Sie sind auf Seite 1von 41

PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ang pinakauna sa serye ng mga kagamitang pampagtuturo na binuo
ng NCCA Task Force Philippine Cultural Education Program upang tugunan ang
pangangailangan ng dumaraming bilang ng mga paaralang katuwang ng sa implementation ng
Graduate Diploma in Cultural Education. Binalangkas ng Task Force PCEP ang mga modyul
bilang saligan sa mga guro ng GDCE, at upang magkaroon ng kaisahan sa minimum na
kahingian ng mga kurso. Ibig sabihin, may laya ang mga guro na dagdagan at higit pang
payamanin ang mga kurso nang hindi nasasakripisyo ang batayang nilalaman.

Ang PEDAGOGY OF CULTURAL EDUCATION ang nagsisilbing panimula at pundasyon


ng 24-unit na Graduate Diploma in Cultural Education at kinukuha sa unang bahagi ng
programa, o kung tawagin ay Level 1. Sa kursong ito binabalikan ang mga pundamental na
konsepto na tuntungan ng lahat ng kurso ng GDCE. Bagamat hindi pa itinuturing na pre-
requisite, mas mainam pa rin kung ito ang pinakaunang kursong kukunin ng mga guro-mag-
aaral.

May tatlong bahagi ang kurso:

1. Ang mapanuring pagbabalik-tanaw sa konsepto ng kultura at pagsipat sa kulturang


Pilipino gamit ang mga katutubong pananaw na nagmula sa pananaliksik ng mga
Pilipinong iskolar.

2. Ang pagtalakay sa mga katangian, pagpapalagay at layunin ng edukasyong kultural sa


konteksto ng sistema ng edukasyon ng Pilipinas.

3. Ang pag-unawa sa katangian ng mga mag-aaral ng kasalukuyang panahon at ang mga


angkop na dulog, lapit, simulain at metodolohiya batay sa katangian at layunin ng
edukasyong kultural.

Ganito rin ang pagkakahati ng modyul. Ang bawat bahagi ay binubuo ng pagtalakay sa
paksa at mga gawaing paglinang. Tinipon ng mga manunulat ang ibat ibang lathalain,
pananaliksik at mga lektura sa mga sanaysay na nagsisilbing panimulang pagtalakay sa paksa.
Sa dulo ng bawat pagtalakay ay may talaan ng mga batis na maaring sangguniin ng mag-aaral,
sakaling nais niyang magpalalim ng pagbatid sa paksa. Nagtatapos naman ang bawat bahagi
sa mga mungkahing aktibidad at/o palihan na magbibigay-puwang sa mas aktibong paglahok
ng mag-aaral sa kanyang pagkatuto.

Ang modyul na ito ay nakabatay sa silabus na binalangkas ng mga guro ang program
directors ng GDCE sa serye ng mga workshop na pinangasiwaan ng Task Force PCEP mula
2010 hanggang 2013, kung kayat masasabing ito ay pagsasaligsig at paglalangkap ng ideya at
karanasan mula sa ibat ibang pamantasang katuwang ng NCCA-PCEP.

Lubos naming pahahalagahan ang mga puna at mungkahi para sa higit na


pagpapaunlad ng modyul na ito at ng kabuuang pagpapatupad ng Graduate Diploma in Cultural
Education.

Pedagogy of Cultural Educatio n |1


PAGLALARAWAN NG KURSO

Ang PEDAGOGY OF CULTURAL EDUCATION ay nagtutuon ng pansin sa pag-aaral at


pagtuturo ng kultura sa ibang ibang asignatura ng kurikulum ng batayang edukasyon sa
pamamagitan ng mga dulog na interdisiplinari at maka-mag-aaral. Nililinang ng kurso ang
mapanuring pag-unawa sa kulturang Pilipino bilang pamanang kalinangan na tumitiyak sa
dangal at kagalingan ng mga Pilipino.

LAYUNIN NG KURSO

Sa pagtatapos ng kurso, ang mga guro-mag-aaral ay inaasahang

1. makapagbuo ng repleksibong pag-unawa sa sariling kultura at pananaw sa daigdig


(worldview)
2. makapagpamalas ng pag-unawa, kasanayan at kakayahang magsuri ng mga araling
kanilang itinuturo gamit ang perspektibang Pilipino
3. makapagpamalas ng pagtangi sa kultura at kasaysayan ng kanyang pamayanan bilang
bukal ng pagkatuto
4. makapagtukoy ng mga halimbawa ng kultura at kasaysayang lokal na maaring magamit
sa pagtuturo ng mga itinakdang kompetensi ng Kurikulum ng Batayang Edukasyon / K-
12.
5. makapagbuo ng balangkas ng aralin gamit ang metodolohiyang angkop at ayon sa
dulog at layunin ng edukasyong kultural.

KREDIT: 3 YUNIT

BLG NG ORAS: 54 ORAS (9 oras x 6 na araw)

KAHINGIAN NG KURSO:Kritiko (50%), Gawaing pangkatan at pag-uulat (30%), Dyornal (20%)

Pedagogy of Cultural Educatio n |2


DISENYO NG KURSO

Ang mga kurso ng GDCE ay idinadaos tuwing Abril hanggang Mayo ng bawat taon. Ito
ang pinakamainam na panahon upang makapokus ang mga guro-iskolar sa gawaing
akademiko dahil hindi sila nakatali sa gawaing pagtuturo at iba pang tungkulin sa paaralan.
Sapagkat maiksi lamang ang panahong ito, intensibo ang pamamaraan ng implementasyon ng
mga kurso. Ang bawat isang kurso na may tatlong (3) yunit ay kukunin sa loob ng anim na
araw, at sa bawat araw ay may nakalaan na 9 na oras para sa mga lektura, palihan,
pananaliksik, pagsasaliksik, lakbay at iba pang uri ng gawain, upang mabuo ang kahingian na
54 oras.

ARAW GAWAIN BLG NG BABASAHIN OUTPUT


ORAS
1 Oryentasyon 1
Lektura: ANO ANG KULTURA? 4 Ingles, E.
(2013)
Gawaing Pangkat: KULTURA SA PANG- 1
ARAW-ARAW NA BUHAY
Pag-uulat: KULTURA SA PANG-ARAW- 2 Ulat ng Pangkat
ARAW NA BUHAY
Pagsusulat ng Dyornal 1 Dyornal
2 Lektura: ANG KULTURANG PINOY SA 4 Ingles, E.
SIPAT NG PINOY: MGA (2013)
PERSPEKTIBANG KATUTUBO SA PAG-
UNAWA NG KULTURA AT KASAYSAYAN
Tambalang Pananaliksik sa Filipiniana 4 Pagsusuri sa
Section ng Aklatan: SIPAT PINOY BA? aklat
Pagsusulat ng Dyornal 1 Dyornal
3 Lektura: ANG EDUKASYONG KULTURAL 4 Palis, R.
(2013)
Gawaing Pangkat: PAGSUSURI SA MGA 2
ARALIN/KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
Pag-uulat: PAGSUSURI SA MGA 2 Ulat ng Pangkat
ARALIN/KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
Pagsusulat ng Dyornal 1 Dyornal
4 Lektura-Palihan : KATANGIAN NG MAG- 4 Magno, O.
AARAL SA KASALUKUYANG PANAHON (2013)
Lektura-Palihan: INOBATIBONG LAPIT 4 Magno, O.
SA EDUKASYONG KULTURAL (2013)
Pagsusulat ng Dyornal 1 Dyornal
5 Lektura-Palihan: ANG 4 Magno, O.
PAGBABALANGKAS NG UBD PLAN SA (2013)
KONTEKSTO NG EDUKASYONG
KULTURAL
Pag-uulat 4
Pagsusulat ng Dyornal 1 Dyornal
6 Pagbubuo ng Kritiko 9 Kritiko

Pedagogy of Cultural Educatio n |3


UNANG BAHAGI
KULTURA:
Kahulugan, Saklaw, Konteksto, Pagtanaw at Pagpapalaganap
ni Elmar Beltran Ingles

Ano ang Kultura?

Maraming katawagan, kahulugan, at gamit ang salitang kultura ayon sa ibat-


ibang tao, lipunan, panahon at konteksto.

Ang batikang Romanong mananalumpating si Cicero ang unang gumamit ng


konseptong cultura animi hanggang tuluyan itong lumaganap sa Europa noong
ikalabingwalong siglo bilang patungkol sa proseso ng pagpapayabong o pagpapabuti,
gaya ng gamit nito sa agrikultura o hortikultura. Sa pagdating ng ika-19 siglo, lumawak
ang kahulugan ng kultura bilang katawagan sa pag-unlad o pagpapabuti ng tao sa
pamamagitan ng edukasyon. Ginamit din itong pantukoy sa pangkalahatang kakayahan
ng tao.

Sa pagpasok ng ika-20 siglo, lumutang ang pakahulugan sa kultura bilang buod


na konsepto sa antropolohiya na sumasaklaw sa mga pantaong kaganapan na hindi
maibibilang sa minanang genetiko (genetic inheritance). Dalawa ang naging
pakahulugan nito sa Antropolohiyang Amerikano: (1) ang kakayahan ng maunlad na tao
na mag-klasipika at kumatawan sa mga karanasan gamit ang mga simbolo, at
makagawa ng makathain at malikahing pagkilos; at (2) ang mga natatanging
pamamaraan ng mga tao sa ibat-ibang panig ng mundo na mag-klasipika at kumatawan
sa kanilang mga karanasan, at ang kanilang
mga malikhaing pagkilos.

Sa kasalukuyan, magkaiba ang


pagpapalagay sa mga pisikal na bagay
(artifacts) na nililikha ng lipunan at sa mga di-
natitinag na manipestasyon nito. Ang una ay
tinatawag na kulturang materyal (material
culture) at ang pangalawa ay tinaguring
intangible culture.

Sa ating mga Filipino, ilan sa mga


sinasabing kahulugan o katumbas na salita
ng kultura ay ang mga sumusunod: sining, kabihasnan o sibilisasyon, pamumuhay at
kagawian.

Pedagogy of Cultural Educatio n |4


Mahalagang linawin, lalo na sa mga guro, na ang mga nabanggit na katawagan
ay bahagi lamang ng malawak na kahulugan ng kultura. Ngunit walang isa man sa mga
nabanggit ang nagbibigay ng ganap na kahulugan sa salitang kultura.

Ang Sining

Ang sining ay ang


malikhaing pagpapahayag o
ekspresyon ng kultura. Sa
Kanluraning kultura, ang
sining ay binubuo ng mga
sumusunod na anyo:

1. sining pantanghalan
(performing arts)
kasama ang drama
o teatro, sayaw at
musika;

2. sining biswal (visual arts) sa anyong dalawa o tatlong dimensyon gaya ng


pagguhit o pagpipinta, iskultura, instalasyon, samut-saring midya (mixed media),
sining-limbag (printmaking), disenyong grapiko, komiks at potograpiya;

3. brodkast kabilang ang telebisyon at radio;

4. arkitektura na tumutukoy sa mga itinayong istruktura (built environment);

5. panitikan kabilang ang tula, kuwento, nobela, dula, sanaysay at iba pang uri ng
prosa; at

6. pelikula o bidyo kabilang ang mga sineng komersyal na may ganap nah aba at
mga maiikling pelikulang eksperimental o indie sa kasalukuyang katawagan..

Sa Pilipinas, kasama rin sa mga anyong sining ang mga likhang-kamay


(handicrafts) gaya ng paghahabi, pagtataka, paghuhulma, pagdisenyo at paggawa ng
mga metal, kasangkapan sa bahay, alahas, at iba pa. Sining ang proseso at likhang-
sining ang produkto.

Konsepto ng Kabihasnan

Ang kabihasnan o sibilisasyon ay tumutukoy sa pag-unlad ng katauhan at


kapaligiran sa isang tiyak na panahon. Kasama rito ang mga kinapaloobang proseso ng
pamumuhay at mga institusyong nabuo ng tao gaya ng mga sistema ng pamamahala,
Pedagogy of Cultural Educatio n |5
hustisya, edukasyon at pagkakatuto, pangangalakal at pananalapi, komersyo at
kabuhayan, mga kasunduan at paniniwalang pangkomunidad, mga batas at alituntunin,

Pamumuhay at Kagawian

Sa kabilang dako, ang


pamumuhay at kagawian ay
mga pamamaraan at
nakagisnang mga tradisyon
sa araw-araw na pag-iral at
pakikisangkot sa pag-unlad ng
isang komunidad. Kasama rito
ang mga uri at pamamaraan
ng hanapbuhay, mga
paniniwala sa buhay at pag-
iral, at mga gawaing
nagtatampok sa mga
paniniwala, pagpapahalaga at
pananampalataya. Ang pamumuhay at kagawian ay umuusbong mula sa
pakikisalamuha o interaksyon ng mga tao sa lipunan.

Ano ngayon ang maituturing na ganap na kahulugan ng kultura?

Ang Kultura at Pagsusulong ng mga


Polisiyang Pangkultura Ayon sa UNESCO

Noong 1982, sa pagtatapos ng World Conference on Cultural Policies sa Mexico


City, inihayag ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization
(UNESCO) ang opisyal na kahulugan ng kultura:

Sa pinakamalawak na pakahulugan, ang kultura ay maituturing na


ngayong kabuuan ng mga natatanging espirituwal, materyal,
intelektuwal, at emosyonal na mga katangiang kumakatawan sa sa
isang lipunan or grupong panlipunan. Kabilang dito hindi lang ang sining
at panitikan, kundi maging pamamaraan ng pamumuhay, ang mga
batayang karapatang pantao, mga pagpapahalaga, tradisyon at
paniniwala; Ang kultura ang nagbibigay sa tao ng kakayahang magnilay
sa sarili. Ginagawa tayong tao ng kultura, mga makatuwirang nilalang na
may kritikal na pagpapasya at paninindigang moral. Sa pamamagitan ng
kultura, nasusuri at nakakapili tayo ng mga pagpapahalaga bilang tao.
Kultura ang nagbibigay sa atin ng kakayahang ipahayag at kilalanin ang
sarili, matanggap ang mga pagkukulang, masuri ang mga nakamit na
tagumpay, magsikhay humanap ng mga bagong kahulugan at lumikha
upang malagpasan ang mga pagkukulang. (1982:Mexico Declaration).

Pedagogy of Cultural Educatio n |6


Ilan pa sa mga mahahalagang isyung pinagkasunduan at bingyang-pakahulugan
bilang mahahalagang elemento ng anumang pangkulturang polisiya ang mga
sumusunod: pagkakakilanlang pangkultura (cultural identity), pangkulturang dimensyon
ng kaunlaran (cultural dimension of development), kultura at demokrasya (culture and
democracy), pamanang pangkultura (cultural heritage), mga likhang artistiko at
intelektuwal (artistic and intellectual creation) at edukasyong pansining (arts education),
relasyon ng kultura sa edukasyon, agham at komunikasyon (relationship of culture with
education, science and communication), pagpaplano, pamamahala at pagpondo ng
mga gawaing pangkultura (planning, administration and financing of cultural activities),
at pandaigidigang pagtutulungang pangkultura (international cultural cooperation).

Ipinapahayag din ng Deklarasyon na may karapatan ang lahat na makibahagi sa


pangkulturang buhay at magpakaligaya sa sining. Ito ay upang magbukas ng mga
bagong daluyan ng demokrasya sa pmamagitan ng pantay na oportunidad sa kultura.

Mahalaga ang Deklarasyong Mexico dahil sa pagpapalawak nito ng konsepto,


kahulugan, at mga pamamaraan sa pagpapaunlad ng sining, kultura at pamanang
bayan. Binigyang-diin din nito ang pangangailangang ipagitna ang mga pananaw na
pangkultura sa paghubog ng mga polisiya tungkol sa pag-unlad. Dahil sa
pagpapahalaga nito sa mga usapin ng pagkakakilanlang pangkultura, pluralism, at
pantay na respeto sa ibang kultura, pinatunayan nito na ang pagpupunyagi sa mga
gawaing pangkultura ay nakapag-aambag sa paglaya ng sangkatauhan.

Iba Pang mga Kahulugan at Konteksto ng Kultura

Sa disiplina ng antropolohiya, binibigyang kahulugan ang kultura bilang kabuuan


ng natutunang disenyo ng pag-aasal ng tao. Sa kanyang aklat na Primitive Culture na
unang nalimbag noong 1871, sinabi ng Ingles na antropolohistang si Edward B. Taylor
na ang kultura ay tumutukoy sa complex whole which includes knowledge, belief, art,

Pedagogy of Cultural Educatio n |7


law, morals, custom, and any other capabilities and habits acquired by man as a
member of society." Mula noon, ang kultura ang nagsilbing tutok ng pag-aaral ng
antropolohiya na lalong umusbong sa pagpapakila ng ispesipikong disiplina ng
antropolohiyang pangkultura (cultural anthropology) sa pagtatapos ng ika-19 siglo.

Ang mga sumusunod ay ilan pa sa mga kahulugan ng kultura na halaw sa


internet at iba pang mga artikulo. Paunawa lamang na sa mga sandaling sinusulat
ang sanaysay na ito, kapos ang oras upang alamin kung sino o anong grupo ang
orihinal na nagpalagay ng mga kuro-kuro dahil hindi rin sila binigyan ng kredito sa
mga orihinal na sanaysay na pinagkunan.

Culture is an integrated system of learned behavior patterns that are


characteristic of the members of any given society. Culture refers to the
total way of life of particular groups of people. It includes everything that a
group of people thinks, says, does and makes, its customs, language,
material artifacts and shared systems of attitudes and feelings. Culture is
learned and transmitted from generation to generation.

Culture refers to the cumulative deposit of knowledge,


experience, beliefs, values, attitudes, meanings, hierarchies,
religion, notions of time, roles, spatial relations, concepts of
the universe, and material objects and possessions acquired
by a group of people in the course of generations through
individual and group striving.

Culture in its broadest sense is cultivated behavior; that is the totality of a


person's learned, accumulated experience which is socially transmitted, or
more briefly, behavior through social learning.

Culture consists of patterns, explicit and implicit, of and for


behavior acquired and transmitted by symbols, constituting
the distinctive achievement of human groups, including their
embodiments in artifacts; the essential core of culture
consists of traditional ideas and especially their attached
values; culture systems may, on the one hand, be
considered as products of action, on the other hand, as
conditioning influences upon further action.

Culture is the sum of total of the learned behavior of a group of people that
are generally considered to be the tradition of that people and are
transmitted from generation to generation.

Culture is a collective programming of the mind that


distinguishes the members of one group or category of
people from another.
Pedagogy of Cultural Educatio n |8
Pagtanaw, Lapit at Pagpapakahulugan sa Kultura
Isa sa mga pinakamahalagang kontribusyon ng antropolohiya sa pag-aaral ng
kultura ay ang pagtukoy sa konsepto ng pangloob (emic) at panglabas (etic) na
pagtanaw, lapit at interpretasyon sa kultura.
Ang konseptong pangloob ay tumutukoy sa mga datos, kaalaman, at
interpretasyon na umiiral sa loob ng kultura na hinuhubog ng lokal na kaugalian,
pakahulugan, at paniniwala (Ager and Loughry, 2004: n.p.) na mas sapat na
naisasalarawan ng isang natibo o katutubo ng isang kultura. Sa pananaw na ito, ang
pagsasalaysay ng ugali o paniniwala sa
pamamaraang makabuluhan sa mga katutubo
ang pinakamahalagang batayan kung kaya isang
taong katutubo ng kultura ang naglalahad nito.
Halos lahat ng nagmumula sa kultura ay
maaaring pagmulan ng pangloob na
interpretasyon.
Ang konseptong panglabas ay tumutukoy
sa mga pagpapalagay tungkol sa mga ugali at
gawi ng tao sa isang kultura na maituturing na
pangkalahatang katotohanan at karaniwang nag-
uugnay sa mga kultural na gawain at sa mga katangian nitong kumukuha ng interes ng
mananaliksik, gaya ng mga kondisyong ekonomiko o ekolohikal, na sa pananaw ng
mga kututubo ay maaaring hindi gaanong mahalaga (Morris et al., 1999). Ang
panglabas na interpretasyon ay maaaring gawin ng isang manunuring panglipunan
(social analyst o critic), mag-aaral, o iskolar ng antropolohiya sa pamamaraang walang
pagkiling sa anumang etnosentriko, pulitikal, at/o Kanluraning Kaisipan.
Sinasabing ang kumbinasyon ng dalawang interpretasyon ang makapagbibigay
ng pinakamayamang pananaw tungkol sa isang kultura. Kung tatahak lamang sa
landas na pangloob (emic), ang paglalakbay ay maaring humantong sa pagbibigay ng
sobrang pagpapahalaga sa sariling kultura. Makatutulong ang panglabas na
interpretasyon sa pagpigil sa mga banyagang mananaliksik na bigyang-pansin lamang
ang isang aspeto ng kultura at ilapat ang pananaw iba pang kultura sa mundo.

Mga Kontradiksyon sa Pangloob at Panglabas na Pananaw sa Kultura


Sa panahong lubhang kinagigiliwan ng mga iskolar na Filipino ang mga bagong
pananaw at panukat ng mga teoryang pangkultura, gaya ng modernismo, post-
modernismo, dekonstruksyonismo at mga lapit sa pag-aaral ng kulturang popular,
maigting na isinusulong ng mga makabayang iskolar sa kasaysayan, kultura at sining
ang kaisipang Filipino na nagsusulong ng pananaliksik na nakabatay sa Filipinolohiya at
ang magkakapatid na kilusan ng Sikolohiyang Filipino, Pantayong Pananaw, at
Filipinismo sa Wika.

Pedagogy of Cultural Educatio n |9


Mahalagang balikan at pag-aralan ng mga bagong henerasyon ng mga
Filipinong mananaliksik ang mga pangloob na lapit at panukat sa lokal na kultura. Hindi
magkakaroon ng makatarungang interpretasyon sa anumang pananaliksik kung mga
banyagang panukat ang gagamitin dahil malayo at walang kaugnayan ang mga ito sa
inaaral na kultura. Maging ang wikang katutubo ay iba sa mga ginagamit na
terminolohiya o jargon ng banyagang panukat at malaki ang nawawala sa proseso ng
pagsasalin.

Sa pagtahak sa landas ng Filipinolohiya, hindi dapat iwaksi ang mga panglabas o


banyagang datos, pananaliksik, teorya, o mga nasulat na pag-aaral. Dahil sa pag-iral ng
mahigit sa 400 taon ng kolonyalismo sa Pilipinas kung saan malaking bahagi ng
kulturang Espaol, Amerikano at Hapon ang isinasabuhay natin. Sa pag-aaral na lang
sa kasaysayan sa panahon ng Kolonisasyong Espaol, mahalagang sumangguni sa
mga arkibong Espaol at isalin ang mga salaysay upang matukoy kung alin ang totoo at
alin ang mito sa ating kasaysayan. At ngayong dinadagsa tayo ng mga banyagang
residente sa Pilipinas mula sa mga Koreanong mag-aaral, negosyante, turista at mga
produktong pangkultura gaya ng mga Koreanovela malaking impluwensya sa ating
kultura ang mga tradisyon, kaugalian, wika at sining na dala nila.
Masasabi ring isang malaking hamon ang tila natural na panlalamig o hindi
pagkiling ng ilan nating kababayan, lalo na sa hanay ng mga burgis at lantad sa
kulturang banyaga, sa sariling kultura, sining at kaugalian. Sa hindi iilang okasyon,
lantaran ang naging pag-alipusta ng ilang kritiko ng Kulturang Filipino sa ilang aspeto at
nilalaman ng mga sariling sining at malikhaing pagpapahayag.
Sa larangan ng musika, naging malaking isyu ang isang kritisismong may
pamagat na OPM is Dead! nang ilabas ito sa blog ng isang tagasubaybay.
Pinaratangan niyang walang bagong musika ang nalilikha at hindi na naririnig sa mga
P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 10
radyo ang OPM. Nagkaroon ng malaking pagtatalo sa internet at maging sa mga
pangunahing website at sa iba pang mga lathalain ng mga imperyong midya. Sa
palagay ng mga taga-loob ng industriya at mga lokal na artista sa musika, walang
batayan ang ginawang kritisismo hindi lamang dahil sa mga maling datos na ginamit
kundi maging sa wika ng diskurso na ginamit ng mga tumutuligsa sa OPM. Ayon sa
kanila, hindi makatarungang magpalagay ng mga kuro-kuro sa wika at estilo ng
pagsusulat na hindi naiintindihan ng mga mismong tumatangkilik ng OPM.
Isa pa sa mga blogs na nagbunga ng malaking debate sa internet ang obserbasyon
ng isang Filipino-Amerikano na nagdeklarang hindi niya ipinagmamalaki ang pagiging
Filipino:
I am Filipino - just half of it specifically and I'm not proud of it.
I hate being half-Filipino even just half of it. I don't like to be related to any
Filipinos even though I'm half of it.
Filipinos have nice beaches, nice food, very friendly people and very hospitable.
That's what they always tell other people and that's what they are always proud
of.
But, deep inside, Filipinos don't love themselves. They ignore their identity.
Filipinos hate their identity; Filipinos don't like being Filipinos. Filipinos if given a
chance would be American, Canadians, English, Japanese, Irish, Chinese,
Koreans, and all other nationalities except being a Filipino.
Filipinos would also prefer to buy goods from other countries over their own
products, because they have very low self-esteem and that they don't believe
that their own-made products are also good.
Filipinos are also selfish especially the government officials. They would prioritize
themselves more over their jobs even if these jobs are for the Filipino people.
Filipinos doesn't know patriotism because they don't believe in themselves. They
also lack discipline or self-control.
Look at other Asian countries, they have discipline and they believe in
themselves - China, Thailand, Korea have all surpassed the Philippines in terms
of economy. The Philippines was just next to Japan in terms of economy before.
China doesn't know how to build cars themselves, but now, they now have their
own automobile industry that can compete with Toyota, Honda and other popular
brands. Where's the Philippines now - the country run by Filipinos? Still poor.
The Japanese people believe in themselves and if they have a chance to be
Americans, they would still be Japanese.
Other nationalities look down on Filipinos because Filipinos themselves look
down on themselves.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 11
I'm not proud having Filipino blood because the people who have this blood in
their veins have very low self-esteem over their capabilities. Government officials
who have Filipino blood are selfish - always aiming for wealth-gain.
Well, I'm still Filipino - although just half of it and not proud of it even if I was born
and raised in the Philippines.
Sa kabilang banda, nagbigay-kaganapan at saya ang pagkamangha ng ilang banyaga
sa mga Filipino at sa kultura ng bansa. Noong Pebrero 17, 2013, inilathala ng Philippine
Daily Inquirer ang isang love letter sa mga Filipino ni David H. Harwell, isang dating
propesor at katuwang na dekano ng isang pamantasan sa Amerika. Si Prof. Harwell ay
isang nalathalang awtor na nagtrabaho sa maraming bansa sa mundo bilang
tagadisenyo ng mga programa sa pagtuturo ng wika. Narito ang buong teksto ng
kanyang liham:
I am writing to thank Filipinos for the way you have treated me here, and to pass
on a lesson I learned from observing the differences between your culture and
mine over the years.
I am an expatriate worker. I
refer to myself as an OAW, an
overseas American worker, as
a bad joke. The work I do
involves a lot of traveling and
changing locations, and I do it
alone, without family. I have
been in 21 countries now, not
including my own. It was fun at
first. Now, many years later, I
am getting tired. The
Philippines remains my favorite
country of all, though, and Id
like to tell you why before I
have to go away again.
I have lived for short periods
here, traveled here, and have
family and friends here. My own
family of origin in the United
States is like that of many Americansnot much of a family. Americans do not
stay very close to their families, geographically or emotionally, and that is a major
mistake. I have long been looking for a home and a family, and the Philippines is
the only place I have lived where people honestly seem to understand how
important their families are.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 12
I am American and hard-headed. I am a teacher, but it takes me a long time to
learn some things. But Ive been trying, and your culture has been patient in
trying to teach me.
In the countries where Ive lived
and worked, all over the Middle
East and Asia, it is Filipinos who
do all the work and make
everything happen. When I am
working in a new company
abroad, I seek out the Filipino
staff when I need help getting
something done, and done right.
Your international reputation as
employees is that you work
hard, dont complain, and are
very capable. If all the Filipinos
were to go home from the
Middle East, the world would stop. Oil is the lifeblood of the world, but without
Filipinos, the oil will not come from the ground, it will not be loaded onto the
ships, and the ships will not sail. The offices that make the deals and collect the
payments will not even open in the morning. The schools will not have teachers,
and, of course, the hospitals will have no staff.
What I have seen, that many of you have not seen, is how your family members,
the ones who are overseas Filipino workers, do not tell you much about how hard
their lives actually are. OFWs are very often mistreated in other countries, at
work and in their personal lives. You probably have not heard much about how
they do all the work but are severely underpaid, because they know that the
money they are earning must be sent home to you, who depend on them. The
OFWs are very strong people, perhaps the strongest I have ever seen. They
have their pictures taken in front of nice shops and locations to post on Facebook
so that you wont worry about them. But every Pinoy I have ever met abroad
misses his/her family very, very much.
I often pity those of you who go to America. You see pictures of their houses and
cars, but not what it took to get those things. We have nice things, too many
things, in America, but we take on an incredible debt to get them, and the debt is
lifelong. Americas economy is based on debt. Very rarely is a house, car, nice
piece of clothing, electronic appliance, and often even food, paid for. We get
them with credit, and this debt will take all of our lifetime to pay. That burden is
true for anyone in Americathe OFWs, those who are married to Americans,
and the Americans themselves.
Most of us allow the American Dream to become the American Trap. Some of
you who go there make it back home, but you give up most of your lives before

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 13
you do. Some of you who go there learn the very bad American habits of wanting
too many things in your hands, and the result is that you live only to work, instead
of working only to live. The things we own actually own us. That is the great
mistake we Americans make in our lives. We live only to work, and we work only
to buy more things that we dont need. We lose our lives in the process.
I have sometimes tried to explain it like this: In America, our hands are full, but
our hearts are empty.
You have many problems here, I understand that. Americans worry about having
new cars, Filipinos worry about having enough food to eat. Thats an enormous
difference. But do not envy us, because we should learn something from you.
What I see is that even when your hands are empty, your hearts remain full.
I have many privileges in the countries where I work, because I am an expat. I do
not deserve these things, but I have them. However, in every country I visit, I see
that you are there also, taking care of your families, friends, bosses, and
coworkers first, and yourselves last. And you have always taken care of me, in
this country and in every other place where I have been.
These are places where I have been very alone, very tired, very hungry, and very
worried, but there have always been Filipinos in my offices, in the shops, in the
restaurants, in the hospitals, everywhere, who smile at and take good care of me.
I always try to let you know that I have lived and traveled in the Philippines and
how much I like your country. I know that behind those smiles of yours, here and
abroad, are many worries and problems.
Please know that at least one of us expats has seen what you do for others and
understands that you have a story behind your smiles. Know that at least one of
us admires you, respects you, and thanks you for your sacrifices. Salamat po.
Ingat lagi. Mahal ko kayong lahat.

Ang Papel ng mga Paaralan at Guro


sa Pagsusulong ng Filipinohiya

Noong araw, ang mga paaralan ay nagsilbing bukal ng karunungan, isang


lugar kung saan ang mga mag-aaral ay tinuturuan ng mga guro na walang
masyadong kontrol o pakikialam ng mga magulang. Layunin ng batayang
edukasyon na ihanda ang mga mag-aaral sa panahong kailangan na nilang kumuha
ng mga pagsusulit para sa mga pamantasan. Itinuturing na preparasyon ang mga
paaralang elementarya at sekondarya para sa pagharap ng mga mag-aaral sa mas
mataas na mga hamon ng buhay na inaasahang makamit sa pagtatapos sa
kolehiyo.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 14
Sa pagdating ng napakaraming pagbabago sa disenyo, pamamaraan at mga
kagamitang pampagtuturo sa sistema ng edukasyon, napakarami ring karagdagang
ekspektasyon ang iniatang sa mga paaralan at sa mga gurong nagtuturo.
Mula sa pagiging bukal ng karunungan, ang mga paaralan ay kinailangang
magturo sa mga mag-aaral ng mga pamamaraan ng pagtuklas ng karunungan at
paano pipiliin at gagamitin ang mga karunungang natuklasan.

Dahil dito, lumawak ang gamit ng internet sa pagitan ng mga mag-aaral at


guro. Nabigyan ng malaking partisipasyon ang mga magulang sa pagpapasya ng
mga bagay na may kinalaman sa edukasyon ng kanilang mga anak. Hindi na sapat
na ihatid at sunduin lamang ang mga bata sa mga paaralan. Kailangang makita ng
mga magulang kung paano tinuturuan ang mga anak.

Ang mga pagbabago sa mga paaralan ay may katumbas na pagtawid sa


tungkulin ng mga guro mula sa pagiging tagapagturo at direktang tagapagbigay ng
kaalaman sa mga mga mag-aaral tungo sa pagiging aktibong tagapagdaloy ng mga
kaalaman. Ang pangunahing tungkulin ay ang pagtatakda ng mga layunin at
pagsasaayos ng proseso ng pagkakatuto. Bagamat sila pa rin ang mamumuno sa
proseso ng pagkakatuto, maituturing na silang mga pangunahing katuwang
(supporter) sa kritikal na pagtuklas ng kaalaman.
Kung noon ay may takdang minimum learning competencies na
pagbabatayan ng susulating mga lesson plan ang mga guro, ngayon ay kailangan
ng mas masinop na pananaliksik at pag-alam ang mga guro kung paano ilalapat ang
mga lokal na halimbawa sa pambansang kurikulum. Mas nangangailangan ng
masusing pag-alam sa disenyo ng kurikulum sa bahagi ng mga guro dahil
inaasahan silang magturo sa unang wika (mother tongue) sa unang tatlong taon ng
elementarya at ipaloob ang lokal at pambansang nilalaman at pamamaraan sa
pagtuturo ng edukasyong nakabatay sa kultura.
Bilang mga propagandista ng progresibo, mapagpalaya at maunlad na
kaisipan at lipunan, napakalaking papel ang dapat gampanan ng mga guro sa
pagpapadaloy ng Kaisipang Filipino sa mga silid-aralan. At ang susi sa pagganap ng
mahalagang tungkuling ito ay ang cultural education o edukasyong nakabatay sa
kultura.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 15
Sa taimtim na pananalig sa bisa ng sariling wika, kultura, sining, kasaysayan,
at mga pamanang-bayan, malaki ang potensyal ng mga guro na maging kaagapay
sa pagmamapa ng mga materyal na anyo at simbolikong manipestasyon ng Kultura
at Kasaysayang Filipino. Dahil batid ng malikhaing guro ang kahalagahan ng mga
mapang kultural, pagsusumikapan niyang makapag-ambag dito kahit sa antas o
saklaw lamang ng kanyang komunidad. Malugod siyang magbibigay ng mga
alintuntunin tungkol sa wasto, makabuluhan at sistematatikong pagtatala ng mga
simbolo at dangal ng lahi na bubuuin ng kanyang mga mag-aaral sa ilalim ng
kanyang pamamatnubay.

Magbabalik-tanaw ang kaguruang makabayan sa nakalipas at iwawasto ang


mga maling datos sa kasaysayan na batid niyang lalong nagbubuyo sa
misedukasyon at maling kaisipan ng mga kabataan. Gagabayan niya ang mga mag-
aaral sa pagtuklas ng mga natabunang naratibo ng lokal na kasaysayan. Batid kasi
niyang mahalagang ibandila ang mga likas at katutubong salaysay sa
pagpapayabong ng dangal ng mga pamilya at grupo sa maliliit na komunidad na
pihadong may papel gaano man kaliit sa pagpupunyagi tungo sa mithing
kalayaan at kaunlaran.

Hahasain ng bagong guro ang mga kaalamang nakabatay sa teknolohiya


upang itala at isalin sa bagong midya ang mga natatanging sagisag ng lahi at mga
makukulay na tradisyong nagbubuklod sa mga Filipino. Hindi siya matatakot
matutong gumamit ng mga makabagong gamit at teknolohiya sa kanyang pagtuturo
dahil alam niyang malaking tulong ang mga ito sa pagpukaw ng interes ng mga
mag-aaral sa mga paksang sariling atin.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 16
Higit sa lahat, mangangahas ang bayaning guro na palawakin ang pagtuklas
ng mga bagong pamamaraan at kaalaman upang pag-ibayuhin ang edukasyong
mapagpalaya, mapagbuklod, at mapagbunyi sa dangal at pagkatao ng bagong
henerasyon ng mga Filipino.
Mga Batis:
Ager, A., & Loughry, M. (2004). Psychology and Humanitarian Assistance. The Journal of Humanitarian
Assistance. Retrieved April 2013, from http://sites.tufts.edu/jha/archives/80
Anttonen, M. (n.d.). Politization of the Concepts of Culture and Ethnicity: An Example from Northern
Norway. Pro Ethnologia(15).
De Leon, F. M. (2011, July 29). Cultural Identity and Development. Retrieved April 8, 2013, from
www.ncca.gov.ph: http://www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-
a/article.php?subcat=13&i=370
Harris, M. (1976). History and Significance of the Emic/Etic Distinction. Annual Review of Anthropology,
5, 329-350. Retrieved May 25, 2013, from http://www.jstor.org/stable/2949316
Hiebert, P. G. (2008). The Concept of World View. In P. G. Hiebert, Transforming Worldviews: An
Anthropological Understanding of How People Change (pp. 13-25). Grand Rapids, MI: Baker
Academic. Retrieved May 25, 2013, from
http://www.wtsbooks.com/common/pdf_links/Excerpt_Hiebert_Transforming.pdf
Mendoza, S. L. (2002). Theoretical Advances in the Discourse of Indigenization. In Between the
Homeland and the Diaspora: The Politics of Theorizing Filipino and Filipino-American Identities (A
Second Look at the Poststructuralism-Indigenization Debates). New York & London: Routledge.
Retrieved April 2013, from http://pilipinolohiya.multiply.com/journal/item/16
Morris, M., Leung, K., Ames, D., & Lickel, B. (1999). Views from Inside and Outside: Integrating Emic and
Etic Insights About Culture and Justice Judgment. Academy of Management Review, 24(4), 761-
796. Retrieved May 25, 2013, from
http://www.iacmr.org/main/DissertationProposalGrant/Morri%20emic-
etic%20AMR%201999.pdf
Pe-Pua, R., & Protacio-Marcelino, E. (2000). Sikolohiyang Pilipino (Filipino Psychology): A Legacy of
Virgilio Enriquez. Asian Journal of Social Psychology, 3, 47-71. Retrieved May 25, 2013, from
http://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1111/1467-839X.00054/pdf
San Juan, E. J. (2008, August 8). Re-visiting Sikolohiyang Pilipino in Honor of Virgilio Enriquez. Retrieved
May 25, 2013, from The Philippines Matrix Project:
http://philcsc.wordpress.com/2008/08/08/re-visiting-sikolohiyang-pilipino-in-honor-of-virgilio-
enriquez/
http://www.tamu.edu/faculty/choudhury/culture.html
www.carla.umn.edu/culture/definitions.html

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 17
MGA MUNGKAHING GAWAING PAGLINANG

Layunin:

1. Matanto ng mga guro-mag-aaral kung paano kumikilos ang kultura sa araw-araw na


pamumuhay
2. Magkaroon ng mapanuring pagtingin sa mga pamilyar na bagay bilang bahagi ng kultura
3. Magkaroon ng kasanayan sa pagbibigay ng interpretasyon sa kultura.

Gawain 1A. Ang kultura sa ating paligid.

1. Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Magtakda ng lugar sa kampus na pupuntahan ng


bawat pangkat.
2. Gamit ang Worksheet A, itatala ng bawat pangkat ang mga bagay na makikita sa lugar
na pupuntahan.
3. Sa pamamagitan ng mga naitalang bagay at ng background knowledge na mayroon ang
bawat isa tungkol sa paaralan, punuin ang mga natitirang kolum. Gamitin ang
framework ni Hiebert bilang tulong sa pagsusuri.
4. Gamit ang manila paper, pentel pen at metacards, bumuo ng mapa na nagpapakita ng
ugnayan ng mga nakasaad sa Worksheet A.
5. Iulat sa klase ang nabuong mapa.

Worksheet A
BAGAY BACKGROUND IPINAHIHIWATIG IPINAHIHIWATIG IPINAHIHIWATIG
KNOWLEDGE o MGA NA GAWI AT NA NA PANANAW O
DATI NANG MGA UGNAYAN PAGPAPAHALAGA/ WORLD VIEW
KAALAMAN TUNGKOL PANINIWALA
SA PAARALAN

Mga gabay na tanong para sa talakayan:


1. Anu-ano ang mga pagkakahawig at pagkakaiba ng mga bagay na nakita ninyo kung
ihahambing sa inyong paaralang pinagtuturuan?
2. Paano kayo nakapagbuo ng mga pagpapakahulugan ng mga bagay?
3. Saan nagmumula ang inyong interpretasyon?

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 18
Gawain 1B. Ang kultura sa ating bag. (Maari ring gawin ito bilang kumbinasyon sa Gawain 1A)

1. Hatiin ang klase sa anim na pangkat.


2. Gamit ang Worksheet B, itatala ng bawat pangkat ang mga bagay na makikita sa
kani-kanilang bag.
3. Sa pamamagitan ng mga naitalang bagay at ng background knowledge na mayroon
ang bawat kasapi sa isat isa, punuin ang mga natitirang kolum. Gamitin ang
framework ni Hiebert bilang tulong sa pagsusuri.
4. Gamit ang manila paper, pentel pen at metacards, bumuo ng mapa na nagpapakita
ng ugnayan ng mga nakasaad sa Worksheet B.
5. Iulat at ibahagi sa klase ang nabuong mapa.

Worksheet B
BAGAY BACKGROUND IPINAHIHIWATIG IPINAHIHIWATIG IPINAHIHIWATIG
KNOWLEDGE NA GAWI AT NA NA PANANAW O
TUNGKOL SA MGA MGA UGNAYAN PAGPAPAHALAGA/ WORLD VIEW
KASAPI NG PANGKAT PANINIWALA

Mga gabay na tanong para sa talakayan:


1. Mula sa mga gamit sa inyong bag, paano ninyo mailalarawan ang kultura ng mga
gurong iskolar sa GDCE?
2. Ganito rin kaya ang kultura ng iba pang guro? Paano magkakapareho? Paano
magkakaiba?

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 19
IKATLONG BAHAGI

PAGTUTURO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON / K-12


BATAY SA EDUKASYON KULTURAL
ni Orlando B. Magno

A. Pangkalahatang Pamantayan

Naipapamalas ng mga gurong-kalahok ang pag-unawa, kasanayan at


kakayahang makapagtuturo ng itinakdang mga kompetensis sa bawat lebel gamit ang
edukasyong kultural sa pagtuturo ng mga batayang asignatura sa Kurikulum ng
Batayang Edukasyon / K-12.

B. Pamantayang Pangnilalaman

Naipapamalas ng mga gurong-kalahok ang kahandaan sa pagbuo at paggamit


ng mga kagamitang pampagtuturo sa pamamaraang pagsasanib ng edukasyong
kultural batay sa Philippine Cultural Education Program-Essential Cultural Knowledge
(PCEP-ECK) at ng itinakdang mga kompetensis sa bawat lebel at asignatura ng
Batayang Edukasyon / K-12.

Binibigyang tuon sa modyul na ito ang mga sumusunod na tiyak na


pamantayang nilalaman at kasanayan:

1. Katangian ng mga mag-aaral sa ika-21 siglo

1.1 sila ang tinatawag na mga screenagers ni Don Tapscott at digital natives ni
Marc Prensky
1.2 visual memory, processing at learning skills ang mga pangangailangan at
hamon sa kanilang pag-aaral dahilan sa digital bombardment.
1.3 nakahihigit na ang visual o visual kinesthetic at nababawasan na ang
auditory o text-based learners
1.4 emotional intelligence ang pangangailangang bigyan ng atensyon sa
ngayon ayon kay Goleman
1.5 trailblazing: varied needs and strengths of learners, isang papel ni
Orlando Magno

2. Integratibo at inobatibong lapit, dulog at simulain sa pagkakatuto

2.1 Outcomes-based education (OBE)


2.2 Differentiated classroom
2.3 Multiple intelligences (MI)
P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 20
2.4 U b D
2.5 Skills for imaginative and creative abilities (Robert and Michelle Root-
Bernstein)
2.6 Discipline-based art education (DBAE)

3. Mga piling metodolohiya

3.1 Project-based learning


3.2 Problem-based learning
3.3 Constructivism
3.4 Cooperative learning
3.5 Collaborative learning
3.6 Transformative learning
3.7 Engaged learning
3.8 Whole-language approach
3.9 Discovery learning
3.10 At iba pa

4. Pagtaya at ebalwasyon

4.1 Diagnostic test/activities


4.2 Post-assessment
4.3 Enabling activities
4.4 Rubrics

C. Pamantayang Kakayahan sa Pag-unawa ng Pamantayang Nilalaman

1. Katangian ng mga mag-aaral sa ika-21 siglo

Ang henerasyon digital

Ang kasalukuyang mundo ay hindi na ang dating mundo na ating


kinalakihan. Nakatitiyak din tayo na ang mundong itoy hindi na rin ang
magiging mundo ng ating mga anak sa mga darating na panahon. Dahilan sa
mga pagbabagong teknolohiya, siyensya, komunikasyon, media, komersyo at
negosyo, imigrasyon, kalusugan, paggagamot, aliwan, turismo at iba pa sa
ibat ibang larangan ng buhay ang ngayong henerasyong digital ay hindi na
ang mga akmang mga estudyante para sa mga eskwelahang naitayo o
naitatag mga ilang taon na ang nakakaraan, kasama na rin dito ang mga guro
na hindi na rin akma ang mga pamamaraan ng pagtuturo na kanilang pinag-
aralan at pinaghandaan nang sila ay nasa kolehiyo o unibersidad pa lamang.
Hindi sila sinanay ayon sa pangangailangan at pagbabago ng mga
pangkasalukuyang mga estudyante. Ang matulin at mabilis na pagbabago ay
hindi na kayang matapatan sa paghahanda ng pangangailangan ng
kasalukuyang henerasyong digital.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 21
Nahaharap tayo ngayon sa isang bago at naiibang mga estudyante.
Hindi nadesinyo ang ating mga eskwelahan sa ganitong uri ng henerasyon.
Sa pagbabagong ito, naaapektuhan ang ating mga pamilya, guro, estudyante,
administrador at mga interesadong ahensiya na may malasakit sa edukasyon
ng ating mga kabataan.

Ang mga pagbabagong ating hinaharap ay dulot ng pagdating at


mabilis na disiminasyon ng digital na teknolohiya at mga kaganapan mula pa
nuong nakaraang ika-20 siglo.

Walang gaanong pagbabago sa katauhan at paglaki ang mga kabataan


sa ngayon kung ihahambing natin sila sa mga kabataan nuon; subalit may
malaking pagbabago ang mga kabataan sa ngayon dahil sa kanilang
katangiang panloob, pag-iisip dahilan sa tinatawag nating digital
bombardment. Sa loob ng kanilang utak at isip ay mabilis ang kanilang
adaptasyon sa pagtanggap sa mga teknolohiya na kanilang nakahaharap at
nakapaligid sa kanila. Screenagers ang tawag ni Don Tapscott sa kanila.
Aniya:

the first generation that has grown up with a computer


mouse and the assumption that images on a screen are to
be interacted with. These technologies are their new
learning tools and also are something to project their very
identity onto.

At ayon naman kay March Prensky, tinatawag niya silang mga digital
natives. Ayon sa kanya:

Theyve developed a cultural brain profoundly


affected by digital culture. Because of digital bombardment,
the brains of todays children are changing physically and
chemically. They are actually neurologically wired
differently than we are.

Today, even the youngest kids are exposed to many


digital divices, and its this digital bombardment creating
the cultural brains in our children. As such, they process
information differently than we do. Visual memory,
processing, and learning skills are being enhanced in
particular.

The vast majority of students in any given classroom


are no longer auditory or text-based learners. Because the
effects of digital bombardment, they think graphically and

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 22
are therefore, either visual or visual kinesthetic learners.
Theyre wired for multi-media. Yet the majority of student
examination content continues to be text-and vocabulary-
based, fixated on content recall.

Dahilan sa pagbabagong ito, magbabago na rin ang kanilang estilo sa


pagkatuto. Ang mga digital natives o screenagers ay gustong matutunan ang
mga dapat nilang matutunan sa pamamaraang naaayon sa kanilang
kagustuhan kung kalian, papaano at kung saan nila ito gustong matutunan.
Dagdag pa ni Prensky: they want to learn with technology, with each other,
online, in their time, in their place and doing things that matter.

May ambag din si Ted McCain mula sa kaniyang aklat na Teaching


Tomorrow:

Digital Learners Prefer Many Educators Prefer


1. receiving information quickly 1. slow and controlled release of
from multiple multimedia information from limited
sources sources
2. parallel processing and multi 2. one line processing and one
tasking: processing pictures, task at a time: provide text
sounds, color and video before before pictures, sounds, and
text video

3. random access to hyperlinked 3. provide information linearly,


multimedia information logically and sequentially
4. students to work
4. to network simultaneously with
independently before they
the others
network and interact
5. learning just in time 5. teaching just in case
6. instant gratification with
6. deferred gratification and
immediate and deferred
delayed rewards
rewards
7. teaching memorization in
7. learning that is relevant,
preparation for standardized
active, instantly useful and fun
tests

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 23
TRAILBLAZING: Varied Needs and Strengths of Learners
(Orlando B. Magno)

EXPERIENTIAL A SCIENCE LESSON EXAMPLE


LEVELS OF KNOWLEDGE
EXAMPLES (Teacher Jen by Jodi O Meara)

4. ATTITUDES and DISPOSITION Natutuhan ang Sa pag-aakay ng guro sa


Ang pagkakatuto ay kondisyon at sitwasyon mga mag-aaral na maisaloob ang
isinasaloob, inoorganisa ayon kung kalian kunin ang natutuhan, kinukumbinsi niya ang
sa isang schema saka tasang may inumin; mga ito na pahalagahan ang
ginagawan ng ebalwasyon. paglalapat nito sa iba isang impluwensyang
Ibinabatay ng mag-aaral sa pang bagay. nagpapabago sa kundisyon ng
natutuhan niya ang desisyon. sarili nilang buhay at ihambing ito
Sa pagpapatuloy ng mga sa halaga ng pagbabagong
bagong katanungan, inaalam nangyayari.
niya ang kanyang interes o
level ng motibasyon; para Ipapakumpleto rin ng guro
lumagpas pa sa transfer ang isang analoji na magpapakita
process at iba pang ng proseso ng pagbabago sa
mahalagang exploration o matter sa klaseng pansiyensya at
paggalugad. sa life event na ito.
Sddsdgfggfff
3. PRINCIPLES and Unti-unting Pagkatapos na matutuhan
GENERALIZATIONS natatanto ng bata na ng mag-aaral ang konsepto ng
Ito ang antas ng may iba pang sisidlan o temperature at ang potensyal na
pagkakatuto na nakakalikha ng lalagyan maliban sa cause-effect relationship nito sa
prinsipyong nagpapaliwanag sa tasa na maglalaman ng estado ng materya (state of
ugnayan ng mga konsepto. inumin. matter), susuriin niya ang
Nagiging posible lang ang Susubukan niya ang relasyong ito upang maabot nito
pagkakatuto sa principle level iba pang sisidlan na ang isa pang bagong antas.
kapag nakakamtan na ang pag- may likido. Makikita Gagamitin ng mag-aaral ang
unawang konseptwal. Sa niyang ang mangkok, natutuhan kaugnay sa material
antas ding ito nagiging lata at balde ay (matter) at sa temperature para
personalized ang proseso ng malalagyan din ng tubig makalikha ng bagong pag-unawa
pagkatuto. Nabubuo ng at maglalaman din ng hinggil sa pagbabago mismo.
estudyante ang kanyang inumin. Makikilala ng mga mag-aaral ang
prinsipyo batay sa iba pang cause-effect
pagkakatutong konseptwal. relationships at maihambing ito sa
Madalas na may nangyayaring isa pang may kaugnayan sa
pagsasanib ang pagkalikha ng pisika ng temperature at materya.
prinsipyo at paglalahat. Ito ang pagbuo ng prinsipyong
nagpapaliwanag sa relasyon ng
mga konsepto.

Maipapaliwanag ang mga


mag-aaral kung paano
maihahambing ang pagbabago
ng materya sa pagbabago ng
kundisyon ng panahon o iba pang
aspeto, tulad ng pagbabagong
kaugnay sa pulitika o sa sarili
nilang buhay man.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 24
2. CONCEPTUAL LEVEL OF Pagkakatuto na Sa antas na ito, matutuhan
KNOWLEDGE iba-iba ang hugis, kulay ng estudyante kung bakit
Sa antas na ito, at laki ng tasa; iba nangyayari ang pagbabago sa
naaasimila ang katotohanan ibang likido ang laman estado ng materya. Maiintindihan
(facts) at kasanayan upang ng iba ibang tasa; nila kung ano talaga ang
makalikha ng konsepto. maraming uri ng tasa nangyayari kapag pinaiinitan ito;
Minsan, sa lebel na ito ang makakabigay ng kung paano napagbabago ng init
naisusulat ang mga kahit anong nais niyang ang estado ng materya
pamantayan. Ito ang inumin. .
karaniwang pagkakasunud-
sunod ng proseso ng pag-aaral
kung saan ibinabatay sa
katotohanan (facts) at
kasanayan ang antas
konseptwal ng pag-uunawa.
Itinataas nito ang antas ng
pagkatuto; ibig sabihin, ang
antas ng konseptwal na pag-
uunawa para magiging
mahalaga ang pagkakatuto at
maisagawa ang transference.
Dito mainam na masimulan ang
curriculum design. Itoy
nagbibigay-daan sa mga mag-
aaral na makita ang kahulugan
(meaning) nang sa gayon,
mailalapat nila ang natutuhan.

1.FACTS and SKILLS as a Katuturan ng tasa Apat ang estado ng material


FOUNDATION (cup) isang bagay na (matter): solid, liquid, gas at
Nagsisilbing pundasyon lalagyan ng maiinom. plasma. Kukumpletuhin ng mga
ng kasanayan (skills) ang Natutuhan ang salitang tasa mag-aaral ang aktibiti sa ibat ibang
katotohanan (facts); kapwa rin (cup); gayundin ang walang estado ng material; sa ganitong
nagsisilbing pundasyon ang laman (empty). paraan, matutupad ang
mga ito sa pag-unawa at sa pamantayan.
paglalapat. Marami na ring ulit
na naging pamantayan ng
kurikulum ang katotohanan
(facts) at kasanayan. Ang
dalawang ito ang ninanais
nating matutuhan at magawa
ng mga mag-aaral bilang
resulta sa kanilang
pagkakatuto.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 25
2. Integratibo at inobatibong lapit, dulog at simulain sa pagkakatuto

2.1 Outcomes-Based Education (OBE)

Ayon kay William Spady (1994), ang OBE ay ang malinaw na pagbuo at
pagtuon sa isang maayos na sistema ng edukasyon na umiinog sa
mahahalaga at kailangang matutunan at pamamaraan sa pagkakatuto ng
mga estudyante upang matagumpay nila itong maranasan sa kanilang pag-
aaral.

Nangangahulugan lamang ito na dapat mula sa simula pa lamang ay


may mas malinaw ng pansariling pagpapahalaga ang mga estudyante sa
kanilang matutunan mula sa maayos at napapanahong kurikulum,
instruksyon at asesment upang matiyak ang matagumpay nilang
pagkakatuto. Sa ganitong lapit at pananaw, tinitiyak dito kung ano ang
esensyal na dapat matutunan at pamamaraang gagamitin ng mga estudyante
sa kanilang pagkakatuto. Matatagumpayan ang mga gawaing ito sa
pamamagitan ng maayos na sistemang pamamaraan ng pagtuturo at mga
tiyak na pagpaplanong gawain sa pagkakatuto ng mga estudyante sa loob o
labas man ng kanilang klasrum.

Sa depinisyon ni Spady tungkol sa OBE, ito ay pagdulog sa


pagpaplano, pagdeliver at ebalwasyon ng instruksyon na nangangailangang
magfokus ang mga administrador, guro at mga estudyante sa mga
inaasahang resulta ng edukasyon resultang ipinahahayag batay sa
indibidwal na matutunan ng mga estudyante.

Ang OBE ay maaaring tingnan sa pamamagitan ng tatlong pananaw:


bilang teorya ng edukasyon, bilang sistematikong estrukturang pang-
edukasyon, o bilang klasrum praktisis. Sa katapusan, kailangang
maisasaayos ang sistematikong estrukturang pang-edukasyon sa klasrum
praktisis batay sa mga pinaniniwalaang teorya upang magkaroon ng tunay na
OBE.

Maaari nating tingnan ang OBE bilang teorya o pilosopiya ng


edukasyon na kinapapaluoban ng mga katanggap-tanggap na mga
paniniwala at palagay tungkol sa pagtuturo, pagkakatuto at sistematikong
estrukturang pang-edukasyon.

Sa sistemang OBE, may tatlong pangungahing hakbang sa


pagpaplanong instruksyunal: una, ang pagtiyak sa inaasahang
resulta/outcomes pagkatapos magawa ng mga estudyante ang kanilang
aralin sa loob ng itinakdang panahon. Ikalawa, ang pagdedesisyon kung
anong mga pamamaraan/hakbang ang gagamitin at kung papaano
matutulungan ang mga estudyante upang matagumpay nilang magawa ang

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 26
mga inaasahang resulta/outcomes; at ikatlo, ang pagtiyak kung papaano
malalamang natuto na ang mga estudyante ayon sa inaasahan nilang
resulta/outcomes.

Ang OBE ay may tatlong matitibay na batayang pinaniniwalaan: (1) ang


bawat estudyante ay may kakayahang magtagumpay sa pagkakatuto,
subalit hindi na magkakatulad na pamamaraan at panahon; ang bawat
estudyante ay may kanikaniyang angking talino at kakayahan, kaya tungkulin
ng bawat eskwelahan na paunlarin ang mga ito; ang pagiging mahusay ay
para sa bawat indibidwal na estudyante, hindi lamang ng sa iilan; at hanggat
maaari walang estudyante ang mawawalay sa mga gawaing pagkakatuto sa
eskwelahan. (2) ang matagumpay na pagkakatuto ay nagbubunga pa nang
higit pang mga tagumpay sa mga gawaing pagkakatuto. Samakatuwid, may
malaking papel na dapat gampanan ang mga eskwelahan sa pagsisikap na
makahanap ng mga pamamaraan upang matagumpay na matuto ang mga
estudyante, sa halip na hanapan ng pamamaraang para bumagsak sila sa
klase; paghahanda sa kanila upang magtagumpay sila sa pang-araw-araw
nilang pagkakatuto at gawain; bawasan ang panahon sa pagwawasto sa
kanilang mga kamalian at ang pagkakaroon ng positibong saloobin ay dapat
na maging esensyal na katangian; at kung mapapaniwala natin ang bawat
estudyante (at guro) na silay may kakayahang matuto, walang dahilan at
pagkakataon na di nga sila tunay na matututo; at (3) nakakasalalay nang higit
sa mga eskwelahan at guro ang kondisyon upang matuto o di-pagkatuto ng
mga estudyante. Pananalig sa bawat tungkulin at gawaing nakaatas ay ang
makapagsusulong sa mga estudyante upang magkaroon ng pagtutulungan
sa pagkakatuto at pag-aaral.

Mula sa tatlong batayang nabanggit, napaunlad ni Spady ang apat na


esensyal principles ng OBE: clarity of focus, designing back, high
expectations at expanded opportunities.

Clarity of focus. Nangangahulugan dito na ang guro ay mayroong


maliwanag na fokus at katiyakan sa anumang nais niyang matutunan ng mga
estudyante pagkatapos ng aralin sa kaniya. Sa kaniyang pagpaplano naka-
fokus siya sa pagsubaybay sa pagtulong sa kanila upang matutunan ang
inaasahang kalalabasan ng kanilang pag-aaral. Napapaunlad ang kanilang
kaalaman, kasanayan at kakayahan upang sa huli ay matagumpay nilang
matutugunan ang mga inaasahang matututunan. Kasama din dito ang
maayos na pagbibigay ng asesment ayon sa maliwanag na makabuluhan at
mahalagang outcomes.

Designing back. Malaki at mahalaga ang kaugnayan nito sa unang


principle o simulain sapagkat sa anumang panimulang gawain dapat na
maging maliwanag sa mga estudyante ang inaasahang pagganap na

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 27
isasagawa nila bilang patunay na matamo nila ang mga inaasahang
pagkakatuto o kakailanganing pag-unawa. Lahat ng desisyong instruksyunal
ay gagawin na ang nasa isip ay ang katapusang inaasahang matutunan nila,
ang desired end result at pagkilala sa building blocks tungo sa pag-unawa
at pagganap sa mga kaalaman, kasanayan at kakayahang inaasahang
maipapamalas nila sa bawat itinakdang panahon ng kanilang pag-aaral.

High expectations. Pagtatakda ng guro ng mga matataas na


pamamantayan na hahamon sa kasanayang angkop sa ibat ibang uri ng mga
estudyante sa isang klasrum na may ibat ibang istilo ng pagkatuto. Mga
gawaing kasisiyahan nilang tutuparin habang silay matututo; may aktibong
pakikilahok sa panarili nilang pagkukusang matuto, hindi pinupwersa ng guro
o lakas na naggagaling sa labas. Ayon kay Spady: helping students to
achieve high standards is linked very closely with the idea that successful
learning promotes more successful learning. Kapag nakaranas ng tagumpay
ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral, pinatitibay nito ang kanilang
pagkakatuto, naitatayo nila ang kanilang kumpyansa sa sarili at matapang na
haharapin ang mga susunod pang hamon ng kanilang pag-aaral. Dagdag pa
ni Spady, one of the most important reasons for using OBE is that it can help
all learners to do difficult things well. Intellectual quality is not something
reserved for a few learners: it is something that should be expected of all
learners.

Expanded opportunities. Ito ay mula sa paniniwalang hindi lahat ng


estudyante ay natututo ng parehong gawain sa magkasabay na pamamaraan
at panahon. Most students can achieve high standards if they are given
appropriate opportunities. What really matters is that students learn the things
that are important; not that they learn them in a particular way or by some
arbitrary point in time. (Spady, 1994).

Matitiyak at masasabi lamang natin na ang sistemang pang-edukasyon


na ating tinatakda ay OBE kung ang mga nabanggit na apat na esensyal
principles ay tuwirang ipinatutupad.

2.2 Differentiated Classroom

2.2.1 Pamumuno sa Isang Klasrum na Iba-iba ang Kakayahan at


Kakanyahan ng mga Mag-aaral (Differentiated Classroom)

Iilan lang sa ating mga guro ang nakakaalam kaagad kung paano
mamuno sa isang klaseng iba-iba ang antas ng kakayahan at kakanyahan
ng mga mag-aaral. Itoy natutunan, tulad ng iba pang kasanayan. Isang
magandang simula ang paglista ng mga kasanayang natutunan nang

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 28
hinay-hinay. Ang gurong komportable na sa differentiation ay malamang
na matututo na rin sa kasanayan sa:

pagpokus ng kurikulum sa mahalagang impormasyon, pag-uunawa at


kasanayan;
pagsasaalang-alang hindi lang sa indibidwal kundi maging sa pangkat
man;
paghanap ng mahalagang kaisipan o insights hinggil sa bawat mag-
aaral;
pagbabago o pagpapalit ng unang impresyon, paghuhusgang hindi
lamang sa aksyon, at pagbubura ng stereotypes;
paghihikayat sa mga mag-aaral na magsalita o maglahad ng sariling
kaisipan;
paggamit ng panahon sa paraang flexible;
paghanap ng marami at iba ibang uri ng materyal;
pag-isip ng maraming paraan sa pagsasakatuparan ng layunin;
pagsusuri ng pangangailangan ng mag-aaral at pagkakabuo ng
karanasang pampagtuturo na angkop sa resulta ng pagsusuring ito;
pagsisiyasat upang alamin ang posibleng problemang dulot ng isang
gawain at paggawa ng paraan upang maiwasan ito;
pakikihati sa mga mag-aaral sa prosesong pagtuturo at pagkakatuto,
paghahanda sa mga mag-aaral sa pagtutulungang ito;
pagtakda ng iba ibang gawain para sa bawat mag-aaral nang sa gayon
makaangkin sila ng bagong pananaw sa kakayahan matingnan din nila
ang sariling kakayahan;
pagsubaybay sa personal at pangkatang palatandaan ng pag-unlad;
pag-organisa ng materyal at espasyo;
pagbibigay ng direksyon;
pagtuturo para magtagumpay; at
paglinang ng diwa ng pagkakaisa sa klasrum.

Tatlong metapora o pagtutulad sa papel ng guro sa isang


differentiated classroom ang maaaring makatulong. (Malaya kang
makalikha ng sarili mong metapora o pagtutulad)

Ang Guro bilang Direktor ng Orkestra. Ang pagtutulad na ito ay


nakalilikha ng imahe ng isang lider na lubos na nakakaalam sa musika,
nakapagbibigay-kahulugan ito nang maigi, nakakaorganisa ng mga taong
wala mang sapat na kaalaman sa personalidad ng bawat isa, iba-iba man
ang tinutugtog na instrumento, kumikilos naman para matupad ang isang
layunin. May panahong inilalaan para sa indibidwal na ensayo, ensayo
para sa seksyon, at panahon para sa ensayong pangkatan. Kailangang
mapabuti ang pagganap ng bawat isa upang maiangat ang kalidad ng
pagtatanghal ng buong pangkat. Sa pangkalahatan, bawat musikero ay

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 29
nakakaambag ng isang makahulugang palabas na makakaangkin ng
papuri (o paglait) sa mga manonood. Ang director ng orchestra ay
tumutulong sa mga musikerong makalikha ng musika ngunit hindi siya ang
lumilikha ng musika mismo.
Ang Guro bilang Coach. Ang isang magaling na coach ay may malinaw
na goal hindi lang para sa buong koponan kundi maging sa indibidwal na
myembro man. Sa pag-eensayo napapansin at napagsisikapang mapabuti
ang kahinaan at mapanatili ang positibong kakayahan ng indibidwal na
manlalaro. Sikolohista rin ang coach, dahil kailangan niyang intindihin
kung ano ang nakakapursigi sa bawat myembro na magamit ang
nadiskubrihan niya para maakit silang magsikap pa. Kailangan ding
linangin ng coach ang diwa ng pagkakaisa ng koponan. Aktibo ang coach
sa praktis at sa laro mismo tumatakbo, nanghihikayat, nagbibigay-
direksyon, tumatawag sa ilang myembro sa tamang panahon para
magbago ng istratehiya. Naroroon man, subalit hindi sumasali sa laro and
coach.

Ang Guro bilang Jazz Musician. Ang pinagsasamang mataas na


kakayahan ng isang jazz musician at ang pagiging mapaghanap niya ng
paraan upang mapabuti ang isang pagtatanghal ay nakakatulong nang
malaki sa pag-iisip niya nang maigi. Nakikita niya ang kabuuan,
nakakadagdag ng notang kailangan, nagpapabago ng tempo, humihinto
sa tabi upang mabigyan ng espasyo ang soloista, o maging soloist siya
mismo. Ang isang piyesa ay maaaring lumiit o humaba ayon sa
kagustuhan ng grupo. Nakasalalay sa jazz musician ang pagpapahalaga
sa musika, sa grupo at sa manonood. Jazz ang turing sa isang mahusay
na differentiated classroom!

2.2.2 Differentiating Instruction: Mga Panuntunan

Bago maghanap ng tiyak na paraan sa pagmodipika ng content,


proseso at produkto para sa mga mag-aaral sa mixed-ability classroom, mas
mabuting maintindihan muna ang ilang panuntunan para mapatupad ang
hinahangad na differentiation.

1. Dapat malinaw ang mga pangunahing konsepto, paglalahat o


prinsipyong nagbibigay kahulugan at porma sa paksa, tsapter, yunit o
liksyong pinaplano.

2. Gawing roadmap sa pagpaplano ang pagtataya o ebalwasyon.

3. Nararapat na makalinang ng mapanuri at mapanlikhang pag-iisip ang


lahat ng liksyon para sa mga mag-aaral.

4. Nararapat na nakakaenganyo sa mga mag-aaral ang lahat ng liksyon.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 30
5. Sa isang differentiated classroom, nararapat na magkatimbang ang
mga gawaing pili ng mga mag-aaral at ang itinakda ng guro.

2.2.3 Paghahanda ng Liksyon Batay sa Pangangailangan at Kakanyahan


ng Mag-aaral

Tatlong kakanyahan ang gumagabay sa differentiation: kahandaan,


interes at learning profile. Alam nating mas matututo ang bata kung ang
gawain ay nababagay sa kanyang kakayahan at pagkakaunawa sa paksa
(kahandaan), kung ang gawain ay nakakaenganyo sa bata (interes), at kung
ang takdang gawain ay nakakahikayat sa batang gumawa sa paraang gusto
niya (learning profile).

Kahandaan

Kahandaan ang entry point ng mag-aaral tungo sa isang particular na


kasanayan o pag-uunawa. Ang mag-aaral na hindi gaanong handa ay
nangangailangan ng:

isang taong makakatulong sa kanyang makita, makilala at mapunan ang


gaps sa pagkakatuto para maagapan ito;
mas maraming pagkakataon para sa tuwirang pagtuturo at pagsasanay;
gawaing mas may istruktura o kongkreto, kakaunting hakbang, malapit sa
sariling karanasan at nangangailangan ng simpleng kakayahan sa
pagbasa; o
mas planadong hakbang sa pagkakatuto.

Sa kabilang dako naman, ang mga mag-aaral na may kahandaan ay


nangangailangan ng:

hindi na pagsali sa praktis kaugnay sa kasanayang kabisado na niya;


gawaing mas kumplikado, open-ended, abstrak, at mas mahirap na
babasahin;
mas mabilis na paggawa o kung hindi man, mas mahina para sa isang mas
malalim na paggalugad ng paksa.

Ang isang gawaing angkop sa kahandaan ng mag-aaral ay


nagpapatingkad sa kaalaman at kasanayan niya nang higit pa sa magagawa
niya nang sarilinan. Ang pag-aangkop na ito ay nakakatulak sa kanyang
magsumikap pa mahirap man at nakakatulong sa kanyang pagdugtungin ang
mga elementong alam at di alam.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 31
Mapag-iba-iba ng guro ang kahit alin o lahat ng pangunahing
component ng kurikulum (content, proseso, produkto o resulta) na kaugnay sa
kahandaan. Magagamit niya ang iba ibang pagtataya para masukat ang
kahandaan ng mag-aaral. Subalit palagian ang pagbabago ng kahandaan
kaya mahalagang payagan ang mag-aaral na maglipat-grupo. Madalas na iba-
iba rin ang pagiging kumplikado ng mga gawain sa bawat grupo. Ibinibigay sa
isang mag-aaral na hindi gaanong handa ang gawaing hindi masyadong
kumplikado. Mas makakatulong sa kanya ang pagkakaroon ng kasama sa
pagbabasa, sa pakikinig ng kuwento/panuto na gamit ang tape recorder na
nagbibigay sa kanila ng impormasyong pabigkas.

Ang pag-iba-iba ng antas ng pagtatanong (at ang kasunod nitong


kasanayang pag-iisip) at pagiging buo ng kurikulum ay mahalagang istratehiya
para mabigyang pansin ang kaibhan sa kakayahan at kasanayan ng mga
mag-aaral.

Interes ng Mag-aaral

Alam ng isang magaling na guro na ang susi sa masining na pagtuturo


ay ang pagkakaroon ng plano sa pag-enganyo ng mag-aaral sa paksang
tatalakayin. Hindi maaaring balewalain sa prosesong pagtuturo at pagkatuto
ang engagement ng mag-aaral. Dalawa sa mahalaga at makapangyarihang
motibasyon ay ang interes ng mag-aaral at ang kalayaan nila sa pagpili. Kung
may hibla ng pagkamausisa ang mag-aaral tungkol sa isang paksa, malamang
na matututo siya. Gayunman, nakakalinang din ng pagkakatuto ang kalayaan
niya sa pagpili ng paksa. Problema lang, hindi lahat ng mag-aral ay pareho
ang interes kaya kailangan ang differentiation.

Interes ang tawag sa pagkakalapit, kuryusidad at hilig ng isang bata


kaugnay sa isang particular na paksa o kasanayan. Halimbawa, maaaring nais
na matuto ng praksyon ang isang batang mahilig sa musika, at naiuugnay ng
guro niya ang matematika sa musika. Isa pang batang maaaring mabighani sa
Philippine Revolution dahil sa interes niya sa medisina ang mabigyan ng
opsyon na mahanap ang isang uri ng gamot sa panahong iyon.

Maaaring pag-iba ibahin ang content, proseso at produkto ayon sa


interes ng bata. Dalawang paraan ang maaaring isipin ng guro kaugnay sa
interest ng mag-aaral. Una, madaling matanggap ng isang gurong
nagmamalasakit sa mag-aaral ang pagkilala ng natural na interes ng bata.
Pangalawa, nakakalikha ng bagong interes sa mga bata ang isang masiglang
guro. Kung ang guro ay masigasig sa isang paksa at naihahatid ang
kasigasigang ito sa mga bata, malamang na mahawa ang mga ito.

Ilan sa mga layunin ng instruksyong batay sa interes ng mga mag-


aaral ang mga sumusunod:

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 32
1. pagtutulong sa mga bata na matanto nila na may angkop na sagot sa
paaralan ang sarili nilang hangaring matuto;

2. pagpapakita ng pagiging konektado ng lahat ng kaalaman;

3. paggamit ng kasanayan o ideyang pamilyar na sa mga mag-aaral bilang


tulay sa ideya o kasanayang di pa masyadong pamilyar sa kanila; at

4. pag-enganyo sa mag-aaral na matuto.

Kung nakukumbinsi ng guro ang isang mag-aaral na tingnan ang isang


paksa gamit ang interes niya, ang apat na layuning ito ay malamang na
matamo.

Learning Profile

Nakakaapekto sa pagkakatuto natin ang learning profile. Itoy


tumutukoy sa paraan ng mabisang pagkakatuto. Bawat isa sa atin ay
nakakaalam ng ilang paraan sa pagkakatuto epektibo man para sa atin o
hindi. Sinasabi ng reserts, tamang pag-iisip at karanasan na gaganda ang
resulta kung gagawin ng guro ang tamang hakbang tungo sa ikatututo ng mga
bata. Layunin ng learning-profile differentiation na matulungan ang mag-aaral
na maintindihan ang paraan ng pagkatutong epektibo para sa kanila at
magamit ang mga opsyong ito sa klase.

Apat na kategori ang learning-profile factors ang magagamit ng guro sa


pagplano ng kurikulum at instruksyong nababagay sa mag-aaral. Maaaring
may overlap ang mga ito ngunit mahalaga ang bawat isa sa prosesong
pagtuturo at pagkakatuto. Nakakaimpluwensya sa learning profile ang istilo ng
pagkatuto, katalinuhan, kasarian at kultura. Para sa ilan, mas natututo sila
kung kapalitan nila ng ideya ang kanilang kaibigan. Natuto naman ang iba
nang sarilinan at sa pagsusulat. Ang iba namay unang natututo ng bahagi
bago ang kabuuan. Kailangan naman ng ibang makita ang kabuuan bago
mabigyang- kahulugan ang indibidwal na bahagi. Hilig naman ng ilan ang
lohikal at analitikal na proseso ng pagkakatuto. Mas gusto ng iba ang liksyong
nakapokus sa paglalapat at nakakahamon sa pagiging mapanlikha.

Maaaring gamitin ng guro ang isa o mahigit pa sa mga elementong


kurikular (kontent, proseso, produkto) batay sa isa o ilan sa mga kakanyahan
ng mag-aaral (kahandaan, interes, learning profile) sa alinmang bahagi ng
liksyon o yunit. Ngunit hindi kailangan pag-ibahin ang lahat ng element sa
alinmang paraan. Maari ring maging epektibo ang differentiated classroom
kung pambuong klase ang inihahain. Baguhin lang elementong pangkurikulum

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 33
kung 1) nakikita ang pangangailangan ng mag-aaral, at 2) nakukumbinsi ang
guro na ang pagbabagong ito ay nakakatulong sa pagkakatuto ng mag-aaral.

Apat ang paniniwala ng isang guro ng differentiated classroom:

1. igalang ang antas ng kahandaan ng mag-aaral sa pagkakatuto,


pagkakaunawa sa isang paksa o aralin;

2. asahang umuunlad ang kaalaman ng lahat ng mag-aaral, at suportahan


ang patuloy na pag-unlad na ito;

3. bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na masubukan ang kasanayan


sa iba-ibang antas ng kahirapan at panimulang pag-unawa sa paksa; at

4. bigyan ang mga mag-aaral ng mga pantay na gawain sa anyo, sa pang-


akit, sa halaga at sa panghihikayat nito sa aktibong partisipasyon.

2.2.4 Pagbubuklod-buklod ng mga Elemento

Sa unang mga antas ng differentiation, mahalagang isipin ang kaugnay


sa kahandaan ng mag-aaral, interes at learning profile para mapag-iba ang
kontent, proseso, o produkto. Ang paghahati-hati ng gawain sa angkop na
maliliit na bahagi ay hindi lamang nakakatulong na mapagtuunan ang maliliit at
mas madaling bahagi ng pagtuturo kundi nakakatulong din sa ebalwasyon ng
pangangailangan ng mga mag-aaral.

Sa kabuuan, ang layunin ay ang pagkakaroon ng daloy ng


differentiation na angkop sa bawat mag-aaral sa lahat ng panahon. Itoy
nangangahulugan ng pagsama-sama ng mga elemento at ng mga paraan
para maging kapana-panabik ang differentiation.

Madalas na itinatanong ng isang gurong may sapat na kaalaman sa


differentiation na Nakakabenepisyo ba ang mga mag-aaral sa pag-aangkop
ng pagdulog sa layuning pampagkatuto? Kung ang sagot ay oo,
maghahanap ang guro ng alternatibong paraan sa pagkakatuto ng kanyang
mga mag-aaral, at aalukin ang mga ito na makisabay na sa kanyang hangarin.

Pagsusuri ng Kahandaan, Interes at Learning Profile ng mga Mag-aaral

Marami man ang nailimbag nang mga kagamitan sa pag-alam ng


kahandaan, interes at learning profile ng mga mag-aaral, minsan mas maiging
masimula sa diskarte o katalinuhan ng guro.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 34
Dalawang baguhang guro ang nagnanais na makaalam sa kahandaan
ng mga mag-aaral na hindi pa nila lubos na kilala. Sa pagsisimula nila ng
yunit sa Ancient Rome, nagbuo sila ng pagtatayang may tatlong bahagi.
Ibinatay nila ito sa dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa
(readiness) at mga tanong na kaugnay sa interes at learning profile. Simple at
tuwiran ang pormat nito. Maliwanag din na ang kaalaman ng guro sa
kahandaan ng mga mag-aaral ay sapat na upang maghanda sila ng mga
gawaing aangkop dito.

Tandaan lang na bawat bagay na ginagawa ng mag-aaral ay potensyal


na pagkukunan ng impormasyon tungkol sa kanilang kasanayan, sa nais
nilang malaman, at kung paano sila mas natututo. Isipin ding marami ang
matutunan ang guro sa paggamit ng instrumentong likha niya, sa pag-
oobserba at pagsusuri ng mga datos na makukuha niya.

2.3 Multiple Intelligences (MI)


(Mula sa balangkas ni Dr. Romeo S. Macan)

Gardner - naniniwala sa intelehensya ng tao (at least 7 basic intelligences)


- ang katalinuhan ay higit na may kaugnayan sa kapasidad para sa:
1. paglutas ng suliranin
2. pag-ayos sa produkto sa kontekstong mayaman at nasa likas na
sitwasyon

Ang Teoryang MI ayon kay Armstrong (1994) ay nagsasabing:


Lahat ng tao ay may taglay na pitong uri ng katalinuhan.
Ganap na nadebelop
Bahagya pa lang
Hindi pa

Karamihan ay makadedebelop ng bawat katalinuhan sa isang sapat na


lebel na kompitensi.
"Everyone can excel if given appropriate encouragement, enrichment,
and instruction"

Maiaplay nang magkasabay o magkaka-ugnay ang mga katalinuhan sa


kompleks na paraan.

2.3.1Linguistic Intelligence (Word Smart)

Kapasidad sa paggamit ng epektibong salita


Abilidad sa paggamit ng sintaks o istruktura ng wika, ponolohiya,
semantika at pragmatikong dimension ng wika
gamit ng wika
P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 35
2.3.2Logical-Mathematical Intelligence (Logic Smart)

Kapasidad sa paggamit ng epektibong bilang at makapagpaliwanag


Sensitibidad sa lohikal na hulwaran (patterns) at relasyon. Mga
proposisyon (sanhi-bunga)
Gumagamit ng kakayahan sa kategorisasyon, klasifikasyon, inferens,
paglalahat, konklusyon, pagsubok sa hinuha

2.3.3Spatial Intelligence (Picture Smart)

Abilidad sa pagkilatis sa mundo ng visual-spatial at gumawa ng mga


transformasyon batay sa persepsyon
Kapasidad ng makita at mailalarawan sa paraang grafiko ang mga
ideyang viswal at spatal

2.3.4Bodily-Kinesthetic Intelligence (Body Smart)

Kasanayan sa paggamit ng buong katawan


Espesyal na kasanayang pisikal tulad ng: koordinasyon, balance, tibay,
lakas, fleksibilidad at bilis

2.3.5Musical-Intelligence (Music Smart)

Kapasidad sa pagkilatis ng mga anyong musical


Sensitibidad sa mga ritmo, pitch, melodiya, o timbre ng isang piyesang
musikal
Pagkaunawaang "top-down" o isang formula na "bottom-up"
2.3.6Interpersonal Intelligence (People Smart)

Abilidad sa pagkilatis o pagkilala ng iba't ibang mood, intension,


motivasyon at damdamin ng ibang tao
Sensitibidad sa pagdiskrimineyt sa mga uri ng hudyat interpersonal

2.3.7Intrepersonal Intelligence (Self Smart)

Kaalamang pansarili
Pagkaroon ng wastong larawan sa sarili
Nababatid ang panloob na moods
Pagnanais at kapasidad sa pansariling disiplina

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 36
2.4 Isang UbD plan upang matiyak ang mga kahandaan, kakayahan at
kasanayan sa pagbuo ng araling batay sa UbD: isang matalinong
pagsusuri at pakikilahok

TEMA : PAGPAPAHALAGA SA KATUTUBONG KARUNUNGAN AT


KASAYSAYAN BILANG PAMBANSANG PAGKILANLAN
PAKSA : Ang Alamat ng Lansones
Ang Elemento ng isang Alegorikal
ASIGNATURA : FILIPINO 1
at ANTAS :
TAGAL : 6 na pagkikita
GURO : Orlando B. Magno

YUGTO 1 : PAGKILALA SA INAASAHANG RESULTA/TUNGUHIN


Pamantayaang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagsasagawa
1. Naipamalas ng mag-aaral ang pag- 1. Nasusuri ang mga salik ng isang
unawa sa mga salik ng alamat kuwento na matatagpuan sa
bilang isang uri ng kuwentong- alamat.
bayan.

2. Natutunton ang logikal na mga 2. Napahahalagahan ang katutubong


pangyayari at pananaw mula sa mga pangyayari at pananaw sa
alamat at maiugnay ito sa alamat bilang simulain ng
katotohanang pangkasalukuyan. malikhaing pag-iisip.
Pamalagiang Pang-unawa Makabuluhang Tanong
1. Ang mga alamat ay anyo ng 1. Anong mahalagang papel ang
katutubong kuwento na nagbibigay ginampanan ng alamat sa buhay ng
ng kaalaman, kasiyahan at aral sa tao ayon sa: kaalaman, kasiyahan
mga tao. at aral na kapupulutan?

2. Masasalamin ang kultura, 2. Ipaliwanag ang ugnayan ng alamat


tradisyon, kaugalian, karanasan at sa kultura, tradisyon, kaugalian at
katutubong kasaysayan ng isang kasaysayan ng isang tiyak na
lugar sa pamamagitan ng mga panahon at pangkat ng
alamat. mamamayan.
Layunin sa Kaalaman Layunin sa Kasanayan
1. Nakikilala ang mga salik ng kuwento 1. Nakabubuo ng napapanahong
sa alamat. alamat tungkol sa ating kaligiran na
ginagamit ng mga salik ng kuwento.

2. Naipaliliwanag ang dahilan sa logikal 2. Nakabubuo ng isang ilustrasyon


na mga pangyayari at pananaw sa tungkol sa pagpapahalaga ng mga
alamat. alamat sa ating panahon ngayon.

3. Naihahambing ang mga pangyayari 3. Nakatatanghal ng isang alegorikal.


sa alamat at sa makatotohanang
kaligiran.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 37
YUGTO 2 : PAGTIYAK SA ANGKOP NA KATIBAYAN AT PAGTASA NG PAGKATUTO

1. Pang-unawang Makapagpaliwanag:

a) Naipaliliwanag ang mga salik ng alamat bilang isang uri ng kuwentong-bayan.


b) Naibibigay ang kahulugan ng mga kaugalian, tradisyon at katutubong kasaysayan ng
isang lugar
c) Nakasusulat ng isang alegorikal.
d) Naihahambing ang mga tauhan at pangyayari sa alamat at realistikong kuwento.
e) Nakapagtatanghal ng mga senaryo mula sa alamat o sa realistikong kuwento nang
may damdamin.
f) Naibabahagi ang panariling natutunan mula sa mga gawaing naranasan sa araling
ito.

2. Pagtupad ng Tungkulin:

a) Nakasusulat ng sariling alamat mula sa pang-araw-araw na pangyayari sa buhay


gamit ang mga salik ng isang kuwento.
b) Naiuugnay ang kahulugan ng mga kaugalian, tradisyon at katutubong kasaysayan
mula sa alamat patungo sa pangkasalukuyang kapaligiran.
c) Nailalarawan ang mga pangyayari sa alamat at realistikong kaligiran.
d) Nakasusulat ng isang monologo mula sa alamat na may katumbas ding monologo
mula naman sa realistikong pangyayari.
e) Nakalalapat ng tunog o musika na sasabay sa damdaming ipinahihiwatig ng isang
realistikong pangyayari.
f) Nabibigyan ng galaw o kilos ang panariling pagkakatuto mula sa alegorikal na
pagtatanghal.

YUGTO 3 : PAGTAKDA NG PAGTUTURO AT MGA KARANASANG PAGKATUTO

1. Nakasusulat ng alegorikal.

1. Pagkuha ng mga salik ng alamat at ng realistikong pangyayari.


2. Pagpili ng pangunahing tauhan at pangyayari sa alamat.
3. Pagkuha ng mga tauhan at pangyayari sa realistikong pangyayari, halimbawa,
ng balita sa dyaryo.
4. Panghahambing sa alamat at realistikong kaligiran.
5. Pagsasaguhit ng mga akda. Maaaring gumamit ng komiks.
6. Pagsasanib ng mga tauhan at pangyayari mula sa alamat at realistikong anyo
upang makabuo ng isang alegorikal.
7. Pagbuo ng mga transisyon sa paglipat mula sa alamat patungong realistiko o
mula realistiko patungong alamat.
8. Paglikha ng proligo at epilog.

2. Pagtasa: Pagbubuo ng 2.a hanggang 2.f.

1. Pagtatanghal: isang maikling dulang pang-alegorikal.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 38
2.5 Kasangkapang Pangkaisipan para sa Malikhaing Pagtuturo
(Robert and Michele Root-Bernstein, 1999)

1. PAGMAMASID : nagsisimula sa pagmamasid ang lahat ng kaalaman.


Kasangkot sa gawaing ito ang lahat ng pandama. Nasasanay ang pag-iisip sa
pamamagitan ng pagmamasid.

2. PAGLALARAWANG-DIWA : paggawa ng larawan o simbolo na nasa ating


isipan; pag-iimahen; representasyong pangkaisipan. Sa pamamagitan nito,
ang lahat ng pangkaisipang paglalarawan ay maaaring ilipat sa ibang
medyum katulad ng salita, musika, galaw, eskultura, pagpipinta, pelikula,
drama o iba pang larangan. Kasama rin dito ang pag-alala, pagbabalik at
paglalarawan ng ating mga nararamdaman.

3. PAG-UNAWANG-PABUOD : nagbubukod sa mga natatanging katangian


ng isang ideya na nauunawaan sa kaisipan mula sa mga katangiang
nakukuha naman sa pamamagitan ng pandamang pangkatawan; konseptong
binuo mula sa pandamang pangkatawan sa tulong ng mapanlikhang gamit ng
isip.

4. PAGKILALA SA PADRON NG KAALAMAN : nangangailangan ito ng


pagmamasid at pagsusuri. Ang isang padron ay maaaring makita o mabatid
sa ibat ibang pamamaraan. Kasanayan din ito sa imahinasyon.

5. PAGBUO NG PADRON : ito ang susi sa gawaing inobasyon. Bunga ito ng


ibat ibang katangian ng mga pangkaisipang padron upang makabuo ng
panibagong konsepto o kaalaman.

6. PAGHAHAMBING : pamamaraang gumagawa ng paghahalintulad ng mga


bagong konsepto sa isang napag-aralan na o higit na konkretong bagay.
Pagkakalapit-lapit ng magkakaibang elemento sa likhang-sining; uri ng
ugnayang pangkaisipan kung saan maliwanag na makikita ang kaibahan.

7. DI-VERBAL NA KILOS PANGKATAWAN : kakayahang makaunawa at


mapabatid ang mga kahulugan ng paggalaw ng katawan at/o anumang
bahagi nito, tulad ng tindig, kumpas, ekspresyon ng mukha, at iba pang galaw
ng katawan. Ito ang pangunahing pamamaraan ng pakikipagkomunikasyon
ng tao sa kaniyang kapwa mula pa sa kaniyang pagkakasilang sa mundong
ito.

8. PAGKAMAGKADAMDAMIN : kakayahang maramdaman ang


nararamdaman ng iba o ang pagkuha at pag-unawa sa pananaw ng iba.

9. TATSUKAT NA PAG-IISIP : pag-iisip na may halagang tatlong-


dimensyunal. Pagpapalalim ng pag-unawa mula pisikal, kaisipan at saloobin.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 39
Ang pisikal ay ang pag-unawa mula sa nakikitang panlabas na anyo; ang
kaisipan ay ang pag-iisip at kognitibong pag-unawa; at ang saloobin namay
mga nararamdaman at saykolohikal na mga karanasan.

10. PANGHUWARAN : layunin nito ang mapalapit ang isang mahirap na


gawain o karanasan sa madaling pag-unawa. Nangangailangan ito ng
kakayahang maimahinasyon.

11. PAGLALARO : ayon kay Froebel, mabisang paraan ng pagkakatuto ng


bata ay sa pamamagitan ng paglalaro, sapagkat pinakalikas na bahagi ito ng
kaniyang buhay. Ang paglalaro ay isang proseso ng pagkatuto sa
pamamaraan ng mga gawaing nagbibigay ng kasiyahan at ginagawa ng
bukal sa loob. Ang mga kalahok ay sumusunod at tumutupad sa mga
alituntuning kakaiba sa katotohanan habang nagpupunyagi silang maabot
ang minimithing layunin.

12. TRANSPORMASYON : pagbabagong-anyo at uri mula sa isang sitwasyon


o kalagayan tungo sa isang uri ng anyo, sitwasyon, kalagayan o karanasan
ng isang bagay, sistema, konsepto, pangyayari o tao. Kasangkot dito ang
pagbabago mula sa isang medyum patungo sa ibang uri o anyo. Halimbawa,
mula sa nasusulat na eskript ng isang dula patungo sa pagtatanghal nito sa
entablado na binubuhay ng mga aktor, desenyo, ilaw, kasuotan, gamit-pang-
entablado, at iba pa.

13. KAKINTALANG PAGKAKABUO : kakayahang makabuo ng bagong dibuho


o estruktura sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga elemento o
bahagi ng mga bagay-bagay. Ito ay isang makabuluhang pagsasanib ng mga
pandamang impresyon, damdamin, kaalaman, at pag-aalala tungo sa isang
kabuuan upang magkaroon ng kahulugan ang buhay at ng ating mundo. Ang
kakayahang ito ay hindi isang ideyalismo o isang pangarap, kundi isang
pangangailangan.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 40
3. Mga piling metodolohiya

Malikhaing Gawain: magpapangkat ang klase ng sampung maliit na


grupo. Pipili ng isang metodolohiya at gagawin ang mga sumusunod:
1) Maikling paliwanag kung ano ang metodolohiyang napili
2) Ibigay ang kahalagahan nito sa pagtuturo sa tiyak na aralin at maikling
paliwanag sa mga paraang napapaloob ditto
3) Pumili ng isang integratibo at inobatibong lapit, dulog at simulain sa
pagkakatuto
4) Pagsulat ng isang balangkas o plano na ginagamit ang tiayl na lapit at
napiling metodolohiya
5) Pagpapaliwanag, pagtatanghal o isang mabilisang lecture- demo sa
nabuo ng grupo
6) Ayon sa rubrics na nabuo ng klase, magbibigay ng ebalwasyon sa
bawat pangkat
7) Pag-uusapan ang mga mabibisang natututnan sa malikhaing gawain.

4. Pagtaya at ebalwasyon
Mula sa nagawa sa bilang 3 (malikhaing gawain) gagawa ang bawat
pangkat ng mga sumusunod:
4.1 Diagnostic test/activities
4.2 Post-assessment
4.3 Enabling activities
4.4 Rubrics

Mga Batis:

Armstrong, T. (1994). Multiple Intelligences in the Classroom (3rd ed.).


Magno, O. (2010). Trailblazing: Various Strengths and Needs of Learners.
McCain, T. (2005). Teaching for Tomorrow. Thousand Oaks, CA: Corwin Press.
O'Meara, J. (2010). Beyond Differentiated Instruction. Thousand Oaks: Corwin.
Root-Bernstein, R. a. (n.d.). Sparks of Genius. Houghton Mifflin, Inc.

P e d a g o g y o f C u l t u r a l E d u c a t i o n | 41

Das könnte Ihnen auch gefallen