Sie sind auf Seite 1von 15

EPP 5

Ang Entreprenyur
Mga pamamaraan sa
matagumpay na entreprenyur.
Modyul1

Irene P. Barrameda
Roselle G. Alon
NILALAMAN
Aralin 1 Pagtukoy ng Opportunidad..

Aralin 2 Produkto at Serbisyo ..

Aralin 3 Ang Mamimili

Talasalitaan
Oportunidad- isang magandang pagkakataon, kondisyon o sitwasyon na pabor sa

pagkamit ng ninanais o layunin.

Kahinaan - isang katangian ng tao na maaring tumutukoy sa kakulangan ng


kakayanan at koneksyon .

Kalakasan- isang positibong katangian taglay ng tao tulad ng kakayanan, koneksyon


at katayuan sa buhay ng isang tao.

Banta- ito ay mga panganip na maaring humadlang o napagpipigil ng pagpapatuloy


ng isang proyekto o layunin.

SWOT Analysis- Isang proseso ng pagtukoy ng kalakasan,


kahinaan,oportunidad,at panganib.Itoy ginagamit upang maanalisa ang
kahihinatnan o kalalabasan ng ninanais na negosyo.
A. Panuto:.Lagyan ng tsek kung tama ang pangungusap at ekis kung mali.

_______1.Lahat ng tao ay naghahangad na umunlad ang antas ng pamumuhay.

_______2.Ang matagumpay na entreprenyur ay nakikita ang dumarating na


oportunidad para magnegosyo sa gitna ng problema o pagsubok?

_______3 Isang pagpapamalas ng positibong katangian ng entrepenyur kapag ang


mga suliranin ng isang negosyo ay hindi nagagawan ng aksyon para matugunan ang
mga ito.

_______4. Ang matagumpay na entreprenyur ay nakakikita ng di-pangkaraniwang


pagkakataon upang magkaroon ng puhunan, kagamitan, o puwesto.

_______5.Ang matagumpay na entreprenyur ay nakakakita ng magandang pananaw


kahit sa panahon ng kalamidad at pagsubok.

B. Magbigay ng 5 oportunidad ng isang panaderya o bakery ssa inyong


pamayanan.

1.______________________________________

2.______________________________________

3.______________________________________

4.______________________________________

5.______________________________________
Ang Entrepreneur
Mga pamamaraan (process) sa matagumpay na entrepreneur.

Paano matutukoy ang mga oportunidad na maaring mapagkakitaan sa


tahanan at pamayanan?

1 Drawing ng Tao na hawak ang ulo. confuse.may


malaking ? sa ibabaw ng ulo at nakatingin sa mga produkto

Pangalawang pic 2. Oposite nung nauna

Layunin:
1.Naibibigay ang kahulugan ng Oportunidad , SWOT Analysis, Produkto, at
Serbisyo.

2.Natatalakay ang mga hakbang/paraan upang matukoy ang oportunidad na


maaring mapagkakakitaan sa isang produkto at serbisyo.

3.Nakikibahagi sa pagtatala ng mga oportunidad na maaring mapagkakitaan batay


sa mga produkto o serbisyo na matatagpuan
sa tahanan at pamayanan

4.Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtukoy ng oportunidad upang maging


matagumpay na entrepreneur.
Bumuo ng pangkat,gamit ang Word Wall, isulat ang mga sagot sa
katanungan at ipaliwanag.

1. Ibigay ang kahulugan sa mga sumusunod na salita ayon sa inyong


pagkaka unawa produkto,serbisyo,oportunidad,kalakalan,
2. Ano ano ang mga produkto o serbisyo sa inyong tahanan o sa
inyong pamayanan na pinagkakakitaan o naging hanapbuhay ng
inyong pamilya o kapitbahay?
3. Sa inyong palagay, ano ang mga dahilan kung bakit ito bumenta o
tinangkilik ng mga mamimili?
4. Nakatulong ba ito sa inyong pamumuhay?

Kahulugan

Produkto /Serbisyo

Dahilan

Pangkatang Gawain
A. Suriin ang mga larawan ng mga natatanging produkto at serbisyo na nakikita sa
Lungsod ng Bian.

B. Ilahad ang pagkakaunawa sa pamamagitan ng mannequin challenge.

C. Gamiting gabay ang mga katanungan sa ibaba,at hayaan ang ibang grupo na
iinterpret ang ginawa ng mga kaklase.

Produkto
(Mga Larawan/Drawings) Serbisyo
Mga Larawan/Drawing)
Puto Bian , Sombrero, Sandals,
Vulcanizing Shop,Barber Shop,
Taho. Katayan ng Baboy

1.Anong produkto o serbisyo sa Lungsod ng Bian ang kilalang-kilala at tinatangkilik


ng karamihan ?

2.Bakit sa tingin ninyo ito ay kilalang-kilala at tinatangkilik ng nakararami? Maaring


ipahayag ang emosyon o angkop na aksyon.

Paano ba magsimula ng isang


Paano ko malalaman na ito ay
negosyo? magtatagumpay o kikita?
: :
Drawing ng Drawing ng
Nag-iisip n lalaki nag-iisip n babae

Sa kasalukuyan ang isa sa pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga tao ay ang


pagnenegosyo. Kung ating pagmamasdan ang mga tao sa ating paligid sila ay
abala sa araw-araw nilang hanapbuhay upang kumita. May ilang nagtitinda, may ilan
naman na ginagamit ang kanilang kakayanan at talento upang mapagkakakitaan. At
upang mas mapaunlad ang pamumuhay, ilan sa kanila ay naghahanap ng
pagkakataon upang mas mapabuti ang antas ng kanilang pamumuhay. Kaya
pinapasok nila ang mundo ng negosyo.

Mga hakbang na maaring sundan upang mag-umpisa ang isang entreprenyur


ng negosyo.

Pagtaya sa sarili: Taglay mo ba ang mga katangiang kinakailangan?


Pagtaya sa kapaligiran: Ano ang mga nariyan na makakatulong sa
pagsisimula? Ano naman ang mga hadlang sa pagsisimula?
Pagpili ng produkto, serbisyo o uri ng negosyo
Pagbuo ng iyong plano sa pagnenegosyo (Business Plan)
Aspeto ng kung paanong ibebenta ang produkto (Marketing Aspect)
Aspeto ng kung paano gagawin ang produkto (Production Aspect)
Aspeto ng pag-organisa ng mga tauhan(Organizational Aspect)
Aspeto ng pananalapi (Financial aspect)
Pagtukoy sa mapagkukuhanan ng iba pang kinakailangang tulong
Pagpili sa lugar ng negosyo
Pagrehistro ng iyong negosyo
Pagkuha at pagsasanay ng mga empleyado

Drawing ng taong nag iisipiln dito ang Mahalaga sa pag


paggawa ng sapatos,taong nagcocomputer, uumpisa ng negosyo na
makilala ng lubusan ang
sarili,kung ano ang
kayang gawin o
kalakasan, di-kayang
gawin o kahinaan, mga
magagandang
pagkakataon o
oportunidad na
makakatulong upang
maisakatuparan ang
ninanais, at ang mga
panganib o banta na
hahadlang o pipigil
upang hindi mo maabot
ang ninanais.

Pagsusuri ng Sarili

Taglay mo ba ang mga


katangian at kakayahang
kailangan sa pagiging
entreprenyur? May mga
katangian at kakayahan na
kailangan sa pagsisimula at
pagpapatakbo ng sariling negosyo. Taglay mo ba ang mga ito?

Pagnilayan ang mga sumusunod.

Pagtukoy at paghanap ng mga oportunidad.

Nakikita mo ba ang mga dumarating na oportunidad para magnegosyo?

Gumagawa ka ba ng aksyon para matugunan ang mga ito?

Nakakikita ka ba ng di-pangkaraniwang oportunidad upang magkaroon ng puhunan,


kagamitan, Madali ka bang makahanap ng tulong o assistance sa pagnenegosyo?

Isa sa katangian ng matagumpay na entreprenyur ay ang matukoy ang


oportunidad ng produkto o serbisyo sa pamayanan.Isa na dito ang kakayanang
matukoy ang perspektiv at ideyang pamproyekto, pagkamalikhain at inobasyon sa
pagtukoy ng mga ideyang pang negosyo,ugnayan sa industriya, at ugnayan sa
paggawa ng proyekto. Iba pang halimbawa

Gusto at kailangan ng tao.

Dekalidad ang produkto/serbisyo


Mura ang materyales.
Oportunidad
Produkto/Serbisyo

Suportado ng pamahalaan. Maraming tao o mamimili sa


lugar

Hindi mawawala ang posibilidad na malugi sa isang negosyo.


May mga pagkakataon na itoy bumabagsak dahil lamang sa isang maling desisyon,
pabagu-bagong lagay Drawing ng ng kalakalan at
ekonomiya na sa nalugi.pawisanlaglag ang kasamaang-palad
madaling balikat
maapektuhan ang isang
maliit na negosyo ng biglang pagbabago.
Mahihirapan dito ang stress negosyo lalo na kung
wala itong angkop na organisasyon o sapat
na pananalapi. Mahabang oras kang
magtatrabaho kaya humandang maglaan ng
maraming oras para sa iyong negosyo. Dahil
dito, maaaring kailanganin mo ring
isakripisyo ang oras para sa pamilya at mga
personal na interes. Maaring may mga di-
inaasahan o di kanais- nais na mga
responsibilidad at isang araw baka
matuklasan mo na may mga pananagutan ka na hindi mo inaasahan, hindi mo kaya,
o hindi mo gustong pasanin.
Pangkatang Gawain.

Malayang Talakayan

Larawan ng lungsod ng Binan

Ang Lungsod ng Bian

Sa kasalukuyan, ang Lungsod ng Bian, isang siyudad sa probinsya ng Laguna


ay isa sa mga umuunlad na siyudad sa bansa dahil sa masiglang komersyo at
kalakalan. Bunga ng malilikhaing mamamayan nagagawa nitong mapaghusay ang
mga produkto at serbisyo na kinikilala ng mga mamimili saan mang lugar sa
bansa,. Ilan sa mga produktong ito ang Puto Bian, sombrero , sandalya, at mga
serbisyo tulad ng vulcanizing shop, barber shop, katayan ng baboy , at marami pang
iba. Matatagpuan din dito ang ilan sa malalaking industriya at komersyal na
establisyemento na lalong nagpapasigla ng ekonomiya nito. Dahil na rin sa
magandang lokasyon ng lungsod ito ay nagiging sentro ng komersyo sa rehiyon.
Halimbawa nito ang palengke, kung saan dito nagtatagpo ang mga mangangalakal
at mamimili mula sa ibat ibang probinsya ng Laguna. Ilan lamang ito sa mga
magagandang katangian ng siyudad kaya ito ay patuloy na umuunlad. Dahil dito,
maraming tao ang nahihikayat na magsimula ng kanilang negosyo bilang
hanapbuhay dito.

ag uumpisa ng negosyo dito sa Lungsod ng Bian, paano mo malalaman na ito ay magtatagumpay o hindi?

1. Balikan ang larawan sa itaas, gamit ang SWOT Analysis, itala ang Kalakasan
(Strength), Kahinaan (Weaknesses), Oportunidad (Opportunities), Banta (Threats)
ng napiling produkto o serbisyo.
2. Ipaliwanag sa klase ang naging kasagutan ng grupo.Gawing gabay ang mga
tanong sa ibaba.

SWOT Analysis

1. Anong produkto o serbisyo batay sa larawan ang sa tingin mo ay maaring


pagkakitaan sa Lungsod ng Bian?

2. Ano ano ang mga oportunidad na naitala gamit ang SWOT Analysis matrix. Sapat
na ba itong dahilan para masabi mo na ito ay magtatagumpay at mapagkakakitaan?
Pangatwiranan ang sagot.
3. Alin sa katergoryang nakatala ang mas marami? Ano ang nais ipahiwatig nito?

4. Paano mo mapapaunlad ang kahinaan at mga banta na nakatala para matiyak


ang tagumpay ng produkto serbisyo?

Hamon

Bilang isang mag aaral ng Baitang-5, ano ang gusto mong produkto na sa
tingin mo ay tatangkilikin ng mamimili? Itala ang Oportunidad .Gawin ito gamit ang
Venn Diagram
Prdukto /Serbisyo
Oportunidad
Sa Inyong
Pamayanan
___________________________________________________________________

Journal

Sa mga nagnanais na maging entreprenyur ,bakit mahalagang


matukoy ang mga oportunidad na maaring pagkakakitaan sa tahanan at
pamayanan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______

Eto po sana ay korteng Libro

Panuto:

A.Tukuyin kung ang mga larawan ay may magandang pagkakataon, isulat ang O
kung oportunidad, kung kabaliktaran naman isulat ang DO kung Di-oportunidad

1. ____ Palamig sa 2______ Vulcanizing 3 ______ Ice Cream


panahon ng shop at sa
tag ulan butas na panahon
gulong ng Tag-init
4._____ Jacket sa 5._____
panahon ng
Nabulok na
tag-ulan
prutas

___________________________________________________________________
_

Magsagawa ng maiksing interbiyu sa isang negosyante, maaring magulang o


kapitbahay kung ano ang mga oportunidad na nakita nila sa negosyong kanilang
isinagawa.Itala ito sa inyong Diary.

References

http://www.thefreedictionary.com/opportunities

http://indiohistorian.tumblr.com/post/13097309564/baybayin-the-lost-filipino-script-
part-1-the

http://iglf.ph/DTI%20FOR%20DOWNLOADS/Nais%20mo%20bang
%20magnegosyo.pdf

file:///C:/Users/DepEd-Admin/Desktop/produkto-at-serbisyo.pdf

http://www.thefreedictionary.com/opportunities

https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/produkto-at-serbisyo.pdf
http://annabellesurquia.blogspot.com/2011/10/yamang-tao-produkto-at-
serbisyo_03.html

file:///C:/Users/DepEd-Admin/Desktop/produkto-at-serbisyo.pdf

Das könnte Ihnen auch gefallen