Sie sind auf Seite 1von 6

I.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


A. Naibibigay ang mga susing salita batay sa ipinakitang larawan gamit ang HuLarawan
B. Natutukoy ang kasingkahulugan ng salitang nakaguhit batay sa konteksto ng
kabanata
C. Naisasalaysay ang pangyayari sa kabanata sa tulong ng mga gabay na tanong gamit
ang TrenTuhan
D. Nakapagsasagawa ng presentasyon ukol sa kabanatang tinatalakayan
E. Naibabahagi ang kanilang nalaman, nadama at pangako sa sarili matapos talakayin
ang kabanata gamit ang Hugutin mot Pangatawan
II. Paksa: Kabanata 1: Ang Pagtitipon
Sanggunian: Obra Maestra nina Lourdes L. Miranda at Mercedes DL. Tulaylay

III. Mga Kagamitan Pampagtuturo:


Laptop
Projector
Mga Pantulong na Biswal

IV. PROSESO NG PAGKATUTO

A. PANIMULANG GAWAIN
Magpapakita ang guro ng apat na larawan at ibibigay ng mga mag-aaral ang kanilang
intereptasyon batay sa mga nakitang larawan gamit ang HuLarawan.
Mga Gabay na Tanong:
1. Ikaw bay nakadalo na sa mga nabanggit na okasyon? Ibahagi ang naging
karanasan.
2. Ano-ano ang pagkakatulad na katangian ng mga okasyong nasa larawan?
3. Sa isang pagtitipon, paano ka kumikilos o ano ang inyong gawi? Mahalaga ba na
maayos ang inyong kilos sa isang okasyon o pagtitipon? Ipaliwanag.

B. PAGLINANG NG TALASALITAAN
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kasingkahulugan ng mga nakaguhit na salita batay sa
konteksto nito sa kabanata. Tandaan na ang mga nasa ilalim na numero ay may kaakibat
na katumbas na letra sa alpabeto.

1. Ipinahahayag ni Kapitan Tiyago na magkakaroon ng isang hapunan sa kanyang


tahanan. (sinabi)
__ i __ a __ i
19 14 2
2. Ang balitang ito ay nakarating sa buong kapaligiran ng Intramuros at lumaganap sa
karatig na Maynila.(lumaganap)
l __ m __ __ a __ ap
21 1 7 14

3. Madaling lapitan si Kapitan Tiyagi lalo na sa panahon ng kagipitan.(kahirapan)


___ a ___ ir __ __ __n
11 8 1 16 1

4. Ang lahat ay nagnanais dumalo sa pagtitipon na inihanda ni Kapitan Tiyago at


makihalubilo sa mga tanyag na tao. (ibig)
___ b ___ g
9 9

C. PAGTALAKAY SA TAMPOK NA TEKSTO


Gamit ang TrenTuhan, isasalaysay ng mga mag-aaral ang pangyayari sa kabanata sa
tulong ng mga gabay na tanong.

Mga Gabay na Tanong:


1. Kailan at ano ang gaganapin sa bahay ni Kapitan Tiyago ? Ilarawan ang tahanan ni
Kapitan Tiyago.
2. Paano sinasalubong ng pinsan ni Kapitan Tiyago na si Tiya Isabel ang mga
dumarating na panauhin? Ano ang dahilan ng kanyang dagling pagkayamot?
3. Ano-ano ang pagkakakilala ni Padre Damaso sa mga Indio? Sino ang hindi kabilang
sa pagiging Indio?
4. Paano ipinakita ang pagtatalo ni Padre Damaso at Tenyente sa Kabanata? At sino
ang namagitan sa dalawang nagtatalo?
5. Ano- ano ang mga nabanggit na pahayag ng Tenyente ukol sa nasawing ama ng
darating na panauhin?

D. PANGKATANG GAWAIN
Unang Pangkat
SimboLatulad
Ihalintulad ang bahay ni Kapitan Tiyago sa bansang Pilipinas bilang simbolismo sa akda.
Magbigay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan na magpapatunay ng sagot ng inyong
pangkat. Iguhit ang pakiwaring bahay ni Kapitan Tiyago at ang bansang Pilipinas.
Pamantayan Bahagdan
Nilalaman 35%
Presentasyon 25%
Pagkamalikhain 25%
Kaisahan ng Pangkat 15%
Kabuoan 100%

Ikalawang Pangkat
Pares Kubyertos
Gamit ang binigay na makukulay na papel na magsisilbing biswal na pantulong. Mag-isip
ang pangkat ng dalawang isyung panlipunan na lumitaw sa kabanatang tinalakay at
iugnay ito sa kasalukuyang isyung panlipunan. Halimbawa ang kutsara ay magsisilbing
isyung panlipunan na lumitaw sa akda at ang tinidor naman ay ang kaugnay na isyu sa
kasalukuyan. Maging tiyak sa isyung babanggitin.
Pamantayan Bahagdan
Nilalaman 35%
Presentasyon 25%
Pagkamalikhain 25%
Kaisahan ng Pangkat 15%
Kabuoan 100%
E. SINTESIS
Bubunot ang mga mag-aaral sa lalagyan na pinamagatang Hugutin mo at Pangatawan
at dapat nila ito dugtungan ng kanilang mga natutuhan, naramdaman at aksyon na
maaring gawin matapos talakayin ang kabanata.

Nalaman ko na

Nakadama ako ng

Ipinapangako ko sa sarili na

F. PAGTATAYA
Panuto: Gumawa at ipahayag sa maikling facebook status ang pahayag ni Padre Damaso
ukol sa mga Pilipino na hamak na Indio na mangmang at hindi nakakatulong sa pag-
unlad ng bayan. Bilang isang mag-aaral na Pilipino, ikaw bay sumasang-ayon o
sumasalungat? Pangatwiranan.

KASUNDUAN
1. Basahin at unawain ang ikalawang kabanata na pinamagatang Si Crisostomo
Ibarra.
2. Paano ipinakilala ni Ibarra ang kanyang sarili?
3. Maghanda para sa panibagong talakayang bukas at pagbabalik aral.
St. Marys Academy
525 Padre Burgos Street, 59 Zone 7, Pasay City
Kagawaran ng Filipino

BANGHAY ARALIN SA
FILIPINO 9
NOLI ME TANGERE
KABANATA 1- ANG PAGTITIPON

Inihanda ni:
ROFER A. ARCHES

Iniharap sa:
KAGURUAN NG ST. MARYS ACADEMY

Das könnte Ihnen auch gefallen