Sie sind auf Seite 1von 8

Babalik Karin

Dalawang taon ng kasal sina Diego at Tessie. Sa matagl nilang pagsasama ay


ni hindi sila nagkaroon ng anak. Marami na silang sinubukang gamut para
lamang mapadali ang pagbubuntis ni Tessie ngunit sa kabila ng pagod at
hirap na kanilang dinaranas ay hindi parin ito nagbunga. Mabait at mapagalagang asawa si Tessie. Lahat ay ginagawa niya para lang mapaligaya ang
asawa maliban na lamang sa kagustuhang magkaroon ng anak. Ito ang
kaisa-isang bagay na hindi kayang ibigay ni Tessie kay Diego, ang
magkaroon gng anak. Ang akala ni Tessie ay masaya na si Diego at kontento
na sa kanyang piling ngunit hindi, siyay nagkamali. Nalaman niyang si Diego
ay may kinakasamang iba at ngakaroon pa ito ng mga anak sa babae. Ang
masaklap, ang kinakasama ng kanyang asawa ay ang matalik niyang
kaibigan.
Ano bang mali ang ginawa ko sayo? Bakit mo ako ginaganito? Ha? Ang
mangiyak-ngiyak na sabi ni Tessie kay Diego. Wala! Wala! Pero may isang
bagay na hindi mo kayang ibigay sa akin na siyang makapagpapaligayn sa
akin ng lubusan. Gustong-gusto kong maging ama Tessie,. Gusto kong may
tumawag saking papa. Gusto kong tawagin akong ama,.. narinig mo yon?
Narinig mo yon Tessie ha? Iyon ang tunay na makapagpapaligaya sa akin
Tessie, kaya patawad.. humihina ang boses ni Diego. Iiwan na kita
Tesssie. Mahal kita Diego,. . .mahal na mahal, alam mo naming lahat ay
binibigay ko sayo mapaligaya kalang, pero alam mo naming parehas nating
ginaw ang lahat mabuntis lang ako! Pero hindi!........hindi! , parehas lang
tayo Diego, parehas lang tayo, gusto ko ring magkaanak. Gusto ko ring
marinig na tawagin akong mama. Gustong-gusto!, alam mo ban g nadarama
kong inggit sa tuwing nakakakita ako ng mga kasama ng kanilang mga anak/
alam mo ba?? Ha? Mahirap rin para sa akin Diego, napakahirap
huh.huhuhuh..huhuh.. Ang nanginginig na boses ni Tessie habang
umiiyak. Sanay maintindihan mo ako Tessie. Nakapagdesisyon na ako..
iiwan na kita.mas mabuting maghiwalay nalang tayo! Ha? bakas sa
mukha ni Tessie ang pag-aalal at tumutulo ang luha sa kanyang mga
mata. Ganon nalang ba kadali iyon Diego?.. ganon nalang ba?. Baliwala
nalang ba sayo ang mga pinagdaanan natin? Ha? Basta-basta mo nalan ba
akong iiwan? Yon ba? Yon ba?........ ang pasigaw-sigaw na sambit ni Tessie na
pawing nababaliw at habang umiiyak,. Hindi rin madali ang desisyon kong
ito Tessie, pero habang nagsasama tayo ay hinding-hindi ko matatamasan
ang kaligayahang hinahanap ko! Ang mga salitang ito ang lumabas sa bibig
ni Diego habang nag-iimpaki ng mga gamit. Iiwan na kita Tesssie, iiwan na
kita paalam Diego, diego, diego.huh..huhuh.. huhuhuh
halos lumubog na sa lupa si Tesssie habang umiiyak na parang bata at
parang nasisisraan ng ulo. Pero hindi parin lumingon sa Diego kay Tessie, sa
halip ay nagpatuloy pa ito sa paglakad. Unti-unti nang bumagsak si Tessie sa
lupa at nawalan ito ng malay.
Kinabukasan, naroon parin ang sakit na naramdaman ni Tessie naroon parin
ang bigat sa kanyang dibdib. Hinding-hindi niya makakalimutan ang sakit na

dinulot ni iniwan ni Diego sa kanya. Pero sa kabila ng pasakit na idinulot ni


Diego kay Tessie ay hindi parin niya maalis-alis ang pag-ibig niya kay Diego.
Sa nangyari, ay wala paring nagbago, mahal parin niya si lito at umaasa pari
siya na baling araw ay babalikan siya ni Diego.
Taon na ang lumipas. Nanatiling mapag-isa si Tessie dahil naniniwala siyang
babalik sa kanya si Diego. Nagging bulag sa pag-ibig sa Tessie. Mahal parin
niya sa Diegokahit alam niyang may kinakasama na itong iba.
Sinubukan ni Tessie na bisitahin si Diego , sinubukan niya kahit alam niyang
masasaktan siya kapag nakikita niyang may iba nang kinakasama si Diego.
Alam niya ang adress ni Diego sa maynila. Pinuntahan niya ito. Laking gulat
na lamang niya nang Makita niya si Diego na hinihimas-himas ang tiyan ng
isang babae na kung iyo,y titingnan ay malapit na ang kapanganakan nito.
Sa maria ang babae na kanyang nakita. Sa maria ay ang matalik na kaibigan
ni Tessie, nagging kaklase niya ito mula elementary hanggang hayskul.
Palagi niya itong kasama, sa kasiyahan at kalungkutan. Kapatid niya ito kung
ituring. Hindi niya sukat akalain na ang taong tinuring niyang kapatid ay ang
taong tatraydor sa kanya at ang taong aagaw sa kanyang kasiyahan. Hindi
makapaniwala si Tessie sa nasaksihan, hindi niya maipaliwanag ang sakit na
nadarama tila sinakluban ng langit. Nagsisikip ang dibdib at agad na sumilay
ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi namalayan ni Tessie na
nakatingin na pala sa kanya sina Marie at Diego. Agad niyang pinahid ang
mga luha at pabilis na tumakbo palayo. Sinubukan siyang habulin ni Marie
ngunit hindi niya ito naabutan.
Hindi sinasadyang nagtagpo ang landas ng dalawa, sina Tessie at Marie.
Nagkatinginan ang dalawa. Masama ang tingin ni Tessie kay Marie at hindi
niya maiwasang mapaiyak sapagkat si marie ang matalik niyang kaibigan.
Nang biglang tumalikod si Tessie ay agad siyang tinawag ni Marie. Tessie
sandali.. Tessie hintay. Nagpatuloy parin sa paglaalkad si Tessie, hinabol
siya ni Marie hanggang sa naabutan. Nang naabutan na ni Marie si Tessie ay
agd niyang hinaakan sa balikat si Tessie. Paglingon na paglingon ni Tessie ay
agad sinalubong sa sampal si Marie na habang umiiyak. Walang hiya ka!!!
Pano mo nagawa sa akin ito Marie, ha? Itinuring kitang higit pa sa aking
kadugo, ngunit anong ginawa mo? Inagaw mo sa akin ang kaligayahan ko.
Alam mong mahal na mahal ko si Diego Marie, mahal na mahal. Pero anong
ginawa mo? Inagaw mo siya sa akin. Hindi ko sinsasadya Tes, hindi. Patawrin
mo na ako Tes. Muli ay dumapo ang mga kamay ni Tessie sa mukha ni Marie,
isang malakas na sampal. Parehong umiiyak sina Tessie at Marie. Paulit-ulit
na humingi ng tawad si Marie kay Tessie ngunit nagmatigas ito si Tessie,
agad siyang umalis at pinahid ang mga luha sa mata. Iniwan niya sin g
nakaluhod.
Napag-isip-isip ni Tessie na bumalik na lamang sa probinsiya. Ginaw niya
kahit labag sa kanyang kaloobang babalik ng mag-isa. Sa kabila ng mga
pangyayaring nasaksihan ay nagging bulag parin siya sa pag-ibig ni Diego at
umaasa pa siyang baling araw ay babalik at babalik parin si Diego sa
kanyang piling na magsasama silang masayat matiwasay.

Kwento ng Isang Dayuhang Pinoy


Si Ryeowook Camorra ay isang guro na nagtuturo sa isang pribadong paaralan.Ang kanyang
tinituro ay tungkol sa asignaturang Agham ukol sa Kimiko (Chemistry III).Sa kanyang pangalan
ay isang Koreano pero lahing Pinoy.Ang ina niya ay isang Koreano habang ang kanyang ama ay
isang Pilipino.Si Ryeowook ay matangkad,mabait at matalino pero siya ay isang maykaya lamang
sa buhay.Nang mga ilang taon ay namatay ang kanyang Ina dahil sa sakit na kanser.Nagdesisyon
ang kanyang ama na bumalik siya sa ibang bansa upang magtrabaho bilang isang doktor.si
Ryeowook ay laging iuugnay sa kanyang kariktan ng buhay o kahit saan mang kagandahan sa
isang tanawin, sa isang kaisipan o maging sa isang tunog.Nagsisikap siyang magtrabaho para sa
kanyang pamilya.Si Ryeowook ay pangkaraniwang lamang. May nakapansin sa sanya bakit guro
ang kinuha niyang trabaho imbes na ang kanyang itsura ay pwedeng ipasok sa mga pang
opisinang trabaho.
Tinawag si Ryeowook na "G. Mabuti"dahil siya ay magaling magturo at mabait sa mga
estudyante.Minsan siyay palabiro sa mga estudyante.Nang minsan papunta si Ryeowook sa isang
gilid ng silid-aklatan upang doo'y umiyak. Naalala niya ang mga pangyayaring naganap sa
kanyang mga magulang. Napansin niyang mayroon ding isang babaeng estudyante na kanyang
kaeskwela na doo'y umiiyak. Tinanong niya ito ngunit ito'y di-nagsalita
Nagkasabay sa pag-uwi si Ryeowook at ang batang babae na si Anita. Nang mga oras na
iyon,naalala ng bata ang itatanong niya kay Mabuti. Nag uusap sila bakit umiyak si Anita sa gilid
ng silid aklatan.Sinagot niya na "Kasi po G.,naalala ko po ang aking nmga magulang.Iniwan nila
ako sa aking lola,at hindi ko po alam kung buhay pa po ba sila sa ngayon?".Nadama ni Ryeowook
ang lungkot at lumuha ang kanyang mga mata.Habang nag-uusap sila pa-uwi,ang sinabi ni
Ryeowook,"Huwag kang umiyak,ipagdasal mo ang mga magulang mo kung silay nabubuhay pa
ngayon."Pagkatapos ay may halong biruan si Ryeowook at humalakhak ng malakas si Anita.
Sa tuwing nagtuturo ng asignaturang Kimiko III,si G. Mabuti ay walang siyang binigkas kundi
ang kanyang buhay.Ikinuwento niya iot at ibinahagi sa kanyang mag-aaral.Makalipas ang
pagkukuwento ng isang oras,umiyak at naawa ang mga mag-aaral.Alam nila kung gaano kahirap
ang buhay ng gurong si Ryeowook.
Mataas sana ang pangarap ni Ryeowook para sa kanyang magulang.Nang dumating ang kanilang
kahirapan sa kanilang buhay,hindi na niya ito natuloy ang pag-aaral niya.Gusto niya sana itong
magiging isang magaling na doktor tulad ng kanyang ama.Kapag naituloy niya ang pagiging
isang magaling na doktor ay gagamutin niya ang kanyang Ina, pero wala na siyang pera
pampaaral niya sa medisina dahil ang pera ay ibinili niya ng gamot sa kanyang Ina.May pag asa
pa si Ryeowook na pumasok ulit at mag-aral ng medisina para mabago ang kanyang buhay sa
pagiging mahirap,at gagamutin niya ang mga taong maysakit.Ipapakita niya ito sa mga
mamamayan kung gaano ba ito kagaling si Ryeowook magturo sa paaralan at sa pagiging niyang
doktor.

DAYUHAN uenaventura S. Medina, Jr.

Isang gabi, napakislot sa pagkakahiga ang persona ng maikling kwentong ito (may-akda) nang
marinig na naman niya ang daing ng kanyang masakiting ama mula sa silid nito. Nagbalikwas siya
para tunguhin ang silid ng kanyang ama, subalit nagbaga na naman ang kanyang damdaming hindi
maipaliwanag. Nang buksan niya ang kanyang pinto, nakita niya ang kanyang ina at sa pamamagitan
ng tingin nito'y alam na niya ang dapat gawin. Pumunta siya sa lansangang-bayan para tawagin si Dr.
Santos. Sumama naman ang doktor para tingnan ang kalagayan ng kanyang ama. Matagal ng may
sakit ang kanyang ama ngunit hindi rin lubusang gumaling dahil sa lagi nitong sinusuway ang bilin ng
doktor. Kung paalalahanan naman ng kanyang ina, nagagalit ang kanyang ama dahil alam daw nito
ang kanyang ginagawa. Dahil tanging lalaking sa pamilya, ay inako na niya ang tungkuling tumawag
ng manggagamot sa anumang oras naroroon siya tuwing maririnig niya ang daing ng kanyang ama.
Iyon ay isang gawain na matapat na niyang nagagampanan matapos ibinilin sa kanya ng mga kapatid
ang kalagayan ng kanilang ina nang nagsisama ang mga ito sa kanilang napangasawa sa Kabisayaan.
At ito nga ang kanyang ginagawa, ang tulungan ang ina sa pag-aalaga sa kanyang ama. Lubos na
lamang ang kanyang pagtataka kung bakit nasabi ng kanyang mga nakakatandang kapatid na siya na
ang bahala sa kanilang ina. May mga bagay siyang hindi nalalaman na tanging mga kapatid lamang
niyang nakakatanda ang nakakaalam mula sa kanilang pinag-uusapan. Ngunit nabuo na sa isip nito
ang pinag-uusapan nila, sapagkat sa ibang umpukan sa maliit na pamayanang iyon, ay narinig niya:
Ang kanyang ama, si Ading at isang sanggol. At sa isip niya, marahil ay marami pang Ading at marami
pang sanggol sa buhay ng kanyang ama.
Ang mga luhang nakikita niya sa kanyang ina, ang hinanakit ng kanyang mga kapatid sa ama, ang
natuklasang katotohanan tungkol sa ama at kay Ading at sa sanggol ay ang mga rason marahil kung
bakit nakakaramdam siya ng isang damdaming dayuhan. At iyon nga ang kanyang nararamdaman sa
tuwing makikita niya ang ama sa silid nito at tila ba isa siyang dayuhan sa pook na iyon.
Nang marating na niya at ni Dr. Santos ang kanilang bahay, nakita niya ang ina at dalawang
nakakabatang kapatid sa pinto ng silid ng kanyang ama. Pumunta siya sa sariling silid ngunit muling
nagbalikwas ng marinig ang mga hirap na paghingal at pigil na pag-iyak. Nasalubong niya si Dr.
Santos at sinabihan na maiwan nalang at huwag na siyang ihatid dahil kakailanganin daw siya. Mula
sa mga sinasabi ng kanyang ina, iyakan ng mga kapatid hanggang sa nakaratay na ama, napagtanto
niyang nalalapit na talaga ang oras ng kamatayan ng kanyang ama. May kumurot sa kanyang laman,
at bigla ay nadama niyang kilala na niya ang silid na iyon at lumapit siya siya sa ama.

Walang panginoon

Deogracias rosario
Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don
Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama
ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don
Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay galit kay Don Teong, kung hindi lang dahil sa
ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi
lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao. Sina Marcos
ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito'y kanilang minana sa kanilang mga
ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napipilitan silang magbayad sa kanilang
sariling pag-aari. iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punungpuno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don
Teong nang malaman niyang ang ahilan ng pagkamatay ng kaniyang kasintahang si Anita ay si Don Teong.
Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang ikinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos,
hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hidni pa aman
humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinaaalis na sa
kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid.
Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitihan. Alam niyang ang
mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong. Dahil sa galit na
nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti dito.
Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong at kaniyang pinahihirapan ang kaniyang paboritong alagang
kalabaw. Ginawa niya iyon upang magalit ang kalabaw sa imahe ni Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos
ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong nag hapong iyon. Pinakawalan
niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin
ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake
na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong
pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad ng dati na ayaw na ayaw niya itong
marinig. Sa halip na ipanalangin niya ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kaniyang
matapang na kalabaw.

KAY ESTELLA ZEEHANDELAAR


Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang
Javanese
Japara, Mayo 25, 1899
Ibig na ibig kong makilala ng isang babaeng moderno iyong babaeng malaya, nakapagmamalakit makaakit
ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masiglat maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at
sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong
sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa pusot isip koy hindi ako
nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa
malayong kanluran.
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang
sarili sa mga nagtratrabaho;t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang
tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kamiy pawalan, ngunit lubhang
malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat
na hebenerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong pusot
kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan. Tuwirang sumasalungat
sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon naming. Wala akong
iniisip gabit araw kindi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon naming. Alam kong
para sa aking sariliy magagawa king iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na
matibay pa sa alinmang lumanag tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga
pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba
akong was akin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong
nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo?
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay
nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa akoy
may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang emansipasyon; may isang naiibang kabuluhan ito, isang
kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para sa hangarin ang pagsasarili at kalayaanisang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso koy sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa
akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang
nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala ntio ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat,
sukmibol hanggang sa lumakas at sumigla.
Ngayoy kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.
Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Akoy may anim na kapatid na lalki at babae. Ang
lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong
kapanahunan niya. Siya rin ang kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga
panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niyay may edukasyong
European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa
kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo.
Karamihan sa mga pinsan kot nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, sng
pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan ditto sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang
kapatid kong lalakiy tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang
sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babaey bahagya nang magkaroon ng pagkakataong
makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan n gaming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming
kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalot kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa
eskwela. Ipinagbabawal n gaming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami
pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanginglugar na pagtuturong
maipagmamalaki ng syudad naming na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga
European.
Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taonng gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang ikahon ako.
Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko
na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking
pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong banding huli,

nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko
para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang
mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng
makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa akiy pagbabasa ng
mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang
ang nagiisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay
lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay kot kaluluwa.
Subalit dumating ang kaibigan kot tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang
mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalot matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon.
Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba namay pilit at bahagya lamang ngunit
bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.
Sa wakes, nakita kong muli ang mundo sa labas nang akoy maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos!
Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis
pang sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan.
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng
Netherland), opisyal na inihandog sa amin ng mga magulang naming an gaming kalayaan. Sa kaunaunahang pagkakataon sa aming buhay, pinyagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na
pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga
kabataang babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang mundo
nagging usap-usapan ang krimeng iyon na ditoy wala pang nakagagawa. Nagsaya an gaming mga kaibigang
European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan.
LAgi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makapamista, o malibang. Hindi
iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng magisa, mag-aral, hindia para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang
magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa
kanyang pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba
hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at
hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwagay para sa kanya lang?

Das könnte Ihnen auch gefallen