Beruflich Dokumente
Kultur Dokumente
Survey (Pagsusuri)
- Ito ang paraan upang masanay ang kaalaman ng estudyane sa mga malalawak na
balangkas, pamagat ng kabanata, simula, paksa, at buod.
- Kailangang malaman ng estudyante kung anong uri ng teksto ang binabasa bago makapili
ng estratehiyang gagamitin.
Mga Hakbang
- Pagtingin muna sa pamagat
- Pagbasa sa Paunang Salita (Introduksyon) ng may-akda sa aklat
- Pagbasa sa simula at lagom ng kabanata
- Pahapyaw na pagbasa
Question (Pagtatanong)
Mga Hakbang
Read (Pagbasa)
Mga Hakbang
Recite (Pagsagot)
- Ito ay pagsubok saa sarili upang sagutin ang mga tanong na hindi ibinatay sa mga naisulat.
Kapag hindi makasagot ay saka na titingin sa teksto o aklat.
- Ang sariling sagot sa mga tanong ay nakatutulong sa konsentrasyon ng estudyante.
- Iminumungkahi na ang pagsagot ay gawin pagkatapos ng pagbasa.
- Ang pagpapahayag sa sariling salita ay mas epektibo kaysa sa pagsasaulo dahilan sa ang
mga bagong kaalamang galing sa sariling salitay hindi madaling malimutan.
Mga Hakbang
Mga Hakbang
- Sariling pagsulat
- Pagsagot sa mga tanong
- Pagtatalakay
- Paglalagom
- Paulit na pagbasa
Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa.
Tunghayan ang mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa
tsart: (A)teoryang itaas-pababa (top-down), (B)teoryang ibaba-pataas(bottom-up),
(C)teoryang interaktibo, at (D)teoryang iskema.
Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba
(down) na ang ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.
Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan
(psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing taya
kung saan siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong
binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa ang sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na
ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas nang may dating kaalaman o iskema tungkol
sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang mambabasa ay higit na nakapokus sa kung
ano ang alam niya upang maunawaan ang binabasa.
Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-driven model, at whole to part
model (Goodman, 1985 at Smith 1994).
Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang
blangkong papel o tabula raza.
Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at S. Jay Samuels (1985)
Teoryang Interaktibo
David E. Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz (1990); at
Robert Ruddell, Robert Speaker (1985)
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay
nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Itoy nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-
unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.
Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang
maunawaan ang binasang teksto.
Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa
teksto.sa kasalukuyang pananaw naman, ang mambabasa ay may ideya nang nalalaman
batay sa dati niyang kaalaman (iskema) sa paksa o tekstong babasahin. Binabasa ang
teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o palagay ng mambabasa ay tama, wato,
kulang o may dapat baguhin. Samakatuwid, ang tekstong nabubuo sa isipan ng
mambabasa ang sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang teksto mismo. Dahil ditto,
dapat bigyang pansin ang interaksyon ng mambabasa sapagkat ito ang nilalaman ng
kanyang isipan.
Metakognisyon sa Pagbasa
Prosesong Metakognisyon
Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong mambabasa ay itinatanong sa
sarili ang sumusunod: naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang ginagawa ko
kapag hindi ko naunawaan ang aking binabasa?; ano ang maaari kong gawin upang lalong
maunawaan ko ang sinasabi ng awtor?; may magagawa ba ako upang mas lalong maalala
ang binasang teksto?; anong mga estratehiya sa pagbasa ang aking kailangang gamitin
kaugnay ng teksto?
Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang malawak na pangkat o uri: (A)
Kasanayan sa Bilis at (B) Kasanayan sa Pang-unawa.
Kasanayan sa Bilis
Kasanayan sa Pang-unawa
- Paglilinang ng talasalitaan
- Pag-unawa ng talata
- Pagsunod sa hudyat o pahiwatig na palimbag
- Pagbasa namg pahapyaw at pasuri
- Pagbasa at pag-unawa sa mahihirap na babasahin
Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi mauunawaan ang binabasa, kaya
pang-unawa ang siyang mahalagang bagay na isaalang-alang sa makabuluhang pagbasa.
Ang pang-unawa ay karaniwang inilalahad sa bahagdan kung ilang bahagdan ang pang-
unawang natamo ng mambabasa sa pagsusumikap niyang maunawaan nang husto ang
binabasa. Ang isang mahusay na mambabasa ay nakatatamo ng 70 90% na pag-unawa
sa teksto at 90 95% sa mga tekstong nasa malayang antas.
Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung bakit ka babasa at kung
ano ang gusto mong malaman. Kapag may tiyak ka nang layunin sa iyong pagbasa, dapat
ding magkaroon ka ng lubos na pagkakakilala sa babasahin at antas ng kahirapan nito. Ang
kuwento, editoryal, ang isang kolum; ang pagbasa sa pahayagan, sa panitikan, sa agham,
matematika, pilosopiya ang bawat isay naglalahad ng ibat ibang suliranin. Bukod pa
riyan, ang manunulat ay nagkakaiba ng estilo, talasalitaan at pamaraan ng paglalahad.
Dahil dito, makabuluhan ang pag-aakma ng bilis sa pagbasa sa uri ng teksto.
Ang isang mambabasa ay hindi lamang marunong kumilala ng mga salita. Ang isang
mahusay na mambabasa ay nakakakuha rin ng mas malawak na kahulugan ng salita;
natatanto niya ang gusting buuing konsepto ng isang tao; ang parirala, sugnay,
pangungusap at kahit na ang sanaysay, kabanata o ang mismong buong aklat.
Ang galaw ng mga mata sa pagbasa ay mahalaga rin. Nakapokus ang paningin sa
unang bahagi ng pangungusap. Titigil doon ng ilang saglit; pagkatapos ay
magpapatuloy; titigil na naman sa ibang bahagi ng pangungusap ng ilang saglit at
saka uli magpapatuloy sa susunod pang mga pangungusap o mga pahina. Ito ang
karaniwang tinatawag na fixations. Ang pagbabalik sa naunang bahagi ay tinatawag
na regression. Sa paghinto ng mata nagkakaroon ng pagpapakahulugan sa
binabasa. Kung gaano ang pagtatagal ng pagtigil ng mata ay siya ring tagal ng
pagbibigay-kahulugan ng isipan sa binabasa. Habang gumagalaw ang mata, ang
mga anino o imahe ay Malabo at hindi mabibigyang-kahulugan ng isipan.
Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mga estudyante upang
mapahusay at malinang ang kasanayan sa mabisang pag-unawa sa teksto. Ito ay may
malaking kaugnayan sa iba pang makrong kasanayang pakikinig, pagsasalita, pagsulat, at
panonood ng isang tao dahil nagkakaroon ng kakayahang makabuo ng mga kaisipan at
makapagpahayag ng damdamin at maayos na makipagkomunikasyon sa lahat ng disiplina
o larangan. Ang mga kaisipang nakukuha at nabubuo sa pamamagitan ng pagbasa,
pakikinig, pagsasalita at panonood ay maaaring sulatin upang maibahagi sa iba.
Ang isang estudyanteng palabasa ay mas may malaking posibilidad na maipasa niya ang
mga pagsusulit na ibibigay ng guro kumpara sa isang hindi palabasa sapagkat sa kanyang
pagbabasa mas nadaragdagan ang kanyang kaalaman, lumalawak ang talasalitaan at mga
karanasan. Mas nahahasa ang kaisipan ng estudyanteng palabasa na umunawa nang mas
malalalim na ideya, mga argumentong pangangatwiran at nababatid ang implikasyon ng
kanyang binabasa. Sa ganitong paraan, masasabing ang pagbasa ay isang masalimuot na
proseso sapagkat nasasangkot dito ang maraming kasanayan.