Sie sind auf Seite 1von 1

Republika ng Pilipina

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Lalawigan ng Batangas
Distrito ng Silangang San Juan
Mataas na Paaralan ng Tipas

_______________________
_______________________

Ang edukasyon po ay lubhang napakahalaga sa isang tao. Ito po ang isa sa


mga hindi kailanman mananakaw o maagaw sa atin ng kahit na sino man. Ito rin
po ang isa sa ating sandata at kalasag upang umunlad ang ating katayuan sa
buhay.

Kaugnay po nito patuloy po ang programa ng paaralan upang


makapagpatuloy sa pag-aaral ang mga mag-aaral. Isa po sa mga programang ito
ang pagkakaroon po ng Tipas NHS ng Alternative Delivery Mode (ADM) na kung
saan po ay isasailalim po natin sa Modular ang mga mag-aaral na nangangailangan
po nito dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Upang higit pa po itong mas maging epektibo kayo po ay inaasahan naming


na makipagkita sa gurong tagapayo at punung-guro para po pag-usapan ang mga
epektibong paraan na maaaring gawin upang mapunan ang kakulangan ng inyong
anak sa kanyang mga asignatura. Ang atin pong pagtutulungan ay kailangan upang
ang inyong anak ay mabigyan ng pagkakataon na pumasa sa klase.

Salamat po at Pagpalain po tayo ng Panginoon.

Gumagalang,

Hazel Y. Manalo
Punungguro I

Das könnte Ihnen auch gefallen