Sie sind auf Seite 1von 1

Matulunging traffic enforcer,

binigyan ng pagkilala
Pinarangalan ng pamahalaan ng
Pasay City ang isang babaeng traffic
enforcer dahil sa kanyang kabutihang
loob.
Nakilala ang traffic enforcer na si
Leticia Ancheta nang tulungan niya si
Danilo Esguerra, 72, na maibalik sa
pamilya nito sa Pulilan, Bulacan.
Kuwento ni Ancheta, nakita niyang
palakad-lakad si Esguerra sa Cuneta
Astrodome kaya kanya itong
kinupkop.
Paglalarawan ni Ancheta, marungis at
mukhang gutom na gutom na ang
matanda.
Nang makita ang panawagan para
kay Danilo Esguerra sa DZMM
Aksyon Ngayon noong Abril 26,
sinubukan niyang makipag-ugnayan
sa pamilya. Sinubukan din niyang
tawagan ang DZMM.
Abril 27 nang makauwi sa pamilya
nito si Esguerra na nawala noong
Marso 15, 2016.
Ayon kay Ancheta, nakaugalian na
niya ang pagtulong.
Sa katunayan, minsan, habang
papunta siya sa Government Service
Insurance System (GSIS) upang magloan, may nakita siyang mga batang
iniwan sa kahon.
Imbes na magtungo sa GSIS,
kanyang kinuha ang bata at dinala sa
Department of Social Welfare and
Development (DSWD).
"Hindi natuloy loan ko kasi binitbit ko
'yung bata. Inano ko doon sa DSWD,
ang sabi naman niya, 'Sa iyo na 'yang
lang 'yan, pirma ka dito.' Nandito
ngayon sa akin ang bata."

Dagdag pa ni Pasay City


Administrator Dennis Acorda, sa
pagtatanong-tanong niya ukol sa
pagkatao ni Ancheta ay napagalaman niyang marami na itong
natulungan.
May mga nagsabing mayroon itong
inalagaang bata matapos mabigong
makapagbayad sa PGH ang nanay.
Marami rin aniyang tinutulungang
tricycle driver na nahuli si Ancheta, at
matagal maningil kapag
nagpapautang.
"Parang alamat itong si Ate Letty," ani
Acorda.
Ayon naman kay Ancheta, masaya
siya sa pagtulong sa iba. "Magaan sa
kalooban talaga kapag may tao kang
matulungan. Kahit anong tulong
basta't kaya kong matulungan,
tutulungan."
Nagagalak si Acorda na sa kabila ng
kaliwa't kanang reklamo sa mga traffic
enforcer, mayroong isang tulad ni
Ancheta. "Kakaibang balita ito para sa
amin."
Upang magsilbing huwaran sa iba pa,
ginawaran ng Certificate of
Commendation ng Pasay City si
Ancheta.
Ito ang kauna-unahang pagkilalang
tinanggap ni Ancheta sa buong buhay
niya at maluha-luha ito nang
tanggapin ang sertipikasyon.
Ani Acorda, kanilang iimbitahin si
Ancheta matapos ang halalan para sa
isang pormal na pagkilala.
"Ipapatawag po natin si Ate Letty.
Bibigyan natin ng pagkikilala para
makita ng lahat ng employado,
ganitong klase ng employado dapat
mayroon tayo."

Das könnte Ihnen auch gefallen