Sie sind auf Seite 1von 24

Aralin 25

Kalakalang Panlabas
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Panimula
Matapos mong matutuhan ang impormal na
sektor at ang mga dahilan at epekto ng pag-
iral nito, sa bahaging ito naman ay iyong
tutuklasin ang tungkol sa kalakalang
panlabas ng Pilipinas.
Panimula
No man is an island. Nagpapatunay ito na
sa buhay ay kailangan natin ng karamay o
kasama. Ang konseptong ito ay hindi lamang
akma sa tao kundi maging sa isang bansa.
Sa larangan ng mga bansa, ang kasabihang
ito ay makikita sa pampolitika, panlipunan, at
higit sa lahat sa pang-ekonomikong usaping
na masasalamin sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan.
Kalakalang Panlabas
Ito ay tumutukoy sa pakikipagkalakalan ng
isang bansa sa ibang bansa.
Ito ay nagaganap sapagkat walang bansa
ang maaring makatugon ng lahat kanyang
pangangailangan sa hilaw na sangkap,
yamang tao, likas na yaman at iba pa ng
walang tulong mula sa ibang bansa.
Batayan ng Kalakalang Panlabas
Absolute Advantage
Comparative Advantage
Absolute Advantage
Ang isang bansa ay masasabing may
absolute advantage sa pagprodyus sa isang
kalakal kung nakakalikha ito ng mas
maraming bilang ng produkto gamit ang mas
kaunting salik ng produksyon kumpara sa
ibang bansa.
Dami ng Produksyon gamit ang isang
hektarya ng lupa
Bansa Kape Bigas
Pilipinas 3,000 kaban 1,000 kaban
Thailand 2,000 kaban 2,000 kaban
TOTAL 5,000 kaban 3,000 kaban
Aling bansa ang may absolute advantage sa
produksyon ng kape?
Aling bansa ang may absolute advantage sa
produksyon ng bigas?
Comparative Advantage
Ang isang bansa ay masasabing may
comparative advantage sa pagprodyus sa
isang kalakal kung ito ay magkakaroon ng
espesyalisasyon sa paglikha ng kalakal.
Ang isang bansa ay may comparative
advantage sa produksyon kung marami
itong mapagkukunan ng paggawa, lupa at
kapital na ginagamit sa produksyon ng
naturang produkto.
Dami ng Produksyon Gamit ang isang hektarya ng
lupa matapos ng espesyalisasyon

Bansa Kape Bigas


Pilipinas ------- 3,000 kaban
Thailand 5,000 kaban ---------
TOTAL 5,000 kaban 3,000 kaban
Aling bansa ang may comparative advantage sa
produksyon ng kape?
Aling bansa ang may comparative advantage sa
produksyon ng bigas?
Export
Pagluluwas o pagbebenta ng produkto sa
ibang bansa.
Import
Pag-angkat o pagbili ng produkto sa ibang
bansa.
Balance of Payments (BOP)
Tumutukoy sa
kalagayan ng
kabayaran ng
pagluluwas (export) at
kabayaran sa pag-
aangkat (import).
Mayroong trade deficit
kung mas mataas ang
import sa export
samantalang trade
surplus naman kung
mas mataas ang export
sa import.
Kabutihan ng Pakikipagkalakalan
Mas maraming produkto ang mapagpipilian
sa pamilihan.
Napapataas nito ang kalidad ng mga
produkto na mabibili sa pamilihan.
Nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga
mamamayan ng bansang
nakikipagkalakalan.
Lumalawak ang pamilihan ng mga produkto
sa bansa.
Di-kabutihan ng Pakikipagkalakalan
Nagiging palaasa ang mga mamamayan sa
produktong imported.
Hindi nalilinang ang pagkamalikhain ng mga
mamamayan dahil umaasa na lamang sila
sa mga produktong gawa sa ibang bansa.
Pagkawala ng sariling pagkakakilanlan
bunga ng pagpasok ng dayuhang kultura sa
lipunan.
Samahang Pandaigdigang Pang-
ekonomiko
World Trade Organization
Pormal na pinasinayaan at
nabuo noong Enero 1, 1995. Ito
ay kinikilala bilang samahang
namamahala sa pandaigdigang
patakaran ng sistema ng
kalakalan o global trading
system sa pagitan ng mga
kasaping estado o member
states. Sa kasalukuyan, ito ay
binubuo ng 160 bansang
kasapi.
World Trade Organization
Layunin nito ang:
Pagsusulong ng isang maayos at malayang
kalakalan sa pamamagitan ng pagpapababa sa
mga hadlang sa kalakalan (trade barriers);
Pagkakaloob ng mga plataporma para sa
negosasyon at nakahandang magbigay tulong-
teknikal at pagsasanay para sa mga papaunlad
na bansa (developing countries);
Mamagitan sa mga pagtatalo ng mga kasaping
bansa kaugnay sa mga patakaran o magpataw ng
trade sanction laban sa isang kasaping hindi
umaayon sa desisyon o pasya ng samahan;
Asia-Pacific Economic Council
(APEC)
Ito ay isang samahang may
layuning isulong ang
kaunlarang pang-
ekonomiya at katiwasayan
sa rehiyong Asia-Pacific
kaugnay na rin ng
pagpapalakas sa mga
bansa at pamayanan nito.
Ito ay itinatag noong
Nobyembre 1989 at ang
punong himpilan nito ay
matatagpuan sa
Singapore.
Asia-Pacific Economic Council
(APEC)
Layunin ng APEC ang mga sumusunod:
Liberalisasyon ng pakikipagkalakalan at
pamumuhunan
Pagpapabilis at pagpapadali ng
pagnenegosyo
Pagtutulungang pang-ekonomiya at teknikal
Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN)
Itinatag noong August 8,
1967. Ang samahang ito ay
naglalayong paunlarin ang
ugnayan ng mga bansa sa
Timog-Silangang Asya.
Sa aspektong pang-
ekonomiko, ang samahang
ito ay naglalayong paunlarin
at isulong ang malayang
kalakalan sa bawat kasapi ng
ASEAN pati ang mga
bansang dialogue partner
nito.
Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN)
Upang maging ganap ang pagnanais na ito, ay
nagkaroon ng kasunduang tinawag na ASEAN
Free Trade Area (AFTA) na nilagdaan noong
January 28, 1992 sa Singapore.
Ito ay nakabatay sa konsepto ng Common
Effective Preferential Tariff (CEPT) o ang
programang nagsusulong ng pag-aalis ng taripa
at quota upang maging ganap ang pagdaloy ng
produkto sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
PAGPAPAHALAGA

Bakit nagkakaroon ng kalakalan sa


pagitan ng mga bansa?
Paano binago ng pag-unlad ng pag-
aaral ng ekonomiks ang kaisipan
tungkol sa kalakalang panlabas?
Tandaan:
Ang GRADES
pinaghihirapan
HINDI inililimos!
References:
EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

Das könnte Ihnen auch gefallen