Sie sind auf Seite 1von 7

ALAY

Ang pag aalay ay bahagi nang mga ritwal noon pa man.Ibat ibang kultura at tribo ay may ibat-ibang pamamaraan o proseso. Dito sa Pilipinas
ay madalas natin naririnig ang pag-aalay ng manok o ng mga hayop,nga-nga ,alak, ibat ibang uri ng kakanin at mga bulaklak.
Narito ang ilan sa mga kaalaman na aming nalikom sa pag sasabuhay bilang isang makabagong mga DIWATAAN.

BAKIT MADALAS SA ATING BANSA GINAGAMIT ANG MANOK, BABOY, BAKA O KAMBING?
Sapagkat ang pang-araw-araw na kinabubuhay ng ating mga ninuno o katutubo ay ang pangangaso at kung inyong mapapansin ang mga
hayop na kadalasang iniaalay ay kanila ring mga napangaso o kinakain. Sa Ilang paniniwala na ang mga anito ay minsang naging tao kaya kung
paano ituring at igalang ang kanilang sarili ay s'ya ring pag galang sa nkatatas na nilalang o ninuno.

PARA SAAN ANG BABOY, PUTI O ITM NA MANOK AT IBA PA?


Kadalasan ang PUTI na manok ay iniaalay sa mga simple o nakakababang mga ritwal tulad ng pagbabas-bas ng isang tao, bagay o lugar.
Halimbawa, nito ang ritwal ng "PADUGO" na kung saan pinapaduguan ang isang lugar tulad ng bagong bahay, tulay o daanan para mag bigay ng
respeto sa mga nilalang o ispiritu na maaring naninirahan. Ang ITIM naman ay kadalasang iniaalay sa mga nakatataas na ritwal tulad ng pagtaboy
ng Masamang nilalang sa loob ng katawan ng isang tao o para bigyang diin ang pag-aalay, Itoy maaaring rin tumukoy sa puti o di nakuha kaya
maaaring sa itim naman o kaya tulad ng mga pagbawi ng sumpa o paghingi ng isang paumanhin sa mga anito .May mga anito kasi na gusto ang
itim o puti dipende sa mga sinyales na ipinapakita sa isang babaylan. Ang baboy, baka o kambing naman ay kadalasang inalay kapag may ritwal na
pang maramihan o isang piging .Halimbawa, ng pag alay ng baboy na kapag ang matandang babae sa kanilang pamilya ay naka panaginip ng may
mamatay dapat agad-agad na mag kakatay ng baboy at ipa mimigay sa kamag anak o kahit sa kanino man para mapigil ang pangitain.

Ngunit kadalasan din ng mga katutubong pag alalay ay nakabase sa sasabiin ng babaylan. Dahil ang mga babaylan ang nakikipig usap muna sa mga
Diwata at kung ano ang kanilang na pagkasunduan ay siyang iaalay.

PAANO ANG TAMANG PAGKITIL NG ALAY?


Ilan sa mga popular na pag sasagawa nito ay isinasayaw muna ang napiling alay; sinasayawan kung malaki tulad ng baboy, matapos nito ay
tinatapik- tapik at papausukan ng sangkap o ng tabako. Sa iba naman ay binubuhusan ng alak tulad ng tuba, dadasalan at bibigyan ng basbas ng pag
kasagrado.Matapos nito ay hahanapin ang litid sa leeg upang mabilis ang pagkamatay ng alay dahil kapag ang buhay ng alay ay matagal, maaaring
itoy mangahulugang hindi ganap ang pagsasagwa. Kadalasan sa mga babaylan ay inaaninag ang dugo upang humingi ng pagtanaw o sinyales ng pag
sangayon.

MATAPOS ANG RITWAL ANO ANG GAGAWIN SA ALAY?


Maari itong kainin ngunit bago pa man ito ay timplahan kailangan ay alayan na ng bahagi ang anito o entidad. Maaaring ito ay ilibing ng buo.
Sa iba naman ay niluluto muna at tinitimplahan, ngunit hindi tinitikman hanggat hindi pa nalalahad sa altar o sa riwal. Marapat na itoy tandaan na
malaking kalapastangan ang pagkain ng una sa alay bago ang Entidad na pag-aalayan o itapon ito ng walang kapang-aanlinngan.
Ang DIWATA ay salitang "Bisaya o Mindanaowan" na nag mula naman sa sanskrit word na DEVATA O DEVETA ng India at sa mga
Javanese naman ay DJUWATA, Boeneo;REWATA, Indonesia; DEWATA na nangangahulugang Divine, Divinity o Deity.Nuong unang panahon ang
mga Pilipino ay mataas ang pag pagpahalaga at respeto sa kalikasan sapagkat dito nila kinukuha ang kanilang ikinabubuhay.Sila ay naniniwala na
ang mga bagay na konektado sa kalikasan ay may buhay o may gumagabay na isang diwata.
Ang diwata ay maaring makapag bigay ng pabuya, kalugdan ang isang tao at bayan. Ngunit maari din silang mag bigay ng sakuna o sakit sa isang
taong abusado o walang respeto.Sa ibang bahagi naman ng ating bansa partikular sa mataas na bahagi ng luzon,ang tawag sa kanilang DIWATA ay
BAKI o ANITO atbp. Ang dahilan ng pag kalat ng salitang diwata sa parte ng Kabisayaan at Mindanao ay ang mayamang kalakalan ng mga lumad
nuon sa mga karatig bansa. Nang sakupin tayo ng mga Kastila unti-unti nilang pilit na binura sa mga lumad ang paniniwala sa mga diwata. Gayon
nga ang nagyari at tuluyan ng nabasura sa ating mga Pilipino, di lamang ang mga tunay na kahalagahan ng mga Diwata maging ang kahalagahan ng
ating sariling kultura. Sa ngayon mas kilala pa ng karamihan sa atin ang mga banyagang Diwata at mas binibigyang halaga sa edukasyon ang
metolohiya ng mga banyaga .

May ibat ibang uri ng Diwata at nahahati ito sa lima.


1.
Diwatang langitnun o Diwatang Kaitaasan Ito ang mga diwaatang tagapag likha tulad nila Bathala ,Manama,Magbabaya,Kabunian at Kanlaon.Ang mga diwatang ito ayon sa mitolohiya, sila
ang lumikha ng bawat bahagi ng daig-dig. bawat tribung lumad ay may sariling pangunahin Diwatang langitnun.
2
.Diwatang Ibabawnun o Diwatang Kaibabawan Ito ang mga diwatang taga pamuno o anak ng mga diwatang tagapag likha tulad nila Mayari,Apolake,Diyan Masalanta o may malaking
pinamumunoang bahagi ng daigdig halimbawa ang araw ,buwan,hangin,dagat atbp. Ang mga diwatang ito ay walang kaparehas na pangalan sa
bawat tribu na pinag mulan. sila lamang ang namumuno sa bawat bahaging nasasakupan.Halimbawa nito ay si APOLAKE, Sya lamang ang anak ni
Batahala na pinangalanang Apolaki at may direktong kapangyarihang sa araw sa metolohiya ng mga tribu ng mga Taga-ilog .Hindi kahalintulad ng
ikatlong uri na may maraming kaparehong klase at may pangkat na kinabibilangan.
3.
Diwatang Kailawman o Diwatang Kailaliman Ito ang mga diwata na madalas nating tawaging laman lupa o engkato (sa ilang paniniwala) tulad ng Duwende,Kapre,Tikbalang atbp. Ang mga
diwatang ito ay hindi lamang iisa sa bawat klase halimbawa na lamang sa ilang paniniwala na may pula,itim at puti na duwende at may mga pinuno o
antas ng kanilang pangkat.
4.
Ninuno Ang mga ninuno ay maitutring din na diwata sa pagkat ayon sa paniniwalang lumad (katutubo) ang mga taong kalag (kaluluwa) na o namayapa na
ay nag tataglay ito ng isang kapangyarihan na maaring makatulong sa mga buhay na tao at maari din itong makapaminsala.
5.
Diwata ng lupa Ang mga diwata ng lupa ay ang mga taong nag tataglay ng kakaibang galing o kakayanang makapang gamot,tagna at makipag usap sa mga iba pang

uri ng diwata.Ito ang mga taong DIWATAAN o DIWATAHAN tulad ng Babaylan,Katalonan,Mumbaki atb. Ang uri na ito ay na pabilang sa hanay ng
mga diwata sa pagkat ang mga babaylan o katalonan ay nag tataglay ng ilang galing o kaalaman na hindi makakayang gawin ng lahat ng ordinaryong
tao.

3 Comments
REBOLUSYON NG BABAYLANG TAMBLOT
10/1/2011
62 Comments

REBOLUSYON NG BABAYLANG TAMBLOT

Si Tamblot ang isa sa mga babaylan na namuno sa pakikidigma upang ipag laban ang paganismong paniniwala laban sa mga mananakop na mga
kristyanong kastila. Si Tamblot ay taga sunod o nananampalataya kay AY SONO at sa mga diwata,ispiritu ng kalikasan.Ang iba pang mga babaylan
ng isla ng Bohol ay sina Kator Kukon ng Tagobas,Antiqueara; Hibor Tasing ng Lihanan,Cortes; Bula-od ng Batuan; Tam-isan ng Loon; Tagbakan ng
Tubigon; at Pagali ng Cargara. Ang mga Boholanos o Bol-anon ay may sarili ng paniniwalang ispiritwal bago pa man dumating ang mga
Kristyanong Kastila.
Matapos ng ilang taong matagumpay na pananakop ng mga kastila sa Cebu ang dalwang pareng Jesuit na sina JUAN DE TORRES at GABRIEL
SANCHEZ ay dumayo sa bohol nuong 17 ng nobyembre1596 at matagumpay silang nakapag tayo ng kuta sa BACLAYON at mabilis na
naipalaganap ang kristyanismo. Makalipas ang ilang taon dinayo naman ng mga humigit kumulan (300) tatlong daang Maguindanao Moro ang isla
ng bohol sa pamumuno nina Datu Sirongan at Datu Sali. Sa kadahilanang ito napilitang maglipat ng kuta ang mga Jesuits sa loobang bahagi ng isla
ng Buhol kung saan malayo sa tabing dagat para narin sa kanilang kaligtasan.Mula noon ang Loboc na ang nagging tirahan ng lokal na pinuno ng
mga jusuit.
Ng mag simula ng lumaki at kumalat ang paniniwlang kristyanismo hindi rin ito nagging ganun kadali na matanggap ng ilan sa mga bol-anon. Kaya
naman nuong taong 1621 sa pangunguna ni Tamblot bilang isang Punong babaylan ay nag simulang mag aklas sa pamamagitan ng pag hamon sa mga
kastilang pare kung gaano ka makapangyarihan ang kanilang diyos. Sa pamamagitan ng kawayan ay kaylangan nilang gumawa ng himala. Sinmulan

ng pareng kastila ang pagdarasl at matopos nito ay biniyak ang kawayan ngunit walang nangyari o kahit ano mang sinyales ng himala.Sumonod na si
babaylang Tamblot.Isinagawa na nya ang kanyang ritwal ng pag aalay kay Ay Sono at humiling... biniyak ang kawayan at tumagas ang alak
na tuba na gawa sa niyog at may mga sik-sik na palay o bigas pa na nakapaloob sa kawayan. Nanalo si babaylang Tamblot at nakuha nya ang
panig ng mga tao.Nanatiling panig lamang sa mga kastila ang mga taga Loboc at Baclayon. Mabilis kumalat ang mga nangyri. Ngunit madiin din
itong pinabulaanan ng mga pareng kastila na ang gawain ni tamblot ay gawaing demonyo at di isang himala kundi isang panloloko
lamang.Samantalang may ilang pagkakataon din na minsang gumawa ng himala ang mga Kastilang pare tulad ng pag gamot sa napahamak na alcalde
mayor Juan Alcazaro .Matagumapay itong napagaling sa ngalan ng sagradong anak.Ngunit hindi ito binansagang gawaing demonyo bagkus
itinuring itong himala. Nakakatuwang isipin lang na ang gawain ni Tamblot ay hindi rin naman nag kalayo sa kristyanong pare. Subalit itinuring
itong maka demonyo gawain at di dapat pamarisan.
Habang ang mga karamihan sa mga Jesuit ay nasa isla ng Cebu upang dumalo sa selebrasyon ng pista ni st.francis Xavier. Lumaon parin ang
pananakop at nag patuloy parin si Tamblot sa panghihikayat sa mga nasasakupan na ipag laban ang kanilang paniniwala at karapatan. Umabot sa
mahigit kumulang dalawang libong (2000) bol-anon ang pumanig at sumamang mag aklas kay tamblot. Ng makarating sa isla ng Cebu ang
kaganapan agad-agad na nag padala ng humigit kumulang 50 na Kastilang sundalo at 1,000 Cebuano. Marahas ang nagging panlulupig
.Tinugis/pinatay ang mga Bol-anon na panig kay tamblot at pinag kukuha ang mga bagay na nag papatunay sa kanilang paanampalataya o
nakagawiang paniniwala .Sinira ,sinunog at itinapon ang mga ito kung saan hindina mapakinabangan. Samantala ang mga gitot pilask naman ay
pinamahagi sa mga sundalo.Hindi nag tagal lumakas ang hukbo ng mga kastila at unti unting nalupig at na puksa ang samahan ni Tamblot.Maraming
nag buwis ng buhay ngunit may ilan din na nakatakas at ang mga nadakip naman ay inalipin at pinahirapan .Tumagal lamang ang rebolusyon ng
isang taon mula 1621-1622 ngunit mahalaga ang ginampanan nito sa ating kasaysayan na marami sa atin ang hindi nakakalam .
Ikaw bilang Pilipino/Pagano pinahahalagahn mo ba ang kanilang pinag laban? o isa ka sa mga nangungutya o nandidiri sa tunay nating pinag
mulan!?
SULONG BABAYLAN! MABUHAY KA TAMBLOT!
Sa ngalan ng kalikasan ,kultura at diwa ng mga Diwata! Salamat !
"Makinabang sa banyagang kaalaman.
ngunit matutuong gamitin at pahalagahan ang ating pinag mulan"
By: Batahra
(Tribmakan/Paganong Pinoy/nagmula sa mga angkan ng Manobo)

62 Comments
BABAYLAN
5/19/2011
10 Comments

BABAYLAN
Marami parin sa ating mga Pilipino ang di lubusang na uunawaan o hindi pamilyar sa tinatawag nating babaylan . Ang ilan sa atin ay kinamumuhian
at kinatatakutan pa ang salitang ito. Ano nga ba ang babaylan at ano ba ang koneksyon nito sa ating lahi? Ito ang isa sa mga tanong na pilit nating
pinag tatalunan at pinag didiskusyonan sa bawat usaping kultura o pamayanan na di naman lubusang matanggap o maunawaan ng karamihan sa
atin.
Malaki ang ginampanan ng mga babaylan sa ating kasay-sayan.Sila ang mga itinagong bayani ng ating lahi.Ang mga babaylan ay ang taga
pamagitan sa mga Anito,Diwata o Ispiritu ng kalikasan.Sila din ay taga pamuno sa mga ritwal ng isang pamayanan o tribu tulad ng ; pag aani,pag
tatanim,ritwal upang itaboy ang masamang epidemya atbp..
Nang madugong pilit na sinakop ng mga kristyano (espanyol ) ang ating bansa dugot pawis na ipinag laban ng mga punong babaylan ang karapatan
at kultura na ating pinag mulan. Ipinag laban ang karapatang mag ritwal sa mga anito o diwata,ang pag sunod sa mga pilosopiya ng mga ninuno at
ang paniniwalang paganismo. Ang mga kristyanong espanyol ay sadyang masinop at marahas na ipinatupad ang kanilang layuning mananakop.
Ipinalaganap nila sa pamayanan na ang gawaing babaylan ay maka "demonyo" kayat wag itong pamarisan.At kung sino man ang lumabag ay
makakatikim ng kaparusahan tulad ng pag kulong at pag papahirap hanggang sa pilit mong tanggapin ang paniniwalang kristyanismo .
Tinugis nila ang kinaroroonan ng mga babaylan kasama ng kanilang mga nasasakupan at pilit pinapa lipat ng pananampalataya (convert) . Karimahan
ay pinahirapan at matapos pinatay ay pinag kukuhang pilit ang mga kagamitang pang- samba o ritwal.Sinunog at tinapon ang mga anito o idulo na
kanilang inaalayan. Ngnit nagging matatag pa rin ang mga babaylan patuloy parin nilang isinasagawa at itinuturo ang gawaing babaylanismo sa
kanilang nasasakupan. Ngunit di nag laon tuluyan pa ring nasakop ang ating bansa at unti unting na itago ang mga kalaman at gawaing
babaylanismo.
KATAWAGAN AT KASARIAN

Ang salitang babaylan ay madalas na maririnig sa kabisayan. Ngunit tinatawag din itong Katalonan sa katagalugan ,mumbaki sa Ifugao, balian sa
mga Ayta,bailan sa mga Manobo,baylan sa Tagabanwa,Mabalian sa bagobo ,baylana ,bilan,at marami pang iba.Kadalasan babae ang isang babaylan
ngunit ayon sa pananaliksik marami din umano ang mga Lalaking babaylan. Ito ay ngangahulugan na di lamang eksklusibo sa kababaihan ang
pagiging isang babaylan. Ngunit may ilang paglilinaw din na may mga tribu na babae lamang ang may karapatang maging babaylan at lalaki naman
sa iba. May roon din na mag kahiwalay na katawagan tulad ng Baylan kapag lalaki at baylana sa babae. Madami mang katawagan ibat-ibang lugar
man ang pinag mulan ngunit iisa parin ang layunin at responsiblidad na ginagampanan ng mga babaylan . Sa ibang tribu o pamaynan liban sa
pangunguna sa mga spiritwal na gawain ang mga babaylan ay sya naring tumatayo na pinunong politikal ng buong nasasakupan .At sa iba naman ay
mag kahiwalay na tao ang gampaning politiikal at spiritwal. Tulad na lamang sa tribu ng mga Manobo ng Mindanao . Ang pinunong politikal ay
tina-tawag na DATU at BAILAN naman sa tagapamunong spiritwal.
PAGHIRANG NG ISANG BABAYLAN
Ang pagiging isang babaylan ay nakadipende sa tribu o pamayanang pinagmulan. Mayroong tinatwag na tawag ng lahai (calling) at itinakda o
saling lahi. Ang tawag ng lahi ay kusang nararamdaman ng isang tao maaring idinaan sa panaginip ,inoutos ng kataas taasang pag iisp (higher
self ) o may bugso ng damdamin sa gawaing babaylanismo. Ang itinakda naman ay may proseso ng lahi na pag dadaanan .Kadalasan ang punong
babaylan ay mamimili ng mga kabataan,kamag anak o ka pamilya din. Ituturo nya rito ang mga lihim na kaalaman o gawaing babaylan at mga
pilosopiya. Dadaan ang isang takda o napiliing babaylan sa ilang ugnay-ugnay at sagrado na mga ritwal.

Das könnte Ihnen auch gefallen