Sie sind auf Seite 1von 7

Pagsasalin ng Akdang Cebuano tungo sa Pambansang Kamalayan

Malayo na ang narating ng pagsasalin ng mga akdang rehiyunal sa ating bansa. Sa isang
multilinggwal na lipunan na mayroon tayo, malaki ang papel na ginagampanan ng gawaing ito
upang mailapit at maiambag ang mga kaisipian, karanasan, kaalaman at karunungang mula sa
ibat ibang kultura sa pambansang kamalayan. Samakatuwid, ang pagsasalin ng mga akdang
rehiyunal ay isa sa mga hakbang upang magkaroon ng katuparan ang pambansang adyenda sa
pagpapaunlad ng ating wika at panitikan.

Naniniwala ako na ang pagsasalin ng isang akdang mula sa aking pinagmulang bayan-
Cebu, ay magbubukas ng pagkakataon para sa pagsasakatuparan ng adhikaing ito. Anupat ayon
kay Lumbera, ang panitikang panrehiyon ay papaloob ang bisa- nagpapalalim at nagpapatibay ito
sa pag-ugat ng akda sa tradisyunal na kalinangan ng rehiyon. Kung gayon, ang pagdalumat sa
kulturat wika ng Cebu bilang kahingian ng pagsasalin ay makatutulong upang higit kong
maunawaan at makilala ang bayan kung saan ako nagmula.

Sa mapangahas na pagtatangka kong magsalin ng akdang Cebuano, naging


mapanghamon ang pagpili mismo ng akdang isasalin. Batid kong marami ang nakahaing mga
akdang Cebuano sa mga aklatan, internet o sa kung saan pa man, ngunit tiniyak kong ang
mapipili kong akdang isasalin ay nagtatampok ng mga bagay tungkol sa Cebu gayundin ay may
taglay na paksang tumatalakay sa mga usaping panlipunan. Sa ganitong paraan, nakikita kong
magkakaroon ng kabuluhan ang pagsasalin hindi lamang para sa pagpapaganap ng aking
pagkatao bilang taga-Cebu gayundin para sa mga taong babasa ng aking isinalin na magkaroon
sila ng kamalayan sa mga isyung litaw sa akda.

Matapos ang paghahanap at pagpili ng akdang isasalin, nakuha ng aking interes ang isa sa
mga akda ni Erlinda K. Alburo, kilalang guro, mananaliksik at direktor ng Cebuano Studies
Center of the University of San Carlos. Ang akdang ito ay pinamagatang Antulanga na kung sa
tagalog ay Gumamela. Ito ay isang dagli na kabilang sa mga kuwentong nakapaloob sa aklat na
Babayeng Sugid / Cebu Stories, isang antolohiya ng mga malikhaing akda ng mga kasapi ng
Women in Literary Arts, Inc. (WILA). Ang kuwentong ito ay umiikot sa isyu ng kahirapan, pag-
ibig at seksuwalidad at matamang pag-aralan dapat ng mga mag-aaral sa panahon ngayon.

Narito ang orihinal at naisaling akdang Antulanga ni Erlinda K. Alburo.


ANTULANGA
ni Erlinda K. Alburo

Kanus-A kayha ta magkakita pag-usab, Roy?"

Dili magkita akong gilitok, kay tuyoon man nang magkita. Wala man ko magdahom ba
nga pangitaon niya. Kay, kapila ra god mi magkaduol sukad adtong gipaila-ila mi sa akong
manoy nga kauban ni Roy sa trabahong gisudlan.

Ikaduha na namo tong pagkit-anay sa Plaza adtong Dominggo kay mao ra may ika-day-
off namo. Maayo ganing ang batang dos anyos nga akong gibantayan ihatod man sa inahan didto
sa lola niya matag Domingo. Maong nakahigayon ra kog suroy. Di sad ko ganahang mopuyo sa
balay, uy, kay hagkot og tinan-awan si Sir.

Maarang-arang ra bag tsura si Roy, matod ko. OK rag magkauyab mi.

Way sure sunod Dominggo, Mel. Mel may akong angga kay ang tinuod nakong ngalan
Gumamela man.

Sa ato pa diay, way purohan nga mobalik siya sa sunod semana. Diha mi tungod sa
estatuwa ni Legazpi man kuno to, nanglingkod. Kuan god, nagpabugnaw mi adtong tungora
nilang Morena, akong kauban sa balay nga kusinera ug Rowena, iyang kaluha nga nangagalon sa
sikbit balay didto sa Tisa.

Mibangka ra ba si Roy og Selecta ice cream namong tulo. Akong gi-ordir mango flavor
gyud kay ganahan kog hayag nga bulok. Kon wala pa untay mango, bisag ubi na lang unta to.

Pilay sulti, nalingaw man silang Morena og tan-aw adtong nanista nga buta didto sa duol,
mao nga kaming Roy ra ang nagkahinabi.

Diha kuno siyay gihulat nga mopasulod niyag laing trabaho kay gamay ra man iyang
sweldo. Sa akong bahin, ingon kong mangita sad kog laing kasudlan igkatiwas ni Tatay og bayad
sa iyang utang.
Sa atbang sa among gilingkuran may pipila ka namulak nga antulanga. Kay sayo-sayo pa
man, bukad kayo kini sila, tulo ka buok ug pulos pula. Gikutlo ni Roy ang usa ug dayong hatag
nako kay kuno mao toy bulak nga angay kaayo nako nga sayag ang panagway.

Taudtaod miabut na ang iyang gihulat. Wow, mas gwapo pa niya ug espoting kaayo!
Humag ila-ila namo ug nilang Morena, nanamilit na sila.

Kanus-a kayha ta magkakita pag-usab, Roy?

Mitawag og taxi ang gwapong laki. Giabli niya ang pultahan sa likod ug gipauna si Roy
og sulod. Agpan usa siya mosunod iya usang gihapuhap ang sampot ni Roy.

Gilabay ko na lang ang antulanga. Miaksyon naman sad kini sa pagkalawos sa pagdagpi-
dagpi nako niini sa akong paa.

***

GUMAMELA
Salin ni Angelica D. Agunod mula sa Antulanga ni Erlinda K. Alburo

Kailan kaya tayo magkikitang muli, Roy?

Hindi tayo magkikita sa salita lamang, kundi sadyain talaga nating magkita tayo. Hindi
ko naman inaasahan na hahanapin niya ako. Kasi, minsan lang kami magkita simula nang
ipakilala siya sa akin ng kuya ko na kasama ni Roy sa trabahong pinapasukan.

Pangalawa na naming pagkikita sa Plaza noong Linggo dahil iyon lang ang day-off
namin. Mabuti na lang, yung dalawang taong gulang na batang binabantayan ko ay inihahatid
ng nanay niya sa kaniyang lola tuwing Linggo. Kaya may panahon akong gumala. Di ko rin kasi
gustong maiwan sa bahay dahil malagkit ang tingin sa akin ni Sir.

Maayos naman ang hitsura ni Roy, sabi ko. Ayos lang kung maging magkasintahan kami.
Di sure sa susunod na Linggo, Mel. Mel kasi ang aking palayaw dahil ang totoong
pangalan ko ay Gumamela.

Ibig sabihin, walang kasiguraduhan na babalik siya sa susunod na linggo. Diyan sa harap
ng estatuwa ni Legazpi raw kami uupo. Ganito kasi, nagpapalamig kami noon nina Morena, ang
aking kasama sa bahay na kusinera, at si Rowena, ang kaniyang kakambal na nag-iigib sa bahay
na malapit sa Tisa.

Nanlibre si Roy ng Selecta ice cream sa aming tatlo. Ang aking in-order ay mango flavor
dahil iyon ang paborito ko. Kung walang manga, kahit ube na lang sana.

Sa madaling salita, nalibang sina Morena sa kakanood ng naggigitarang bulag doon


malapit sa kanila, kaya kami na lang ni Roy ang nagkuwentuhan.

Mayroon daw siyang hinihintay na magpapasok sa kaniya ng ibang trabaho dahil maliit
lang daw ang kaniyang sweldo. Ako naman, maghahanap din ako ako ng ibang mapapasukan
pakatapos ni Tatay bayaran ang kaniyang mga utang.

Sa harap ng aming inuupuan ay may mga bulaklak ng gumamaela. Dahil maaga-aga pa


naman, namumukadkad sila, tatlong piraso na puro pula. Pinitas ni Roy ang isa at agad na
ibinigay sa akin dahil ito raw ang bulaklak na bagay sa aking maaliwalas na hitsura.

Maya-mayay dumating ang kaniyang hinihintay. Wow, mas gwapo pa sa kaniya at mas
mapormang manamit! Matapos niyang magpakilala sa amin ni Morena, nagpaalaam na sila.

Kailan kaya tayo magkikitang muli, Roy?

Tumawag ng taxi ang gwapong lalaki. Binuksan niya ang pintuan sa likod at pinauna si
Roy na pumasok. Ngunit bago siya sumunod, kaniya munang hinaplos ang likuran ni Roy.

Itinapon ko na lamang ang gumamela. Naging lanta na rin kasi ang bulaklak sa
paghampas-hampas ko nito sa aking binti.

***

Mapapansin na sa usapin ng anyo, halos magkahaba lamang ang orihinal na akda at ang
nabuong saling akda marahil dahil ang estruktura ng Wikang Cebuano ay may pagkakahawig sa
estruktura ng Wikang Filipino bagamat may mga pagkakaiba rin. Sa kabuoang proseso, inilapat
ko ang ibat ibang paraan ng pagsasaling iniliahad ni Peter Newmark (1998) kabilang ang
pasasaling salita-sa-salita (one-on-one translation), leksikal na kasingkahulugan (lexical
synonymy), adaptasyon at malaya. Pansinin kung paano naganap ang pagsasalin sa bawat paraan:

Pagsasaling salita-sa-salita (one-on-one translation),

PW: Kanus-A kayha ta magkakita pag-usab Roy?

TW: Kailan kaya tayo magkikitang muli Roy?

PW: Maarang-arang ra bag tsura si Roy, matod ko.

TW: Maayos naman ang hitsura ni Roy, sabi Ko.

PW: Taudtaod miabot na ang iyang gihulat.

TW: Maya-mayay dumating na ang kaniyang hinihintay.

PW: Mitawag og taxi ang gwapong laki.

TW: Tumawag ng taxi ang gwapong lalaki.

PW: Giabli niya ang pultahan sa likod ug gipauna si Roy og sulod.

TW: Binuksan niya ang pintuan sa likod at pinauna si Roy na pumasok.

PW: Agpan usa siya mosunod, iya usang gihapuhap ang sampot ni Roy.

TW: Ngunit bago siya sumunod, kaniya munang hinaplos ang likod ni Roy.

PW: Gilabay ko na lang ang Antulanga.

TW: Itinapon ko na lamang ang Gumamela.


Leksikal na Kahulugan (Lexical Synonymy)

PW: Akong paa

TW: Aking binti

PW: Gikutlo ni Roy

TW: Pinitas ni Roy

PW: Trabahong Gisudlan

TW: Trabahong pinapasukan

Adaptasyon

PW: Mibangka ra ba si Roy og Selecta ice cream namong tulo

TW: Nanlibre si Roy ng Selecta ice cream sa aming tatlo

Malaya

PW: Dili magkita akong gilitok, kay tuyoon man nang magkita.

TW: Hindi tayo magkikita sa salita lamang, kundi sadyain talaga


nating magkita tayo.

Mapapansin na sa lahat ng paraang inilapat, higit na gamitin ang pagsasaling salita-sa-


salita (one-on-one translation). Kung gayon, maaaring implikasyon nito na maraming salita sa
Cebuano ang may tiyak na tumbas sa Filipino, at sa usapin ng gramatika ay may pagkakahawig
ang dalawa. Mapapansin din na may ilang pagkakaiba sa aspekto ng pandiwa ng ilang pahayag
mula sa orihinal patungong saling akda. Halimbawa, sa salitang Cebuano na gilabay, ito ay
may kahulugang itinapon sa Filipino. Ang unlaping "gi-" ay nagiging unlaping "i-" sa
aspektong perpektibo. Sang-ayon ito sa naging pag-aaral ni Mansa, Egin T. (2002) na "Isang
Paghahambing sa Aspektong Pandiwa sa Wikang Filipino at Wikang Cebuano" dahil natuklasan
niya na may pagkakaiba at pagkakatulad sa dalawang wika sa bawat aspekto ng pandiwa na
banghay. Mahalagang matuklasan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Wikang Filipino at
Wikang Cebuano upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa bigkas at kahulugan. Ang
pagkakaroon ng maling paggamit ng dalawang wika ay siyang dahilan ng pagkakaroon ng
maling kahulugan sa pahayag at talagang mahalaga ito sa proseso ng pagsasalin.

Sa kabuoan, natatanaw kong naging makabuluhan ang nagawang pagsasalin. Ang


pagsasaling ito ay nakatutulong upang maisama ang mga akdang rehiyunal sa binubuong
pambansang panitikan dahil sinasalamin ng mga panitikang ito (rehiyunal) ang mga saloobin,
pagkilos, pag-iisip, damdamin ng mga taong saklaw ng bayan at bansang Pilipinas saanman ito
isniulat o ipinahayag.

Das könnte Ihnen auch gefallen