Sie sind auf Seite 1von 2

Iniiwan, Nang-iiwan

Sabi ni tatay
Ang siklo ng buhay
Ay binubuo ng dalawang tao
Ang nang-iwan, at ang iniwan.
May panahong parehas sila
Na nang-iwan ng katipan
Na bumitaw sa kahawak-kamay
Para makapagpahinga, para mag-isip
At di kalaunay makahanap
Ng bagong dahilan
Para tumibok ang kanilang mga puso
May panahon rin na parehas sila
Na iniwan, na nag-iisa, na nagdurugo
Hanggang sa lumipas ang oras, ang araw, ang linggo.
Hanggang sa silay nagkatagpo.
Tayoy nagtagpo.
Di ko na mabilang ang mga araw
Na tayoy naghawak kamay
Para suntukin ang buwan
Di ko na rin maalala, ang mga gabing tayoy nagsiping
Ang mga umagang na tayoy gumising sa bisig ng isat isa.
Pero ang di ko malilimutan ay ang kanto
Ng ating tagpuan, kung saan nagsimula
At kung saan din tayo pumili
Na magkanya-kanyang landas.
Hindi ko na alam kung sino ang nang-iwan
O sino ang iniwan.
Iniwan ba kita? O ako ang iniwan mo?
Ayaw ko nang magtanong, tutal
Pareha lang din naman tayo
Na nilisan
Hindi lang ang ating tagpuan, kundi sa mga puso
Na kapwa natin sinugatan.
Salamat, bulong ko sa hangin.
Sana nga lang huwag na
Tayo magkasalubong pa.

-cheskamarya 24 Aug 2016-08-24


Takaw-tikim sa Karinderya ni Manang Virgin
Tara na! Tawag sakin ni Kuya
Bagong luto ang menudo kina Manang!
Sandali, tugon ko. Di pa kasi kumpleto
Ang mga supot ko.
Hinila niya ako at sabay kaming naglakad
Pabilis ng pabilis, papunta sa kabilang kalsada.
Mainit dahil magtatanghali na
Puno na naman ng tao
Sa paborito naming karinderya.
Aba, may mechado pa ha! natakam ako sa aking nasipat.
At dinuguan o! dagdag pa ni Kuya. At may fried chicken!
Ambango ng mga ulam sa estante, hindi tuloy kami makapili.
Masarap ang luto ni Manang Virgin
Gawa sa mga preskong sangkap
Pero siyang nagluluto, sa parak nalaspag.
Di ko nga alam kung bakit, iyon ang tawag sa kanya
Di naman Virginia ang pangalan niya
Di rin siya kagandahan, lalong hindi kasariwaan
Pero nung araw daw siyay habulin
Minalas nga lang kay Sarhento Butingting.
Teka, bat may roast beef? Nanlaki ang aming mga mata.
Baka may special order, sino kaya nagpahanda?
Amina ang supot, hiningi sakin ni Kuya.
Inabot ko ang isa sa kanya, pero pagtingin ko akoy namutla.
Putangina, walang laman! bulalas niya sabay batok sa kin.
Aray! sigaw ko. Sakit nun ah!
Langya, busog na sana tayo eh!
Inis si kuyang naglakad papalayo, hindi pabalik ng bahay
Kundi sa matandang intsik sa may kanto.
Limampisong rugby nga, abot niya ng barya.
Singhot na,abot sa kin ni Kuya. Mabubusog rin tayo
Maya-maya.
-cheskamarya #30-

Das könnte Ihnen auch gefallen