Sie sind auf Seite 1von 3

Name: Ma.

Ellah Patricia Gutierrez Section : 1C- BC

Student No. 2015084834 Date: November 18,2015

Si Rizal ay isa sa mga nag sulong ng Propaganda Movement. Sya ang nangungunang
propagandista. Gustong gawing mapayapa ni Rizal ang reforma sa Pilipinas dahil kung
gagamitan ito ng rebulosyon ng hindi pa handa ang Pilipinas ay mabibigo lang angPilipinas sa
inaasam nitong reforma.

Ginamit ni Rizal ang kanyang liberal na ideya. Ipinabatid nya ito sa atin sa pamamagitan ng
knayang mga nobela, na tumatak sa bawat Pilipino. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay
sumasalamin sa mga Espanyol na namumuno sa Pilipinas at sa mga Pilipino. Maraming
natanggap na reaksyon ang mga nobela ni Rizal. May maganda at sumasang ayon ngunit hindi
pa rin talaga mawawala ang mga babatikus dito. Pero hindi lang ang dalawang nobela ni Rizal
ang nakikila pati ang pag anota nya sa nobelanng Sucesos de las Islas Filipinas na nag papakita
ng mga kultura at ka ugaliang Pilipino. Itinama ni Rizal ang mga maling impormasyon na nasa
libro.

Lumaban si Rizal sa mga espanyol hindi gamit gamit ang pag danak ng dugo, ngunit ginamit
nya ng pagdanak ng tinta sa bawat pirasong papel kasama ang kanyang walang kapantay na
katalinuhan. Yan na nga ang mga libro ni Rizal. Noong una a nahirapan sya kung . paano ito
iimprinta dahil nga sa kakulangan nya sa pera. Laking pasalamat ni Rizal kay Dr. Maximiano
Viola at Valintin Ventura natulong sa kanya sa pag papalimbag ng kanyang mga nobela.

Kagaya nga ng aking inilahad kanina, marami ang pumuna sa mga nobela ni Rizal. Syempre
ang unang bumatikos dito ay mga prayle na kung iyo namang talagang titiganan ay
napakasama sa mga nobela ni Rizal at syempre ang mga Espanyol na sya namang natalagang
pinapatamaan ni Rizal. Ito ay ipinagbawal na basahin sa kahit ano mang lenggwahe at kahit na
sa anong paraan. Ang mga kritisimo ay nagbigay sa kanya ng mga kaaway.

Maaring marami ang nagising sa ginawang mga nobela ni Rizal ngunit marami din ang lalo na
ang mga Espanyol. Dahil maaring ang mga nakabasa ng mga nobela ni Rizal na namulat na as
katotohanan ay maaring magkapit bisig at manlaban na sa mga Espanyol.

Hindi nag tagumpay ang kilusang propaganda dahil sa dami ng mga progandistang namatay,
kasama na dito si Rizal na pinapatay sa Bagumbayan ng mga Espanyol dahil nga hindi nila
nagustohan ang pambabatikus na ginawa nya sa mga prayle at Espanyol..
Sa pagkamatay ni Rizal doon na rin natapos ang kilusang propaganda at doon na nga nag
simula ang Katipunan.

Ito ay mahahalintulad ko sa ginawang nobela ni Rizal Ang Noli at El Fili. Sa una, ang kukuhanin
sa pakiusapan pero kung hindi na kuha sa pakiusapan at dapat ng kuhanin sa maduguang
rebulusyon.
Reference:

(https://sinobasijoserizal.wikispaces.com/Rizal+sa+Dapitan) Sino nga ba si Rizal?. Rizal sa


Dapitan.

http://www.joserizal.ph/pr01.html. Rizal and the Propaganda Movement.

Nicole Bagon. Ang Talambuhay ni Dr. Jose Rizal. Mga Akda. 2013

Jei De Luna. Propaganda Movement (Jose Rizal) . 2011

Das könnte Ihnen auch gefallen