang indibidwl si Ikeng ng
madala sa ospital at walang sawang humihingi ng tawad sa kaniyang
mag-ina. Ipinapakita sa kwento na dapat ay sikapin nating mging tama sa
bawat bagay na gagawin natin, sikapin muna nating mag-isip ng
mmaraming

beses bago gawin ang isang bagay na hindi tayo sigurado kung

makakabuti

ba o makakasama sa atin.

X. Sariling Reaksyon Hinggil sa Akda


May magandang intensiyon ang autor sa pagsusulat ng akda, naipaabot niya ang
kaniyang mensahe sa maayos at malinaw na paraan. Siya ay bumase sa sariling karanasan
at pawang mga katotohanang pangyayari kayat nakakagising ng kamalayan ang
pagbabasa ng ganitong klase ng akda.
Naipakita sa akda ang mga lumang tradisyon at kulturang mayroon tayo dati, tulad
ng pamamanhikan, ang pagdedesisyon ng magulang kung kanino ikakasal ang anak, ang
pagsuot ng barot saya at ang pagkalulong ng maraming Pilipino sa sugal at mga bisyo na
nagiging sanhi ng lalong paghirap ng Pilipino sa panahong iyon.
Ang dramatikong estilong ginamit ng may-akda ay mas nagbigay-aliw sa mga
mambabasa dahil bagong estilo ito kung ikukumpara sa mga nobelang nakikilala at
nagiging tanyag sa ngayon. Ang paggamit ng mga lumang salita ay nagkaroon ng
kaunting implikasyon sa pag-unawa ng mambabasa sa totoong nais ipahayag ng autor,
gayun pa man, naging instrumento ito upang ang imahinasyon ng mambabasa ay madala
sa panahong kung kailan ginagamit ang ganoong wika.
Nanginibabaw ang ibat-ibang emosyon sa akdang ito; may saya, lungkot,
paghihinagpis, pangangamba at iba pa. Ang mga nasabing emosyon ay malayang
naipakita at naipadama sa mga mambabasa.
Ang nobela ay puno ng mga aral na tiyak na magagamit sa pang-araw-araw na
buhay. Ito ay naging repleksyon ng uri ng kabuhayang mayroon ang Pilipino noong
panahon ng Kastila at Amerikano at kung paano kinaya ng isang ina ang mawalay sa
asawa at anak sa panahong nawawalan na ng pag-asang magkita pa silang muli.

Das könnte Ihnen auch gefallen