Sie sind auf Seite 1von 1

AKING LIYAG

May Ann O. Ballares

Nung nakita ka, puso koy najulog na

Mapagkandili, mapupungay ang mata


Hiyay bakahin, naningalang pugad na
Para sayo liyag, mamuti ang mata.

Ako ay dehins japorms, sadyang promdi lng


Dito saking pusot isip, ikay bugtong
Kahit sa pagtulog, ikay bungang tulog
At dehins mamamangka sa dalwang ilog.

Ikay hindi magsisisi sakin liyag


Pag-ibig sayoy hindi ningas-kugon lng
Mula mag-irog, haharap sa magaling
Hanggang sa panahong tayoy maging gurang.

Das könnte Ihnen auch gefallen