Sie sind auf Seite 1von 4

Maranatha Christian Academy

Bay, Chapter

Ang Konsepto ng Kakapusan at Kakulangan


at ang Kaugnayan nito sa pang araw-araw
na pamumuhay
Kakulangan
Ang kakulangan ay nagaganap sa maikling panahon lamang at nagpapakita ng
sitwasyon na ito ay pansamantalang hindi natutugunan.
Nangyayari ito kapag bumabagal ang produksyon na maaaring dulot ng ibang
pangyayari.

Iba pang kahulugan:


Ito ay ang panandaliang kawalan o hindi kasapatan ng pangangailangan.
Ito ay kadalasang likha o gawa ng tao at madali lang lutasin.

Madalas magkaroon ng kakulangan sa bigas dahil sa tinatawag na hoarding.

Ano ang hoarding?


Ito ay ang pagtatago ng mga produkto na nagiging dahilan ng pagkukulang ng
supply ng mga ito sa pamilihan.
Ilalabas lamang nila ang mga supply kapag sobrang kaunti na lamang ang
produktong iyon at ibebenta ito sa mataas na halaga.

Iba pang halimbawa:


Inaasahan na sapat na ang magiging produksyon ng bigas subalit bago pa
anihin ang palay ay nagkaroon ng bagyo na sumira sa mga tanim. Dulot
nito, hindi mangyayari ang inaasahan na masaganang ani o sapat na suplay
ng bigas kundi magkakaroon at magdudulot ng kakulangan.

Kakapusan:
Isang problema hinggil sa ekonomiya ng pagkakaroon ng walang hangganang
pangangailangan sa mundong mayroong limitadong likas na yaman.
Itoy matinding sitwasyon na nagaganap kapag walang hilaw na materyales na
magagamit para sa produksyon.

Halimbawa:
Dahil sa dynamite fishing, namamatay at nadadamay ang mga maliliit na
isda na nagdudulot ng kakapusan. Marahil ngayon ay madami tayong
mahuhuling isda, ngunit pagdating ng panahon, halos wala na tayong
makukuhang lamang dagat.
Maranatha Christian Academy
Bay, Chapter

Mga Batayang Suliraning Ekonomiko


1. Ano-ano ang gagawing produkto at paglilingkod at gaano karami ang ipo-
prodyus?
Hindi sapat ang kakayahan ng isang bansa upang iprodyus ang lahat ng
kailangan ng kanilang mamayaman. Dahil dito, nagkakaroong ng ibat-ibang batayan sa
pagpapasiya kung ano at gaano karami ang gagawin.
A. May sapat ba na likas na yaman na kailangan para sa produksyon?
B. Ano ang patakaran ng pamahalaan sa umiiral na sistemang pang-ekonimiya?

2. Paano ipo-prodyus ang mga produkto at paglilingkod?


Laging nababanggit na hindi sapat ang mga hilaw na materyales.
Kaugnay nito marami ang naghahanap ng paraan upang higit na mapabilis ang
produksyon. Ang produksyon ay magawang mapabilis sa pamamagitan ng paggamit
ng makabagong teknolohiya.

3. Para kanino ang gagawing produkto at paglilingkod?


Dahil sa ibat-ibang pangangailangan ng mga tao, nagiging mahalaga
ang gampanin ng alokasyon sa suliranin na ito. Naibabahagi ang produkto at
paglilingkod sa higit na nangangailangan at ayon sa dami ng kinakailangan ng isang
tao o pamilya.
Maranatha Christian Academy
Bay, Chapter

References:
https://prezi.com/2zxvqfks7tjf/kakapusan-at-kakulangan/
http://www.slideshare.net/arjoiec_proctan/kakapusan-at-kakulangan
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_hoarding
Module: Araling Panlipunan (pahina 22-23)
Maranatha Christian Academy
Bay, Chapter

Das könnte Ihnen auch gefallen