Sie sind auf Seite 1von 25

Teorya sa Pinagmulan ng Pinagmulan ng daigdig

Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Daigdig


Upang bigyan ng katugunan ang mga tanong kung paano nagsimula at
nahubog ang daigdig, ibat ibang teorya ang ipinanukala ng mga
siyentista. Alin kaya sa mga sumusunod na teorya ang higit na kapani-
paniwala? Tunghayan natin ang ibat ibang teorya ukol sa pinagmulan
ng daigdig at ang ibat ibang pananaw na binibigyang-diin sa mga ito.
Ang mga panukala ng mga bumuo ng mga teoryang tatalakayin ay
bunga ng pananaliksik at malalim na pag-aaral at ginamitan ng
maraming ebidensya.
Teoryang Planetisimal
Isa pang paniniwala ang Teoryang Planetisimal nina Prop. Thomas
Chamberlain at Forest Moulton na binago ni Harold Jeffreys. Batay sa
teorya, ang sistemang solar ay mula sa isang malaking bituin na
sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang isang kimpal na
sumabog na bituin ay naging araw, samantalang ang ibang kimpal ay
naging pamilya ng planeta ang bawat isa.
Ayon sa teoryang ito, nagsama-sama at nagdikit-dikit ang mga kumpol-
kumpol at maliliit na mga planetoid at naging mga planeta kasama na
ang daigdig. Nagmula ang mga planetoid sa mga natatanggal na mga
tipak ng mga bagay-bagay sa sansinukob tulad ng mga bituin at
kometa. Dahil sa mabilis na paggalaw ng mga bagay-bagay na ito,
natutuklap ang mga ibabaw na bahagi ng mga nabanggit na mga bituin
at kometa. Mabilis ding nagpaikut-ikot ang mga natutuklap na bahagi
sa kalawakan sanhi ng puwersang centrifugal at naging mga planeta
pagkatapos ng maraming panahon.
Isa pang paniniwala ang Teoryang Planetisimal nina Prop. Thomas
Chamberlain at Forest Moulton na binago ni Harold Jeffreys. Batay sa
teorya, ang sistemang solar ay mula sa isang malaking bituin na
sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang isang kimpal na
sumabog na bituin ay naging araw, samantalang ang ibang kimpal ay
naging pamilya ng planeta ang bawat isa.
Sinasabi ng teoryang ito na nanatiling tahimik sa loob ng bilyun-bilyong
panahon ang sansinukob. Subalit noong 10 hanggang 15 bilyong taon
na ang nakaraan may malakas na pagsabog na yumanig sa kabuuan
nito galing sa maliit na molekyul. Ang mga tipak mula sa pagsabog ay
patuloy na binubuong muli nang paulit-ulit sa pamamagitan ng
elementong Hydrogen na siyang kailangan sa pagsasaayos ng mga
nasirang bagay. Ayon sa isinusulong na steady state theory, walang
katapusan ang paulitulit na pagbubuo hanggang sa nabuo ang planeta
sa kalawakan.
May dalawang aspeto ang Teoryang Big Bang. Ayon sa isa, simula ng
maganap ang malaking pagsabog, patuloy na lumalayo ang mga piraso
ng bolang apoy sa isat isa kayat patuloy ring lumalawak ang
nasasakupang espasyo ng sandaigdigan. Ayon naman sa ikalawa, ang
patuloy na paggalaw ng mga bituin, gas, at iba pang sangkap ng
sandaigdigan ay maaaring tumigil sa paglayo sa isat isa at sa halip ay
puwedeng bumalik, magsalubong, at magbanggaan. Kapag nangyari
ito, anila, ang simula at wakas ng sandaigdigan ay parehong
magsisimula sa isang malakas na pagsabog.
Teoryang Kondensasyon
Ang Teoryang Kondensasyon ni Robert Jostrow, ang isang araw o bituin
ay nagsimula sa pamumuno ng mga masa ng hydrogen, gas, at ng
atomic dust. Sa kalawakan na tumatanda, sumasambulat at
nagsasabog ng mga pira-pirasong masa at sumasama sa mga bagong
namumuong mga araw tulad ng mga planeta at bituin. Ang pangyayari
ay paulit-ulit at walang katapusan.
Teoryang Nebula/NebularGo to fullsize image
Si Emmanuel Kant, isang pilosoper na Aleman ang nagpanukala noong
hinggil sa pinagmulan ng daigdig. Ayon kay Kant, ang daigdig, pati na
ang ibang nebula, ay nagtataglay ng gas. Sa simula, ito ay malamig,
ngunit sa katagalan, ang mga partikulo sa loob ng nebula ay nag-
uumpugan dahil sa puwersa ng grabidad na siya naming nagtulak sa
mga ito upang umikot. Habang umiigting ang masa, itoy uminit ng
uminit, hanggang sa itoy naging bolang araw na naghahasik ng mga
bolang gas na natanggal, dahil sa lakas ng centrifugal hanggang ang
mga ito ay lumamig at naging planeta. Ito ay tinawag na Nebular
Hypothesis.
Ang teorya ni Kant ay sinang-ayunan ni Pierre Simon Marquis de
Laplace, isang siyentipiko na Pranses noong 1796.

Mga nagawa ng sinaunang tao


Taong Tabon
Tumira sa mga YUNGIB sa Tabon, Palawan // Unang tao sa Pilipinas //
Gumamit ng matutulis at matatalim na bato upang mahiwa ang mga
pagkain // Hindi niluluto ang pagkain
Indones
Galing sila sa Timog Silangan Asya // Dumating sa Pilipinas gamit ang
mga banka (boats) // mahaba at tuwid ang buhok // Gamit at kutsilyo,
sibat at sumpit // Mangagaso // nakatira sa ilalim or taas ng puno
1 .Unang Grupo ng Indones
Balinkinitan (payat) // Mapuputi // Manipis ang labi // bilugan ang ilong //
malapad ang noo // malalim ang mata
2 .Pangalawang Grupo ng Indones
Maiitim // Pandak (maliit) // Pango ang ilong // makapal ang labi //
Malay (Malayo)
Dumating gamit ang mga balangay (boats) // Unat at itim ang buhok //
maiitim ang mata // Medyo matangos ang ilong // Kayumanggi ang balat
(brown) // Nagususot ng pulseras (bracelet), hikaw (earrings) at
Kuwintas (necklace) // Maunlad ang pamumuhay // May sariling
alpabeto (alphabet) // Tanso at bakal //
Sinaunang Kabihasnan ng Asya
Ang sinaunang mga kabihasnan o matatandang mga kabihasnan ay
mga kauna-unahang pang mga kabihasnang o mga sibilisasyon noong
unang panahon na naitatag ng mga tao. Kabilang sa mga ito ang
sibilisasyon ng mga Sumeryo sa Mesopotamya, ng mga Akadyano, ng
mga Asiryo, ng mga Babilonyo, ng sinaunang Ehipto, ng sinaunang
Indiya, ng Lambak ng Indus, ng sinaunang Tsina, ng sinaunang Persiya,
ng sinaunang Gresya o kabihasnang Heleniko, ng kabihasnang
Helenistiko (kasama ang ng mga Penisyo, ng sinaunang mga Romano,
ng mga Kelto, ng mga Dasyano, ng mga Ebreo, ng mga Trasyano, ng
mga Minoe), ang mga kabihasnang pre-Kolumbyano (kasama ang sa
mga Olmek, mga Maya, mga Sapoteka, mga Inka, mga Toltek, at mga
Asteka).
Mesopotamia
Nagmula sa mga salitang Griyego na meso na ang ibig sabihin ay
pagitan at potamos o ilog. Sa makatuwid, ang Mesopotamia ay
literal na nangangahulugang lupain sa pagitan ng mga ilog. Ang
Mesopotamia ang itinuturing na lunduyan ng kabihasnan (cradle of
civilizations). Mahalaga ang Mesopotamia sa kasaysayan ng daigdig
sa kadahilanang ang lugar na ito ay pinamalagian at sinakop ng ilang
matatandang kabihasnan.
Sumerian
Ang Katimugang Mesopotamia ay tinawag na Sumer. Ang mga
[amayanang malapit sa ilog ay bumuo ng 12 lungsod/estado na
pinamumunuan ng isang lugal o hari.
- Matatagpuan sa bawat estado ang mga templong tinatawag na
ziggurat.
- Ang ziggurat ay nagsisilbing sagradong tahanan at templo ng mga
patron o diyos ng isang lungsod. Samakatuwid, ang mga pari lang ang
maaring pumasok dito.
- Ang kanilang mga diyos ay may katangian o katauhan ng isang tao
(anthropomorphic).
- Ang mga kaganapan sa Sumer ay naitala sa pamamagitan ng kanilang
sistema ng pagsusulat. Itoy tinatawag na cuneiform na ibig sabihin ay
wedge-shaped.
- Clay table at stylus ang kanilang ginagamit sa pagsulat.
- Mayroon din silang sasakyan na tinatawag na chariot.
- Nalikha nila ang gulong at araro.
- Mga tanim nila: barley, chickpeas, lentils, millet, wheat, dates,
lettuce, leeks, singkamas, mustasa, sibuyas at bawang.

Mga Unang Imperyo

Akkadian

- Ang mga lungsod sa katimugan ay nagsimula muling isulong ang


kanilang pagiging Malaya.
- Pangunahin sa mga lungsod na ito ay ang Ur sa Ilalim ni Ur Nammu,
ang lungsod na ito naging kabisera ng isang imperyo na kumalaban sa
Akkadian.
- 2100 b.c.e panandaliang nabawi ng Ur ang kapangyarihan nito
pinamunuan amg sumer at akkad, at nagpatayo rin ng ziggurat si Ur
Nammu sa Ur.
- Sa ilalim ng pamumuno ng apo ni ur nammu na si ibbi-su ang ur ay
bumagsak sa pagdating ng mga Amorite at hurrian sa Mesopotamia.

Babylonian

- Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang lumakas na humantong sa


pagsakop ng Mesopotamia at paghahari ni Hammurabi mula 1792
hanggang 1750 b.c.e.
- Ang Babylon ang naging kabisera ng imperyong babylonia.
Hammurabi`s Code
-Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang code
of Hammurabi o batas ni Hammurabi, ay isa sa pinakamahalagang
ambag ng mga sinaunang tao sa kabihasnan.
-Noong 1595 b.c.e, sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang
Babylon. Matagumpay sila at nakuha nila ang estatwa ni marduk, ang
patron ng Babylon.
-Pinaniniwalaang ang mga kassite na naghari sa Babylon at ang
kaharian ng hurrian sa mittani sa hilaga ang namayani sa
Mesopotamia.
-Ang mga kassite at hurrian ay mula sa mga tala ng new kingdom sa
Egypt at Hittite sa kanluran. -Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula
sa hilagang-silangan bahagi ng black sea.

Assyrian
- Ang Assyria ay matatagpuan sa bulubunduking rehiyon nasa hilaga ng
babylonia.
- Ang rehiyong ito ay nagmula sa Tigris at umaabot hanggang sa
mataas na kabundukan ng Armenia.
- Shamshi-Addad I (18138 B.C.E 1781 B.C.E) napasakamay niya ang
Ashur ang unang kabisera ng Assyria.
Ng pumanaw si Shamshi-Addad I:- Nagsimulang bumagsak ang imperyo
- Ang hilagang bahagi ng Ashur ay naging bukas sa pananalakay
- 1120 B.C.E Tiglath-Piliser I kinilala siyang pinakamahusay na hari sa
Assyria, ay nagawang supilin ng mga Hittite at maabot baybayin ng
Mediterranean. Siya ang tinuturing na tagapagtatag ng imperyong
Assyrian.
- Ashurnasirpal II: isa siya sa mahalagang pinuna ng Assyria na
nagpadala ng mga mapasakamay ang mahahalagang rutang
pangkalakalan at makatanggap ng tribo mula sa mahihinang estado.
- 745 B.C.E , napasakamay ni Tiglath-Piliser III ang kapangyarihan at
isinailalim ang iba pang mga estado sa isang imperyo.
- Pinalawig pa ng mga haring Assyrian ang imperyo na umabot mula sa
iran hanggang Egypt. Kabilang ditto ang haring sina sennacherib at
essarhaddon.
-Sa pagkamatay ni Essarhaddon noong 668 B.C.E, siya ay hinalilihan ng
kaniyang anak si Ashurbanipal na kinakitaan din ng maayos na
pamamahala.

Chaldeans
- Ang Chaldean ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Babylonia at
kanang pampang sa Euphrates River.
- 612 B.C.E- Panibagong imperyo ang tinatag at pinamunuan ito ng
isang hari mula sa Chaldean si Nabopolassar
- 625 B.C.E- Pinamunuan niya ang isang pag-aalsa laban sa imperyo ng
Assyrian na siyang kumokontrol sa Babylon sa loob ng halos dalawang
siglo.
- 627 B.C.E- dalawangpung taon matapos ang pagkamatay ni
Ashurbanipal ang Assyria ay muling nasadlak sa tunggalian at
pagkawasak.
- 614 B.C.E- isang hukbo sa ilalim ni Cyaxares ng Medes ang sumalakay
sa lupain ng Assyria at winasak ang lungsod ng Ashur.
- 621 B.C.E Nasakop ng magkatuwang pwersa ni Cyaxares at
Nabopolassar, ang hari ng Babylon, ang lungsod ng niniveh.
-609 B.C.E tuluyang pinuksa ang natitirang hukbo ng Assyrian sa
ilalim ni Nebuchadnezzar II anak ni Nobopolassar.
- 610 B.C.E. 605 B.C.E nakipagtunggali si Nobopolassar sa Egypt.
-Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar II, natamo ng babylonia
ang rurok ng kadakilaan. Ang Babylon ay naging isa sa mga
pinakamahalagang lungsod sa buong daigdig sa kanyang panahon.
- Hanging Garden of Babylon ipinagawa ni Nebuchadnezzar II para sa
kanyang asawa, kinikilala ng mga greek bilang isa sa Seven Wonders of
the Ancient World.
PAGBAGSAK: Ang 60 taong pamamayani ng Babylonia ay muling
nasadlak sa panganib sa panahon ni Nabonidus nang masaksihan ng
Mesopotamia ang pag-usbong ng panibagong kapangyarihan mula sa
silangan, ang mga Persian
- 539 B.C.E ang hukbo ni Cyrus the Great ng Persia ay nilusob ang
Babylon.
- Napasailalim sa kanyang kapangyarihan ang lungsod, kabilang na ang
buong imperyo. Ang Mesopotamia ay tuluyang naging bahagi ng mas
malawak na imperyo ng mga Persian na umabot sa Egypt hanggang
India. Sa pagusbong ng sibilisasyong Greek at ang pagbagsak ng
imperyo ng Persia sa mga kamay ng hari ng Macedonia na si Alexander
The Great.

Cuneiform
- Ang kuneiporme (Ingles: cuneiform; Kastila: cuneiforme) ang paraan
ng pagsulat ng mga Sumerian. Sa simula, mga marka lamang itong
makikita sa pagdiin sa mga luwad na tableta. Gumagamit ang mga
eskriba (scribe; tagasulat sa templo) ng isang maliit na patpat na
tinatawag na stylus. Hango ang cuneiform sa salitang Latin na
cunneus o ang kombinasyon ng mga wedge na ginagamit na tanda nito.
Hindi sa papel sumusulat ang mga Sumerian kundi sa tabletang luwad
na ginagamitan ng stylus habang malambot. Pagkatapos, pinatutuyo
ito sa araw hanggang sa tumigas.

"Kabihasnan sa Egypt"

- Natatangi nag lokasyon ng Egypt sapagkat napalilibutan ito nga mga


disyerto.Matatagpuan sa silangang hangganan ng Egypt ang Disyerto
ng Sinai, sa Timog naman ang Disyerto ng Nubai, at sa kanluran ay ang
malawak na Disyerto ng Sahara. Sa gitna dumadaloy ang Ilog NIle at sa
magkabilang pampang ng ilog nagtayo ng pamayanan ang mga
Ehipsiyo.
- Ang biyayang hatid ng ilog ay nagdala ng pag-unlad sa Egypt kaya
inilarawan ng Griyegong historyador na si Herodotus na ang Egypt ay
handog ng Nile.

Simula ng Kabihasnan ng Egypt

Menes
- Sa simula, nahahati ang Egypt sa dalawang kaharian - ang Upper
Egypt at ang Lower Egypt.
- Isang pinuno ng Upper Egypt, na sumakop sa Lower Egypt para
magbigay daan upang mapag-isa at magbuklod ang dalawang kaharian.
- Itinatag ni Menes ang kabisera sa Memphis at itinaguyod ang unang
dinastiya sa Egypt.

Ang Lumang Kaharian

- Tinawag itong panahon ng pyramid. Sa panahong ito nagsimula ang


pagtatayo ng mga piramide sa Egypt na nagsilbing libingan ng mga
pharaoh. Ang mga pyramids na ito ay nagsilbi ring monumento ng
kapangyarihan ng mga pharaoh.
- Ang unang piramide ay ang kay paraon Djoser na bai-baitang ang
disenyo na matatagpuan sa Saqqara. Ang mga sumonod na paraon ay
nagpatayo pa ng mga piramide na higit na malaki sa pinalitan nilang
paraon.
- Nagwakas ang Limang Kaharian dulot ng magkakaugnay na sularanin
tulad ng kakulangan ng pagkain dahil sa tagtuyot, magastos na halaga
ng pagtatayo ng piramide, at agawan sa kapangyarihan ng mga
maharlika na humantong sa pagkakahati ng Egypt sa maliliit na
kaharian.

Gitnang Kaharian
- Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si Haring
Mentuhotep II. Sa mga sumunod na naghari, napag-isa muli ang lupain.
Nalipat ang kabisera sa Lower Egypt.
- Kalaunan, sa silangang bahagi ng Egypt ay may mga naitayong
pamayanang Hyksos. Ang mga Hyksos ay ang migrante mula sa
Palestine na may angking kaalaman sa pagagamit ng mga chariot at
pagpapanday ng bronse para gawing sandata.

Bagong Kaharian
- Nagsimula ang Bagong Kaharian sa paghahari ng Ahmose I. Binuo
muli ni Ahmose I ang Egypt sa iisang kaharian sa ilalim ng kabisera ng
Thebes.
Reyna Hatsehpsut

Asawa ni Thutmose II at kilala rin bilang isa sa mahuhusay na


babaing pinuno sa kasaysayan.
- Unang babaeng paraon na nagdala ng katahimikan at kaunlaran sa
Egypt sa loob ng sa loob ng 19 na taon.
- Humalili sa kaniya si Thutmose III na pinalaki pa ang teritoryo nang
sakupin ang hukbong Ehipsiyo.

Mummification

- Proseso ng pag-embalsamo ng katawan ng patay upang hindi


mabulok.

Hieroglyphics

- Ito ay ang sistema ng pagsulat ng mga Ehipto.


- Ang mga larawan ay naging katumbas na ng mga tunog.

"Kabihasnan sa India"

India - ay isang subkontinenteng matatagpuan sa Timog Asya na


napapaligiran ng mga bansang Bhutan at Nepal sa hilaga,Bangladesh
at Myanmar sa silangan, Sri Lanka sa timog, at Pakistan sa kanluran.
- Ito'y may lawak na 3,185,018.83 km/ 5124695.29747milya.
- Ito'y napahiwalay sa kabuuang Asya dahil sa Bulubundukin ng
Himalayas at sa Talampas ng Tibet.

Unang Kabihasnan

- Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang unang kabihasnan ng


India sa Lambak ng Ilog Indus. Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-
Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan.
Pinaniniwalaang naging maunlad ang pamumuhay ng mga taong
nanirahan sa dalawang nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga
nahukay na labi noong 1920.

Upanishads

- Ang Upanishads ay kalipunan ng diyalogo ng isang guro at mag-aaral.


- Patungkol ang mga diyalogong ito sa mga paraan kung paano
makakamit ng tao ang paglaya niya mula sa pagdurusa.

Buddhismo

- Ay isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha


kyamuni.
-Ang kaliwanaganni Buddha ay nakabatay sa "Apat na Dakilang
Katotohanan"
1. Ang buhay ay puno ng pagdurusa at kalungkutan.
2. Ang dahilan ng pagdurusa ay ang paghahangad at pagnanasa ng
taosa mga materyal na bagay.
3. Ang pagwawaksi sa pagnanasa ay kailangan upang mawakasan ang
pagdurusa.
4. Ang pagkakamit ng nirvana ay sa pagtahak sa daan ng Eightfold
Path o Middle Way.
-Ang nilalaman ng Eightfold Path ay:
1. Wastong pananaw
2. Wastong hangarin
3. Wastong pananalita
4. Wastong kasalanan
5. Wastong pamumuhay
6. Wastong pag-susumikap
7. Wastong pag-iisip
8. Wastong pag-mumuni-muni

Jainismo

- Ay isa sa mga matatandang relihiyon sa mundo na nagmula pa sa


Antigong India
-Karamihan ng mga tagasunod ng Jainismo ay monghe na inaasahang
susunod sa limang gabay ng pamumuhay.
1. Ahimsa- pamumuhayngpayapa at pagwaksi sa kaharasan sa
anumang may bagay.
2. Satya- pagpapahalaga sa pagsasabing katotohanan.
3. Asteya- pag-iwas sa pagnanakaw.
4. Brahma-charya- pag-iwas sa aunumang gawain at pag-iisip namaka-
mundo.
5. Aparigraha- paglayo sa hangarin ng pagkakaroon ng kaligayahang
materyal.

Imperyong Maurya

- Pagkaraan ng Kabihasnang Indus, nag-kanyakanya ang mga tao at


nagtayo ng mga maliliit na kaharian. Ang mga kaharian na ito na pinag-
isa noong ika-3 siglo BCE bilang Imperyong Maurya na itinatag ni
Chandragupta Maurya at umunlad sa pamamahala ni Dakilang Asoka.

-Karamihan ng mga tagasunod ng Jainismo ay monghe na inaasahang


susunod sa limang gabay ng pamumuhay.
1. Ahimsa- pamumuhayngpayapa at pagwaksi sa kaharasan sa
anumang may bagay.
2. Satya- pagpapahalaga sa pagsasabing katotohanan.
3. Asteya- pag-iwas sa pagnanakaw.
4. Brahma-charya- pag-iwas sa aunumang gawain at pag-iisip namaka-
mundo.
5. Aparigraha- paglayo sa hangarin ng pagkakaroon ng kaligayahang
materyal.

Imperyong Gupto

- Mula kay Chandra Gupta at sa mga humaliling hari pagkatapos niya,


nakaranas ang imperyo ng katahimikan at pag-unlad ng kabuhayan.
- Pagsapit ng huling bahagi ng ika-5 siglo CE, pawang mahihina ang
sumunod na mga haring Gupta. Napabayaan ang hukbong sandatahan
at depensa ng imperyo dahilan upang masakop ang mga lalawigan nito
ng mga mananalakay na mula sa Gitnang Asya. Humantong ito sa
pagkakawatak-watak ng imperyong Gupta sa maliliit na kaharian.

"Kabihasnan sa China"

- Sa lambak sa pagitan ng mga ilog nh Huang Ho at Yangtze sumibol


ang mga unang pamayanan sa China.

Mga Unang Dinastiya

Dinastiyang Hsai
- Pinag-isa nito ang pamayanan sa paligid ng Huang Ho.
- Ang unang hari nito ay si Yu, isang inhinyero at matematiko.

Dinastiang Shang
- Pumalit ito sa dinastiyang Hsia noong 1500 BCE.
- Ang tatlong pangunahing katangiang paghahari ang mga Shang ay
ang
- pag-uumpisa ng pag-sulat - kaalaman sa paggamit ng bronse - ang
pag-aantas ng lipunan.

Dinastiyang Zhou

- Noong taong 1027 BCE, napatalsik ng mga Zhou ang dinastiyang


Zhou. Bilang pagpapatibay ng kanilang pamamahala, ipinagtuloy nila
ang konsepto ng Tian Ming o "mandato ng langit' na ang hari ang
kinikilalang katawan ng langit sa mundo.

Dinastiyang Qin

- Ang nagtagumpay sa mga nagdidigmaang estado ay ang dinastiyang


Qin na pumalit sa dinastiyang Zhou.
- Tinawag ng pinuno ng Qin ang kaniyang sarili na Shi Huangdi sa
nangangahulugang unang emperador.
- Noong 202 BCE, tatlong taon matapos mamatay si Shi Huangdi,
bumagsak ang dinastiya nang mag-alsa ang mga tao.

Pilisopiyang Lumitaw sa Huling Dalawang Dinastiya

Confucianismo

- Si Confucius ay ipinanganak noong 551 BCE, sa panahon na ang


dinastiyang Zhou ay unti-unting nawawasak dahil sa digmaan ng mga
estado.
- Namuhay siya bilang isang iskolar at ayon sa kaniyang pag-aaral,
dapat taglayin ng bawat isang jen o ang kabutihan at pagmamahal sa
kapuwa.
- Maipapakita ng jen sa pagsasaayos ng limang ugnayan sa kapuwa na
dapat tuparin ng mga Tsino upang magkaroon ng kaayusan,
kapayapaan, at mabuting pamamahla. Ang mga ito ay mga sumusunod:
1. Ugnayan ng pinuno at mamayan
2. Ugnayan ng ama at anak
3. Ugnayan ng mag-asawa
4. Ugnayan ng matandang kapatid sa nakakabata
5. Ugnayan ng magkaibigan

Taoismo

- Isa pang pilosopiya na sumisibol sa China ay ang Taoismo.


- Naniniwala si Lao-Tzu na ang pinakamahalagang gawain upang
makamit ang kaayusan at kapayapaan ay ang pagpaubaya sanatural na
takbo ng kalikasan.
- Ayon sa kanyang aklat na Tao Te Ching, mayroong puwersa ng
kalikasan na namamahala sa lahat ng mga bagay sa mundo.Ito ay
tinatawag naTao o "landas"

Legalismo

- Sina Hanfeizi at Li Su ay dalawa sa mga nagsulongng pilosopiyang ito,


ang malakas at mahusay na pamahalaan ang susi sa pagpapanatili ng
kaayusan.

"Iba pang Kabihasnan sa Asya"


Hitito

- Nagmula sa mga damuhan ng Gitang Asya ang mga Hitito.


- Noong 1650 BCE, nabuo ang imperyong Hitito at itinatag nila bilang
kabisera ang lungsod ng Hattusass.
- Sa loob ng 450 taon, naging makapangyarihan ang mga Hitito sa
Kanlurang Asya.
- Dalawa ang susi sa tagumpay sa digmaan ng mga Hitito.
- Ang una ay ang paggamit ng mabibilis na chariot
- Ang ikalawa ay kanilang kaalaman sa pagpapanday ng bakal upang
gawing pana, palaso, palakol at espada.

Pheniciano

- Ang mga Phoeniciano, kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko, ay


nananahan sa mauunlad na lungsod-estado samay baybayin ng dagat
Medditeraneo.
- Mahuhusay silang manggagawa ng ng barko, manlalayag, at
mangangakal na nagtatag ng mga estratehikong lungsod na may
daungan tulad ng Sidon, Tyre, Beirut, at Byblos.
- Iba't ibang produkto ang ikinakalakal ngmga Phoeniciano tulad ng
bakal, garing, at purple dye na mula sa Murex snail.
-Nakikipagpalitan din sila ng mga alipin.
- Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng mga pagbabago sa paggamit
ng alpabetong sinimulan ng mga Phoeniciano.

Persyano
- Nagmula ang makapangyarihang imperyo ng Persia sa malawak na
talampas ng kasalukuyang Iran.
- Kabilang ang mga persyano sa lahing Indo-Aryano.
- Ang salitang Persia ay halaw sa katagang Persis, bansag ng mga
Griyego sa lugar na iypn.
- Itinuturing na isa ang imperyong Persyano sa pinakamalaking
imperyo noong panahongiyon sapagkat nagawa nilang napalawak ang
kanilang territoryo na umabot ng tatlong kontinente:
- Asya - Africa - Europe

"Ang Mga Kabihasnan ng Amerika"

- Matatagpuan ang mga kontinente ng North Amerika at South Amerika


sa pagitan ng dalawang malalawak na karagatan, ang Karagatang
Pasipiko at Karagatang Atlantiko.

Olmec

- Mga taong goma(rubber people) ang mga pamayanan na naninirahan


sa baybayin ng Golpo ng Mexico noong 1200 .
- Ang base culture ng Amerika dahil ang kanilang mga naimbento at
nilikhang kasangkapan at kaalaman ay hiniram at ginamit ng mga
sumunod na kabihasanan.
- Nakasentro sa trlihiyon ang buhay ng mga Olmec.

Teotihuacano

- Matatagpuan sa lambak ng Mexico ang tinaguriang "Lupain ng mga


Diyos"o Teotihuacan.
- Ang Teotihuacan ay kinikilala bilang unang lungsod sa America.
- Mula 100 C.E., ang lugar na ito ay naging sentro ng mga magsasaka,
artisano, arkitekto, at musikero.
- Mapayapa ang pamumuhay ng mga Teotihuacano na nakasentro
lamang sa pagsasaka, kalakalan, at relihiyon.
- Sinasamba ng mga Teotihuacano ang diyos na si Quetzalcoatl o ang
tinaguriang Feathered Serpent.
Mayan
- Nagsimulang sumibol ang kabihasnan ng mga Mayan mula sa mga
pamayanang nagsasaka na nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para
sa kanilang diyos.
- Mula rito, lumaki ang mga pamayanan at naging mga lungsodtulad ng
Tikal, Copan, Uxmal, at Chicken Itza na matatagpuansa katimugang
Mexico at sa Gitnang Amerika.
- Nasa pinakamataas na antas ng lipunan ang mga maharlika na
namamahala sa mga mamamayan ng lungsod. Tinatawag na halach
uinic ang pinuno ng lungsod na siya ring pinuno ng hukbo

Cenote
- Isang malalim na balon, bilang sakripisyo sa kanilang mga diyos.
- Ang mga pari ang namumuno sa mga seremonya ng pag-aalay

Pyramid of the Jaguar

- Matatagpuan sa Tikal.
- Isang piramide ng mga Mayan na pinadarausan ng mga seremonya ng
pag-aalay sa kanilang mha diyos.
- Ito ay mataas na templo na nagsisilbi ring monumento at musoleo ng
kanilang mga pinuno.

Aztec

- Nagmula sa hilagang Mexico ang mga nomadikong Aztec na kilala rin


sa tawag na Mexica.
- Itinuturing na extractive empire ang pamamahala ng mga Aztec.
- Sa lungsod ng Tenochitlan matatagpuan ang mga templo para sa
maraming diyos ng mga Aztec.
- Tinularan ng mga Aztec ang mga Mayan sa paglikha nila ng
kalendaryo.

Inca
- Sa South America, sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na
sumakop sa malaking bahagi ng Kabundukang Andes.
- Umabot ang territoryong sakop nito sa Peru, Bolivia, Ecuador at mga
bahagi ng Chile at Argentina.
- Nag simula sa isang maliit na pamayanan sa lambak ng Cuzco ang
mga Inca.
- Sa pamumuno ni Pachacuti Inca, lumawak ang nasasakupan ng mga
Inca at nakabuo sila ng isang imperyo.

"Kabihasnan sa Africa"

- Ay ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig, na


nagtataglay ng iba't-ibang uri ng pamumuhay ng mga tiga rito.

Nok

- Isa sa mga sinaunang kultura na nanirahan sa Nigeria mula 500


B.C.E. hanggang 200 B.C.E.
- Sila ay mga magsasaka na unang nakaalam ng paraan ng
pagpapanday ng bakal sa bahaging iyon ng Africa.

Kushite

- Sa mahigit 2000 taon, napasailalim sa kapangyarihan ng mga


Ehipsiyo ang rehiyon ng Nubia(ngayon ay Sudan) na matatagpuan sa
katimugang Ilog Nile.
- Kinikilala si Haring Pianki bilang unang pinuno ng imperyong Kushite.

Aksumite

- Ayon sa alamat, ang pagkakatatag ng kaharianng aksum ay


pinagsimulan ng anak ng Reyna ng sheba at haring soloman ng Israel.
- Ang kaharian ng Aksum ay matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi
ng Africa.
- Tinawag na cosmolitan ang kultura ng mga Aksumite sanhi ng
kanilang pakikipagugnayan at pagiging bukas sa impluwensiya ng mga
dayuhan.
- Ang kaharian ng Aksum ay tumagal hanggang 800 taon.
- Humina ang kaharian sanhi ng mga mananakop na Muslim.

Ghana

- Ang mga mamamayan ng Ghana ay tinatawag ng Soninke.


- Lumago sa isang imperyo ang kanilang pamayanan dahil lokasyon
nito bilang isang sagandaan ng kalakalan sa Africa.
- Noong 1054, ang mga Almoravid ng Morocco ang sumalakay sa
kaharian. Bunsod nito, unti-unting humiwalay ang ilang maliliit na
estado na lubusang nagpahina sa imperyo.

Mali

- Taong 1235 nang lumitaw ang kaharian ng Mali na mula sa anino ng


Ghana.
- Ang unang mansi o emperador ng Mali ay si Sundiata.
- Isa pa sa mga kinikilalang pinakadakilang pinuno ng Mali ay si Mansa
Musa.

Songhai

- Isang pangkat ng mga tao na humiwalay sa imperyo ng Mali.


- Sila ang mga Songhai na bumuo ng isang hukbo, nagpalawak ng
teritoryo, at mula sa kabisera ng Gao ay pinamahalaan ang mga rutang
pangkalakalan.
- Isa sa natatanging pinuno ng Songhai ay si Sunni Ali.
- Ang nagpabagsak sa imperyo ng Songhai ay ang kakulangan nito sa
makabagong armas. Noong 1591, sinalakay ng mga Moroccan ang
imperyo gamit ang mga baril at kanyon. Sa huli, matagumpay na
nasakop ng mga Moroccan ang Songhai.

Hausa

- Dating sakop ng mga Songhai.


- Nakamit lang nila ang kanilang kasarinlan nang humina ang
imperyong Songhai.

Benin

- Itinayo ang kaharian ng Benin sa pampang ng Ilog Niger.


- Lumaki ang sakop ng kaharian sa pangunguna ni Haring Ewuare.

"Kabihasnan sa Pasipiko"
Polynesia

- Ay binubuo ng mahigit sanlibong pulo mula sa Gitnang Pasipiko


hanggang sa New Zealand.
- Galing sa Griyegong polus na nangangahulugang "marami" at nesos
na nangangahulugang "pulo".
- Sakop nito ang malaking triyangulong teritoryo mula sa Hawaii sa
hilagang-silangan, patungo sa Easter Island sa timong-silangan, at sa
New Zealand sa kanluran.

Micronesia

- Ay bahagi ng Pasipiko na pinakamalapit sa Pilipinas.


- Galing sa Griyegong mikros na nangunguluhugang "maliit" at nesos
na nangangahulugang "mga pulo".
- Galing sa lahing Austronesyano na nanggaling sa Timog China at
Formosa.

Melanesia

- Matatagpuan sa Kanlurang Pasipiko.


- Galing sa Griyegong na melas na ang ibig sabihin ay "maitim" at
nesos.
unang Kabihasnan ng timog amerika
Ang mga Mayan

Sumibol ang kabihasnan ng mga Mayan sa pamayanang nagsasaka na


nagtayo ng mga sentrong panrelihiyon para sa kanilang diyos. Mula rito
lumaki na ang pamayanan at naging lungsod na kinabibilangan ng
Tikal,Copan, Uxmal, at Chichen Itza na matatagpuan sa Mexico at
Gitnang America. Ang Mayan ay nahahati sa apat na antas ng lipunan.
Ang pinakataas ay ang mga maharlika na namamahala sa mga
mamamayan ng lungsod. Halach Uinic ang pinuno ng lungsod na siya
ring pinuno ng hukbo. Kaagapay Halach Uinic ang ilang mga maharlika
sa paglikom ng buwis at pagsasaayos ng pambublikong gusali at
kalsada.
Ang mga Aztec
Sa hilagang Mexico ng mula ang mga nomadikong Aztec na kilala rin sa
tawag na Mexica. Nagsilbi din silang sundalo sa maliliit na lungsod-
estado sa lambak ng Mexico. Nang matatag ang Aztec sa kabisera sa
Tenichtitlan, unti-unting nasakop ang mga kalapit na kaharian.
Itinuturing extractive empire ang pamamahala ng mga Aztec . Dahil
kapag nasakop nila ang isang lungsod, hindi nila pinapalitan ang mga
pinuno.
Ang mga Inca

Sa south america sumibol ang isang kabihasnan at imperyo na


sumakop sa malaking bahagi ng Kabundukang Andes. Ang Imperyong
ito ay ang Inca. Sa maliit na pamayanan sa lambak ng Cuzco nagsimula
ang mga Inca. Sa pamumuno ni Pachacuti Inca, lumawak ang
nasasakupan ng mga Inca at nakabuo ng isang imperyo. Naging
matagumpay ang Inca sa pagpapalawak ng kanilang teritoryo dahil sa
natatangi nilang paraan at pakikidigma.

Pagbagsak ng Roma
Nawalan ng saysay ang pagsisikap nina Diocletian at
Constantine.
Malala ang suliraning panloob ng Imperyo

Mga Salik Sa pagbagsak ng Roma


Pagpili ng Emperador
Paghina ng Ekonomiya ng mga lungsod
Pagtaas ng buwis
Pagbaba ng Populasyon
Pagsalakay ng barbaro
Naging tau-tauhan ang emperador sa hukbo
Lumikha ng krisis ang kalagayang ito
Tumugon sa pangangailangan sina Diocletian at Constantine.
Sinikap nilang iligtas ang imperyo
16 ang mga emperador na namuno
Marcus Aurelius(161-180 CE)- Romulus Augustus (476-493 CE)
Sa 16 iilan lang ang nararapat

Piyudalismo
Isang sistemang Pangmilitar at Pampulitika. Umiiral noong
kalagitnaang panahon sa Kanlurang Europa. Sa ilalim ng sistemang ito
ang lupaing pag-aari ng Asendor, na tinatawag na Panginoon, ay
ipinagagamit sa kanyang tauhan, na tinatawag namang mga
Basalyo(vassal)habang ang mga ito ay naglilingkod sa kanya. Ang
sistemang PIYUDAL ay kontrata sa pagitan ng isang maharlika at isang
basalyo na kung saan ay bibigyan ng may-ari ng lupa (maharlika) ang
isang basalyo ng FIEF (lupa) bilang kapalit ng kanyang paglilingkod
kasabay ng ritwal na HOMAGE o INVESTITURE na siyang aktwal na
pagbibigay ng lupa.
Bahaging ginampanan ng simabahan sa kolonyalisasyon
Ang ebanghelisasyon ay isang mapayapang paraan na estratehiya sa
pamamagitan ng pagpapalaganap ng kristiyanismo sa Pilipinas at
nagsisimbolo ito ng krus. Ang kolonisasyon naman ay ang kabaliktaran
ng ebanghelisasyon. Ito ay nagsisimbolo ng espada at hinding
mapayapang paraan dahil ginagamitan ito ng lakas-militar. Sa
estratehiyang ebanghelisasyon, ang mga paring Espanyol o prayle. Ang
mga lakas-militar o guardia civil ang namamahala sa kolonisasyon.

Tinawag ng mga Espanyol ang mga Pilipino na mga pagano o infieles


dahil wala silang pinaniniwalaang diyos. Tinatawag rin sila na di-
sibilisado dahil ang kanilang pamumuhay ay kakaiba sa Europa lalo na
sa Espanya.

May mga patakarang ipinatupad ang mga Espanyol. Una ang entrada.
Ito ang unang hakbang sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Ginagamitan ito ng mga lakas-militar upang sakupin ang Pilipinas.

Matapos ang entrada, sumunod ang reduccion. Ito ay ang pag-iipon ng


mga tao sa iba't ibang barangay sa isang cabecera. Dahil sa
patakarang ito, napadali ng mga Espanyol na masakop ang Pilipinas.

Ang mga paring misyonero naman ang nangangasiwa sa pagpapatupad


ng doctrina. Ito ay ang paghahanda sa pagtatayo ng isang parokya.
Ang mga paring misyonero rin ang nangangasiwa ng pagbibinyag sa
mga simbahang Katoliko. Sa patakarang ito, ang mga Pilipino ay hindi
na tinatawag na pagano ng mga Espanyol dahil nagkaroon na silang
pinaniniwalaang diyos.

Maliban sa entrada, reduccion, at doctrina, ang mga Pilipino na


sapilitang ipinasailalim sa mga Espanyol na napakaloob sa sistemang
encomienda. Ang sistemang encomienda ay isang polisiyang pang-
ekonomiya na itinakda ng pamahalaang Espanya. Ito rin ay ang mga
karapatan at tungkulin na ipagkatiwala at ipinagkaloob sa hari ng
Espanya upang mmapayapa ang Pilipinas. Ang encomienda ay nagmula
sa salitang encomendar na ang ibig sabihin ay "ipagkatiwala". Ang
mga encomendor na napagkalooban ng encomienda at naging
tagapamahala sa nasasakupan. Sa sistemang ito, ang Pilipinas ay
nakaranas ng kahirapan sa buhay.
Bilang kolonya ng hari sa Espanya, ang mga Pilipino ay sapilitang
pinagserbisyo sa hari sa pamamagitan ng polo y servicio personal o
prestacion personal. Ang polo y servicio personal ay ang sapilitang
paggawa ng walang kabayaran. Ang mga lalaking Pilipino na mula 16
hanggang 60 na taong gulang ay pinaglilingkod o pinatatrabaho nanng
40 na araw sa loob ng isang taon sa pamahalaan ng Espanya. Sila ay
inaatasang magputol ng mga puno sa mga gubat at gumawa ng mga
barkong pandigma. Dahil sa polo y servicio personal, marami ang
nagutom na mga Pilipino at kumunti ang populasyon ng mga lalaki sa
Pilipinas.

Labis ang sapilitang pagbayad ng buwis na ipinatupad ng mga


Espanyol sa Pilipinas. Ang tawag sa pangkalahatang buwis na ipinataw
ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay tributo. Ang mga ecomendero ang
nangungulekta ng mga buwis sa Pilipinas. Sa tributo, ang mga Pilipino
ay nakaranas rin ng kahirapan.

Nagbago ang ekonommiya ng Pilipinas dahil sa pagpapatupad ng mga


bagong patakaran.
Ang Renaissance
tumutukoy sa panahon ng kasaysayan sa Europa mula ika-14
hanggang ika-16 na dantaon
ito ay isang panahon ng pagbabalik-sigla sa mga makalumang interes
mula sa mga pangangailangang ispirtwal noong Panahong Medieval na
nagsimula sa Italy

ang pangunahing na katangian nito ay ang muling pagkamulat ng sa


kultural at klasikal na kaalaman ng Greece at Rome na nagbigay-diin
sa kahalagahan at kakayahan ng tao

Kasabay nito ang pagsilang ng dalawang paniniwala:

Ang paniniwala na ang tao ay dapat na maging malaya sa paglinang ng


kanyang mga kakayahan at interes.
Ang paniniwala na dapat hangarin ng tao ang lubos na kasiyahan sa
buhay na pangkasalukuyan.
Mga Salik sa Pagsibol ng Renaissance sa Italy

Dahil sa magandang lokasyon ng bansang Italya, nagkaroon ito ng


pagkakataon na makatanggap ng ibat ibang kaisipan mula sa ibang
lugar sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan.
Sa Italy nahubog ang kadakilaan unang Roma at napanatiling buhay
ang kabihasnan nito.
Ang pagtataguyod ng mga maharlikang angkan sa mga taong
makasining at masigasig sa pag-aaral.
EPEKTO NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL
Rebolusyong Industriyal iniuugnay sa mga kaganapang panlipunan
at pang-ekonomiya na humantong sa pagbabago mula sa lipunang
agrikultural at komersiyal tungo sa modernong lipunang industriyal
nakasalalay sa paggamit ng makinarya sa halip na mga tool o
kagamitan
naganap sa Great Britain noong kalagitnaan ng ika-18 siglo
hanggang sa kalagitnaan ng ika-19 siglo
lumaganap sa ibang bahagi ng Europe hanggang sa malaking bahagi
ng daigdig
Ang mga pagbabago sa produksiyong industriyal, transportasyon, at
agrikultural ay may malaking implikasyon sa pagbabago sa
pamumuhay ng mga mamamayan.

Dalawang uring panlipunan ang nakilala dahil sa Rebolusyong


Industriyal ang uring manggagawa na tinatawag na proletariat at ang
gitnang uri o bourgeoisie na binubuo ng mga mangangalakal, may-ari
ng pabrika, mananalapi, abogado, at iba pang propesyonal.

Sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo, nagsimulang lumaganap ang


Rebolusyong Industriyal sa Belgium, France, Germany, United States,
at Japan. Sa kabuuan, maipaliliwanag ng Rebolusyong Industriyal ang
pangunguna sa kalakalang pandaigdigang teknolohiyang ito ay may
kakayahang maglabas o gumawa ng mga produkto nang maramihan sa
mas murang halaga at mas mataas na kalidad. Dahil din sa
Rebolusyong Industriyal, nahikayat ang mga Kanluranin na paigtingin
ang pananakop ng mga kolonya. Isinagawa nila ang ikalawang yugto ng
imperyalismo sa huling bahagi ng ika-19 na siglo.
Krusada
KRUSADA - isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong
Europeo laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem
sa kamay ng mga ito.
PINAGMULAN
*Kamatayan ni Charlemagne
-Pananakop ng mga dayuhan.
*Namatay si Mohammed
-Nanakop ang mga Muslim.
-Sinakop ang Byzantine.
Layunin
Upang mabawi ang Banal na Lupain o ang Jerusalem.
Mapaalis ang mga kabalyero.
Maibalik sa ilalim ng Roma ang Eastern Orthodox.
Iba pang Dahilan:
*Para sa mga walang lupa -pagkakataong magkalupa sa Asya.
*Adventurer -nagdudulot ng kasiyahan.
*Sa mga ganid -maraming makakamkam mula sa Silangan.
*Sa mga ambisyoso -karangalan.
*Binuo ni Papa Urban II sa pamamagitan ng maningning na
pagtatalumpati ni Peter, the hermit.
RESULTA
-Nabawi ang Edessa, Antioch, Tripoli at Jerusalem.
Unang Krusada(1096-1099)
Ikalawang Krusada (1147-1148 C.E.)
DAHILAN: Pagbawi sa Edessa na sakop ng mga Turkong Muslim.
LIDER:
Haring Louis VII -France(1147)
Emperador Conrad III -Alemanya
Saladin -sultang muslim na namuno sa kanila.
RESULTA -hindi nagtagumpay dahil sa pagtatalo ng mga pinuno at
kakulangan ng mga taong lumalaban.
Louis VII
Saladin
Ikatlong Krusada (1189-1192 C.E.)
*Krusada ng mga hari.
DAHILAN: bawiin ang Jerusalem sa kamay ni Sultan Saladin.
LIDER:
Richard I(England) -naiwang mag-isa.
Philip II Augustus(France)
-nagkunwaring nagkasakit.
Frederick Barbarossa(Alemanya)
-nalunod.

Richard I
Philip II
Frederick
Ikaapat na Krusada (1202-1209)
DAHILAN: Bawiin ang Jerusalem.
LIDER:
Papa Innocent III -nag-alok sa mga maharlikang Pranses na sumama
sa Krusada.
-Naakit sa mga salapi at kalakalan.
RESULTA:
*Pinaka-nakakahiyang krusada.
*Nawalan ng interes sa ipinaglalaban.
Ikalimang Krusada (1212-1221)
-Krusada ng mga bata.
*Stephen -Namuno.
*Iconoclasm -Pagdurog sa mga santo pati krisipiho.
Ikaanim na Krusada (1228-1229)
NAMUNO: Frederick II -Emperador ng Imperyong Rome.
*Krusada ng Diplomasya*
RESULTA: Nakuha ng mga kristiyano ang Israel (Jerusalem) sa
pamamagitan ng isang kasunduang pangkapayapaan.
Ikapito(1248-1254) at Ikawalong Krusada (1270)
NAMUNO: Haring Louis IX -Pinuno ng France.
NAMUNO: Edward I ng England
-ito ay tinuturing na huling pangunahing krusadang mediebal sa Banal
na Lupain. Ang pagkabigo ni Louis IX ng Pransiya na bihagin ang Tunis
sa Ikawalong Krusada ay nagtulak kay Edward I ng Inglatera na
maglayag sa Acre na kilala bilang Ikasiyam na Krusada.
Ikasiyam na Krusada (1271-1272)

Das könnte Ihnen auch gefallen