Sie sind auf Seite 1von 1

Ralph Joseph Sandoval BA -2 FIL 11 AY01

Halimbawa ng Parabula
Ang Aso at ang Ibon
Isang araw, ang aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang
munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan, Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit.
Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod- lakas.
Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapa-aalis ng kanyang bikig. Parang
namamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang
anumang mayroon siya sa makapag aalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.
Tumihaya na ang aso at ibinuka ang kanyang bunganga. Ipinasok naman ng pusa ang kanyang
ulo hanggang leeg upang alisin ang bikig. Pagkabunot ng bikig, ang pusa ay nagsalita, "Akin na
ang aking gantimpala." Umuungol ang aso. Inilabas ang matatalim na pangil. "Magpasalamat
ka, at naipasok mo ang iyong ulos sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi
napahamak", wika ng aso na waring nanunumbat.

Das könnte Ihnen auch gefallen