Sie sind auf Seite 1von 4

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYONG PAGPAPAKATAO VI (S.Y.2016-2017)

PANGALAN:________________________________________BAITANG / PANGKAT:_________________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Malapit na ang araw ng mga puso at nag-iisip si Eric ng mga bagay na maaring ipamigay sa mga biktima ng Bagyong
Yolanda. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Ipamigay ang mga gamit ng mga kaklase upang may maibigay sa mga nasalanta ng bagyo.
B. Patagong kumuha ng gamit ng mga kaklase upang may maibigay sa mga nasalanta ng bagyo.
C. Ibigay ang mga pinaglumaan ngunit maayos pang mga damit, laruan at sapatos sa mga biktima ng bagyo.
D. Bagaman kapos, pilitin ang mga magulang na bumili ng mga bagong damit,laruan at sapatos nang may maibigay sa
mga nasalanta ng bagyo.
2. Maraming dalang pagkain si Sherrie mula sa pagdiriwang na kanyang dinaluhan. Habang pauwi na sa kanilang tahanan ay
napansin niya ang pulubing matandang babae sa kalsada na tila gutom na gutom. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Bibigyan ni Sherrie ng pagkain ang matandang pulubing namamalimos.
B. Pagagalitan niya ang namamalimos at pagsasabihang huwag pahara-harang sa daan.
C. Itago ang mga dalang pagkain at hindi papansinin ang pulubi.
D. Pandirihan ang pulubi.
3. Namomoroblema si James sa pambayad para sa mga materyales na gagamitin sa kanyang proyekto sa paaralan dahil
kinakapos sa pera ang kanyang mga magulang.Ano ang dapat gawin?
A. Liliban na lang siya sa klase upang makaligtas sa pagbabayad.
B. Sasabihin ang tunay na sitwasyon sa guro, makiusap na magrecycle ng ibang materyales na kahawig at maaaring
gamitin para sa gagawing proyekto.
C. Palihim na kumuha ng pera ng mga kaklase upang may ma ipambayad.
D. Wala sa nabanggit.
4. Ang nanay ni Emma ay isang labandera. Pinababaon siya nito ng dalawampung piso araw araw.Ano ang nararapat niyang
gawin?
A. Dahil hindi naman niya nauubos ang lahat ng ito ay isasantabi niya sa kanyang lalagyan ang labis na pera.
B. Pumunta sa computer shop at doon gugulin ang mga labis na pera mula sa kanyang mga baon.
C. Yayain at ilibre ang mga kaibigan sa kantina.
D. Sumama sa paglalaro ng kara krus o iba pang sugal pambata.
5. Binigyan ni Aling Eda ng tatlumpung pisong baon si Minda.Ano ang dapat niyang gawin?
A. Gastusin ang baon ayon sa pangangailangan at isantabi ang labis nap era.
B. Ibili ng mga tsokolate at laruan ang pera.Humingi ng karagdagang baon para sa pambili ng papel at lapis.
C. Sabihin sa inang may babayarang proyekto sa paaralan upang madagdagan ang matatanggap na baon.
D. Lahat ng nabanggit.
6. Malapit na ang kaarawan ni Roger.Sa kasalukuyan ay medyo gipit sa pera ang kanyang mga magulang.Ano ang kanyang dapat
gawin?
A. Sabihin sa mga magulang na ingrande ang gagawing selebrasyon sa kanyang kaarawan sapagkat minsan sa isang
taon lang naman ito ginaganap.
B. Gagawing simple lamang ang pagdiriwang upang hindi na maging dagdag pasanin sa usaping pananalapi ng pamilya.
C. Makikiusap sa mga magulang na umutang na lamang ng perang gagamitin sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan
upang hindi mapahiya sa mga iimbitahing kaklase at kakilala.
D. wala sa nabanggit.
7. Naglalakad papuntang kantina sina Dominic at Xavier ng mapansin nilang may naiwang pera sa daan. Ano ang dapat nilang
gawin?
A. Agad nila itong pupulutin at paghahatian.
B. Pupulutin nila ang pera at ibibili ng pagkain.
C. Pupulutin at ibibigay sa guro nang maihanap kung sino ang nawawalan ng pera.
D. Pupulutin at itatago na lamang sapagkat wala naming nakakita nito.
8. May paligsahan sa Asignaturang Matimatika at nais nitong salihan ni Melba.Nalaman niya na ang kaibigang si Sonya ang
napipisil na kinatawan para sa kanilang seksiyon.Ano ang kanyang gagawin.
A. Pakikiusapan ang guro na siya na lamang ang pipiliing kinatawan dahin gustong gusto niya talagang salihan ang
nasabing patimpalak
B.Tatanggapin ng maluwag sa loob ang desisyon ng kanyang guro.
C.Sisiraan niya ang kabigang si Sonya upang madismaya ang kanyang guro.
D.Pakikiusapan ang kaibigang si Sonya na huwag na lang tatanggapin ang desisyon ng gurong maging kinatawan ng
seksiyon nila upang siya ang makasama sa kompetisyon.
9. Nais ni Nora na sumama sa mga kaibigan sa pag ma-mall pinayuhan siya ng kanyang mga kaibigan na sabihin sa magulang na
magkakaroon lamang sila ng sabayang pag-aaral kaya mahuhuli sa pag-uwi sa bahay.Ano ang kanyang gagawin?
A.Susundin ang payo ng mga kaibigan upang makasama sa pamamasyal.
B.Sasama si Nora sa pag ma-mall dahil paminsan minsan lamang ito.
C.Sasabihin ang totoo sa mga magulang at magpapaalam ng maayos.
D.Lahat ng nabanggit.
10.Nawawala ang pitaka ni Almira sinabi ni Nelia na si Marie ang kumuha sa kanyang nawawalang gamit kahit wala siyang
ebidensiya.Ano ang gagawin ni Almira?
A.Pupuntahin si Marie at kukumprontahin ito.
B.Aawayin si Marie at pipiliting ilabas ang nawawalang pitaka.
C.Sasabihin sa guro ang nalaman at mahinahong makiusap ang mga sangkot sa pangyayari upang mabigyang linaw ang
isyu.
D.kukunin din ang pitaka ni Marie upang makapaghiganti.
11. Pupuntang paaralan si Perla ng mapansin niyang madilim ang paligid dahil sa makulimlim na kalangitan.Ano ang dapat niyang
gawin?
A. Magdala ng payong at ilagay sa kanyang bag.
B. Ipagwalang bahala ang napansin at tumuloy na sa pagpunta sa paaralan.
C. Lumiban na lamang sa klase at baka mabasa pa siya ng tubig ulan.
D. Sa hapon na lamang siya papasok para maiwasan ang pagbuhos ng ulan.
12. Dumalo si Alfred sa kaarawan ng kanyang kaklase at napansing masasarap ang mga inihandang mga pagkain ,isa sa mga ito
ang paborito niyang hipon ngunit naalala niyang allergic siya dito.ano ang kanyang gagawin?
A. Kakain ng hipon upang hindi mapahiya sa kaibigan.
B. Kakain ng hipon dahil hindi naman nalalaman ng ina.
C. Titikman lamang ang hipon dahil sadyang nakakatakam ito.
D. Iiwasan ang pagkain ng hipon upang hindi maapektuhan ang kanyang kalusugan.
13. Naglalakad pauwi ng bahay si Noli ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.Ano ang dapat niyang gawin?
A.Maliligo na siya sa ulan at patutuyuin na lamang ang mga nabasang gamit sa paaralan.
B.Huwag pansinin ang malakas na buhos ng ulan at ipagpatuloy ang paglalakad.
C.Ilabas ang payong o ang dalang kaputi upang hindi mabasa ng ulan.
D.Ayain ang kaklaseng maligo sa ulan para mas masaya.
14. Naatasan si Peter na iulat sa klase ang tungkol sa sakit na canser.Ano ang kanyang gagawin?
A.Liliban na lamang sa klase kinabukasan upang hindi makapag-ulat.
B.Magsasaliksik gamit ang internet at magbabasa ng mga libro ukol dito sa silid aklatan.
C.Sasabihin sa gurong mahiyain siya at hindi niya kayang mag-ulat sa harap ng klase.
D.Tatanggapin niya ang gawaing itinakda dahil mayroon naman siyang ate na magsasaliksik para sa kanya.
15. Mag hahiking si Marko kasama ang kanyang mga barkada.Ano ang dapat gawin?
A.Mag-iingat sa gagawin at isusuot ang akmang kasuotan sa paghahiking.
B.Isusuot mi Marko ang paboritong tsinelas upang mas masaya ang pag hahiking.
C.Magpapabili ng mamahalin at bagong kasuotan sa paghahike.
D.Lahat ng nabanggit.
16. Inaaya si John ng kanyang mga kaibigan na sumama sa kanila at subukang manigarilyo. Ano ang kanyang gagawin?
A. Sumama sa mga kaibigan at subukang manigarilyo.
B. Isipin ang mga paalala ng magulang at guro ukol sa masamang dulot nito at pigilan ang sariling sumama sa mga
kaibigan.
C. Sumama sa mga kaibigan at panoorin sila habang ginagawa nito.
D. Mag-aya pa nang ibang kaklase upang mas marami silang maninigarilyo.
17. Tuwing Martes ng gabi ay pinapanuod ni Aurora ang paborito niyang programa sa telebisyon kayat tinatanghali siya ng gising
sa araw ng Miyerkules na nagdudulot ng pagkahuli niya sa klase.ano ang dapat niyang gawin?
A. Bigyang prayoridad ang pag-aaral.Pigilan ang sarili sa ganitong gawain.
B. Ipagpatuloy ang nakasanayang gawain dahil isang beses lamang sa isang Linggo niya ito ginagawa.
C.Lumiban na lamang sa klase dahil nakakahiya nang pumasok ng huli sa oras ng klase.
D.Ayain ang kaibigan na panoorin din ang paborito niyang palabas sa telebisyon.
18.Malapit na ang ikaapat na markahang pagsusulit ni Marianne. Kailangan niyang mag-aral ngunit
sinasama siya ng kanyang pinsan sa Enchanted Kingdom.Nais niyang sumama sapagkat pangarap
niyang makapasyal dito.Ano ang gagawin mo?
A.Sasama sa pinsan sapagkat ito ang pinaka asam-asam niyang mapasyalan.
B.Sasama sa pamamasyal ngunit sasabihin sa guro na sumama ang pakiramdam niya kaya
nakaliban sa klase.
C.Tatanggihan ang paanyaya ng mga pinsan at unahin ang pag-aaral para sa pagsusulit.
D.Wala sa nabanggit.
19.Habang papasok sa paaralan ay nadaanan ni Rey na naglalaro ang mga kaklase sa computer shop
malapit sa kanilang paaralan nais niyang pumasok ngunit napansin niyang malapit ng oras mag
umpisa ang kanilang klase.Ano ang gagawin niya?
A.Umiwas sa paglalaro at ipagpatuloy ang paglalakad papuntang paaralan ng hindi mahuli sa klase.
B.Maglaro ng kalahating oras upang hindi masyadong mahuli sa klase.
C.Puntahan ang mga kaklase at sumali sa paglalaro.
D.Bumalik na lamang sa computer shop sa oras ng reses.

20.Pinaaalalahanan si Alysa na umuwi ng maaga at tumulong sa paglilinis ng bahay dahil may bisitang
darating. Pagkatapos ng klase ay inaaya siya ng kanyang kaibigang kumain sa McDonald at ililibre siya
nito.Ano ang dapat niyang gawin?
A.Sumama sa kaibigan sapagkat hindi naman ito malalaman ng ina.
B.Sumama sa kaibigan at bilisan na lamang ang pagkain upang hind mahalata ng ina na may iba pa
Siyang pinuntahan.
C.Sumama sa kaibigan at mgadahilan sa inang may tinapos na proyekto sa paaralan kaya nahuli ng
pag-uwi.
D.Tumanggi sa kaibigan at ipaliwanag na binilinan siya ng ina na umuwi ng maaga para tumulong.
21.Nagkwekwentuhan ang mag-anak sa sala ng mapansin ni Jovie na bukas ang ilaw sa hapag kainan.Ano
ang dapat niyang gawin?
A.Patayin ang ilaw sa hapag kainan kung walang gumagamit.
B.Hayaan lamang itong nakabukas upang maging maliwanag ang bahay.
C.Huwag itong pansinin at hayaang iba na lamang ang makapansin.
D.Utusan ang mga magulang na patayin ang ilaw sa hapag kainan.
22.Nanunuod ng telebisyon si Lorna ng utusan siay ng ina na bumili ng mantika.Ano ang dapat niyang
gawin?
A.Hayaan itong nakabukas sapagkat mabilis lamang naman ang gagawing pagbili.
B.I-off muna ang telebisyon at saka lamang ito muling buhayin pagdating mula sa tindahan.
C.Tapusin muna ang pinapanuod at saka sundin ang inuutos ng kanyang ina.
D.Magbingi-bingihan sa pinag-uutos ng ina.
23.Tulog na si Marietta at napansin ni Marilou na bukas pa ang ilaw nito.Ano ang dapat gawin?
A.Hayaan na lamang itong nakabukas upang maliwanag ang kanyang paligid.
B.Gisingin si Marietta at ipa-off ang kanyang ilaw.
C.I-off na lang niya ang ilaw upang makatipid.
D.Wala sa nabanggit.
24.Inaantok na si Karlo ngunit narinig niyang tumutulo ang tubig at mukhang puno na ito.Ano ang dapat
niyang gawin?
A.Piliting bumangon at isara ang gripo.
B.Ipagpatuloy ang pagtulog at hayaang iba ang magsara ng gripo.
C.Utusan ang magulang o kapatid upang isara ang gripo.
D.Tatakpan niya ng unan ang tenga upang hindi marinig ang pagtulo ng gripo.
25.Si Berta ay gumagamit ng aircon tuwing gabi.Ngayon ay buwan Ng Enero kayat napakalamig ng
panahon sa gabi.Ano ang dapat niyang gawin?
A.Ipagpatuloy ang paggamit ng aircon sapagkat hindi naman siya ang nagbabayad ng kuryente.
B.Hinaan lamang ang aircon sapagkat malamig naman ang panahon.
C.I-off ang aircon sapagkat malamig naman ang panahon.
D.wala sa nabanggit.

Panuto: Isulat ang (/) sa patlang kun ang pahayag ay nagpapakita ng tamang asal (x) naman kung maling asal.

_____26.Tuwang tuwa si Venus ng ipauwi ng kanyang guro ang proyekto nila sa pagbuburda.Dahil hindi
niya gamay ang paggawa nito,pinatapos niya ito sa nakatatandang kapatid.
_____27.Nasira ang lock ng pinto ng silid ni Marlon.Humingi siya ng tulong sa ama para maayos ang
nasirang bahagi.Tinulungan niya ang kanyang ama para mapadali ang trabaho.
_____28.Nais ni Fiona na magluto ng sinigang na baboy.Tinanong niya ang ina sa mga proseso sa pagluto nito.Sinubukang
gawin niya ito habang inaalalayan ng ina.
_____29.Napakahirap para kay Ambet ang asignaturang Matimatika.Upang maiwasan ang graded
recitation kinabukasan siya ay lumiban sa klase.
_____30.Isang araw na lamang ang nalalabi at kailangan nang ipasa ng grupo nina Willy ang proyektong
pen holder gamit ang mga patapong bagay.Nakita nila ang mga nagawang proyekto ng ibang
grupo at talagang humanga sila sa ganda ng mga ito.Imbes na panghinaan ng loob mas lalong
pinagbuti nila ang proyektong ginagawa upang lumabas itong pulido at kaakit-akit sa paningin ng
lahat.
_____31.Ibinilin ni Aling Susan kay Naty ang niluluto nitong kanin.Nalibang siya sa paglalaro ng candy
crush kaya nasunog ang nilulutong kanin.
_____32.Pinabibili ni Danny ng kanyang kuya ng Asukal sa tindahan ngunit nanunuod pa siya ng
telebisyon. Nagbingibingihan na lamang siya upang mapagod ang kanyang kuya sa ka uutos.
_____33.May ginagawang takdang aralin si Lerma at eksaktong inutusan siya ng kanyang ina na bumili ng
mantika sa tindahan.Iniwan niya pansamantala ang ginagawa at sinunod ang ina.
_____34.Papunta na si Gloria sa silid ng mga magulang upang maglambing sa mga ito ng marinig niya ang
sinabi ng ama na uutusan siya nitong magdilig ng halaman.Nagtatakbo siyang bumalik sa silid
tulugan at nagtulog tulugan upang hindi mautusan.
_____35.Masama ang pakiramdam ni Oscar at hindi ito alam ng ina nang inutusan siya nitong bumili ng
kape sa tindahan ay mahinahon niyang sinabi sa ina na masama ang kanyang pakiramdam at
kung maaari hindi muna niya masunod ito.
_____36.Humiram si Cathy sa silid aklatan ng paaralan.Dinahan dahan niya ang pagbubuklat ng pahina
nito upang hindi masira o tumupi ang mga dulo nito.

_____37.Hiniram ni Alicia ang bestida ng kanyang ate para may maisuot sa paligsahan sa pag-awit sa
kanilang paaralan.Ibinalik niya ang damit sa kapatid na hindi malinis at hinayaan ito na lamang
ang maglaba.
_____38.Hindi sinasadyang matapunan ng tubig ang aklat na hiniram ni Chito kay Elmer.Ibinalik ni Chito
na basa at may sira ito.
_____39.Hiniram ni Julia ang manika ni Aileen matagal na ito sa kanya ay hindi pa rin niya
ibinabalik.Naisipan niyang huwag na lang itong isauli sapagkat hindi naman na ito matatandaan ni
Aileen sa dami ng kanyang mga laruan.
_____40.Hiniram ni Lloyd ang bagong Laptop ng kanyang kuya upang mag-internet.Iniingatan niya itong
mabasa o magasgasan man lamang.

Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad na pag-uugali sa mga sumusunod na sitwasyon at M kung Mali naman ang
ipinamalas na pag-uugali.Isulat ang kasagutan sa puwang.

_____41.Nakita ni Paloma ang isang matandang bulag na naglalakad at mukhang tatawid na sa


kalsada.Agad niya itong nilapitan at inalalayang makatawid.

_____42.Nakasabay ni George ang isang matandang putol ang isang paa sa paglalakad at napansin
niyang aakyat din ito ng hagdan kung saan siya dadaan.Pinanood muna niya kung paano umakyat
sa hagdan ang matanda bago lumipat ng lugar na dadaanan.
_____43.Bingi na ang lolo ni Randy kaya sinisigawan nito ang matanda upang marinig ang kanyang mga
sasabihin.
_____44.May mga bagong kaklase sina Joshua at napansin nila na hindi ito pantay kung maglakad.Ayaw
nila itong kausapin sapagkat naiiba ito sa kanila.
_____45.Kalahok si Monica ang kamag-aral ni Luisa na bulag ang isang mata sa paligsahan sa pag-
awit.Nakinig at pinalakpakan ni Luisa ang kaklase pagkatapos nitong umawit.
_____46.Tinatawanan ni Miguel ang pilay sapagkat para itong sumasayaw sa patag na daan.
_____47.Sinisigawan ni Quennie ang kanyang lola na may problema sa pandinig.
_____48.Mahinahon si Agnes sa pakikipag-usap sa matandang mahina ang pandinig na nagtatanong ng
direksiyon.
_____49.Tinatawag si Ysa ng kanyang lolo na malabo na ang mga mata ngunit hindi siya umiimik upang
hindi siya Makita nito.
_____50.Tumatawid nang kalsada ang isang matandang bulag at agad na tumakbo si Arthur sa direksyon
ng matanda upang alalayan itong tumawid.

Das könnte Ihnen auch gefallen