Sie sind auf Seite 1von 4

Mga tauhan

Ito ang mga tauhan sa El filibusterismo ni Jose Rizal.[4]

Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo


ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.

Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.

Basilio - ang mag-aarl ng medisina at kasintahan ni Juli.

Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na


inaangkin ng mga prayle.

Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kaniyang sariling apo.

Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.

Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan na si Ibaez.

Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning


pampaaralan.
Mga Nobela ni Jose
Rizal

Noli Me
Tangere

El
filibusterismo

Makamisa
Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.

Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.

Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.

Padre Florentino - ang amain ni Isagani

Don Custodio - ang kilal sa tawag na Buena Tinta

Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez - ang mag-aarl na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang


angkang may dugng Kastila

Macaraig/Makaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa


pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral

Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin
ni Paulita.

Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.

Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.

Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.

Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.

Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.

Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds

Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibgan daw ni Don Custodio.

Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang


panlabas na anyo.

Tiyo Kiko - matalik na kaibgan ni Camaroncocido.

Gertrude - mang-aawit sa palabas.

Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.


Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.

Buod
Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga
pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang
nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun
na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si
Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun
na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang
layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos
ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baos, ang mga estudyanteng Pilipino ay
naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang
kahilingang ito ay di napagtibay sapagkat napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay
mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang
pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa
binabalak niyang paghihimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa
kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subalit hindi naibunsod ang ganitong gawain
dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hpong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sam ng loob ukol sa kabiguang
natamo, ay nagdaos ng isang salusalo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating
binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay
nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga
pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at
paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga
estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang
malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala
sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay
ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na
makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng
pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo
kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang
maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang
Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas
na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad
siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong
pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may
hugis-granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga
ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang
kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawn ay magbibigay ng isang
maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na
itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang
granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan
at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng
dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na
pangungunahan ni Simoun.
Mag-iikapito pa lmang ng gab ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay
ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na
yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana ngunit namalas
niyang dumating si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas
ngunit di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subalit
hindi rin napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob,
ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng
bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni
Pari Florentino, sa baybyin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad
ng batas ang mag-aalahas, uminom siya ng lason upang huwag pahli nang buhy. Ipinagtapat niya
sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya dito ang malungkot na kasaysayan ng
kanyang bhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang
nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na
maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos
na mangungumpisal ay namatay si Simoun.
Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging
kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga buktot na gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa
karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.

Das könnte Ihnen auch gefallen