Sie sind auf Seite 1von 6

BRITO, James Patrick T.

Marso 17, 2017

3LM3 FIL3

Aking napagtanto na kapag may nangyayari sa aking buhay na first time o

unang unang pagkakataon ay may mga kasunod itong iba pang mga first time. Para

bang nagiging daan ito upang makaranas pa ng mga panibagong first time na maaaring

makapagbago sa ating buhay. Kung tutuusin ang paggawa ko nang papel na ito, ang

pagkuha sa klaseng ito ay parte ng first time na iyon, kaya mag-po-pokus ako sa ugat

ng lahat ng ito; ang first time kong mag-trabaho. At kaya ko rin ito napili ay dahil malaki

ang nagawang pagbabago nito sa aking buhay, hindi lamang bilang estudyante, kundi

bilang tao na rin sa kabuuan.

Nanggaling ako sa katamtamang pamilya at bunso sa tatlong magkakapatid.

Bilang lahat kaming magkakapatid ay nag-aaral, nahihirapan ang aking mga magulang

na kamiy matustusan. At daragdag pa rito ang renta, kuryente, tubig at iba pang mga

pangunahing pangangailangan namin araw-araw sa loob ng bahay,. Ang orihinal na

plano ko sa aking sarili, at ang napagkasunduan namin ng aking mga magulang, ay

mag-aaral lamang ako ng dalawang taon sa kolehiyo upang maranasan ko man lang

ang buhay ng isang estudyante sa unibersidad at pagkatapos ay itutuloy ko na ang

aking pagpasok sa aking dream school, ang PMA o Philippine Military Academy. Bata

pa lamang ako ay gusto ko na talagang maging isang ganap na naval officer. Ngunit sa

kasamaang palad ay hindi ko naipasa ang isang requirement dahil sa eskwelahang ito

dahil sa kanilang limitadong age bracket.

Isa ito sa mga first time na bukas mata kong nakita na hindi lahat ng pinag-

planuhan mo nang matagal ay matutupad. Sa puntong iyon nalaman ko na hindi ko na

1/5
talaga mapapasukan ang PMA, hangang pangarap na nga na lamang talaga siguro ito.

Hindi naman ako nagsisisi dahil masaya rin naman ako sa tinatahak ko ngayon lalo nat

nalaman ko na pwede pa rin ako maging officer, hindi nga lang sa loob ng PMA ngunit

maaari ko pa rin itong makuha; kakailanganin ko lamang ng bachelors degree. Kayat

napagdesisyunan ko na ipagpatuloy nalang ang aking pag-aaral sa aking naunang

kurso sa Political Science sapagkat hilig at gusto ko rin naman ang pag-aaral ng

politika.

Ang aking Kuya at Ate ay iskolar sa kani-kanilang napiling kurso sa pag-aaral. Sa

kabilang banda, sinubukan ko rin namang mag-apply sa isang scholarship ngunit hindi

naging mapalad na akoy matanggap. Sa kadahilanan na ayoko naman maging tambay

lamang sa bahay na walang ginagawa ay napagdesisyunan kong mag-hanap ng

trabaho. Sa kagustuhan man ng aking mga magulang na ako ay ipagpatuloy sa pag-

aaral ay hindi maitatanggi na nahihirapan na talaga sila dahil nga sa rason na tatlo

kaming sabay-sabay na pinag-aaral sa kolehiyo. Kaya sa kalagayan kong ito ay

napagdesisyunan ko na tumulong sa kanila at maghanap ng sarili kong trabaho.

Sinubukan kong mag-apply sa isang sikat na credit card company. First time kong mag-

apply para sa trabaho at karamihan sa aking mga kasabayan ay mayroon nang mga

job experience. Nakakakaba sa una ngunit sa tulong at awa ng Diyos, sa daang-daang

nag-apply sa araw na iyon ay isa ako sa mga mapalad na natangap para sa posisyong

Relationship Manager. Tunay ngang napakasaya ko nang nalaman kong natanggap

ako sa una kong job interview.

Noong mga unang buwan ko sa trabaho ay magsisimula na ang pangalawang

semestre sa UST. Naisip ko na dahil may naipon naman na ako kahit papaano, maaari

2/5
ko nang ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Nagpasa ako ng request letter sa aking lider

sa kumpanya upang mag-paalam kung maaari ba akong payagang bumalik sa pag-

aaral habang ako ay nag-ta-trabaho at mabuti na lamang ay akoy agad na pinayagan.

Kaya naman noong Enero ay pumasok na muli ako sa kolehiyo.

Tunay ngang nakaka-miss ang USTe. Na-miss kong mag-suot ng uniporme ng

AB, na-miss ko ang aking mga kaibigan, at higit sa lahat ay na-miss kong maging

estudyante. Kahit sa ganoong kaikli lamang na panahon ay naramdaman ko kung ano

ang pakiramdam ng mga batang nahihinto sa pag-aaral dahil sa kakulangang

pinansyal. Iniisip ko ang sarili ko bilang isa lamang sa mga mapalad na nabigyan ng

pangalawang pagkakataon upang makapag-aral muli.

Habang nakapila ako sa main building para mag-enroll ay bigla kong napagtanto

na iyong mga pinag-puyatan at pinag-paguran kong ipon nang ilang buwan ay

mawawala nang agad-agad para sa isang semestre nang pag-aaral. Kaya dito ko, first

time, totoong napahalagahan ang pera, hindi dahil nanggaling ito sa akin kundi dahil

naisip ko na lamang kung gaano talaga kahirap kumita ng pera at hindi ko alam kung

paano nagagawa ito ng aking mga magulang para sa aming tatlong magkakapatid.

Kumuha ako ng siyam (9) na yunit lamang para sa semestreng ito, dalawang minor at

isang major na sabjek para sa kurso kong Political Science, dahil iilan lamang ang

pwedeng sabjek na kunin ko sapagkat ang karamihan na ay pre-requisite. Onti man

kung iisipin pero aaminin ko na medyo nabigatan ako noong una sa pagbalanse ng

pag-aaral at pagta-trabaho. Ngunit kahit ganoon man ay hindi mapagkakait na masaya

pa rin ako na nakakapag-aral na akong muli.

3/5
Nakasama ko na ulit ang mga kaibigan ko, ang mga kaklase ko noon, at muli na

ulit akong nakapasok sa loob ng AB. Naramdaman ko na muli ang lamig ng aircon ng

mga silid-aralan na kung ikukumpara ay walang binatbat sa lamig ng aming istasyon sa

trabaho. Kayat narito ako ngayon at pumapasok na muli bilang estudyante sa umaga at

empleyado sa gabi hanggang madaling araw. Ang unang-unang bumulaga sa akin ay

ang aking napakahigpit na schedule kung saan kinailangan kong ilinya ang mga oras ng

mga sabjek na kukunin ko para pumantay at hindi bumangga sa schedule ko sa

trabaho. Habang ginagawa ko ang mga bagay na ito ay naisip kong bigla ang mga

buhay ng mga working student, na hindi rin pala madali ang ginagawa nila at kaya

naman dahil dito ay napahalagahan ko na lalo ang effort nila bilang isang mag-aaral

sapagkat kahit papaano ay naiintindihan ko ang pinagdadaanan nila.

Mahigit dalawang buwan na simula noong pinagsabay ko ang pag-aaral at

trabaho. Nagsisimula naman na ako makapag-adjust ngunit ang totoong problema ay

ang pagkakulang ko sa pahinga at tulog dahil sa aking schedule. Pumapasok ako sa

eskwelahan nang mga alas dose nang tanghali hanggang alas tres nang hapon, at

paminsan naman ay alas kwatro. Pagkatapos ko rito ay didiretso na ako sa trabaho

nang mga alas nueve nang gabi hanggang alas sais nang umaga. Kasabay nito ay

isisingit ko pa ang mga babasahin na readings at mga takdang aralin sa aking mga

kinukuhang sabjek ngayon. Kaya naman paminsan ay kulang-kulang apat na oras na

lamang ang naitutulog ko.

Ibang-iba ang pakiramdam na noon akala ko ay kaya kong mag-puyat hanggang

mag-umaga na ngunit ngayon ko lang totoong naisip na mahirap pala talaga ang

graveyard shift sapagkat sa umaga na ako nakakatulog at kahit nakapikit na at kahit

4/5
pagod na ang mga mata ko ay tila parang gising pa rin ang aking diwa kapag natutulog;

dahil natutulog ako habang tirik at mataas na ang araw hindi tulad kapag natutulog sa

gabi. Isa ito sa mga pinagdadaanang hirap ng aking katawan dahil sa aking lagay

ngayon. Hindi maiiwasan ang pag-aalala sa akin ng aking mga magulang dahil sa

ganitong kalagayan ay mas mabilis akong dapuan ng sakit, kaya namay binibigyan nila

ako palagi ng mga gamot at bitamina upang kahit papaano ay maiwasan ito.

Nakakalungkot paminsan isipin na hindi man lang ako nagtatagal nang limang

oras sa bahay nang gising dahil nga sa aking schedule. At dahil din dito ay madalang ko

nalang din makapiling at maka-bonding ang aking mga kapatid, kaya paminsan ay mas

pinipili ko nalang makipag-kwentuhan sa kanila kaysa matulog tuwing free time naming

tatlo sapagkat busy rin sila sa kanilang mga ginagawa dahil ang aking Kuya ay nasa

pangatlong taon na sa Civil Law at ang aking Ate naman ay kumukha ng medisina.

Ngunit dahil sa lahat ng ito ay napahahalagahan ko na lalo ang importansya ng oras

para sa isang tao. Iyong tipong kapag may pagkakataon kang makasama ang mga

mahal mo sa buhay ay susulitin mo, kahit maikling oras lamang iyan at gagawan mo ng

paraan kahit gaano kahirap pa man iyan. Kaya ginagawa ko ang lahat ng aking

makakaya bilang maging parte pa rin ng pamilya sa kabila ng aking pagiging

empleyado at pagiging estudyante.

Maraming mga pagbabago sa ating buhay ang nadudulot ng mga first time na ito

na hindi natin aakalain na mangyayari; mga plano natin na hindi matutuloy, mga oras na

hindi na maibabalik, mga pagsubok na kailangang daanan dahil sa mga first time.

Ngunit sa kabila ng lahat, kung tutuusin ay maganda na nangyari and mga first time na

5/5
ito sa akin dahil marami akong natutunan sa buhay ko bilang isang indibidwal.

Kailangan lamang natin maging metatag humarap sa realidad at umabante sa buhay.

6/5

Das könnte Ihnen auch gefallen