Sie sind auf Seite 1von 5

BUWAN NG WIKA

EMCEE SCRIPT

B & G: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat!

B: Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at


malnsang isda: kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa
atin ay nagpala. Ito ay tanyag na katagang nagmula sa ating
pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na nagbigay kahalagahan
sa wika sa buhay ng isang tao.

G: Tama. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa


na nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na
nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa.
Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang
bawat tao.

B: Higit sa lahat, nagsisilbi ito blang ating pagkikilanlan. Dahil dito


ay nakikita ang ibat ibang impluwensya sa bansa na siyang
nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan.

G. Kaya ngayong umaga ating muling saksihan ang isang


palatuntunan ng ating paaralan bilang pag-alala n gating Wikang
Filipino na may temang:

B & G: Filipino: Wika ng Karunungan

B. Maligayang Panonood sa lahat!

G. Tumayo po tayong lahat at ating awitin ang Pambansang Awit


ng Pilipinas sa Kumpas ni Ginang Marciana D. Acab, Guro sa
Ikaapat ng Baitang.

B. Manatiling nakatayo para sa panalangin na Pangungunahan ni


Ginang Teofila A. Tiongco, guro sa Unang Baitang.

PAMBANSANG AWIT
PANALANGIN
G: Para magbigay ng pambungad na mensahe, tawagin natin an
gating punong guro na si Ginang Queenie E. Butalid.
PAMBUNGAD NA MENSAHE

B: Maraming salamat Ginang Butalid. Tiyak na mangingibabaw


ang mga palakpakan at hiyawan sa sususnod na bahagi ng ating
palatuntunan. Ito ay ang pagpapakita ng malikhaing kasuotan ng
mga representating mag-aaral sa bawat baitang. Sasamahan sila
ng kanilang mga guro sa pagpapakita ng kanilang
nagagandahang kasuotan.

G. Narito si Ginang Butalid upang tawagin ang mga kalahok.

PRESENTATION

B. Maligayang pagbati sa mga nagsilahok. Sa puntong ito ay


panoorin natin ang mga pinaghandaang pampasiglang bilang sa
bawat Baitang.

G: Ang tula ay isang pagpapahayag ng maririkit na kaisipan sa


maririkit na pananalita. Ngayon ating tunghayan ang tula na
gagawin sa isang mag-aaral sa unang baiting gamit ang
Sinugbuanong Binisaya na pananalita.

Unang Baitang

B. Salamat. Napakagaling na presentasyon. Ngayon naman ating


tungyahan ang pagpapasiklab ng kakayahan sa Ikalawang
Baitang.

Ikalawang Baitang

G: Salamat. Napakagaling na presentasyon. Ngayon naman ating


tungyahan ang pagpapasiklab ng kakayahan sa Ikatlong Baitang.

Ikatlong Baitang
B: Ang musika ay isang mahusay na pamamaraan upang lalong
mapalaganap, mapatibay at mapaunlad natin an gating kamalayn
bilang isang Pilipino.

G. Ating saksihan ang pag-awit ng mga piling mag-aaral sa


ikaapat na Baitang na pinamagatang Bastat Kasama Kita.

Ikaapat na Baitang

B. Sa puntong ito ating kilalanin ang ating mga panauhin ngayong


umaga. Tawagin nating an gating punong guro upang ipakilala
silang lahat.

G: Maraming salamat sa inyong lahat sa pagpunta dito sa aming


paaralan at sa mga bagay at kaalaman na inyong binahagi sa
amin. Tiyak na ang Panginoong Diyos ang magbibigay sa inyo ng
marami pang panalangin.

B: Ngayon na man bilang pasasalamat, kami ay may munting


handog para sa inyo. Ito ay isang pagpamalas ng kakayahan ng
mga piling mag-aaral sa Bulak Elementary School sa pagsayaw ng
kulturang sayaw na pinamagatang Tiklos

G. Ang ibang salita ng Tiklos ay pintakasi na ang kahulugan ay


bayanihan. Ito ay isang sayaw mula sa Leyte. Ang bayanihan ay
isang kagandahang asal ng mga waray ukol sa pagtutulungan ng
bawat mamamayan sa panahon ng pangangailangan na walang
iniisip na kabayaran. Kabilang dito ang pagtratrabaho sa paglilinis
ng kagubatan, paggawa ng bahay, paglilipat ng buong bahay, at
mga gawaing bukid. Ang alintuntunin nito ay upang tulungan ang
nangangailangan para mairaos ang kanilang pamilya sa
kahirapan. Ginagawa ang Tiklos na sayaw pagkatapos ng Gawain
o kayay hudyat ng pagsisimula muli ng Gawain.

B: Sabay-sabay nating tunghayan ang Tiklos Dancers ang Bulak


Elementary School.
TIKLOS DANCE

G: Magaling! Muli, Maraming Salamat! Ngayon naman ating


ipagpatuloy ang ating mga pagtatanghal. Sa puntong ito ating
tawagin ang isang mang-aawit sa Ikaapat na Baitang si Rizel
upang ipamalas niya sa atin ang kanyang kakayahang umawit.

AWIT

B: Napakagaling mo naman Rizel. Ngayon naman hindi


magpapahuli ang nasa Ikalimang Baitang. Masusubukan natin ang
talin at galling sa pakikipagtalastasan ng isang mag aaral sa
Ikalimang Baitang. Sabay-sabay nating palkpakan si
_______________.

PAGBIGKAS

G: Maraming Salamat! At ang pinakahuling tagapagbigay aliw sa


ating programa ngayonng umaga, ating bigyan ng masigabong
palakpakan ang nasa ikaanim na Baitang sa kanilang pag awit ng
Ako ay Pilipino.

AWIT

B. At ngayon ating tawagin si Ginang Marciana D. Acab, School


Filipino Coordinator, para ianunsyo kung sino ang may
pinakamagandang suot sa araw na ito at ipaabot ang kanyang
pasasalamat.

G. Binabati naming ang lahat ng mga nagtaguyod sa


CULMINATION NG BUWAN NG WIKA 2016, ngayong taon. Ang
pagpapahalaga natin sa ating wika ay dapat hindi lamang
ipinapakita sa loob ng ating paaralan.

B. Ipagpatuloy natin ang ating pagmamahalat paggamit ng nito


sa ating pang araw araw na buhay, at loob at labas n gating
tahanan. Dito nagwawakas an gating paminid na palatuntunan.
G; Ako po ay si___________________.

B. At ako na man po ay si ________________.

B&G: Mabuhay ang Wikang Filipino! Magandang tanghali sa lahat!

Das könnte Ihnen auch gefallen