Sie sind auf Seite 1von 18

CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)

CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING


I. PAMAGAT: GLOBALISASYON AT MIDYA

II. LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan sa buong yunit, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

natutukoy ang katuturang etimolohikal at ang kasaysayan ng pag-unlad ng


globalisasyon at medya
nailalarawan ang kaugnayan ng globalisasyon at medya sa pagpapaunlad
ng modernong daigdig
naiisa-isa ang mga kontribusyon at teorya ng ilang dalubhasa hinggil sa
globalisayon na may malaking ambag sa kasalukuyang panahon
naikukumpara ang pagkakaiba at pagkakatulad ng kalikasan ng isang
global na komunidad ayon kina Mc Luhan at Mumford
naipaliliwanag ang katangian at ang uri ng buhay na mayroon sa isang
global na komunidad sa tatlong aspeto:
a. ekonomikal
b. pulitikal
c. kultural

III. INTRODUKSYON:

Sadyang napakalaki at napakalawak ang saklaw nang impluwensya ng midya sa


usaping globalisasyon. Hindi mapapasubalian ang katotohanang hatid ng midya ang
pag-usbong ng mabilisang komunikasyon saan mang panig ng daigdig, alinmang
aspeto ang pag-uusapan ito man ay mapa-ekonomiya, pulitikal at kultural.

Datapwat hindi rin dapat ipagwalang bahala sa paksang ito ang katotohanang
hindi lahat nang hatid ng midya ay positibo, ito rin ay may negatibo. At walang
globalisasyon kung walang midya sapagkat naiikot natin ang bahagi ng mundo sa
pamamagitan ng atiing nakikita at agarang naririnig na dulot ng midya.

IV. PAGTATALAKAY:

52
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Ang Globalisasyon : Etomolohiya

globalization : QUEENS ENGLISH

la mondialisation : FRENCH
quam qui hua : CHINESE
utandawaz : KISWAHILI

Si Theodore Levitt ay isang dating propesor sa Harvard Business School na


kinilala sa pagpapatanyag sa terminong globalisasyon.

Una niya itong ginamit noong 1983 sa isang artikulo sa Harvard Business School
na pinamagatang The Globalization of Markets.

Sa kasalukuyan ang terminong globalisayon ay mayroon nang 42.4 milyong


resulta sa google.

Etimolohikal na Kahulugan ng Globalisasyon

-ization, isang pinagsamang hulaping -ized at ation na nakalilikha ng pangalang


tumutukoy sa proseso o resulta/kinalabasan ng isang gawain.

Sa kabuuan, maaring matukoy ang kahulugan ng globalisayon bilang isang


proseso o resulta ng isang gawain.

Sa pagbibigay ng tiyak na katuturan, nagbigay si Peter J. Taylor ng dalawang


punto, una, mahalagang mapaghiwalay ang salitang proseso at resulta sa mga kritikal
na pagsusri upang maiwasan ang maling interpretasyon, pangalawa, ang kahit na
anong kritikal na analisis ay hindi maaring ilantad ang kahinaan ng isa sa mga
kahulugan nito.

53
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING

Depinisyon ng Globalisasyon

Ang globalisasyon ay ang pinagsamang pwersa ng kasaysayan, pulitika, kultura


at ekonomiya.

Tumutukoy ito sa mga pangkat , hindi pantay at paminsan-minsan ay


pinagsama-samang proseso kasama na ang ekonomiya, pulitika at kultura na saklaw
ang ebolusyon ng teknolohiyang pangmidya upang makalikha ng isang kalagayang
tinatawag sa kasalukuyan na imagined community . Sa kabuuan, ang mahalagang
kahulugan ng globalisasyon ay matutukoy bilang maramihang proseso kagaya ng
ekonomiya, pulitika at kultura. Ang lahat ng prosesong ito ay hindi na bago.

GLOBALISASYON SA PANANAW NG MGA EKSPERTO

Ayon kay Arjun Appadurai, isang anthropologist Ang


globalisayon ay unang umusbong noong 1900s kasabay ng pag-
usbong ng makabagong midya at transportasyon. Ang midya at
pangdarayuhan ay nakapagdulot ng malawakang pagbabago at
may malaking ambag sa pagsilang ng globalisasyon.

Ayon naman kay Yale Nayan, Ang globalisayon ay nauna


nang umusbong ilang daang taon na ang lumipas.

54
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Ang ekspedisyon ni Chritopher Columbus at ang paglisan ng
Homo Sapien sa isang nayon sa Africa upang maghanap ng
pagkain ay isang patunay ng pag-usbong ng globalisayon. Ito ay
isang proseso na karaniwan na sa mga milenya bagamat di nila ito
napapansin.

Walang tamang sagot sa tanong kung kailan nga ba unang umusbong ang
globalisasyon. Ang ilang manunulat at mambabasa ay nagbigay lamang ng kanilang
sariling paliwanag hinggil sa kung paano ito nag-umpisa. Sa kabila nito, isa lamang ang
tiyak, ang tao ay may matinding simbuyo sa globalisasyon, ang kanilang pagnanais na
maglakbay, lumayo, humanap ng mas mabuting buhay o makaranas ng mga
pagbabago ang ilan sa kadahilanan para masabing ang globalisasyon ay bahagi na ng
buhay ng tao simula sa kaniyang pagsilang.

MIDYA

Taliwas sa katuturan ng globalisasyon, ang midya ay hindi gaanong mahirap na


bigyan ng katuturan o kahulugan.

Ang salitang midya ay pangmaramihang termino para sa midyum isang


paraan ng paghahatid ng isang bagay, katulad ng tsanel ng
komunikasyon.

Nagsimulang gamitin ang terminong midya noong 1920s.

Naging popular ito dahil kinailangan ang termino sa pag-uusap hinggil sa


mga sosyal na isyu.

Bagamat makabago ang terminong ito, ang komunikasyong pangmidya ay una nang
ginamit ng tao pagkasilang pa lamang nito sa mundo na hindi maikakatwa ang
kahalagahan sa globalisasyon.

55
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Ebolusyon ng Midya at Globalisasyon

Ang mga iskolar ay nakakita nang mas madali at mas lohikal na paraan na
makatutulong upang mas maging organisado at mas mapadali ang pag-aaral sa
kasaysayan ng midya batay sa panahon o yugto.

Ang bawat yugto ay may kani-kaniyang mga katangian at nangingibabaw na


midyum

Ilan sa mga nag-ambag sa pag-aaral ng ebolusyon ay sina Harold Innis (1950),


Marshall McLuhan, James Lull (2000), Terhi Rantanen (2005).

Panahon ng Midya batay sa ibat-ibang Eksperto

Harold Innis James Lull Terhi Rantanen

oral/pasalita
oral/pasalita iskrip
limbag limbag
elektroniko wired electronic
oral/pasalita wireless electronic
limbag digital
elektroniko
digital
Marshall McLuhan

Limang Klasipikasyon ng Midya

ORAL NA KOMUNIKASYON

56
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Ang pinakaluma at hindi pansinin sa kasaysayan ng globalisasyon ngunit
maituturing na pinakagamitin sa lahat ng anyo ng midya.

Itinuturing din itong pinakauna at pinakahuling bagay na maibabahagi ng tao sa


kanyang komunidad ang kakayahang magsalita.

Nang umunlad ang pagsasalita at naging wika, ang mga Homo Sapien ay nakabuo
ng isang midyum na nakapagbukod sa kanila mula sa iba pang uri ng hayop at
nagbigay daan upang masakop nila ang mundo.

Sa pamamagitan ng wika, nagkaroon nang kakayahan ang tao na makapaglakbay


na nagbigay sa kanila ng bagong karanasan at kapaligiran. Hindi maikakaila na, wika
ang kanilang naging pinakamahalagang kasangkapan.

Paano nakatulong ang wika sa globalisasyon?

Ang wika ay nagbigay daan sa mga tao upang makipagtulungan. Sa panahon ng


pangangaso, ang kakayahang makipagtulungan ang itinuturing nilang kalamangan.

Ang pagbabahagi ng mga kaalaman hinggil sa lupa, tubig, klima at kalagayan ng


panahon ay nakatulong sa kakayahan ng tao na makapaglakbay sa mga pook na may
ibat-ibang panahon.

Ang pagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa mga kasangkapan ay nagbunsod


sa pagpapalaganap ng teknolohiya.

Kalaunan, ang tao ay nagpalipat-lipat sa ibat-ibang sulok ng mundo at nagkaroon ng


ibat-ibang karanasan.

Bagaman nakatulong ang wika sa kanilang paglalakbay, malaki din ang naging
tulong nito sa kanilang pananatili at pagpili ng kanilang tahanan.

Sa pamamagitan ng wika, nakapag-imbak ng mahalagang kaalamang pang-


agrikultura na naipasa nila sa bawat henerasyon, na siya namang nagsilbing daan
upang makalikha sila ng isang nasyon o bayan.

57
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Pinangunahan din ng wika ang merkado, ang palitan ng mga kalakal at mga
serbisyo na kalaunan ay pinasok na rin ang kalakalang pangdaigdig.

Nagkaroon ng organisado, permanente at at sentro ng kalakalan na siyang


nagbunga ng pag-usbong ng mga siyudad.

Sibilisasyong Nilikha ng Wika

400 BC nang umusbong ang unang sibilasayon.

Ang sibilisasyon ay sinasabing unang umusbong sa Sumer sa Middle East.

Tinawag itong cradle of civilization (duyan ng sibilisasyon).

Ang Sumer ang itinuturing na pook ng kapanganakan ng mga gulong, araro,


irigasyon at pagsulat lahat ng ito ay pawang likha ng wika.

ISKRIP

Ilan sa naitalang kasaysayan ng teknolohiya ng midya ay nilaktawan ang


yugtong ito o hindi naman kaya ay binigyan lang ng maikling pagbanggit bilang
transisyon sa pagitan ng yugto ng kulturang oral at kultura ng limbagan.

58
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Ang panahong ito ay napakahalaga para sa globalisasyon at midya, maaring
makabuluhan ang midya ngunit hindi ito perpekto.

Ang iskrip ay ang kauna-unahang pagsulat. Ito ay nagpahintulot sa tao na


makipagkomunikasyon at ibahagi ang kaalama, mga ideya sa mas malawak na paraan
at sa mas mahabang panahon.

Ang Ebolusyon ng Iskrip/Pagsulat

Nag umpisa ang


pinakaunang sistema
ng pagsulat, pagkatpos
ng 3000 BCE, ang
mga simbolo ay unang
nakita sa mga inukit sa
luad na nagsilbing talaan ng mga kalakal. Cuneiform ang
unang sitema na ginamit na kalaunan ay umunlad at naging
alpabeto na binuobuo ng mga simbolo may taglay na kani-
kaniyang tunog

Ang mga simbolong


ginamit sa mga cuneiform
ay nadepelob sa mga
simbolo na inererepresenta
ng mga pantig ng wika na
nagsilang sa ngayon ay tinatawag nating alpabeto.

59
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Ang mga taga Ehipto ang
nakalikha ng pinakapopular
na sulatan na mula sa
pinatuyong halaman na
matatagpuan sa Ilog ng Nile
ang papyrus ( mula sa salitang Ingles na paper.)

Paano nakatulong ang iskrip sa globalisasyon?

Ang iskrip ay nagbigay daan upang maisatitik o maisakoda ang ekonomiya, kultura,
relihiyon at pulitika.

Ang mga kodang ito ay naipamahagi at naipasa sa mga sumunod na henerasyon.

Ang natatanging sibilisasyon mula sa Ehipto, Gresya, Roma at Tsina ay binigyang


daan sa pamamagitan ng iskrip.

Kung ang globalisasayon ay maituturing na ang ugnayan ng ekonomiya, kultura at


pulitika, masasabing ang iskrip ang mga naisatitik na salita ay maituturing na
pinakamahalagang midyum.

Ang oral na komunikasyon ay umaasa lamang sa memorya ng tao na may mga


pagkakataong salat at hindi perpekto. Ang distansiya at oras ay mahahalagang
salik na nakaaapekto sa pagpapalaganap ng kaalaman.

Sa iskrip ay naiprepreserba nito ang mga kaalaman o konseptong ekonomikal,


pulitikal at kultural. Nagbibigay daan ito sa pagpapalaganap ng mga kaalaman
mula sa isang lugar patungo sa iba at naipasa ito sa mga sumunod na
henerasyon.

PAGLILIMBAG / PRINTING PRESS

60
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Binigyang daan nito ang tinatawag na ebulosyon ng impormasyon at ang
pagbabago sa merkado, negosyo, nasyon, paaralan, simbahan, gobyerno at marami
pang iba.

Sa kasaysayan ng midya at globalisasyon, kinikilala ang malaking ambag ng


paglimbag. Maraming konsepto ang nagumpisa sa paglilimbag. Sa kasalukuyan, madali
nating matutukoy kung bakit.

Naging mas mura ang produksiyon ng mga kopya ng mga dokumento na nagbigay
daan sa pagpapalaganap ng kaalaman sa mga taong nabibilang sa mas mababang
antas ng lipunan

Nabawasan nito ang monopolasyon sa kaalaman na naging bunga ng paghahari ng


ilang monghe at kaparian na unang naging tagapumo sa ibat-ibang sulok ng daigdig

Sa pamamagitan ng limbag mas naging madali ang pagbabahagi ng karanasan ng


mga tao hinggil sa pamumuhay, kultura at paglalakbay mula sa ibat-ibang panig ng
mundo kalaunan, nakilala ng mga tao ang mundo

Ito rin ay humamon sa kapangyarihang pulitikal at pangrelihiyon dahil sa kakayahan


nitong maglahad ng ibat-ibang pananaw hinggil sa mga isyung napapanahon.

ELEKTRONIKONG MIDYA

Nag-umpisa ay elektronikong midya noong ika-19 na siglo.Tinawag itong


electronic media sapagkat ang mga ito ay nangangailangan ng electromagnetic
energy o elektrisidad para magamit.

Klasipikasyon ng Elektronikong Midya

1. Telegraph

61
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
(Samuel F.B.Morse) Naimbento ang telegraph ni
Samuel F. B. Morse. Una itong ginamit noong
1830. Ito ay may kakayahang magpadala ng mga
nakakodang mensahe, maaring dot o dashes o
sa pamamagitan ng elektronikong linya.

2. Telepono
Si Alexander Graham Bell ang unang nakaimbento ng telepono. Naimbento niya
ito noong 1876.

Ito ang kauna-unahang anyo ng elektronikong midya na may


kakayahang maghatid ng mensahe sa pamamagitan ng
salita sa malayong distansiya.

(Alexander Graham Bell)

3. Radyo

Ang radyo ay kasabay na naimbento at


nadebelop noong 1890s. Ito ay unang
tinawag na Wireless Graph noong
1900s. Ang kauba-unahang transatlantic
na tawag ay ginawa sa pamamagitan ng
radyo noong 1927.

4. Pelikula

Ang paggawa ng pelikula ay unang umusbong noong 1870s. The Great Train
Robbery. Ay kauna-unahang pelikula na tumagal lamang ng 1o minuto at may
14 na senaryo o eksena. Ang dalawang pinakamalaking prodyuser ng pelikula sa
mundo ay ang Bollywood at Hollywood.

62
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING

5. Telebisyon

Ang telebisyon ay namayagpag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang


Pandaigdig noong 1920s. Sa maraming iskolar, itinuturing na gintong panahon ng
globalisasyon ang pag-usbong ng telebsiyon.

Ipinahayag ni Marshall McLuhan ang daigdig bilang global village dahil sa


telebisyon.

ANG DIGITAL NA MIDYA

Ang digital na midya ay ang mga elektronikong midya na nakabatay sa mga mga
digital na koda.

Ang kompyuter ang pinakakaraniwang representasyon ng digital midya

63
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING

Ang larawang nasa ibabaw ay mga halimbawa ng mga sinaunang bersyon mg


kompyuter.

Wala nga bang globalisasyon kung wala ang midya?

Sa pinakamaikling pagbubuod, ang relasyon ng globalisasyon sa midya ay malinaw.


Sa bawat panahon oral, iskrip, limbag, elektroniko at digital malinaw na makikita ang
impluwensiya ng midya sa globalisasyon. Mahirap isipin kung paano uusbong ang
globalisasyon na wala ang midya na maituturing na napakahalaga sa buhay ng tao.

GLOBAL IMAGINARY AT GLOBAL VILLAGE

Manfred Steger : Global Imaginary

Ang daigdig ay napagbuklod ng midya di lamang sa pamamagitan ng mga


elektronikong kagamitan kundi maging sa mga kwento, larawan, mito at mga talinhaga
ng buhay na naging mahalaga sa paghubog ditto

Benedict Anderson: Global Imaginary

Ang kaniyang paliwanag ay nakatuon sa pinagmulan ng nasyon at nasyonalismo, kung


paano ang tao, bagamat malayo sa isat-isa ay nasasabing sila ay nasyon. Sinabi
niyang ang nasyon ay ang resulta ng ng tinatawag na imagined community

Ayon sa paniniwala ni Arjun Appadurai, Ang imahinasyon ay hindi isang


mababaw na pantasya lamang kundi isang sosyal na katotohanan.

64
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Samantalang naniniwala naman si Marshall Mcluhan na ang global village o
global na nayon ay magdadala sa mga tao upang maging mas pulido, mas malapit sa
isat-isa, at mas makapamumuhay ng masaya at tahimik dahil na rin sa midya.

Ngunit ito ay seryosong sinalungat ni Wellis Mumford, Isa sa mapangahas na


kritiko ni McLuhan pagdating sa isyu ng global village

Ayon sa kanya ang midya ay nagagamit ng ilang makapangyarihan para sa


kapitalismo, militarismo, kita at kapangyarihan

Ang Midya at ang Globalisasyong Pangekonomiya

Ang midya ay mahalaga sa paglago ng ekonomiyang pandaigdig.

Tunay ngang ang midya ay may malaking ambag sa paglago ng ekonomiya sa


pamamagitan ng paglikha ng kalagayang angkop sa mga kapitalista at sa
pagpapalawak ng pundasyon para sa pandaigdigang ekonomiya.

Makikita ang kontribusyon ng midya sa ekonomiyang pandaigdig sa


pamamagitan ng mga komersyal sa mga radio at telebisyon na may layuning
manghikayat ng mga mamimili na tangkilikin ang isang produkto o serbisyo.

Ang Midya at ang Globalisasyong Pampulitika

Ang esensyal na proseso ng globalisasyon ay makikita sa aspeto nitong political.


Hinubog ng globalisasyon ang mundo ng politika sa napakalawak na perspekto. Ito
ang nagbigay daan sa pagbuwag ng mga kaharian at imperyo. Nagbigay-daan din ito
sa pagbuo ng mga nasyon at estado. At ngayon, may mga nagsasabing pinahihina
nito ang mga bansa sa pagharap ng mga ito sa globalisadong mundo.

Kaugnay nito, nakakabahala ang napaparaming bilang ng mga tagapagbalitang


namamatay na hindi nakakamtan ang hustisya. Sa tala ng Komite na Nagproprotekta
sa mga Tagapagbalita (Committee to Protect Journalists o CPJ), mababa sa 15% ng
mga naitalang pagpatay sa mga tagapagbalita ang naresolba. Sa ganitoy
nagugupong ang kanilang tinatawag na boses ng masa. Ang Mexico, Russia at
Pilipinas ang may pinakamaraming naitalang karahasan kaugnay ditto. Sa Mexico,

65
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
target ng mga cartel ng droga ang mga tagapagbalitang nangangahas magbalita ng
kanilang mga ilegal na ginagawa. Sa Russia, ang mga tagapagbalita na tutol sa
separatistang pagkilos ay tinutugis na parang mga hayop. Satin sa Pilipinas, ang mga
nangangahas magulat tungkol sa korupsyon sa politika ay gayon din ang sinasapit.

Ang paggawa ng mga polisiya, ayon sa mga eksperto, ay binubugso ng ibat-


ibang salik, at ang balit ay kadalasang walang halaga o epekto sa mga desisyon ng
mga gumagawa ng batas. Ang totoo, sa panahon ng globalisasyon sa pulitika: ang
gobyerno ang gumagawa at nagmamanipula ng mga balita. Ito ang isa sa mga totoo
at punong mukha ng midya at globalisasyong pampulitikal.

Ayon sa mga balita, hindi lamang tumatanggap ng mga lagay ang mga
tagapagbalita at ang mga opisina ng mga tagamidya ay tumatanggap ng mga biniling
material na tinatago sa tawag na balita, bagkus at madalas, ang mga tagapagbalita at
kanilang mga editor ay ang mga salarin, nanghuhuthot ng pera para sa paglathala ng
mga paborbleng mga balita o hindi paglathala ng mga balitang makakasira. Sa
Aprika, ang tawag nila dito ay: brown envelope journalism.

Ang makabagong midya ay tunay na nakakapagpakomplikado sa pulitika. Ang


makabagong mga midyang ito ay may mga pagkakakilanlan mobile, interaktibo,
diskursibo at partisipatibo na may dramatikong implikasyon sa pulitika. Dahil sa
mababang halaga at dali ng paglathala ng mga teksto, larawan, video, musika at iba
pang materyal sa internet, pinahihintulatan ng digital na midya ang maraming kuro-
kuro na maaring makapagbigay-hamon sa mga napapanahong mga isyu-pulitikal lalo
na tungkol sa kapangyarihan.

Ang Midya at ang Globalisasyong Kultural

Sa tulong ng mga pahayagan, magasin, pelikula, palatastas, telebisyon, radyo,


internet at iba pang uri ng midya, ang midya ang nakakagawa at nakakpagpahayag ng
mga produktong pangkultura, mula mga kantang pop hanggang mga sikat na pelikula.

66
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Ang Kultural na pagkakaiba ay nagsusuhistyong ang mga kultura ay iba-iba,
matibay at matatag. Ang pagkakaiba-iba ng mga kultura ay magpapatuloy sa kabila ng
globalisasyon at ang mga naabot ng kulturang Amerikano o Kanluranin. Ito ay isang
signus para sa globalisasyon ng panahong ito kung saan maaring magkabungguan
ang mga kultura habang patuloy na pinagiisa ang mga ito ng globalisasyon.

Ang Pagiisang Kultura ay nagsusuhistyong magbubunga ang globalisasyon ng


pagkakapareho ng mga kultura. Isang global na kultura, kung saan
pinangangambahang ang kultura ng Amerika ang syang mangingibabaw sa lahat ng
kultura at magbubunga ito ng pagkawala ng pagkakakilanlan ng ibat-ibang kultura.
Para sa iba, ito ang tinatawag na Imperyalismong Kultural kung saan ang mga kultura
ng mauunlad na mga bansa ang susukob at mangingibabaw sa kultura ng mga
papaunlad o hindi mauunlad na mga bansa.

Sa paglago ng ideya ng globalisasyon ng mga kultura, ang mundo ay nakabuo


ng isang termino para dito glokalisasyon, kung saan ang midya at globalisasyon ang
batayan ng mga lokal na kultura. Subalit, ang lokal na kultura ay hindi permanente.
Hindi din ito mahina o nangangambang magkaroon ng ugnayan sa labas ng saklaw
nito. Sa halip, sinasabing ang lokal na kultura ay palagiang nabubuo, nagaampon,
sumusuko, nagpapawalang-bisa o nakikipagnegosasyon sa mga katotohanang global
at lokal kada araw. Ang lokal na kultura ay nagbabagong-bihis kada araw sa isang
globalisadong mundo.

V. EBALWASYON/PAGTATAYA:

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na mga gawain at katanungan. Isulat sa


malinis na papel ang inyong kasagutan.

1. Pagkakaiba at Pagkakatulad- Global Village ayon kina Macluhan, Mumford at


ang iyong sariling pagkakaunawa. Itala sa loob ng kahon ang mga sagot.

Global Village: Mcluhan Global Village: Mumford Sariling Opinyon

67
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
Pagkakaiba:

Pagkakatulad:

2. Itala ang mga Positibo at Negatibong epekto ng midya sa globalisasyon.

Positibong Epekto ng Midya Negatibong Epekto ng Midya

3. Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan.

a. Para sa iyo, naging makatotohanan ba ang paniniwala ni Mcluhan tungkol


sa global na nayon? Patunayan.

b. Sa paanong paraan mapapanatili at mababantayan ang kalayaan ng


mamamayan sa pagsasalita, demokrasya at hustisya sa loob ng estado
kung hindi na mapipigilan ang pag-unlad at paglawak nang sakop ng
global midya? Ipaliwanag at magbigay ng halimbawang sitwasyon at
pagpapatibay.

c. Bakit mahalaga ang midya sa mga sumusunod na paksa? Ipaliwanag isa-


isa.
1. Ekonomiya
2. Pulitika

68
CHED FACULTY TRAINING FOR THE TEACHING OF THE NEW GENERAL EDUCATION(GE)
CORE COURSES: SECOND GENERATION TRAINING
3. Kultura

VI. MGA SANGGUNIAN:

Lule, J (2012) Globalization and Media: global Village of Babel. New York:
Rowman and Littlefield.

McChesney, RW (2010) The media system goes global in: Thussu DK (ed.)
International Communication: A Reader. New York: Routledge, pp188-
220

Rantanen, T (2005)The Media and Globalization. Thousand Oaks, CA: Sage

Ristow, B (2010) Cash for coverage: Bribery of journalists around the world.
Center for Media Assistance. Available at
www.cima.ned.org/publications/research-reports/cash-coverage-bribery-
journalists-around-world (accessed July 10, 2011).

Steger, M (2008) The Rise of the Global Imaginary: Political Ideologies from
the French Revolution to the Global War on Terror. New York: Oxford
University Press

Taylor, PJ (2000) Izations of the world: Americanization, moderniation and


globalization. In: hay C and Marsh D (eds) Demystifying Globalization.
New York: St. Martins, pp 49-70.

69

Das könnte Ihnen auch gefallen