Sie sind auf Seite 1von 1

Ang teorya ay nakakatulong upang lubos na mauunawan ang mga konsepto sa proseso ng diskurso.

Maari rin itong magsilbing salalayan sa paggawa ng desisyon tungkol sa mga sitwasyong pandiskurso.
Gayunman, katulad ng bawat tao, walang teoryang perpekto dahil ang bawat isa ay may kanya kanyang
kahinaan at kalakasan. Kailangan pa rin ang masusing pag aaral sa teorya upang makilatis ito ng lubusan.

I. Diskusyon

Mga Teorya

1. Teoryang Pragmatiks

Ang pragmatiks ay sangay ng lingguwistika na mauugatang etimolohiya sa matandang sibilisasyon ng


mga Griyego at Romano kung saan itinuring na unang natagpuan ang salitang "pragmaticus" sa wikang
Latin at "pragmaticos" naman sa wika ng mga Griyego, na ang ibig sabihin ay pagiging praktikal.

Ayon sa pananaliksik ni Andriano Balagot (2011), bilang larangan ng maagham na pag aaral sa wika, tuon
ng pragmatiks ang pag-aaral kung paanong lumilikha at nauunawaan ang pahayag sa isang konkretong
sitwasyon ng pag uusap. Tumutukoy ito sa dalawang pangunahing punto ng pahayag : una, ang
kalagayang imformatib o pagtukoy sa taglay na kahulugan ng pangungusap at ikalawa, ang
pangkomunikatibong layon o nais na ipahiwatig ng nagpapahayag.

Malinaw batay sa mga nabanggit na ang teoryang pragmatiks ay nakatuon sa praktikal na gamit ng
pahayag kung saan isinasaalang-alang ang kakayahan sa pag unawa at

Das könnte Ihnen auch gefallen