Sie sind auf Seite 1von 3

ALAMAT

ANG ALAMAT NG SAMPALOK

Noong araw ay may isang mayamang babaing ubod ng suwapang at masamang ugali. Ang pangalan niyay
Felicidad. Donya Felicidad kungtawagin siya ng lahat.

Dahil sa kasamaan ng ugali ni Donya Felicidad, hindi niya pinagamot ang asawang may
sakit. Ayaw niyang mabawasan ang kanyang kayamanan. Namatay ang lalaki na hindi nabigyan ng
remedyo.

Mula nang mamatay ang asawa ni Donya Felicidad ay lalo siyang nagging masama ang kanyang
pag-uugali. Pinalayas pa niya ang kanilang enkargadong si Regalado pagkatt nanghihinayang na siya sa
ibinabayad dito.

Isang araw, nag-ususap ang mga magsasaka sa pangunguna ni Regalado. Pinag-uusapan nila ang
kanilang kawawang buhay dahil kay Donya Felicidad. Nag-isip sila ng paraan kung paano maihaharap sa
donya ang kanilang reklamo.

Nalaman ni Donya Felicidad ang pag-uusap ng mga magsasaka.Nagalit ito pagkat inisip na baka
masama na ang gustong gawin sa kanya ng mga magsasaka. Lalong nagging masama ang ugali ng Donya at
nang dumating ang anihan ay walang itinira sa mga magsasaka. Kinuha niya lahat ang mga inaning bigas
at sinabing iyon ay bayad sa mga utang sa kanya.

Nakiusap ang mga magsasaka na bigyan sila kahit na ilang salop lamang na bigas para makain
lamang ng kanilang pamilya. Pero hindinaawa ang donya.

Dahil doon, naisipang umalis ng mga magsasaka sa lupa ni Donya Felicidad. Isang araw, may
matandang pulubing pumasok sa villa ng donya para humingi ng pagkain. Gayon na lamang ang galit ni
Donya sa utusang napapasok sa pulubi. Ikaw, ano ang kailangan mo rito?

Ako poy nagugutom at ibig ko lang pong manghingi ng kaunting pagkain, and sagot ng pulubi.

Kumuha ng kapirasong tinapay si Donya Felicidad at nang hawak nay sinampal ang pulubing
inalok. Hayan ang tinapay. Umalis ka na at uli-uli ay huwag mong dudumihan ng mga marurumi mong
paa tiong aking villa

Hindi mo sa inirespeto ang katandaan ko, ang galit na sabi ng pulubi. Sinampal mo ako at saka
inalok. At pagkasabi niyon ay umalis na ang pulubi na isinigaw ang salitang Sampal-alok! Sampal-alok!

Parang nabingi si Donya Felicidad at walang malamang gawin.Nagtatakbo siyang


pumanhik sa terasa ng villa, at sa kanyang pagkalito ay nahulog. Noon din ay namatay ang may
masamang ugaling babae.

Ang mga nangyaring iyon ay nalaman ng lahat ng mga tao.Inilibing nila ang donya sa isang lugar,
pagkatapos ay kinuha ang mga pagkain sa bodega at sinunog ang villa.

Makaraan ang ilang buwan, may tumubong punong kahoy sapinaglibingan ng donya. Ang bunga ay
maasim katulad ng maasim naugali ng donya. Tinawag nila itong sampal-alok, at di nagtagal, pinaikli
nila itong sampalok.

ALAMAT NG MGA UNANG ALITAPTAP


Ang sabi ay tao lamang ang gumagamit ng apoy. Ang mga hayopdaw ay hindi. Ito
ay hindi totoo sapagka't ang mga alitaptap ay gumagamit din ng apoy. Alam mo ba kung bakit gumagamit
ng apoy angmga alitaptap?

Noong unang panahon, ang mga alitaptap ay maliliit na kulisaplamang. Ang mga kulisap na iyon a
y walang dala-dalang apoy. Nguni't itoring mga kulisap na ito ang tinatawag natin ngayong ALITAPTAP. Ba
kitkaya sila ngayon ay may dal-dalang apoy na kikisap-kisap?

Gaya rin ng mga alitaptap ngayon, ang mga kulisap noong unangpanahon ay gabi lamang kung lu
mipad. Naguni't ayaw na ayaw nila ngmga gabing madilim. Ang ibig nila ay mga gabing maliwanag ang bu
wan.Kapag madilim ang gabi ay nagtatago sila sa mga damo. Nagtatago silasa mga dahon at sa mga bulak
lak. Sila ay takut na takot. Bakit kaya?

Isang gabing madilim, walang malamang pagtaguan ang mgakulisap na iyon. Nakakita sila ng isan
g punong sampaguita. Ang ilan sakanila ay nagkubli sa nga bukong bulaklak nito. Mayroon namangnagkubl
i sa mga talulot.

"Bakit ba?" ang tanong ng sampaguita. "Bakit ba kayo nagtatago? Bakitba kayo takot na takot?
Kayo ba ay natatakot sa dilim?"

"Hindi kami sa dilim natatakot," ang sagot ng isang kulisap.

"At saan?" ang tanong ng sampaguita.

"Sa mga kabag-kabag," ang sagot ng maraming kulisap.

"Bakit kayo natatakot sa mga kabag-kabag?" ang tanong ng sampaguita.

"Inaano b akayo ng mga kabag-kabag?"

"Kami'y kinakain nila," ang sabi ng mga kulisap. "Kapag kami ay nakita nila ay hinuhuli kami at
iyon na ang katapusan ng aming buhay."

"Masama naman ang ginagawa sa inyo ng mga kabag-kabag," ang wika ng sampaguita.

"Biruin mo, kay rami ng mga kabag-kabag," ang sabi ng isang kulisap. "Kaya kami ay pakaunti nang
pakaunti."

"Mauubos nga kayo kung ganyan," ang wika ng sampaguita. Kaawaawa naman kayo."

"Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin," Ang wika ng mga kulisap.

"Eh, bakit kung maliwanag ang gabi ay hindi kayo nagkukubli sa aking ouno?" ang tanong ng
sampaguita.

"Kung maliwanag ang buwan ay mahirap kaming mahuli ng mga kabag-kabag," ang sagot ng isang
kulisap.

"Hindi makakita sa liwanag ang mga kabag-kabag, eh," ang dugtong ng isang kulisap.

"Sila ay nasisilaw sa liwanag," ang dugtong pang uli ng isang kulisap.

"Ganoon pala. Hindi pala makakita sa liwanag," ang sabi ng sampaguita. "Tuturuan ko kayo kung
ano and dapat ninyong gawin."

"Ano ba? Ano ba ang dapat naming gawin?" ang tanong ng bawa'tkulisap.
"Bawa't isa sa inyo ay magdala ng apoy," ang sabi ngsampaguita. "Pagkatapos ay magsabay-sabay
kayong lumabas. Matatakotsila sa inyo. Hindi nila kayo malalapitan."

"Oo nga, siya nga," ang sabay-sabay na sabi ng ilang kulisap.

"Mabuti nga, ano?" ang sabi pa rin ng ibang kulisap.

Ganoon na nga ang ginawa ng mga kulisap. Isang gabing madilim, ang bawa't isa sa kanila ay
nagdala ng apoy, pagkatapos ay nagsabay-sabay silang lumabas. Naku! Para silang alipatong lumilipad.
Hindi nga naman sila malapitan ng mga kabag-kabag.

Anong tuwa ng mga kulisap. Lumipad sila nang paikut-ikot sa punong sampaguita.

"Salamat sa iyo, Sampaguita. Kami ngayon ay malaya na."

Mula na noon tuwing lalabas ang mga kulisap pag madilim anggabi nagdadala sila ng apoy. Ang m
ga kulisap na iyon din ang tinatawagngayong "ALITAPTAP."

ALAMAT NG MANGGA

Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si Ben. Nagmana siya sa
kanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan ni
Ben. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalang
nangangahoy, isang matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan ng
damit.

Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalingin ang
anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan,
habang nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hiningi nito ang puso ni Ben, Ibinaon ng
diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-puso. Marami ang
nakikinabang ngayon sa bungang ito.

Das könnte Ihnen auch gefallen