Sie sind auf Seite 1von 1

Bubalus bubalis carabanesis

Ang kalabaw (Bubalus bubalis carabanesis o minsan Bubalus carabanesis) ay isang domestikadong uri
ng kalabaw na pantubig o water buffalo (Bubalus bubalis) na karaniwang matatagpuan
sa Pilipinas, Guam, pati sa ibang bahagi Timog-silangang Asya. Madalas iniuugnay ang kalabaw sa mga
magbubukid dahil ito ang kadalasang napiling hayop para sa pag-araro at magtulak ng kariton na
ginagamit ng mga magbubukid upang madala ang kanilang ani sa palengke.

Karaniwang nabubuhay ang mga kalabaw ng 18 hanggang 20 taon at maaring umabot ang timbang nila
sa walong-daang kilo sa kanilang pagtanda. Parehong may sungay ang babae't lalaking kalabaw. Itim
naman ang karaniwang kulay ng kanilang balat na nakapalibot sa kabuuan ng kanilang katawan habang
mabuhok ang kanilang ulo at ang dulo ng kanilang buntot. Bagamat tahimik, maaring silang mag-ingay
kapag nabulabog. Kadalasang makikitang nagpapalamig ang mga kalabaw sa mga putikan, dahil na rin
wala sila ng mga tinatawag na sweat glands. Mabuti into sa kanilang kalusugan dahil hindi lamang sila
nagpapalamig kundi nagkakaroon rin sila ng kalasag laban sa mga insekto. Damo at iba pang halamang
ligaw ang kinakain ng mga kalabaw. Tuwing umaga sila kumakain. Sa ibang bahagi ng daigdig, mahalaga
ang mga kalabaw dahil sa kanilang gatas at karne.

Likas ang mga kalabaw sa Pilipinas at karaniwan na itong alaga. Pero, kahit papano itinuturing pa rin
itong mahalaga. Sa katunayan, noong 1925, nagkakahalaga ng 50 piso ang isang kalabaw na may
kamahalan na sa panahong iyon.

Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang kalabaw. Kalabaw din ang mascot ng Philippine Daily
Inquirer na nagngangalang Guyito.

Das könnte Ihnen auch gefallen