Sie sind auf Seite 1von 7

ALAMAT NG GUNTING

Noong unang panahon sa mundo ng mga salamangkero, sa lugar na kung saan ang
pag-aaral ng salamangka ang pangunahing pinagkakaabalahan ng mga kabataan.
Dito magmumula ang isang bagay na magpahanggang ngayon ay patuloy na
ginagamit ng mga kasalukuyang nilalang.
Magsitayo kayong lahat at si Haring Ladim ay nandito na.
Haring Ladim: Magsiupo kayong lahat mga gikma. (gikma ang tawag sa mga
salamangkero at salamangkera na nag-aaral ng salamangka)
Haring Ladim: Nais ko lang na palalahanin kayo na itong kaharian ng Mokoro ay
gagawin ang lahat upang lahat kayo ay maging ganap na salamangkero.
Lahat ng mga mag-aaral o gikma ay handing-handa na sa kanilang pagsasanay.
Labis na galak na galak si Guna na isang matalinong gikma at si Ting na kanyang
matinding kalaban bilang pinakamagaling na gikma ng Mokoro.
Guna: Tiyak na ako na nanaman ang mangunguna sa taong ito.
Lulu: Siya nga Guna, sana nga para ako ang iyong maging tagasunod.
Ting: Sa pangarap na lang mangyayari yan gikmang Guna.
Gura: Ikaw ba ang aking kinakausap Ting. Labis na naman ang iyong inggit sa aking
angking galling.
Haring Ladim: Katahimikan mga gikma! Nais ko lamang ulitin ang mga panuntunan
sa aking kaharian na inyong sundin para sa ikakabuti ninyo. Higit ninyong tandaan
na ang sinumang mahuling may relasyon ay papatawan ng matinding kaparusahan.
Tandaan ninyong ditto sa Mokoro lahat kayo ay magkakapatid, kayat hindi
kailanman maaring umibig ng higit pa sa kapatid. Isang babala ito sa inyong lahat
mga gikma.
Sa pagdaan ng mga araw. Lahat ng mga gikma ay puspusan ang pagsasanay upang
makapasa sa unang pagsusulit. Lalo na si Guna na ayaw magpatalo kay Ting na
mortal nyang kalaban.
Guna: Ako ay magsasanay sa kabilang bundok upang walang makatuklas ng aking
kakayahan.
Lulu: Isang malaking panganib ang iyong gagawin Guna. Ngunit kung iyan ang
iyong nais ito ay aking susuportahan.
Guna: Salamat aking kaibigang gikma.
Pumunta si Guna sa kabilang bundok upang magsanay ng kanyang mahika. Sa
kabilang banda hindi tinupad ni Lulu ang kanyang winika, dahil sinabi niya sa
kanyang kapwa gikma ang plano ni Guna.
Lulu: Kapwa ko mga gikma alam niyo bang si Guna ay patungo sa Bundok halawhaw
upang kumuha ng lakas at magsanay.

Ting: Anong sinabi mo, lubhang napakamapanganib ng kanyang gagawin, Bakit


hindi mo siya pinigilan Lulu.
Lulu: Buo na ang kanyang pasya Ting. Labis ang kanyang hangarin na siya ay
maging tanyag na gikma.
Ting: Kailangan ko siyang sundan, upang tulungan, walang
makakatulong sa kanya kung hindi ako na isang magaling na gikma.

sinoman

ang

Tumungo si Ting upang tulungan si Guna. Sa bundok halawhaw ay may mga


halimaw na pwedeng pumatay sa kanila kung hindi sapat ang kanilang taglay na
mahika. Habang papalapit si Ting sa bundok, narinig niya ang panaghoy ni Guna.
Guna: Tulungan niyo ako Tulong
Biglang winasiwas ni Ting ang kanyang mahiwagang kapa na siya naming pagsabay ni Guna. Sa pagkakataong ito sila ay nagging magkasangga at nagging isa
silang dalawa. Sa pagkakataong ito napagtagumpayan nila ang pakikipaglaban sa
mga halimaw ng bundok halawhaw.
Guna: Salamat kapwa ko gikma. Ang akala ko ay tuluyan na akong magagapi ng
mga halimaw.
Ting: Walang anuman, ang kapangyarihan kung taglay ay minana ko pa sa aking
Inang si Banac. Alam kong kalaban ang turing mo sa akin pero gusto kitang maging
kaibigan.
Guna: Mua ngayon Ting, Ikaw ay aking kaibigan, isang kaibigang tunay at tapat.
Mula sa araw na iyon, Si guna at Ting ay nagging matalik na magkaibigan. Arawaraw ay magsama sila at hindi mapaghiwalay.
Tanga: Guna nais kong ipabatid ssa iyo na higit pa sa kaibigan ang turing ko sa iyo.
Guna: Ting alam mong hindi ito tama at lalong hindi dapat.
Ting: Hindi kailanman matuturuan ang puso. Hindi ito kayang pigilan ng anumang
bahala, buhay man ang kapalit.
Guna: Maari tayong maparusahan ni Haring Ladim, Mahal kita Ting ngunit mahigpit
na pinagbabawal ang pagkakaroon ng relasyon sa kapwa gikma.
Ting: Handa ako sa anumang kaparusahan. Hindi ko kayang pigilan ang aking pagibig sa iyo. Ano man ang kahihinatnan ng pag-iibigang ito ako ang lubos na handa
at buo ang aking paniniwala na sa iyo ako lamang Guna, matatagpuan ang walang
hanggang kaligayahan.
Naiyak si Guna sa kanyang narinig at isang mahigpit na yakap ang kanyang isinagot
kay Ting. Tanda ng pag-sangayon sa tinuruan ng katipan. Sa kabilang banda hindi
nila namalayan na nasa paligid ang kaibigan ni Guna na si Lulu. Ito ay may tagong
inggit sa kanyang kaibigan. Batid niya na kailanman hindi niya kayang pantayan
ang kaibigan. Ito ang kanyang pagkakataon na malampasan at mahigitan si Guna.
Buo ang kanyang pasya na sila ay isuplong kay Haring Ladim.

Lulu: Haring Ladim, Paumanhin pos a aking pagparito. Nais ko lamang po ninyong
malaman na si gikma Guna at si gikma Ting ay magkasintahan at may namumuong
magandang pagsasamahan.
Haring Ladim: Gikma, ito ba iyong mapapatunayan at mapaparindigan. Batid mo na
mayroong kaakibat na kaparusahan ang anumang maling impormasyon na iyong
ibibigay sa iyong hari.
Lulu: Opo Haring Ladim. Si guna ay aking kaibigan ngunit alam kong ito ay hindi
naayon sa mga batang gikma. Kung nais niyo po ay sasamahan ko kayo sa kanilang
tagpuan.
Tumungo si Haring Ladim at mga matataas na Gurong gikma upang saksihan ang
kalapastanganan ng dalawang gikma.
Guna: Mahal na mahal kita aking irog.
Ting: Hindi sapat ang saltang mahal para maramdaman ko ang lubos na
pagmamahal ko sa iyo.
Isang mahigpit na yakap at matamis na halik ang kanilang ibinigay sa isat-isa na
aktong pagdating ng mga Gurong gikma at si Haring Ladim.
Haring Ladim: Mga suwail na gikma! Kayo ay mga lapastangan na salamangkero,
nararapat lamang na kayo ay maparusahan!
Ting: Patawad po Haring Ladim. Lubos naming kayong nirerespeto subalit ang pagibig ko kay Guna ay hindi ko kayang itago at kaya ko itong ipaglaban. Ano mang
kapausahan ay aing tatanggapin.
Guna: Isang pakiusap mahal na hari ano mang kaparusahan ay maari ninyong
ipataw sa akin ngunit nais kong makasama si Ting habang- buhay. Hindi ko kayang
mahiwalay sa aking irog.
Ting: Opo mahal na Hari, kami ay magsasama hanggang sa dulo ng walang
hanggan!
Lubos na humahanga si Haring Ladim sa kanyang narinig sa magkasintahan ngunit
hindi ito nangangahulugan na sila ay makakawala sa mabigat na kaparusahan.
Haring Ladim: Kahangahanga mga lapastangang gikma! Ngunit ang paglabag na
inyong ginawa ay walang kapatawaran. Datapwat kayo ay nagkamali ibibigay ko
ang inyong kahilingan na magsama habang buhay. LAGADIM LAGADUM DAMARUM
LUGADUM Sa aking kapangyarihang taglay, kayo mga gikma ay magiging isang
bagay na hindi kailanman pwedeng maghiwalay ngunit kayo ay gagamitin para
putulin at pirasuhin ang anu mang bagay na BUO. DUM, KADUM,
BRAGAAAAAAKKK
Isang liwanag ang sumiklab sa pagitan ng dalawang gikma na siya namang
pagsigaw at pagyakap nila sa isat-isa.

Guna,Ting: Aaaaaaahhhh mahal kita Guna Mahal din kita Ting Aaaaaaahhhhhh!...
Nagulat ang lahat at naghintay kung ano ang magaganap. Pagkatapos nito ay
nasaksihan nila ang isang matulis na bagay na may magkadikit na hawakan. Gulat
ang lahat at takot ang naramdaman.

Si Guna at Ting ay naging ISA. Sa kasalukuyan sila ay tinatawag na GUNTING! Isang


bagay na ginagamit sa pagputol at paggupit ngunit sa likod nito ay isang
pagmamahalan na kailanman ay hindi kayang paghiwalayin anumang tulis at hirap
ng pagkakataon.

WAKAS

BUHAY ESTUDYANTE NI PEDRO AT ANG KANYANG


PANGARAP
Si Pedro ay pitong taong gulang. Siya ay punong puno ng mga pangarap
ngunit sila ay mahirap lamang. Ang kanyang ina ya mananahi at ang kanyang ama
ay may kapansanan. May mga pagakakataon na siya ay di makapasok sa paaralan
dahil walang pera at walang pamasahe. Madalas umiiyak si Pedro sa tabing ilog, at
iniisip kung papaano ang kanyang gagawin upang makatapos ng pag-aaral. Naisip
ni Pedro "Aha, pupunta ako ng bayan, maghahanap ako ng trabaho." ng pumunta
ng bayan sio Pedro, siya ay nakahanap ng trabaho bilang isang tindero sa palengke.
Araw-araw siyang gumigising ng maaga at bago mag alas siyete ng umaga ay
naghahanda na upang pumasok sa paaralan at sa uwian naman ay balik trabaho
siya. Pagdating niya sa bahay, "Inay may uwi akong ulam at gamot para kay Itay."
Laking tuwa ng kanyang Ina sa mga naitutulong ng kanyang anak. Ganito na ang
naging buhay ni Pedro hanggang siya ay lumaki. Nakatapos ng pag-aaral si Pedro.

Siya ay kasalukuyang manager ng isang malaking kumpanya. Naging inspirasyon si


Pedro sa mga kabataan ngayon. Maraming tao na humahanga sa kanya.
Nakapagpatayo ng bahay si Pedro, naipagamot niya ang kanyang Itay at nabigyan
ng pinansiyal na tulong ang kanyang ina.

ANG MGA DUWENDE


(Isang Kuwentong-Bayan mula sa Bikol)

Malalim na ang gabi at abalang-abala pa sa pananahi ang dalawang


magkapatid na babae. Tinatahi nila ang mga kamisa at saya nila, na isusuot nila
para sa isang misa kinaumagahan. Ibinilin ng kanilang ina na siguruhing nakasara
ang pinto at mga bintana ng kanilang bahay, kundi ay papasok ang duwende, na
bumibisita sa kanila tuwing hatinggabi. Upang malaman ng kaniyang mga anak
kung ano ang duwende, ikinuwento niya ito: Katulad lang ng mga ordinaryong tao
ang mga duwende. Tuso silang mga nilalang, ngunit matulungin din. Ilan sa mga
kapilyuhang ginagawa nila ay ang pagsira sa mga muwebles at mga larawan,
pagbasag sa mga salamin, baso, plato, at tasa. Kung hindi sila makahanap ng mga
bagay na sisirain o babasagin, kinukurot nila ang mga pisngi, braso, at katawan ng
mga tulog na babae, upang maging mabigat ang pakiramdam nila pagkagising.
Kung hindi kinaasaran ng mga duwende ang mga nakatira sa bahay na madalas
nilang bisitahin, nagpapakita sila ng kabaitan sa mga ito. Sinasabing dinadalhan nila
ang mga kaibigan nila ng mga masasarap na pagkain at ipinagtatanggol sila mula

sa mga masasamang nilalang. Maraming tao tuloy ang sabik ngunit balisang
makakilala ng duwende. Itinuturing nila ang mga nilalang na nagtataglay ng
kakaibang karunungan dahil sinasabing alam na alam nila ang mga lihim at
ikinikilos ng mga tao. Ngunit kung sakaling ang mga naging kaibigan ng duwende
ay biglang nagsabi ng anumang masama o nagbalak ng masama sa kanila, kahit pa
hindi sila marinig ng mga duwende, ay parurusahan sila at hindi na muling
babalikan. Ang duwendeng binabanggit ko rito ay madalas sa bahay namin habang
ang nanay ko, o ang lola ninyo, ay buhay pa. Parati niyang sinasabi sa aming isara
ang pinto at mga bintana bago kami matulog. Isang gabi, nang nagtatahi rin kami
ng kapatid ko ng kamisa at saya, nakalimutan naming isara ang mga bintana at
pinto. Ilang segundo bago maghatinggabi, naroon ang isang maliit na nilalang na
nakatayo sa aming pinto. Maliit siya, kasinliit lamang ng isang dalawang taong
gulang na bata; pula ang kaniyang mukha; mayroon siyang mahabang bigote at
maputing kulot na buhok. Maigsi ang mga braso niyang balingkinitan, ngunit malaki
ang mga kamay niya--malaki para sa kaniyang braso. Nang marinig ng mga dalaga
ang kuwento ng kanilang ina, natakot sila. Nang maghatinggabi, narinig nila ang
mga tunog: takla, takla, takla. Gawa ito ng duwende. Takot na takot ang dalawa.
Lumingon ang panganay, at nakita niya ang duwende na pumapasok sa pinto. At
katulad ng inaasahan, tumakbo at tumalon siya papasok ng bahay, papunta sa mga
dalaga. Dahil doon, nasipa niya ang isang gasera, na nagpaliyab sa mga kamisa at
saya. Mula noon, naging maingat na ang magkapatid at ang buong bayan ng
Legaspi sa duwende. Isinasara na nila ang kanilang mga pinto at mga bintana bago
sila matulog sa gabi.
Calbiga National High School
Calbiga, Samar

Proyekto
sa

FILIPINO 7
(Ikalawang Markahan)
Inihanda ni:
LABALAN, APRIL JOYCE L.
7 Narra

Iniharap kay:
GNG. IDA J. VELARDE
Guro

Das könnte Ihnen auch gefallen