Sie sind auf Seite 1von 2

Buhay Nanay

Si Vera Bernabe ay isang sosyalera at ganid sa pera na nag


asawa ng isang congressman na nagngangalang Oscar Bernabe.
Mayroon siyang isang anak-anakan na si Danica Bernabe na isang
ampon na gusto lang ng kalayaan mula sa kanyang ina. Si Vera ay
hinahanap ang kanyang anak na ipinaubaya nya noon kay Martina
upang alagaan at arugain.

Isang araw, nakadaupang-palad ni Vera ang pamilyang


Biglang-Awa. Si Carlito na isang bakla at si Carlita na isa namang
tomboy ay magkapatid na Biglang-Awa. Sila rin ay may anak-
anakan na si Marco Biglang-Awa na isang mabait, masipag, at
magalang na anak.

Nagkamabutihang loob ang kanilang mga anak na si Marco


at Danica na naging magnobyo, samantalang ang kanilang mga
magulang ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at naging
magkatunggali sa mga bagay bagay. Naiipit sa tunggalian na ito si
Martina.

Si Martina ang mayordoma at kaibigan ni Vera, at siya rin


matalik na kaibigan ni Carlito. Si Martina ay isang butihing ina sa
kanyang anak na si Bea. Si Bea ay isang menor de edad na may
anak na at siya rin ay isang babaeng mahilig mag lasing.

Si Danica ay nahuli ng kanyang ina na si Vera na


nagnanakaw sa isang tindahan ng alahas at inakusahan ni Vera si
Marco na isang masamang ihemplo sa kanyang anak. Sila ay
pinaghiwalay at ipinagbawal ang kanilang relasyon.

Matutuloy pa ba ang pag-iibigan nila Marco at Danica kahit


tutol ang ina ni Danica na si Vera?

Magiging maayos kaya ang buhay ni Martina?


Mahahanap kaya ang anak ni Vera?

Joseph G. de Luna
IX - Mendeleev

Das könnte Ihnen auch gefallen