Beruflich Dokumente
Kultur Dokumente
Mandirigmang Milenyal ni
Juan Ekis
1.
Ginising ka
Ng kaluluwa mong hindi alam
Kung saan nagmumula ang
pagkabalisa.
Matagal siyang nag-apuhap sa dilim,
(Sa ilalim ng mga gunitang inilibing)
Ng dahilan upang gumising,
Ngunit sinundo siya ng pagkabagot
At takot na makalimot,
At makalimutan
Ang kanyang saysay
At kasaysayan.
Kayat dinamay ka niya
Sa kaniyang paghahanap.
Gumising siyang
Di pa nasusumpungan ang dahilan,
Kayat sa yo siya tumingin
At humingi ng pagkakaabalahan.
Tinuro mo sa kanya ang computer,
At ang iPad mong bago ang cover.
Tinuruan mo siyang mag facebook at
mag snapchat,
Instagram, Twitter, Tumblr ar iba
pang mga app.
Doon niya natuklasan
Ang pader na walang-hanggan
Na pwede mong ihian, sulatan, at
vandalan
Nang hindi pinagbabawalan ng
sinuman.
2.
Samantala,
Ulirat moy pumupungas-pungas pa.
Hihilamusan mo ng panis na balita
Ang minumuta mong mata.
(At umaasa kang mas malinaw ang
iyong makikita.)
Mag-aalmusal ka ng mga kwento
Ng pusher na sinalvage sa kanto,
Ng saleslady na ginahasa sa Sogo,
4.
Hahanapin mo ang iyong kaluluwa
Pero wala
3.
Ang unang uloy sasakmal sa iyong
yabang.
Pupunitin niya ito mula sa iyong
lalamunan
At ibabandera sa daan.
Ang ikalawang uloy kakagat sa
iyong galit.
Iipitin niya ito sa kanyang pangil,
Hanggang itoy lalong manggigil.
Ang ikatlong uloy lulunok sa iyong
libog.
Na siya doon
Sa harap ng iyong monitor.
Naroon siya,
Sa kabila ng pinto,
Sa kabila ng walang hanggang
pader,
Minamalas ang pagkalipas
Ng iba pang mga kaluluwang
Naghahanap ng kaparehas.
Tinawag mo siya,
Sapagkat kaiangan mo ng kasama
Sa pakikibaka
5.
Walang laban kang sumilip sa pinto:
Ang kaluluwa moy nakatingin sa yo
Hindi niya kayang mag-aklas nang
pilas-pilas.
Hindi mo kayang manalo kung hindi
ka buo.
Gumising ka
At gumising siya.
Ngunit kapwa kayong di-malay
Sa inyong pagkakahiwalay,
Kayat kailangan ninyong gumising
nang sabay.
Tinawag mo siya
At niyayang maging buo kasama
niya
Saka ka bumalik sa loob ng pinto,
Sa kabila ng pader,
Upang ipamalas
Sa mga kaluluwang pilas,
Na ang kanilang pag-aaklas
At rebolusyon ng paghahanap
Ay nagsimulat magwawakas
Sa labas ng pinto,
Sa loob ng puso,
Sa ilalim ng inilibing na gunita,
Sa kaibuturan ng kasal ng katawan
at kaluluwa.
Hindi ka magwawagi kung pirapiraso ang sarili.
Hindi ka mananalo kung hindi ka
buo.
Gumising ka
yo,
Gumising kayo,
Gumising ka
Nang buo,
Mula sa pinto,
Dala ang sandatat pananggang
Gawa sa pinagsanib na sigabo ng
mga buo nang kaluluwa.
Hindi ka na nag-iisa.
Handa ka nang makipaggiyera,
Kasama ang hukbong sandatahan
Ng mga milenyal na mandirigma.