Sie sind auf Seite 1von 4

Department of Education

Region IV-A
Division of Batangas
San Juan East District

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN


Ikalawang Baitang

PANGALAN: _______________________________________Baitang at Pangkat: ___________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong papel.

1. Sa isang komunidad na nasa lambak at may matabang lupa, anong hanapbuhay ang angkop dito?
A. Pagtuturo B. pagsasaka C. pagmimina D. pangingisda

2. Napaliligiran ng dagat ang kanilang komunidad, ano ang magiging hanapbuhay ng mga tao rito?
A. Pagtatanim B. pagmimina C. paghahabi D. pangingisda

3. Gumagawa ng mga bahay, upuan, mesa at iba pang kagamitang yari sa kahoy, anong hanapbuhay ito?
A. Pagsasaka B. pagtitinda C. pagkakarpintero D. paghahayupan

4. Ang paggawa ng tinapay ay isa rin sa pinagkikitaan sa komunidad. Anong tawag sa taong gumagawa
nito?
A. Barbero B. panadero C. tubero D. sastre

5. May mga nagmamanukan, babuyan, bakahan at itikan sa komunidad, anong hanapbuhay ng mga tao
dito?
A. Pangingisda B. pagmimina C. paghahayupan D. pananahi

6. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pangangailangan ng isang mag-anak?


A. Mga laruan B. magandang bahay C. masarap na pagkain D. pagkain, damit at tirahan

7. Alin sa mga sumusunod ang dapat unahing bilhin ng isang mag-anak?


A. Magagandang damit B. mga sapatos
C. cellphone D. Pagkain

8. Alin sa sumusunod ang tamang kahulugan ng salitang pagbabadyet?


A. labis na paggastos ng salapi.
B. paggamit ng lahat ng kinita para sa buong pamilya.
C. pagbili ng mga bagay kahit hindi kailangan.
D. tamang paggastos ng salapi base sa pangangailangan.

9. Ano ang epekto sa komunidad kung may hanapbuhay ang magulang ng bawat tahanan?
A. Mapapaaral ang mga anak B. magiging masaya
C. magiging maunlad at tahimik ang komunidad D. matutugunan ang pangangailangan ng mag-anak

10. Kung walang hanapbuhay ang magulang at maliliit pa ang mga anak, ano kaya ang epekto nito sa
pamumuhay ng pamilya?
A. Hindi matutugunan ang pangunahing pangangailangan ng pamilya.
B. Hindi mabibili ang mga pangangailangan sa tahanan.
C. Hindi matutugunan ang pag-aaral ng mga anak.
D. Lahat ay maaaring mangyari.

11. Siya ang nangunguna at nangangasiwa sa gawaing itinakda sa isang pangkat, samahan o kalipunan ng
mga tao.
A. Pari B. pinuno C. mga samahan D. grupo ng mga tao

12. Sila ang tumutulong sa punong barangay at sa mga kagawad sa pagpapanatili ng katahimikan at
kaayusan ng komunidad.
A. Pulis B. kaminero C. barangay tanod D. Barangay Health Worker
13. Kung naglilingkod ng mahusay ang isang pinuno, ano ang magiging bunga nito sa komunidad?
A. Magiging mapayapa ang buong komunidad B. magiging masipag ang mga mamamayan
C. may pagbabago at kaunlaran sa komunidad. D. lahat nang nabanggit.

14. Ang sumusunod ay epekto kung ang isang lider o pinuno ay nagpapabaya at hindi naglilingkod nang
tapat sa kaniyang nasasakupan, maliban sa isa. Alin ito?
A. Magiging marumi ang komunidad
B. magkakaroon ng problema sa kalusugan
C. mabagal ang pag-unlad ng buong komunidad
D. magkakaroon ng katahimikan ang buong komunidad

15. Alin ang nagpapakita ng magandang katangian ng isang pinuno?


A. Nagpapakain sa mga taong kilala sa lipunan.
B. Hindi tumutupad sa kanyang mga pangako.
C. Walang pag-aaruga sa mga batang mahihirap
D. Tumutulong sa mga tao lalo na sa oras ng kalamidad.

Panuto: Isulat ang YL kung yamang-lupa ang tinutukoy at YT kung yamang-tubig.


16. Isda
17. Perlas
18. Mais
19. Palay
20. Kabibe

Panuto: Kilalanin ang nasa larawan. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

21. 22. 23.

_________________ ________________ _________________

Panuto: Pag-ugnayin ang paglilingkod na ginagawa ng mga tagapaglingkod sa komunidad. Isulat ang letra ng
tamang sagot.

24. Health Inspector A. Tagapaglinis ng mga kalsada at kanal upang ang mga tao ay ligtas sa sakit.
25. Kaminero B. Tumutulong sa Punong Barangay at mga kagawad sa pagpapanatili ng
katahimikan at kaayusan ng komunidad.
26. Barangay Tanod C. Nag-aayos ng mga tubong dinadaluyan ng tubig patungo sa mga tahanan.
27. Elektrisyan D. Nagsusuri ng mga pagkaing itinitinda sa mga pamilihan upang matiyak ang
Kalinisan.
28. Tubero E. Naglilinya ng kuryente papunta sa mga kabahayan at sa buong komunidad.

29-30. Gumuhit ng isang (1) yamang lupa at isang (1) yamang tubig na nakukuha sa inyong komunidad.

G o o d l u c k ! ! !
Inihanda ni:

GNG. GLORIA A. HERNANDEZ


Nagsaulay Elem. School
Binigyang-pansin:

SARAH S. SAGUIN
Principal 1
Department of Education
Region IV-A
Division of Batangas
San Juan East District

TALAAN NG ISPESIPIKASYON SA ARALING PANLIPUNAN 2


Ikatlong Panahunang Pagsusulit

gRemeberin

PlacementItem
AytemBilang ng

ingUnderstand

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
Kasanayan

1. Naiuugnay ang mga


pangunahing hanapbuhay ng
komunidad sa likas na yaman 5 5 1-5
ng komunidad.
2. Nailalarawan kung paano
matutugunan ang 3 3 6-8
pangangailangan ng mga tao
mula sa likas na yaman ng
komunidad. 2 2 9-10
3. Naiuugnay ang epekto ng
pagkakaroon ng hanapbuhay
sa pagtugon ng 5 5 2 16-20
pangangailangan ng 29-30
komunidad at ng sariling
pamilya. 1 1 11
4. Nailalarawan ang likas na
yaman at pangunahing 3 3 12-14
produkto ng komunidad.
5. Nasasabi kung paano
nagiging pinuno.
6. Nasasabi ang katangian ng 1 1 15
mabuti at di-mabuting
pinuno.
7. Nasasabi ang kahalagahan 5 5 3 21-23
ng mabuting pamumuno sa 24-28
pagtugon ng
pangangailangan ng mga tao
sa komunidad.
8. Nakikilala ang mga taong
nag-aambag sa kapakanan at
kaunlaran ng komunidad sa
ibat-ibang aspekto at
paraan.

KABUUAN 30 9 16 2 3 0 0 30

Das könnte Ihnen auch gefallen