Sie sind auf Seite 1von 11

Career Woman Ang Nanay Ko

Luvismin Sy-Aves

Sa umagay maririnig ko si Nanay


Talak dito, talak doon ng buong ingay
May kasamang kurot sa tagiliran
Kung utos niyay hindi pakinggan.

Wala kaming mauutusan sa bahay


Kayat lahat ng gawain ay sagot ni Nanay
Magluto sa umaga at magligpit ng pinggan
Bago siya tatakbo patungo sa opisinang pinagtatrabahuan.

Ang alam koy middle manager si Nanay


Kayat sa pagod palaginng lupaypay
Walang pahinga sa kanyang trabaho
Pati sa munting kotse siya pa ang nagmamaneho.

Bago umuwi ng bahay si Nanay


Tatakbo sa grocery at mamili para sa bahay
Pag-uwi, dali-dalian ang pagluto at pamalantsa
Habang si Tatay ay pinainom muna ng kanyang tsa.

Pagkatapos magligpit, pagtututor ang isusunod


Kahit na halatang-halata na siya ay pagod

Bago matulog kami ay nagdadasal


Pagkat nais ni Nanay matuto kami ng magandang asal.

Kung sabado, labada ang inaatupag


At lilinisin ang buoang palapag
Kung lingo, sama-sama kaming nagsimba
Upang pagka-Kristiyano ay maala-ala.

Ngunit teka may ibubulong ako


Si Nanay ay siyang nanalo
Bilang Outstanding Career Woman
At para sa amin ito ay tanging yaman.

Ermita ni CC Marquez

Ito ang Ermita, Isang kagubatan ng lasing na nota


At sala-salabat
Ang baging na bisig ng mga turista
Na namumulupot
Sa murang petalo ng mga orkidya
Kumunoy ang gabit
Isang kadawagan ng hungkang na tawa
Ito ang Ermita.

Ermita ay gubat,
Isang kasukalan ng langong liwanag
Na gumagahasa
Sa dilim na sulok ng disco at beerhouse;
Narito ang bangis
Ng pagpapakahayop na mulat na utak
Na ang nilalapa
Ay sisiw na bagong kababang-pugad
Ermita ay gubat.

Ermita ay Eden
May bawal na bungang malayang kainin,
Isang kadagawan
Ng teknolihiya, realismot sining

Arenang sukatan
Ng pagka-Bathala at pagkaalipin,
Gubat ng liwanag
Na dilim ng lungsod ang limit silawin,
Ermita ay EDEN!

Isang Punungkahoy
Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook


Akoy tila isang nakadipang kurus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.

Organong sa loob ng isang simbahan


Ay nanalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay
Magdamag na tanod sa aking libingan

Sa aking paanan ay may isang batis,


Maghapot magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,


Asa mo riy agos ng luhang nunukal;
At saka ang buwang tila nagdarasal,
Akoy binabati ng ngiting malamlam.

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy

Ibon sa sanga koy may tbing nang dahon,


Batis sa paa koy may luha nang daloy.

Ngunit tingnan ninyo ang aking narrating,


Natuyo, namatay sa sariling aliw,
Naging kurus ako ng pagsuyong laing,
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong ng luksa,


Panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga!
Ni ibon ni taoy hindi na matuwa!

At iyong isiping nang nagdaang araw,


Isang kahoy akong malagot malabay
Ngayon ang sanga koy kurus sa libingan,
Dahon koy ginawang korona sa hukay!

Lumang Simbahan
Ni Florentino Collantes

Sa isang maliit at ulilang bayang


Pinagtampuhan na ng kaligayahan,
Ay may isang munti at lumang simbahang
Balot na ng lumot ng kapanahunan;
Sa gawing kaliwa, may lupang tiwangwang
Ginubat ng damo't makahiyang- parang,
Sa dami ng kurus doong nagbabantay
Nakilala mong yaon ay libingan.

Sa gawing silangan ay simbahang luma


May isang simboryong hagdanan may wala,
Dito ibinitin yata ng tadhana
Ang isang malaki't basag na kampana,
Ito raw'y nabasag na ang matanda
Noong panahon pa ng mga Kastila
Nang ito'y tugtugin dahilan sa digma
Sa lakas ng tugtog bumagsak sa lupa.

Sa lumang simbaha't sa kampanang basag


Ay may natatagong matadang alamat,
May isang matanda akong nakausap
Na sa lihim niyo'y siyang nagsiwalat;
Ang Lumang Simbaha'y nilimot ng lahat,
Pinagkatakutan, kay daming nasindak,
Umano, kung gabi ay may namamalas,
Na isang matandang doo'y naglalakad.

Sa suot ay puti't may apoy sa bibig,


Sa buong magdamag ay di matahimik,
Ngunit ang hiwagang di sukat malirip,
Kung bakit sa gabi lamang namamasid;
Kung araw, ang tao, kahit magsaliksik
Ang matandang ito'y hindi raw masilip,
Ngunit pagdilim na't ang gabi'y masungit
Ano't ang simbahan ay lumalangitngit?

Nagmula nga noo'y pinagkakatakutan,


Ayaw nang pasukin ang lumang simbahan;
Saka ang isa pang sa baya'y gumimbal,

Ang kampanang basag na bahaw na bahaw


Kung ano't tumunog sa madaling araw,
At ang tinugtog agunyas ng patay;
Saka ng dumating ang kinabukasan
May puntod ng libing sa harap ng altar.

Lumaki ang ahas sa mga balita'y


Lalong di pinasok ang Simbahang luma,
Kung kaya ang hindi makurong hiwaga'y
Nagkasalin-salin sa maraming dila,
Hanggang may nagsabing sa gabing payapa
May mga hinaing doong nagmumula,
Taghoy ng maysakit na napakalubha
Himutok ng isang papanaw sa lupa.

Humanap ng palang panghukay sa lupa


Itong sawing-palad na aping binat;
habang humuhukay ang kaawa-awa
Sa habag na sinta'y namatak ang luha.
Ngunit ano ito? Kay-laking hiwaga!
Ang nadukal-dukal mga gusing luma,

Saka nang iahon, oh! Laking himala!


Puno ng salapi at gintong Kastila!

Ang magkasing-giliw ay nagitlahanan


at nalimot tuloy ang magpatiwakal;
ang mutyang dalaga ang siyang tumanglaw,
Ang binata naman ang siyang nagbilang.
Oh! daming salapi! Laking kayamanan,
Libo't laksa-laksa itong natagpuan,
Kaya't sa malaki nilang kagalakan
Lumuhod sa birhen at nasigdasal.

At sila'y umuwing pasan ng binata,


Nagkakang-uuyad sa malaking tuwa.
Ang lumang simbahan ay ipinagawa,
At ipinabuoang kampanang sira;
At saka nagdaos ng pistang dakila,
Tugtog ng musiko'y sampung araw yata
Inalis ang takot sa puso ng madla.
Ang inahalili'y sayang di-kawasa.

Sa ginawang bago sa Lumang Simbahan


Ang magkasing ito ang unang nakasal;
nang sila'y lumuhod sa harap ng altar
Ang lahat ng tao'y nangasipagdiwang;
Dito nabatid ng takot na bayan
Ang simbahan pala ay pinagtaguan
Ng isang matndang puno ng tulisan
Na may ibinaon doong kayamanan.

Ngayo'y di na takot kundi saya't tuwa


Ang madudulang mo sa Simbahang Luma,
At sa birhen doong kay-amo ng mukha,
Oh!kay-rami ngayong nagmamakaawa.
Ito'y katunayan; Ang ano mang gawa,
Dapat isangguni muna kay Bathala,
Taong sawimpalad, kung magkabihira,
Sa awa ng Diyos nagtatamong pala.

Das könnte Ihnen auch gefallen