Sie sind auf Seite 1von 6

KASAYSAYAN NG TULA S APANAHON NG HAPON

Itinuturing ito ng marami na gintong panahon ng maikling kuwento at ng dulang Tagalog. Ang
wikang Ingles nanakuhang maipasok ng mga Amerikano hanggang sa kamalayan ng mga
Pilipino ay ipinagbawal gamitin ng mga Hapones kung kayat ang nagtamasa ng bunga ng
pagbabawal na ito ay ang panitikang Pilipino sa wikang Tagalog. Ang isang manunulat ay likas
na manunulat, kayat nang ipagbawal ang pasulat ng Ingles siyay napilitang gumamit ng wikang
Tagalog upang makapagsulat lamang. Ang isang naging bunga nito ay ang paglitaw ng isang uri
ng pamamaraan sa pagsusulat na gagad sa Ingles, maging sa pagbuo ng mga pangungusap
hanggang sa istilo ng pagsusulat.
Nabigyang- sigla ang Pambansang Wika dahil na rin sa pagtataguyod ng pananakop.
Binigyan pa nila ng pagkakataon ang isang Pilipino, si Jose P Laurel upang mangulo sa baying sa
kanilang pamamatnubay. Nasangkot ang Pilipinas. Nasakop ng mga Hapones.
Ang tula sa panahon ng kastila
Namalasak ang haiku noong panahong iyon. Ang Haiku ay isang uri ng tula na binubuo ng
labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay may limang pantig;
ang ikalaway may pitong pantig; ang ikatlo ay may limang pantig (5-7-5). Kahit na napakaikli
ng haiku, itoy dapat na may masaklaw na kahulugan , matayog na kaisipan, matiim na
damdamin at di mapasusubaliang kariktan.
Bunuhay naman ng makatang Ildefonso Santos ang tulang tanaga. Itoy maikli ring katulad
ng haiku ngunit itoy may sukat at tugma at ang bawat taludtod ay may pitong pantig.

HALIMBAWA NG HAIKU SA TAGALOG

TAPAT DAPAT
Kung maghahanap
Kaibigang kausap
Dapat ay tapat.
PILIIN
Ang payo ko lang
Makipagkaibigan
Sa maiinam.

LAHAT NG ORAS
Ang kaibigan,
Iyong maaasahan
Sa kagipitan.
HUWAG BALASUBAS
Dapat bayaran,
Utang sa kaibigan,
Wag kalimutan.

HUWAG ITAGO
Maging tapat ka,
Sabihin ang problema
Huwag mangamba.
HAIKU
Itinuring ko,
Kaibigang totoo,
Ang tulang haiku.
BALATKAYO
May kaibigan,
Nasa tabi mo lamang,
Kung kasayahan.
TUNAY
Tunay na diwa,
Nitong pakikisama,
Ay nasa digma.
ILIGTAS
Ililigtas ko,
Mabihag man ng mundo,
Aking katoto.
PINAKA
Pinakatunay,
Na kaibigang taglay,
Ang Poong Buhay!

FILED 114 : PANULAANG FILIPINO

KAHULUGAN, ANYO AT
ELEMENTO NG TULA

Ipinasa ni:
BUSLON, ENGELICA R.
3SEDF-1
Ipinasa kay:
PROF. FLORA S. MENDOZA

TULA
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo
ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga
taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.
Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, kaisipan, gamit ng marikit na salita.
ANYO NG TULA
Ang Malayang taludturan - Isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran kung
hindi ang ano mang naisin ng sumusulat.Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G.
Abadilla. Ayon sa kanya, maaaring makalikha ng tula na walang sukat at walang tugma. Gnunit
dapat manatili ang karikatan, ito ay ang paggamit ng matatalinhagang pahayag na ipinakilala
niya Sa kanyang tulang Ako ang Daigdig.
Ang Tradisyonal na Tula - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may
malalim na kahulugan.
Samantalang ang dalawa ay maiintindihan na sa tawag pa lamang dito.Ang anyo ng tula na May
sukat na walang tugma at Walang sukat na may tugma.
Ngunit di lang diyan nagtatapos ang lahat.May tatlong natitira at kakaibang anyo pa ang tula na
kinakailangan ninyong malaman.Ito ay ang DIONA, TANAGA at DALIT.
Sa makatuwid pito lahat ang anyo ng tula.Ang tatlong natitira ay espesyal dahil sa kung anong
kadahilan na inyong malalaman sa ilang saglit lamang.Ang tatlong ito ay nabibilang sa
katutubong uri ng mga tula.Isang katibayan na di pa sinisilang si Francisco Balagtas o kung sino
mang sikat at bihasa sa larangan ng ganitong panitikan ay mayaman na tayong mga Pilipino sa
pagkamalikhain lalo na sa pagbuo ng mga tula.
MGA KATUTUBONG ANYO NG TULA
DIONA - Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada
taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.Ang diona ay isang katutubong
anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may
isahang tugmaan.

TANAGA - Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada
taludtod, apat na taludtod kada saknong na may isahang tugmaan.
DALIT - Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada
taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.
DIONA
Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod,
tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

ELEMENTO NG TULA

Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang


saknong.
Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming linya o taludtod.
Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salita
ng bawat taludtod ay magkasing-tunog.
Kariktan - Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang masiyahan
ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Talinghaga - Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahulugan ng tula.
HALIMBAWA NG TULA

Bulag Ka, Juan


ni: Ariana Trinidad
Bumaon sa tao,
Kuko ng pangako,
At ngiti ng pulitiko,
Na plantsado pati kwelyo.
Sa eleksyon lang nakita,
Ang kumag na kongresista,
Pagkat nakatago sa lungga,
Ng kaniyang malamig na kuta.

Tahimik sa buong taon


Maingay sa eleksyon
Parang naghahamon
Wala kasing laman ang garapon.
Ang bulsa ng pagkatao
Ng hayop sa Kongreso,
Ay nakadeposito
Sa bituka ng bangko.
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Kalat-kalat kasi.
Bundat ang bulsikot
Sa pangungurakot,
Ang kaban: sinimot.
Sinaid pati ipot.
Tuso si Hudas
Planado ang lahat
Walang mga pekas
Kahit isang bakas.
Ang hahatol ay bulag
Bingi ang katulad
Kaya nakaligtas
Ang lider na huwad.
Kailan ititigil ni Juan
Ang pakikipagbolahan
Sa bingo ng gahaman
At roleta ng kasakiman?

Das könnte Ihnen auch gefallen