Sie sind auf Seite 1von 5

ANG KALIKASAN NG FILIPINO

ANG FILIPINO BILANG ASIGNATURA

ANG FILIPINO SA KURIKULUM

o Taong 1937, inirekomenda ng Institute of National Language na gawing batayan para sa wikang
pambansa ang Tagalog, alinsunod sa nakasaad na kinakailangang magkaroon ng wikang
pambansa sa 1935 Philippine Constitution.
o Abril 1940 naglabas Si dating Pangulong Manuel L. Quezon ng kautusang nag-uutos na isama sa
kurikulum ng lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ang pagtuturo ng wikang pambansa.
o Sa pagdating ng mga mananakop na Hapon, ginawang Tagalog ang medium of instruction at
pagdating ng 1943 ay itinakda ni dating Pangulong Laurel ang kautusang pagtuturo ng
pambansang wika mula sa elementary hanggang tersarya.
o Nagbago ang ganitong patakaran nang bumalik ang mga Amerikano at ginawang pangunahing
medium of instruction ang Ingles at ginawa na lamang asignatura ang Tagalog.

ANG SULIRANIN NG FILIPINO SA KOLEHIYO

o Hunyo 28, 2013, inilabas ng Commission on Higher on Education (CHED) ang CHED
Memorandum Order No. 20 o ang General Education Curriculum: Holistic Understandings,
Intellectual and Civic Competencies. Batay rito, hindi na ituturo ang Filipino bilang asignatura
sa kolehiyo kapag naipatupad na ang programang K to 12 sa 2016. Tinalakay ng nasabing
memorandum ang pagpasok ng General Education Courses sa Grade 11 at 12 kung saan kabilang
dito ang Filipino.

BAKIT MAHALAGA ANG ASIGNATURANG FILIPINO?


o Sa panayam sa ibat ibang propesor ng Filipino sa mga unibersidad, tinukoy ang mga dahilan
kung bakit hindi dapat tanggalin ang nasabing asignatura sa kolehiyo.
o Ang Filipino 2 sa senior high school ay nakatuon lamang sa pagsusulat samantalang ang nasa
kolehiyo at pinag-aaralan ang pagsusulat pagbabasa.
o Kailangang malaman na ang pagtuturo ng Filipino sa general eduation curriculum sa kolehiyo
ay kaiba sa track-based approach ng Filipino sa senior high school, wika ng mga propesor.

ANG FILIPINO BILANG TAO

Ayon sa Merriam Webster dictionary, ang Filipino ay isang native of the Philippine Islands; isang
citizen of the Republic of the Philippines

o Kailan nagiging Pilipino ang Pilipino?


Maaaring maging Pilipino ang isang indibidwal sa pamamagitan ng dalawang
paraan: ang JUS SANGUINIS (right of blood) at JUS SOLI (right from land).

o Bakit tinawag na Pilipino ang mga Pilipino?


Nakatira ang mga Pilipino sa Pilipinas.

KASAYSAYAN NG PANGALANG PILIPINAS

Tama ba na ipinangalan ni Magellan ang Pilipinas mula kay Haring Philip II? Ayon kay Ambeth Ocampo, mali
ito
o May dalawang mapang nadiskobre na nagsasabing noong ika-17 siglo, ang Pilipinas ay tinawag
na Archipel de Saint Lazare.
o Noong ika-10 siglo, tinatawag naman ng mga Tsino ang buong archipelago ng Lusong, Li sin,
Lucon, Lucones o Luconia at tinagurian ang buong arkipelago sa pangalang LUSON.
o Noong ika-16 ng Marso, 1521, kapistahan ni San Lazarus, ipinangalan ni Magellan ang
arkipelago ng Archipielago de San Lazaro o Islands of Saint Lazarus.
o Pagkatapos ng hindi natapos na paglalakbay o pag-ikot sa mundo ni Magellan, kinilala ang
arkipelago sa tawag na Islas del Poniente (Islands of the West) dahil naglakbay si Magellan nang
pakanluran mula Espanya.
o Tinawag naman ng mga Portugal ang arkipelago sa taguring Islas de Oriente (Islands of the East)
dahil naglakbay sila nang pasilangan ng Portugal.
o Si Ruy Lopez de Villalobos, isa ring manlalakbay pagkatapos ni Magellan ang pumalit sa
pangalang Felipinas mula sa Archipielago de San Lazaro ni Magellan bilang pagpupugay kay
Prinsipe Felipe, na kinalaunay naging Haring Philip II ng Espanya.
o 1561, tinawang ang buong arkipelago ng LAS ISLAS FILIPINAS. Sa Filipino, ito ang ISLA NG
PILIPINAS.

PAANO MASASABING ANG PILIPINO AY ISANG PILIPINO?

You point with your lips.


You eat using your hands and have it down to technique.
Your other piece of luggage is a balikbayan box.
You nod your head upward to greet someone.
You put your foot up on your chair and rest your elbow on your knee while eating.
You use a rock to scrub yourself in the bath or shower.
You have to kiss your relatives on the cheek as soon as you enter the room.
You collect items from hotels or restaurants "for souvenir's sake."
You smile for no reason.
You flirt by having a foolish grin on your face while raising your eyebrows repeatedly.
You go to a department store and try to bargain the prices.
You use an umbrella for shade on hot summer days.
You scratch your head when you don't know the answer.
You never eat the last morsel of food on the table.
You play pusoy and mahjong.
You find dried up morsels of rice stuck to your shirt.
You prefer to sit in the shade instead of baking in the sun.
You add an unwarranted "H" to your name, i.e. "Jhun," "Bhoy," or "Rhon."
You put your hand in front of you as if to make a path and say "Excuse, excuse" when you pass in
between people or in front of them.
You love to buy sale items even when you do not need them.
You say "comfort room" instead of "bathroom."
You say "for take out" instead of "to go."
You "open" or "close" the lights.
You ask for "Colgate" instead of "toothpaste."
You ask for a "pentel pen" or a " ball pen" instead of just a pen.
You say kodakan instead of "take a picture."
You say "Ha?" instead of "What?"
You say "Hoy!" to get someone's attention.
You answer when someone yells "Hoy!"
You turn around when someone says "Psst."
You say "Cutex" instead of "nail polish."
You say "for a while" instead of "please hold" on the telephone.
You say "aray!" instead of "ouch!"
Your sneeze sounds like "ahh-ching" instead of "ahh-choo."
You prefer to make acronyms for phrases such as "OA" for over-acting, "DOM" for dirty old man, IKR
for I know, right?, etc.
You pronounce "F" for "P" or "P" for "F."
You have a portrait of "The Last Supper" hanging in your dinging room wall.
You have a "tabo" in the bathroom.
You have two or three pairs of tsinelas at your doorstep.
You display a big laughing Buddha for good luck.
You have a shrine to the Santo Nino in your living room.
You have a parol hanging outside the house during the holidays.
Your lampshades still have the plastic covers on them.
You cover your living room furniture with bed sheets.
You have a giant wooden fork and spoon hanging in the dining room.
You have aunts and uncles named "Baby," "Girlie," or "Boy."
You were raised to believe that every Filipino has an aunt, uncle, or cousins.
You have a family member that has a nickname that repeats itself, i.e. "Deng-deng," "Ling-ling," or
"John-john."
You put hot dogs in your spaghetti.
You order things like tapsilog, or tocilog at restaurants.
You instinctively grab a toothpick after a meal.
You dip bread in your morning coffee.
Your baon is usually something over rice.
You eat rice for breakfast.
You use your fingers to measure the water when cooking rice.
You wash and re-use plastic utensils and Styrofoam cups.

ANG FILIPINO BILANG WIKA


Ano ang wika?

o Binanggit ni Austero et. al (1999) mula kay Gleason na ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan o binigyan
ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na
gamit sa pagpapahayag.

EBOLUSYON NG FILIPINO BILANG WIKA

Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa.
Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika." (Art. 14, Sek. 3)

Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) upang
mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng SWP na magsagawa ng pananaliksik,
gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra
ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan
ng Wikang Pambansa."

Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin
sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng
wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang Ama ng Wikang Pambansa."

Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang kautusang nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng


Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng
Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa.

Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na
nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa.

Sa 1973 Konstitusyon noong kapanahunan ni Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad na ang Batasang
Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang Pilipino. Hanggat hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling
mga wikang opisyal ng Pilipinas."
Noong panahon naman ni Pangulong Corazon Aquino, muling binago ang Konstitusyon noong 1987
kung saan nakasaad na: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."

EBOLUSYON NG ALPABETONG FILIPINO

SANSKRIT o SANSKRITO

Wikang klasiko ng India; ginagamit sa mga relihiyon at pananaliksik sa agham


Sinasabing pinagmulan ng alibata.

ALIFBATA o ALIBATA (BAYBAYIN na sa kasalukuyan)

Paraan ng pagsulat na ginagamit bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay kahalintulad sa sistema o
paraan ng pagsulat ng mga taong Java na tinatawag na kayi. Ang salitang baybayin ay nangangahulugang
ispeling o pagbaybay.

Ang BAYBAYIN ay hango sa salitang baybay (to spell) at ang ALIBATA ay hango sa alif bata (2
unang titik sa Arabic: alif at bet).

ABECEDARIO

Binubuo ng 29 na letra at hango sa Romanong paraan ng pagbigkas at pagsulat. Itinuro sa piling mga
mag-aaral (sa mga klaseng tinatawag na caton, kadalasan sa mga kumbento, atbp.)

ABAKADA
Mula kay Lope K. Santos (1940); binubuo ng 20 letra - lima (5) ang patinig (a, e, i, o, u) at labinglima
(15) ang katinig (b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y)

ALPABETONG PILIPINO (1976)

Binubuo ng 31 titik - ang dating abakada na binubuo ng dalawampung titik ay nadagdagan ng labing-isa
pang titik mula sa abecedario. Ang mga naidagdag na titik ay: c, ch, f, j, ll, , q, rr, v, x at z

ALPABETONG FILIPINO (1987)

Binubuo ng 28 titik: lima (5) ang patinig at dalamput tatlo (23) naman ang katinig; ang paraan ng
pagbigkas ay batay sa Ingles.

BILANG PANITIKAN
Tinatalakay ang PANITIKAN sa magkakaibang lawak at pananaw sa bawat baitang mula elementarya
hanggang tersarya.

ANG PANITIKAN SA ANTAS SEKONDARYA

IKAPITONG BAITANG

Panitikan ng mga pangunahing isla ng bansa: panitikan ng Luzon, Bisayas at Mindanao.


Ibong Adarna

IKAWALONG BAITANG

Panrehiyonal na panitikan
Florante at Laura

IKASIYAM NA BAITANG

Panitikang Asyano
Noli Me Tangere

IKASAMPUNG BAITANG

Pandaigdigang Panitikan
Panunuri o Kritisismong Pampanitikan
El Filibusterismo

SANGGUNIAN:

http://thepoc.net/index.php/bakit-hindi-dapat-tanggalin-ang-filipino-bilang-asignatura-sa-kolehiyo/
http://plaridel.ph/2014/06/19/pagtanggal-ng-asignaturang-filipino-sa-kolehiyo-filipino-department-
umapila-sa-ched-2/
http://im212nina.wikispaces.com/Asignaturang+Filipino
http://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Filipino
http://www.gmanetwork.com/news/story/171158/news/nation/kasaysayan-ng-wikang-filipino
soc.culture.filipino newsgroup)

Das könnte Ihnen auch gefallen