Sie sind auf Seite 1von 1

LORD CHESTERFIELDThe man who read is the man who lead

BERNALES-Mahalaga ang ginagampanan papel ng


pagbasa sa paghahasa ng talino at kaisipan
-Ang pagbasay isang bahagi ng
pakikipagtalastasan na nakahanay ng
pakikinig,pagsasalita at pagsulat
AUSTERO-Ang pagbasa ay ang pagkilala at
pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga
sagisag na nalimbag upang mabigkas nang
pasalita.
WILLIAM GRAY
-Ang pagbasa ay isang gawaing pangkaisipan
BADAYOS
-Ang pagbasa ay isang Psycholinguistic
guessing game
(Goodman)
-Ang pagbasa ay isang proseso ng pangunawa
-Ang epektib na mambabasa ay isang
interaktib na mambabasa
-Ang magaling na mambabasa ay sensitib sa
kayariang balangkas ng tekstong binasa
-Sa mga bulag,pandama ang pumapalit,sa
mata sa pagbasa
TALINO ANG NATATANGING PUHUNAN NG
ISANG TAO SA KANYANG PAKIKIPAGSAPALARAN
SA BUHAY
ANG PAGBASA AY NAGIGING GANAP ANG
PAGKATAO NG ISANG NILALANG

DALAWANG URI NG TEKNIK SA PAGBASA


1.ISKIMING O PINARAANANG PAGBASA
-Ang pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng
isang tao.Ginagamit ito sa pagpili ng aklat
bago ito basahin nang tuluyan sa paghahanap
ng tamang artikulo sa pagsasaliksik,pagkuha
ng pangkalahatang impresyon sa nilalaman
atbp.
2.ISKANING
-ay isang paghahanap ng tiyak na
impormasyon sa isang pahina.Hindi na
hinahangad dito na makuha ang kaisipan ng
susulat.Ang mahalagay ang Makita ang
hinahanap sa madali at mabilis na paraan

PROSESO AT KATANGIAN NG PAGBABASA


(WILLIAM GRAY)
1.PERSEPSYON
-Ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nalimbag
na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto
sa mga simbolong nabasa
2.KOMPREHENSYON
-Pagproseso ito ng impormasyon o kaisipan
ipinapahayag ng simbolong nalimbag na
binasa. Ang pagpoprosesong ito ay nagaganap
sa isipan
3.REAKSYON
-Sa hakbang na ito,hinahatulan o
pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan
at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
4.ASIMILASYON
-Sa hakbang naming ito, isinasama at inuugnay
ang kaalamang nabasa sa mga dati nang
kaalaman o karanasan
MGA PANANAW O TEORYA SA PAGBABASA
1.TEORYANG BOTTOM UP
-Ito ay isang tradisyunal na pananaw sa
pagbasa. Bunga ito ng impluwensiya ng
teoryang behaviorist na higit na nagbibigay
pokus sa kapaligiran sa paglinang bg
komprehensyon sa pagbasa
2.TEORYANG TOP DOWN
-Ang pananaw na ito ay impluwensiya ng
sikolohiya.Tinatawag din itong teoryang insideout o conceptually driven dahil ang kahulugan
o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa
patungo sa teksto
3.TEORYANG INTERAKTIBO
-Ayon sa teoryang ito,ang teksto ay
kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at
sa pag-uunawa nito ang isang mambabasa ay
gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at
may sariling konsepto o kaisipan
4.TEORYANG ISKIMA
-Bago pa man basahin ng isang mambabasa
ang isang teksto,siya ay may taglay sa
nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa
paksa.

Das könnte Ihnen auch gefallen