Sie sind auf Seite 1von 8

WIKA.

Sa Pilipinas, ito ang mga sumusunod na malimit gamitin sa bawat


rehiyon ng bansa:

Filipino: ay ang pangunahing wikang sinasalita sa bansa. Ito ay


nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba pang umiiral
na mga pagbigkas sa Pilipinas.
Tagalog: sinasalita ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi
ng Luzon. Sinasalita ito ng mga nasa rehiyon sa CALABARZON AT
MIMAROPA. Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong
Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.
Ilocano: pangunahing wika ng mga taga HILAGANG LUZON at
ginagamit din ng mga taga nasa rehiyon 1 at 2.
Pangasinan: Ginagamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang
bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.
Kapampangan: Sinasalita ng mga taong naninirahan sa Gitnang
Luzon
Bikolano: Wikang sinasalita ng mga naninirahan sa TimogSilangang Luzon.
Cebuano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng
Lalawigan ng Cebu,Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi
ng Mindanao.
Hiligaynon: Tinatawag na Ilonggo. Sinasalita sa mga lalawigan
sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros.
Waray-Waray: Wikang ginagamit sa mga lalawigan sa pulo nf
Samar at Leyte sa Silangang Visayas.

PAGKAIN
Ang mga Pilipino ay madaming kinahihiligan. At isa na doon ay ang pagkain.
Eto ang mga halimbawa ng mga pinakasikat na pagkain ng Pilipinas:

Lechon

Ang litson o letson) ay isang inihaw na buong baboy, bata man o hindi, na
karaniwang nilalagyan ng mansanas sa bibig matapos na malutong nakatuhog sa
kawayan habang nakadarang sa nagbabagang mga uling. [1][

Adobo

Ang adobo ay itinuturing na pambansang pagkain ng Pilipinas. Ang


pagkain na ito ay binubuo ng piraso ng manok o baboy na niluluto sa toyo,

suka, bawang at paminta. Ang karne ng kambing, tupa, mga gulay at


pagkaing dagat ay maaari ring gawing adobo.

Bicol Express

Ang pangalan na Bikol Express ay hinango mula sa tren na tumatakbo mula


Maynila patungong Bikol. Ito ang isa sa mga pinakakilalang pagkain na
nagmula sa Bikol.

Halo halo

Ang halo-halo o haluhalo (mula sa salitang ugat na halo) ay isang tanyag


na pagkaing pangmeryenda sa Pilipinas, na may pinagsama-samang
ginadgad na yelo at gatas, na hinaluan ng iba't ibang pinakuluang mga mga
munggo at prutas, at isinisilbing malamig habang nakalagay sa isang mataas
na baso o mangkok.

Malalagkit :
Bibingka

Ang bibingka ay isa din sa mga tradisyunal na Pamaskong pagkain na


gawa sa galapong, gata, itlog, asukal at baking powder. Maaari itong lagyan
ng kesong puti at itlog na maalat habang niluluto. Kinakain ito kasama ang
kinudkod na niyog, mantekilya, at asukal; at malimit tuwing almusal o
meryenda. Kapag panahon ng Kapaskuhan, karaniwang ibinebenta ito,
kasama ng salabat, sa labas ng mga simbahan para sa mga galing ng
simbang gabi

Puto bumbong

Ang puto bumbong ay isang kilalang pagkaing Filipino at bahagi din Pamaskong tradisyon sa
Pilipinas. Ito ay isang kulay lila/ubi na kakanin na gawa sa giniling na pirurutong (malagkit) na
bigas.
Ang salitang "puto bumbong" ay hango sa mga katagang "puto" (pinausukan na malagkit na
bigas) at "bumbong" (silindrong kawayan}.

LARO
Tumbang-preso

Karaniwang nilalaro ang tumbang preso ng lima hanggang sampung


bata. Ang mga bata ay namimili ng taya sa pamamagitan ng kamay.
Tinatawag nila itong "maiba taya." Una, tatayo ang mga bata ng pabilog at
ilalapat nila ang kanilang mga kamay sa gitna ng patong-patong.
Babanggitin nila ang katagang "maiba taya" at isa-isang itataas nila ang
kanilang mga kamay at sabay bagsak sa gitna pa din. Ang mga kamay ay
pwedeng paharap sa lupa o patalikod. Kung sino man ang naiiba ay siyang
taya.

PATINTERO

Ang harang-taga o mas kilala sa tawag na patintero ay maaring laruin ng tatlo


hanggang limang manlalaro sa bawat koponan. Kailangan munang gumuhit ng
dalawa o apat na parisukat dipende sa dami ng manlalaro sa bawat koponan bago
mag-umpisa ang laro. Dapat ay pantay ang bilang ng miyembro ng bawat kuponan.

Piko

Ang Piko ay isang popolar na larong pambata sa Pilipinas. Karaniwan


itong nilalaro ng mga batang babae at minsan naman mga batang lalake.
Nilalaro lamang ito ng mga batang lalake pagnasa murang edad pa sila,
pagdating nila ng walo nahihiya na silang sumali.

Sipa

Ang sipa ay isang uri ng laruang panlibangan, o laro na ginagamitan


ng bolang ratan (tulad ng sa sepak takraw) o isang bilog at pinisang piraso
ng bakal na may buntot na mga hibla ng plastik

Palo-Sebo

Ang palosebo, palo-sebo, palo sebo, o palocebo ay isang kinaugaliang


laro ng mga Pilipino na karaniwang isinasagawa tuwing may kapistahang
pambayan o anumang mahalagang okasyon, karaniwan na sa mga
lalawigan. Kabilang sa tradisyonal na larong ito ang isang mahaba, kininis at
nakatayong kawayan na nilagyan ng grasa. Kailangang akyatin ng mga
nakikilahok sa laro upang abutin ang isang supot ng gantimpala, na
karaniwang naglalaman ng salapi o mga laruan. Maaari ring isang banderitas
o maliit na watawat ang aabutin.

Das könnte Ihnen auch gefallen